Chasing Pavements (Book2 Part7)
__________________________________
Chasing Pavements (Book2 Part7)
by: Migs
Kaliwang kamay sa manibela, kanang kamay sa dial ng radyo at isang matamis na ngiti na nakaplaster sa aking mukha ang eksena sa loob ng kotse ko ngayon habang papasok sa skwelahan. Para bang sa loob ng ilang araw na panunuyo sakin ni Alex ay para bang ipinakita na niya sakin ang totoong pakiramdam kung pano ma-in-love.
Kanina nang humarap ako sa salamin ay halos mapuno na ito ng mga print outs ng MMS na pinapadala sakin ni Alex tuwing umaga pati narin tuwing kailan niya gusto. Ang dating half body mirror ay para bang para sa mukha ko na lang. Halos magiisang linggo pa lang yan, pano pag umabot pa ng taon, baka mapuno ko na ang buong kwarto ko.
Para akong batang pumasok sa Disney land. All smiles talaga. Ikinukunsidera ko kasi na napakaswerte ko kay Alex pag nagkataon kaya naman kapag tinanong niya na ako kung ano na ang status namin ay baka di na ako magpaligoyligoy pa.
Sa ilang araw kasi na magkasama kami lagi ni Alex ay di ko mapigilang lalong mahulog dito dahil sa ubod ng bait, maaalalahanin, understanding at matalino. Kung baga nasa kaniya na lahat. Pero yun ay tuwing kami lang dalawa ang magkasama, ngayon pa lang ang unang pagkakataon na magkakaharap kami sa klase.
Marahan kong binuksan ang aking locker at napangiti ako ng may makitang isang tupperware na puno ng gummy bears, sa ibabaw ng takip nito ay isang sulat.
“Goodluck sa lesson natin today.”
Wala mang pangalan na nakalagay sa sulat na iyon ay alam ko ng kay Alex galing iyon dahil mi ultimo sulat nito ay kabisado ko na. Lalong lumaki ang ngiti ko.
“Mukhang maganda ang araw natin ngayon ah?” biglang sulpot ni Jen.
“O, Jen ikaw pala. Ah hindi naman.” kamot ulo kong sabi dito.
“Sasauli ko lang sana itong calcu mo. Nga pala, nagtetext ba sayo si JP? Di parin kasi nasagot sakin eh.” sabi ni Jen habang inaabot sakin ang aking calcu.
“Naku hindi eh, hayaan mo may klase kami ngayon sa funda, kakamustahin ko siya para sayo.” sabi ko dito, nagpasalamat ito at naglakad na papunta sa kaniyang klase.
0000ooo0000
Ilang minuto na lang at oras na para simulan ang aming klase, bakante parin ang silya sa aking tabi. Nagsisimula na akong mabahala para kay JP at sa mga ikinikilos nito.
“Ano kayang problema nun?” tanong ko sa sarili ko. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Alex at kasunod niya si JP.
“Ok ka lang?” tanong ko kay JP nang makitang parang madilim ang mukha nito. Tumango lang ito sakin saka nagpakawala ng malungkot na ngiti. May nagbago sa itsura nito pero di ko maisip kung ano.
“Bagong gupit lang siguro.” sabi ko sa sarili ko pero napagtanto ko rin na noon ko lang ulit nakita si JP, magiisang linggo na simula nung huli kaming magkita at hindi maganda ang huli naming paghihiwalay na iyon. Inilabas ko ang isang tupperware ng gummy bears at inalok siya. Binigyan niya ulit ako ng malungkot na ngiti.
0000ooo0000
Habang naglelecture si Alex ay umiikot ito sa buong classroom, mahaba ang paliwanag nito sa mga tanong na ibinabato ng aking mga kaklase, sinulyapan ko si JP at parang may sakit ito at nakatitig lang sa kaniyang libro, inabot ko ang kaniyang balikat at pinisil iyon, tumingin ito sakin.
“Ok ka lang?” tanong ko dito. Tumango lang ito at ngumiti, inabot ang aking kamay na nasa kaniyang balikat at pinisil iyon. Binawi ko na ito matapos niyang pisilin, narinig kong nagpakawala ito ng isang buntong hininga.
Naramdaman kong naikot sa aking likod si Alex, dumaan ito sa aking tapat at dumukot sa naka bukas na tupperware ng gummy bear at initya ang isang gummy bear papunta sa kaniyang bibig, tumingin ito sakin saka kumindat. Napangiti ako.
Naramdaman kong sakin nakatingin si JP kaya't tinapunan ko ito ng tingin. Nakakunot ang noo nito at nakasimangot. Bigla siyang tumayo at nilikom ang nagkalat na libro at notebook sa kaniyang harapan. Nagtaka ako sa ginagawa nito. Di pa kasi tapos ang klase.
“Mr. JP, what do you think you're doing?” tanong ni Alex sa naglalakad ng palabas na si JP.
“Dropping your class.” matipid na sagot nito, ikinagulat naman ng lahat ng tao sa classroom na iyon ang sagot ni JP.
0000ooo0000
“You know what, I think you should talk to your friend.” sabi sakin ni Alex nang matapos ang aming klase at ako lang ang nagpaiwan doon.
“Bakit naman?” tanong ko kay Alex.
“Tingin ko kasi nagseselos siya.” sabi ni Alex at napangisi.
“Alam mo, ikaw na nga itong nabastos, ikaw pa itong concern.” sabi ko dito.
“Ahem, I'm St. Alexander Roxas.” pabirong sabi nito.
0000ooo0000
Di ko na naabutan si JP sa labas ng school, hinanap ko na ito sa bawat sulok ng school pero wala din. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage area ang telepono nito at tanging operator lang ang sumasagot sakin. Tinanong ko ito kay Jen pero wala rin itong alam patungkol kay JP.
0000ooo0000
“Wag ka ng malungkot, di mo na kasalanan kung ayaw niyang magpatulong sayo.” sabi sakin ni Alex sa kabilang linya habang pagulong gulong ako sa higaan kong puno ng libro.
“Eh kasi, feeling ko responsibilidad kong malaman kung anong problema niya...”
“Kasi...?” singit ni Alex.
“Kasi magkaibigan kami.” pagtatapos ko sa gustong puntuhin ni Alex.
“Di ba talaga sumayad sa isip mo na baka ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganyan yang kaibigan mo?” tanong sakin ni Alex, natigilan ako.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Na baka nagseselos siya sakin.” sabi ni Alex sabay hagikgik.
“Tado! Kaibigan ko lang yun saka straight yun no, ang mahal nun si Jen saka imposible talaga.” tuloy tuloy kong sabi habang gumagawa ng draft ng isang Nursing Care Plan. Natawa si Alex sa kabilang linya.
“Sabi ko lang baka nagseselos si JP, andami mo na agad nasabi.” sabi ni Alex. Natahimik ako.
“Saka kung sakaling may gusto nga sakin si JP eh baka madissapoint lang siya sa maaari kong gawin.” sabi ko kay Alex.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong nito.
“Di ko kasi masusuklian ang binibigay niyang paghanaga sakin kasi may mahal na akong iba.” sabi ko kay Alex.
“Ahhh, sino?” tanong nito, nanlaki naman ang mata ko.
“Hindi parin ba niya nahahalata na mahal ko na siya?” tanong ko sa sarili ko, hindi makapaniwala sa pagkamanhid ni Alex.
“Secret.” sabi ko na lang.
“Sige clue na lang.” sabi nito.
“Kilala mo siya.” sabi ko sabay hagikgik.
“Malaki ba katawan ng taong ito?” tanong ni Alex na ikinataka ko naman.
“Bakit?” tanong ko.
“Syempre dapat malaman ko kung sino ang magiging karibal ko at kung malaki katawan, para kung sakaling ipagpatayan kita sa kaniya eh alam ko kung magpapalaki pa ba ako ng katawan o sapat na itong katawan ko.” sabi niya, iniintay ko ang paghagikgik nito pero wala akong narinig na hagikgik.
“S-seryoso ka ba?” tanong ko dito.
“Oo naman, ang lagay eh ganun ganun na lang kita pakakawalan?” tanong niya. Napatahimik ako, natameme sa kaniyang sinabi.
“Migs?” tawag niya pero nakatanga parin ako, pilit na inaabsorb ang sinabi niya.
“Ay tulog na ata. Haist.” sabi niya.
“Ah eh, hindi andito pa ako.” sabi ko.
“Ahh, bakit ang tagal mong sumagot?” tanong nito.
“Ah eh kasi kinikilig pa ako este may pumasok na mga kuliglig sa bintana ko.” biglang bawi ko, narinig kong humagikgik si Alex sa kabilang linya.
“O siya, magbihis ka na!” sabi niya
“Ha? San ako pupunta?” tanong ko dito.
“Basta!” sabi niya. Nataranta naman ako.
“Huy! Dapat pagdating ng 8pm andun ka na sa labas ng building niyo.” sabi nito sabay baba ng telepono.
Ilang minuto pa akong nakatanga sa aking higaan at nang silipin ko lang ang orasan saka ako nagmadaling tumayo at nagbihis.
Saktong alas otso na ng makababa ako ng lobby lumabas ako at tinahak ang P. Campa, nakita ko ang kotse ni Alex na nakaparada sa di kalayuan.
“Late ka.” sabi nito ng makapasok ako sa kotse niya, pero hindi ko na iyon naintindi dahil natameme na ako sa kaniyang suot. Naka Amerikana si kumag, pero walang neck tie bukas ang butones sa dibdib ng suot niyang long sleeves na puti.
“Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong lalaki na naka amerikana?” tanong nito sakin. Nakanganga parin ako.
“Tss! Kayong mga bata talaga, Oo.” iiling iling na sabi ni Alex sabay abot sa pintuan sa aking tagiliran at iniyakap sakin ang seatbelt.
Nakangisi si Alex habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan, alam ko kung saan papunta ang daan na aming tinatahak, pabalik ito sa kaniyang apartment. Tinapunan ko siya ng isang nagtatakang tingin at ngisi lang ang ibinalik nito sakin. Nang nasa harapan na kami ng kaniyang apartment ay binigyan ako nito ng isang kulay itim na tela.
“Piringan mo sarili mo.” utos nito sakin, nagtaas ako ng isang kilay.
“At wag mong luluwagan o kaya yung makakasilip ka kundi hahalikan kita.” sabi niya sabay hagikgik.
“Di ako natatakot.” sabi ko pero ipiniring ko nadin ang tela sa aking mga mata. Naramdaman kong naakyat kami ng hagdan parang naka apat na ata kaming palapag nang tumigil kami. Di ko parin alam at nakikita kung asan kami basta ang alam ko ay mahangin ang paligid.
“Sige pwede mo ng hubarin yang piring mo.” sabi niya, dahan dahan kong iminulat ag aking mga mata, nang masanay na ito sa pagkakatanggal ng piring ay nanlaki naman ito sa gulat.
Nasa rooftop kami, tumingala ako at nakitang nagkikinangan ang mga bituin sa langit na nasa ulunan namin, ibinaling ko ang aking tingin sa lamesa na asa gitna ng lugar, magara ang pagkakayos nito pero hindi naman yung katulad ng mga nakikita sa mga mamahaling restaurant, yung tipong alam mong isang simpleng tao lang na lubos na pinageffortan ang pagaayos nito ang itsura. Napangiti ako. Nagulat na lang ako ng biglang yumakap sa likod ko si Alex.
“Can you be mine?” bulong niya.
Itutuloy...
nman ang swet.. hahaha una ako?.. bilis ng update.. tnx po... :) sarap mgbsa, nkktnggal ng pagod at stress.. hehe
ReplyDeletehangsweet naman pala ni sir! kakaiba pa talaga ang style niya ha?...kaka inlove naman niyan.hahahahaha.
ReplyDeletehala pano na si JP???????????? tamporurot yata xa kay migs ah......
kilig to the max....
ReplyDeletewagas naman yun...
parang wedding proposal lang :D
"Royvan24"
ReplyDeleteweee proposal na ata ito? kakakilig lalo na ang ginawa niyang surprise....
Sweet... Kilig...
ReplyDeletehala nag aalala n q k jp, gnun b tlga khit pala s m2m story my 3rd party rin pla......
ReplyDelete