Chasing Pavements (Book2 Part2)


_________________________________
Chasing Pavements (Book2 Part2)
by: Migs




Matagal nagtama ang aming mga mata ni Alex, marahil ay sinisiguro niya ring ako nga ang kaniyang nakikita. Bago pa man makahalata ang buong klase sa pagtitinginan naming yun ay binawi na nito ang kaniyang composure at humarap na sa whiteboard at isinulat ang kaniyang buong pangalan. “Alexander Roxas, RN, MAN.”




Like what I said earlier, I will be teaching Fundamentals of Nursing. I'll be dictating your course syllabus so please listen carefully and take notes.” sabi nito at umupo na sa kaniyang lamesa na nasa unahan ng classroom.




Habang abala ang aking mga kaklase sa paglabas ng kanilang mga ballpen at notebook ay muling ibinaling sakin ni Alex ang kaniyang tingin, nahuli ako nitong nakatingin sa kaniya kaya naman agad ko itong binawi at kunwari na lang ay naghahanap ako ng ballpen sa aking bag.




Eto bang hinahanap mo?” tanong sakin ng aking katabi habang iwinawagayway nito ang aking ballpen na kanina pa asa ibabaw ng aming pinagsasaluhang lamesa.




Ah eh, salamat.” sabi ko dito at kinuwa na ang aking ballpen.



Since magiging seatmates na tayo hanggang katapusan ng semester, siguro tama lang na maging magkakilala tayo diba? Ako nga pala si JP.” pakilala nito sakin sabay lahad ng kamay.




Migs.” matipid kong sagot dito sabay abot sa kamay niya.



Kilala kita. Ikaw yung sinasabi ni Jen na katabi niya sa Microbiology. Sabi niya humataw ka raw sa first recitation niyo eh.” sabi nito sabay ngiti, napakunot naman ang noo ko at nagtaka kung bakit niya kilala si Jen na kaklase ko naman sa Microbiology.




Ah eh, hindi naman.” nasabi ko na lang dahil nararamdaman kong sakin parin nakatingin si Alex, at ang makipagdaldalan sa klase niya na ayon sa pagsisinungaling ko ay di naman dapat ako nandon ay isang masamang ideya. Atsaka wala rin akong masabi kay JP.




Napatunghay na lang ako ng alisin ni Alex ang bara sa kaniyang lalamunan, kami na lang palang dalawa ni JP ang iniintay nito para magsimula, binigyan kami nito ng isang mapanuring tingin.



Inisaisa na nito ang mga topic na dapat naming ma-i-lecture at ang takdang panahon para matapos ang mga ito paminsan minsan ay nararamdaman kong sakin nakatingin si Alex kaya kung pwede ko ng idikit ang mukha ko sa lamesa o kaya naman ay lamunin na ng lupa ay ginawa ko na. Makatakas lang sa mapanuri niyang mata.




Dude, ok ka lang?” tanong sakin ni JP ng pabulong.



Ah, Oo, medyo masama lang ang pakiramdam ko.” pabulong kong sagot sa intrimitido kong katabi.




Sure ka? Namumutla ka na eh tapos butil butil pa yang pawis mo sa noo tas di ka pa mapakali sa pagkakaupo.” pagaaalala nito sakin.




Ang totoo niyan di talaga ako kumportable na andun sa klase na iyon ni Alex, hindi ko kasi talaga inaasahan na magiging propesor ko pala ito at ang malala pa sa isang major subject. Pilit kong inalala yung mga nangyari nung gabing magkasama kami.



So you're a nurse?”



Ipinikit ko ang aking mata at inalala ang sagot niya sa tnong kong yun, bigla kong iminulat ang aking mata.



Yup, pero magiiba na ako ng line of work starting next week.”



Bigla akong tumunghay at muntik ko ng sampalin ang sarili ko, nun ko lang kasi napagtanto na maaaring ito nga ang ibig niyang sabihin sa kaniyang sinabing iyon, naiinis ako sa sarili ko kasi kung hindi lang siguro ako nagsinungaling wala kami sa sitwasyon na ito ngayon.




Ok ka lang ba talaga?” tanong sakin ni JP. Marahil ay nagulat ito sa aking itsura dahil sa hinuna ko ay mukha na ata akong iiyak.



Sinong hindi maiiyak sa aking sitwasyon ngayon? Andaming consequence ng ginawa kong pagsisinungaling na yun, kung hindi sana ako nagsinungaling malamang walang nangyari saming dalaw ni Alex nung gabing yun, kasi malamang malalaman niyang malaki ang posibilidad na maging estudyante niya ako.



Kung walang nangyari samin, hindi sana ganitong ka awkward ang sitwasyon, malamang nakakatingin ako sa kaniya ng daretso. Isa pa, malaki ang posibilidad na ikatalsik ko sa eskwelahan ang nangyari samin kung sakaling may makaalam nito.



A lie that totally backfired!”



Huy! Ok ka lang ba talaga?” pabulong ulit na tanong sakin ni JP habang dini-dictate parin ni Alex ang mga magiging topic namin sa loob ng isang buong semstre.



Ah eh, Oo.” sabi ko. nagkibit balikat na lang ito, marahil ay napansin ni Alex ang pagdadaldalan namin I JP kaya't tinawag na nito ang atensyon naming dalawa.




May balak ba kayong i-drop tong subject ko?” tanong nito samin. Umiling lang si JP.



Edi makinig kayo sakin saka mag notes kayo, imbis na magdaldalan.” supladong sabi nito samin.




Nang matapos na ang dictation ni Alex ng aming mga magiging topic ay nagkwento naman ito ng tungkol sa sarili niya, kung titignan mo siya ay hindi halatang baguhan lamang ito sa pagtuturo. Confident ito na siya namang nakakuwa agad ng respeto ng kaniyang studyante.




Di naman sa nangengeelam ako, pero magkakilala ba kayo ni Sir?” tanong ni JP sakin.




H-ha? P-pano mo naman nasabi?” tanong ko dito.



Patay na! Nahalata pa ata ni JP.” sabi ko sa sarili ko.




Kasi yung reaksyon mo kanina nung nagpakilala siya eh, parang inalis lahat ng dugo mo sa mukha, alam mo yun?” at sa sinabi niyang yun lalo akong kinabahan.



Ah, hindi m-medyo s-sumama kasi ang p-pakiramdam ko talaga.” sagot ko na lang, nagkibit balikat na lang uli ito saka muling nakinig sa sinasabi ni Alex. Nagbuntong hininga na lang ako.




We will be having our next meeting this thursday. Sa Thursday narin ang simula ng regular class natin, so I want you guys to do some advance reading.” pagbibigay tuon niya talaga sa mga salitang advance at reading.



Ibinaling ko ang aking tingin sa direksyon ni Alex at nakangiting aso lang ito, malamang nakita niya sa aking reaksyon ang nais niyang iparating sa patama niyang yun. Siguro alam na niya na ang ginagawa ko talaga nung nagkita kami sa SM Manila noon ay nag-a-advance reading at hindi dahil sa curious lamang ako dito, katulad ng kasinungalingang sinabi ko sa kaniya noon.




Ibinaling sakin ni JP ang kaniyang tingin dahil sa pagngiti ni Alex na yun papunta sa aking direksyon. Sakto namang yumuko ako, marahil nakakahalata na talaga siya.




Ngayon gusto kong fill up-an niyo ang mga class cards niyo at kapag tinawag ko na ang unang letra ng apelyido niyo pumunta kayo sa harapan at ipasa ito sakin tapos ay pwede na kayong lumabas at umuwi.”



Madaming natuwa sa magandang balitang yun, mahaba haba kasing break iyon pagnagkataon, isa na sa natuwa si JP sa aking tabi. Minsan gusto ko ng mairita dito, nakaksuka kasi ang pagkamasiyahin nito, lalo na ngayon na mukhang masisira na ang buhay ko.




All surnames starting with the letter A, please hand me your classcards.” sabi ni Alex, sa puntong ito di na talaga ako mapakali sa aking upuan at nagsimula ng kumabog lalo ang dibdib ko.




Bakit naman kasi Salvador pa ang apelyido ko.” sabi ko sa sarili ko, ito ang unang pagkakataon na ikinatutwa ko ang aking apelyido, hindi dahil napakaseryoso nitong pakinggan kundi dahil ako ang pinakahuli kapag in-alphabetical mo ang buong klase.





This is a really bad idea.” sabi ko sa sarili ko sabay iling.




Habang isa isang nauubos ang aking mga kaklase, palakas naman ng palakas ang kabog sa aking dibdib, lalo akong di mapakali sa aking kinauupuan.




G.” tawag ulit ni Alex, lumingon ito sa aking kinauupuan at ngumiti ulit ng nakakaloko dahil tumayo na ang aking katabing si JP.




Sige Migs.” paalam sakin ni JP nang tawagin na ang letra ng kaniyang apelyido. Tumango lang ako dito.



Hanggang sa tatlo na lang kaming magkakaklaseng natira, lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Alex.




R.” sabi ni Alex. Sabay na tumayo ang dalawa ko pang kaklase at ako na lang ang natirang nakaupo, tumayo na ako dahil obvious naman na ako na ang susunod na tatawagin.




Dahan dahan akong lumapit sa kaniyang lamesa, nakalabas na ang dalawa ko pang kaklase na ang mga apelyido ay nagsisimula sa letrang “R”. Ngayon kami na lang dalawa ni Alex sa classroom. Inabot ko sa kaniya ang aking classcard pero nakayuko lang ito at naiwan na nakaabot ang aking kamay hawakhawak ang aking classcard.




Alam mo, iniisip ko na nasa UST ka ngayon, having your first day at class sa architecture department.” sabi nito sakin habang abala parin na inaayos ang mga classcards na pinasa sa kaniya.




Sorry, di ko sina...”



Di mo sinasadyang magsinungaling?” pagtuloy nito sa aking sana'y sasabihin. Di na ako nakaimik. Tumawa ito sabay iling. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtawa niyang yun.



Bakit di mo sinabi sakin ang totoo?” tanong nito sakin nang makabawi na ito sa pagtawa.



Di ko kasi alam kung...” simula ko ulit.



Di mo alam kung mapagkakatiwalaan mo ako?” pagtatapos nanaman nito saking dapat sana'y sasabihin.



And yet at the end of the day you decided to sleep with me.” habol pa nito sabay tawa, nagulat ako sa sinabi niya.


Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Alam kong galit siya, sinong hindi magagalit? Nagsinungaling ako sa kaniya, ipinamukha ko sa kaniyang di siya mapagkakatiwalaan kaya ko nagawang magsinungaling.



Halos mamatay matay ako kakaisip ng lahat ng magiging kumplikasyon ng aming ginawa nung gabing iyon, yun pala lahat naman ng iyon para sa kaniya ay laro lang. Isang bagay na hindi dapat bigyan ng pansin. Sa puntong iyon di niya lang ako ginawang katatawanan, ipinamukha niya rin sakin kung gaano ako kapathetic.



Wala lang talaga ako sa kaniya kundi isang random fuck.” sabi ko sa sarili ko, ngayon naintindihan ko na.



Di ko alam kung paano ko nagawang panatilihin ang aking sarili maging ganoon ka-kalmado sa kabila ng panlalait at pagmamaliit na ginagawa sakin ni Alex. Kalmado kong inilapag ang aking classcard sa lamesa niya at tumalikod na dito. Di ko na inintay ang reaksyon nito at kung may sasabihin pa siya.



Wohow! Lumabas din!” sigaw ng isang lalaki sa likod ko na talaga namang ikinalundag ko sa sobrang gulat.



Whoah! Easy, ako lang to.” sabi ni JP sakin habang pinipigilang tumawa.



Antagal mo naman ata dun sa loob? Matagal ba bago ka niya tawagin?” tanong nito sakin habang hinahagod ang likod ko at tinutulungan akong makahinga ng maayos ulit.




ah eh, kinausap kasi ako ni Sir tungkol dun sa pagdadaldalan natin kanina.” sabi ko na lang habang naaasiwa akong tinanggal ang kamay niya sa aking likod.



Sus, yun lang?” sabi ni JP at sinabayan na akong maglakad.



Nga pala, may gagawin ka ba ngayon?” tanong ulit nito sakin, natigilan ako at nangunot ang noo sa tinanong niyang yun. Pero bago ko pa masagot yun ay biglang bumukas ang pinto ng classroom na pinanggalingan namin ni JP at iniluwa non si Alex.



Migs wait!” sigaw ni Alex, napatingin ito kay JP at si JP naman ay napatingin sakin.





Itututloy...

Comments

  1. yon.. upd8 na.. hehe tnx.. dnga com4tble ung gnung sitwasyon,, haha xctd na sa next.. hehe godbless!!..

    ReplyDelete
  2. hoho!! "migs" the nickname dudeXD
    sarcastically speaking i guess naging masaya ang buhay mo during you're college yearsXD

    ReplyDelete
  3. this really sounds interesting, nice one migs, mix emotion ako if i were in ur shoes, baka nga magdrop out ako or hanap ng bagong prof, awkward situation, hahahahaha (",)

    -josh

    ReplyDelete
  4. u know migs, ur stories were really very interesting & worth waiting, just keep it up, i am one of the silent readers dat always follow the updates of ur stories, maybe i have not been able to comment n ur previous chapters but wer here always following ur very nice job. keep it up and God Bless...

    ReplyDelete
  5. wah the complexity of the situation is really intriguing!

    nakakabaliw yung ganun noh!
    Yung naka-1 night mo, prof mo pala!

    hahahaha napaka-awkward!
    as in super awkward!
    hahahah the best ka talaga migs!

    ReplyDelete
  6. Pati ako di makahinga sa situation mo Migs! Grabe! As if I was there inside the classroom!! The best ka talaga!

    Pansin ko lang... bakit against all odds naka attach na picture dito? Ibig bang sabihin ibabalik mo na ang AAO???? Yey!!!!!

    ReplyDelete
  7. aaaa... nc one Kuya migs .. :) heheheh ngayun ko lang nakita blog mu po ... ahehe very nice .. :)
    God Bless po :)

    mmm.. Sir. Alex ahihihiXD

    - Sys Lup Ery (SLE)

    ReplyDelete
  8. To: Systemic Lupus Erythematosus (SLE) do I know you? Shet, bigla naman akong kinabahan.

    To: Mark Ryan, iibahin ko na yung ic, nagkamali lang ako ng post. :-)
    -Migs

    ReplyDelete
  9. I want to have a happy ending for Migs.

    As for Against All Odds, I hope maipost mo ulit. Hindi ko pa nabasa yun.

    -Slythex

    ReplyDelete
  10. Two Thumbs Up. Love you po Migz.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]