Breakeven (Book3 Part5)
_________________________________
Breakeven (Book3 Part5)
by: Migs
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Kunot noo kaming tinitignan ng dalawang emcee, di ko parin maintindihan kung ano ang ginagawa naming dalawa ni Edison sa taas ng stage, may mga ilang pares narin ng lalaki at babae sa entablado at may dalawang pares na parehong babae.
“Yes mga kuya ano po yon?” sarkastikong sabi ng baklang emcee.
“Sasali kami.” sabi ni Edison at naghiyawan ang mga tao sa paligid kasama na ang mga magkakapares na nasa entablado.
Nagkatinginan ang dalawang emcee.
“What? 2 guys can't do it and two girls can?” tanong ni Edison sabay turo sa dalawang pares ng mga babae sa may bandang dulo ng stage.
“Oo nga naman.” sabi nung isang emcee.
“Actually.” sang ayon nung isa.
“Halika na.” sabi sakin ni Edison at hinila ako papuntang dulo ng entablado.
“Uulitin lang namin ang mechanics ng game ha? Ang gagawin po natin ay body shots, mas daring mas maganda, isa sainyo ang maglalagay ng icing sa sariling katawan habang didilaan naman ito ng isa, pagkatapos dilaan ay iinom ng vodka ang kalahok na siya ring dumila ng icing. Ngayon ito ang twist, ang madlang pipol ang maghuhusga kung sino ang mananalo by means of pinakamalakas na palakpak at hiyawan. Oh ready na ba kayo? Sila ate at kuya muna na siyang pinakamalapit samin ang mauuna.”
Kinakabahan kong tinignan si Edison na binigyan lang ako ng isang thumbs up. Inirapan ko ito at humagikgik lang ito.
Malakas ang hiyawan sa mga naunang kalahok pero mas lumakas ito ng magsimula na ang unang pares ng parehong babae na ang nakasalang, karamihan sa mga humiyaw ay mga lalaki, halos mabulabog na ang buong Boracay ng matapos ito.
“Ok, tapos na ang ating G to G, lets now go to our M to M.” nangaalaskang sabi ng emcee, dito pa lang ay naghiyawan na ang mga tao, mas malakas pa kesa sa dalawang naunang pares ng babae.
“Oh, take off both your shirts naman, madudumihan lang yan ng icing.” sabi nung isa, walang keme kemeng hinubad ni Edison ang t-shirt niya, pinagtripan pa nga siya ng DJ ng patugtugan ito ng isang kanta na kala mo pang romansa, game naman na gumiling si kumag. Lalong naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga babae na nakita ang pamatay na abs ni Edison.
“Oh, kuya ikaw din.” sabi sakin nung isang emcee, umiling lang ako.
“Ayyy! Shy type.” sabi naman nung isa.
“Take it off, take it off, take it off.” sabi ng mga tao sa paligid, pero umiling lang ako, maya maya pa ay itinayo na ako ni Edison, nagpatugtog ulit ang DJ this time, Careless whisper na ang isinalang nito at unti unti akong hinubaran ni Edison, mas lalong naghiyawan ang mga tao.
“Di rin naman pala masama ang katawan ni kuya, pa-shy shy pa.” sabi ng isang emcee.
“Who's going to be the licker?” tanong nung isang emcee.
“He is.” turo sakin ni Edison, wala na akong nagawa, inabot na kay Edison ang bote ng icing spray, walang tigil ang hiyawan.
Napanganga na lang ako sa naisip na ito ni kumag, napailing pero di ako nagpatalo dito.
“Ito pala ang gusto mo ha.” sabi ko sa sarili ko. Parang nangiinis ang tugtog na isinalang ng DJ, Body shots ni Kaci Bataglia at ludacris, unang nilagyan ni mokong ng icing ang kaniyang kaliwang tenga, dinilaan ko ito atsaka tumungga ng isang baso ng vodka, ang sunod naman nitong nilagyan ay ang kaniyang leeg at nagsimula narin itong gumiling at inikot ako patalikod, patalikod kong sinaid ang icing sa kaniyang leeg sunod ay sa kaniyang dibdib, walang tigil ang hiyawan ng mga nasa bar na iyon. Maya maya pa ay iniharap ulit ako nito saglit na nagtitigan at binigyan ako nito ng nakakalokong ngiti.
“Kaloka! May pangiti ngiti at titigan pang nalalaman sila kuya!” comment ng isang Emcee habang umabot na sa nakakabinging lebel ang hiyawan.
Sunod na nilagyan nito ay ang kaniyang pusod, parang wala sa sarili ko itong dinilaan lalong naghiyawan ang mga tao ng pababa ko itong dinilaan. Naglagay naman ng icing ulit si kumag sa kaniyang dibdib, pero di ko muna ininom ang vodka dahil itinuloy ko ang pagdila mula sa kaniyang pusod paakyat naman sa kaniyang dibdib, habang hindi inaalis ang aking dila sa pagkakasayad sa kaniyang balat.
Dumadagundong na ang buong station 2 ng Boracay, nagsisimula ng dumami ang mga guest ng bar na iyon, kahit walang maupuan ay ayos lang mapanood lang nila ang ikinababaliw ng lahat ng taong nandon.
Sunod na nilagyan ni Edison ay ang kaniyang kaliwang tenga pero tulad kanina ay di ko na pinutol ang pagdila mula sa dibdib, kahit wala naman akong dadaanang icing sa kaniyang leeg papuntang kaliwang tenga niya ay tinuloy ko parin ito, hindi ko parin inlais ang pagkakasayad ng aking dila sa kaniyang balat. Nagwawala na ang mga tao sa loob ng bar.
“Okay, tapos na po...” simula ng emcee pero di nagpatinag si Edison dahil naglagay pa siya ng icing sa kaniyang mga labi.
“Actually, hindi pa tapos eh sige last one!” sigaw ulit ng emcee.
Umayos na ako ng pagkakatayo at tumingala na kay Edison, malugod naman itong yumuko at inilapit ang kaniyang mga labi na puno ng icing sa aking mga labi. Lalong dumagundong ang buong station 2.
0000ooo0000
“Tarantado ka! Dahil lang pala dito?!” sigaw ko kay Edison habang iwinawagayway sa mukha niya ang isang teddy bear na napalanunan namin sa contest ng body shots kanina.
“Oi! Hindi yan basta teddy bear!” sabi nito sabay hagikgik, inagaw niya ito sakin sabay haplos sa ulo ng teddy bear.
“Weird.” sabi ko na lang, pero di parin maialis sa isipan ko ang halik kanina. Gamit ang hintuturo ay dinutdot ni kumag ang aking noo.
“Bakit ganiyan ang itsura mo? Mukha kang nastroke habang nakikipagsex.” sabi nito sakin sabay hagikgik, di ko naman masabi dito na iniisip ko ang halikan namin kanina at baka mawirduhan ito sakin.
0000ooo0000
Pagpasok namin sa hotel room niya ay para itong bata na nagtatatalon dahil sa napalanunan naming teddy bear, napa iling na lang ako. Nagpunta ako sa may CR para maligo at magtoothbrush at paglabas ko ay naabutan ko itong nanonood ng blues clues.
“Yung totoo? Napagkaitan ba ng kabataan ito nung maliit pa siya?” tanong ko sa sarili ko.
“There! Foot prints I saw it!!” sigaw nito habang nakaturo pa sa TV at tumitingin sakin. Parang batang iniintay ang papuri ng magulang.
“Goodjob anak, now take a bath and rinse all those icing.” sabi ko dito, tinignan ako nito ng masama.
“Are you making fun of me?” tanong nito at naniningkit padin ang mga mata.
“No.” sabi ko dito habang pinipigilan ang sarili na mapatawa, tumayo na ito saka nagpunta sa banyo. Lumabas ako sa may verranda at pilit na sinasaulo ng magandang tanawin, umupo ako sa isang bangko na nakalaan doon at tumingala at pinagmasdan ang mga bituin.
“That's Orion.” sabi sakin ni Pat, habang inaadjust ang kaniyang telescope, di na ako nakipagtalo dito sa halip ay tinignan ko na lang siya.
“You know what? gusto ko bago ako mamatay nakikita ko ang mga stars na iyan, parang nakaka relax kasi.” wala sa isip na sabi nito at humiga na sa banig na nilatag namin inunan nito ang kaniyang dalawang kamay. Inunan ko naman ang kaniyang dibdib.
“Ikaw?” tanong nito sakin, napatahimik ako bigla.
“Gusto ko, bago ako mamatay, ikaw parin ang nasa tabi ko.” sabi ko dito, tumahimik ito at dahan dahang umupo, ngayon ang hita na niya ang ginagawa kong unan. Mayamaya pa ay inilapit na nito sakin ang kaniyang mukha at hinalikan na parang wala ng bukas.
Nagpapahid ako ng luha ng biglang sumulpot sa harapan ko si Edison.
“Geez! May factory ka ba ng luha?” tanong nito sakin pagkatapos ay ngumiting nakakaloko, umupo ito sa katabing silya.
“Ano bang storya niyo niyang kumag na ex mo?” nagulat ako sa tanong niyang yun.
“Nako, di ito interesante para sayo.” sabi ko nalang habang pinapahiran ang huling luha sa aking mga mata.
“Try me, and I'm doing this para kahit papano gumaan yang pakiramdam mo.” sabi nito habang nagbubukas ng isang beer in can.
“Eric is Pats' Bestfriend, noon pa lang nagdududa na ako sa dalawang yun tapos nito lang din ng aminin sakin ni Pat na naging Ex niya si Eric at lalong sumakit yun ng mahuli ko silang nagsesex, bali pangalawang beses na nung nakita ko sila sa cottage nila.” sabi ko dito. Umiling iling naman ito.
“Ikaw, anong kwento mo?” tanong ko dito, di ito nagsalita at tumitig lang sa espasyo sa unahan niya.
“Bakit bigla kang napa bakasyon?” tanong ko dito.
“Well, I need a time off.” matipid na sabi nito.
“Yun lang?” tanong ko ulit.
“I'm also here to fix a broken heart.” mahinang sabi nito sabay tungga. Napatitig naman ako dito, ang kaninang parang bata na kagaslawgaslaw ay seryosong seryoso na ngayon sa harapan ko. napaka unpredictable talaga nito.
“Kasi?” pageengganyo ko dito.
“I've been in love with my bestfriend for the last ten years or so, tapos biglang dumating ang big break niyang maituturing sa kaniyang career, nung hindi pa ito dumadating, sigurado ako na may nararamdaman din ito sakin pero habang ginagawa niya ang project niya with my brother, I grew uncertain of it, kaya naman gumawa ako ng move to win his heart, but I was too late, masyado ng nainlove ang bestfriend ko sa kapatid ko.” mahabang sabi niya habang nakatitig parin sa kawalan.
“His heart? HIS?” tanong ko sa sarili ko ng mapagtanto ko ang mumunting detalyeng yun, pero di ko na ito inungkat pa, ramdam kong nasasaktan ito.
“So there, yun ang pansamantala kong gustong takasan.” sabi niya sabay ngiti.
“Pwede pang magtanong ng isa pa?” tanong ko ulit.
“Sa office kasi sobrang stiff mo tapos dito naman kala mo ka nakawala sa kural, bakit ganun ka?” parang bata kong tanong dito.
“18 years old palang ako nung ipasa sakin ni Dad ang responsibilidad sa opisina, I need to be strict so people would respect me, bihira ma-gain ng isang teenager ang respeto ng mga 30+ or something na businessmen, kung di ko gagawin yun, people wouldn't invest in our company, tapos paminsan minsan kapag nakakawala ako sa kural, tulad ngayon, saka ko pinapalabas ang totoong ako, ang pagiging batang isip.” sabi nito sabay ngiti at peace sign. Napangiti nadin ako.
“Bakit mo ako hinalikan kanina?” tanong ko dito.
“Because you're too absorbed with your breakup sa sobrang absorbed nakalimutan mo na na kaya tayo nandito ay para magsaya, kaya inalis ko muna ang isip mo sa lintik mong boyfriend na yan.” sabi nito sabay labas sa kaniyang teddy bear at nilarolaro nanaman ito.
“Pwede isa pang tanong?”
“Andami na niyan ah?” nahagikgik na sabi nito sakin.
“Last na to promise tas matutulog na tayo.”
“Anong kwento nyan?” sabay turo ko sa teddy bear niya.
“Nung bata ako, nakapulot ako ng isang teddy bear sa playground ng school, ibibigay ko sana to sa teacher ko ng makita kong may pinagkakaisahan ang mga bully samin, sinubukan ko itong tulungan, pero dahil payatot din ako ay pareho lang kaming nabugbog. Nasa clinic na kami pareho at naglalapatan ng dinurog na yelo sa mukha para sa mga pasa namin, masyado siyang naapektuhan sa pambubully sa kaniya at kwento siya ng kwento na sana di ko na siya tinulungan dahil ayon sa kaniya simula noong ipinagtanggol ko siya pareho na kami nitong pagiinitan, nawala lang lahat ng pagaalalang iyon ng makita niya ang teddy bear na hawak ko, di ko alam pero parang nawala sa isip niya ang pagaalala nang sinimulan niya akong tanungin tungkol dito, kaya simula noon di ko na inalis ang teddy bear sa tabi ko, dahil pakiramdam ko di na siya nagaalala pag nakikita niyang nilalaro ko ito.” mahabang salaysay nito habang nilalaro ang kaniyang teddy bear.
Dun ko lang din na-realize na tama siya, tuwing nakikita ko na nilalaro niya ang stuffed toy na iyon ay parang nawawala ang pagaalala ko, panandalian, Oo, pero nawawala ito, parang bata na ahinan mo ng laruan ay siguradong titigil na ito sa kakangawa, napatitig na lang ako sa kaniya.
“Tara tulog na tayo.” aya nito sakin.
Itutuloy...
nice chapter sir migs! specially the body shots part. :)) sana po mapost na rin next book ng chasing pavements. :))
ReplyDeleteIto ang story na pinakaaabangan ko. Nakaka GV, dahil siguro sa pagiging childish ni Edison. More exposure pa sana sa mga susunod na libro si Edison.
ReplyDeleteComment ko lang sa mga release ng story dapat isang story kada araw or every other day ung kada story.
-flashbomb
Kuya migs, una sa lahat, mas trip kong sabay ang update mo.
ReplyDeleteDi naman dapat malito d b?!
Obvious naman na different ang title.
at alam kong maraming tulad ko ang naghihintay sa parehong galaw ng story.
Kaya po wag nyo pong change ang sabay na update.
Alam nyo po mas inaabangan ko na to kaysa update ng naruto na manga at anime update.
-back to the comment bout the story..
wow amazing.
napipicture out ko sa utak ko yung ganitong tao.
meron kasi akong ganun kakilala eh.
pag nasa harap ng iba, wagas maging serious.
pero pag mga ka-close nya lang, ang kulit.
sa totoo nga lang sa sobrang cute ng ganung ugali nya nakakahulog sya eh.
but then again, bawal umibig sa katropa.
may masasaktan lang sa huli for sure.
maraming thanks kuya migs.
more power :D
ganda nung body shots... hahaha saya.. :)
ReplyDeletenice chapter...
ReplyDeletesorry kung ngayon lang ako nakapag-comment...
ReplyDeletei'm super in-love with the story and its characters.. hehehe
God bless.. -- Roan ^^,
weeeeeeeeee! Nice!
ReplyDeleteGaling ng story..
Gusto ko ung body shotshehehhe...
Sana cla nlng...
-mars
MigsXD sorry naman sa comment koXD mas ok kung epilogue parang shortcut/summary/introduction or kung anu man tawag dun..
ReplyDeletethanks sa praise moXD haha..
so si pat at eric na ngayon tama lang yan sabi nga ng iba wag mong hayaan na ulit-ulitin nila ang kasalan nagawa nila..so once is enough 1 is two muchXD
hmmm...so jake-edison na ba?XD
haha ngayon ko lang nabasa lahat mahirap maging studyanteXD
Edison and Jake... Go Go Go. Love you Migz. :))
ReplyDeleteang ganda talaga..pwamise..hehehe
ReplyDelete