Breakeven (Book3 Part2)
______________________________
Breakeven (Book3 Part2)
by: Migs
Inabot ko ang panyo na ino-offer nito sakin, blangko lang ang mukha nito, walang bahid ng lungkot, saya o concern para lang siyang robot na nagabot sakin ng panyo. Pero noon ko lang din ito natitigan ng malapitan ang boss kong ito.
Maputi, may naniningkit na mata na tinatago ng mga salamin, makapal na buhok na nakaayos na kala mo kay superman, magandang tindig na lalong pinaganda ng amerikanang marahil ay ginawa para talaga sa kaniya pero ang naka kuwa talaga ng aking pansin ay ang kaniyang mapupulang labi.
Kahit sa pakikipagtitigan lang na yun ramdam ko na hindi basta basta ang taong to, halatang halata ang taas ng pinagaralan at ang magandang pagpapalaki dito. Sa ilang taon kong pagtatarbaho sa kumpanyang iyon ay ilang beses ko pa lang ito nakakasama sa mga meeting at sa minsang iyon ay nahahalata ko ang pagiging strikto nito, ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti ito eh, masyadong stiff kumbaga, mas pabor ang marami sa kaniyang nakababatang kapatid, kaso ang isang yun naman ang makulit, naalala kong nakipagsakalan iyon at nakipagrambulan sa hallway ng opisina habang nandon ang mga foreign investors.
“Are you still going to wipe those boogers with that or you're just going to stare at me until this lift reaches ground floor? Kasi kung hindi mo naman yan gagamitin eh isoli mo na lang yan sakin.” pertina nito sa kaniyang panyo.
Napahiya naman ako sa sinabi niyang yun at binawi ko na ang aking tingin mula sa kaniyang magandang mukha.
“Gwapo nga arogante naman.” sabi ko. Nakita ko ang reaksyon nito sa aking sinabi sa makikintab na pinto ng elevator, napansin kong napangiti ito pero agad din binawi.
Di ko na ito pinansin tumingala na lang ulit ako at ibinalik ang aking tingin sa maliit na screen sa ibabaw ng pinto ng elevator, kasalukuyan na kaming nasa 15th floor. Pasimple kong pinahiran ang aking luha at uhog sa binigay na panyo sakin ng aking aroganteng boss.
“14th.” Sabi ulit ng maliit na screen, umalog ng konti ang buong elevator napatingala ako at yumuko na din at tinignan kung ano ang nangyayari, pero tuloy ulit ang pagbaba nito at mukhang normal naman ang lahat. Tumingala ulit ako.
“12th.” “Ako lang ba o mabagal talaga tong elevator na ito?” tanong ko sa sarili ko at miyamya ay umalog nanaman ito, pero mas bayolente na ang pagalog nito ngayon at mayamaya pa ay biglang namatay ang ilaw.
“WAAAAAAAHHHHHH!” sigaw ko.
Biglang bumukas ang emergency lights ng elevator, napakapit ako sa malaposte kong kasama, wala sa isip kong napapahigpit na pala ang kapit ko dito. Maya maya ay bumalik na ang ilaw at nagfalsh ulit ang screen sa ibabaw ng elevator, naramdaman ko ding bumababa na ulit ang elevator.
“You can let go of me now.” sabi ng aking boss na animo robot sa sobrang blangko ng pagkakasabi nito. Marahan akong humiwalay dito at inayos ang sarili.
“Buti na lang bumalik na yung power, may pupuntahan kasi ako eh.” wala sa isip kong sabi sa aking boss, tumango lang ito bilang sagot.
Tinignan ko ito at nginitian, tumingin ito sakin at naramdaman kong para akong inuusig nitong mamang to kahit sa simpleng tingin lamang, maya maya pa ay nagdikit na ang kilay nito at kumunot na ang noo. Kasabay nito ay ang mas bayolenteng pagalog ng elevator at ang pagkawala nanaman ng kuryente.
“WAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!” sigaw ko ulit.
Kinakabahan akong lumapit sa tapat ng pinto ng kwarto, dahan dahan kong inikot ang doorknob nito at banayad na tinulak ang pinto, tumambad sakin ang hubad na katawan ng boyfriend kong si Pat at ng bestfriend niyang si Eric. Halo halo ang emosyon na naramdaman ko pagkakitang pagkakita ko sa kanilang dalawa andyan ang awa sa sarili, andyan ang pagkamanhid ng buong katawan ko, andyan ang luha na patuloy na namumuo sa aking mga mata sabay ang kawalan ng lakas na pigilan ito at ang namumutawi sa lahat ay ang galit at ang pakiramdam ng trinaydor.
Imbis na sumigaw, imbis na magwala at imbis na sugurin at pagsusuntukin si Eric ay parang nawalan ng lakas ang bawat kalamnan sa aking katawan. Napaupo ako at di ko na napigilang humikbi.
Biglang bumalikwas si Eric sa kaniyang pagkakahiga at pagkakayakap kay Pat na siya namang gumising din kay Pat. Napaupo ito at gulat na gulat sa aking presensya. Tinignan ko lang ito at dahil wala na akong lakas na pahiran pa ang mga luha sa aking mga mata ay pinabayaan ko na lang na makita niya ang aking paghihinagpis.
Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang may mukhang nakadungaw sa aking harapan.
“Ok ka lang ba?”
Agad akong napaupo at pinahiran ang mga luha.
“Before the emergency lights lit nakita kong patumba ka na, buti na lang nasambot kita or you could've hurt yourself.” sabi nito sakin sa kaparehong blangkong tono tulad ng nauna niyang tanong.
Inayos ko lang ang sarili ko at tinignan muli ang paligid, nakasandal ako kay Sir Edison na siya namang nakaupo sa sulok ng elevator, tinignan ko ang suot nitong amerikana at nakitang basa ito sa may bandang dibdib kung saan nakasandal ang ulo ko kanina.
“Hala! Sorry!” sigaw ko sabay punas sa kaniyang amerikana gamit ang kaniyang inoffer na panyo kanina.
“Ok na ako.” pagpipigil niya sa ginagawa kong pagpunas.
“Sorry po, saka salamat. Hayaan niyo na po akong punasan yung laway para makabawi.” sabi ko dito.
“In normal circumstances, papayagan kong linisin mo ang laway mo na nasa damit ko, pero pagkatapos mong singahan yang panyo ko kanina, sa tingin mo, sinong matinong tao ang papayag na yan ang ipanlinis mo?” arogante nitong tanong sakin.
“Pasensya na ulit.” sabi ko na lang at umayos ng upo. Tinignan ko ang maleta ko at napansing nakabalandra na ito sa sahig ng elevator. Tinignan ko ang aking relos at napansing magaalas nueve na ng gabi.
“Tae. Anong oras pa ako makakarating nito sa Airport at sa Boracay?” tanong ko sa sarili ko. inilabas ko ang cellphone ko at sa kamalas malasan nakita kong lowbatt na ito, tumingin ako kay Sir Edison para tanungin kung humingi na siya ng tulong pero nagulat na lang ako ng makitang nakayuko ito at nagapanag na parang si Sadako. Kinilabutan ako.
Marami na kasi akong nabasa na mga istorya na ganito, yung mga halimaw, gumagaya ng mga itsura ng mga tao tapos mambibiktima ng mga hindi nanghihinala na mga tao. Tuloy lang ulit si Sir Edison sa paggapang at kinakapa kapa ang sahig ng elevator.
“Sir? O-Okay ka lang ba?” nauutal ko ng sabi, nagsimula na akong umatras palayo dito.
Hindi ito sumagot. Nagulat ako ng bigla nitong sunggaban ang aking maleta at binato sa kabilang gilid. Ngayon ang tanging bagay na namamagitan samin ay wala na.
“Sir, wag po, ma-maawa na p-po kayo sakin. Pa-promise p-p-po magpapaka straight na ako.” nauutal ko paring sabi saka pumikit.
Ilang minuto na ang nakalipas at ng wala akong maramdamang masakit sa aking katawan ay unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong maayos na ulit ang pagkakaupo ng aking kasama sa kabilang sulok ng elevator at parang may kinukutingting na maliit na bagay sa kaniyang harapan, dahil medyo kadiliman parin dahil emergency lights lang naman ang nakabukas ay hindi ko mawari kung ano iyon.
“Ok ka ba talaga? Kung ano ano kasi ang pinagsasasabi mo kanina eh, baka kako nauntog ka or something.” mahabang sabi nito habang patuoy parin sa pagkutingting ng kung ano.
Tinignan ko ang aking maleta at nakita itong nagsabog ang laman sa kabilang side ng elevator, siniguro ko munang hindi talaga aswang ang aking kasama bago ko lapitan ang aking maleta at ayusin ang nagsabog na laman nito.
“Sorry kung medyo napalakas ang pagisod ko niyang maleta mo sa tabi, may hinahanap kasi ako eh. Kung may nasira babayaran ko.” sabi nito atsaka lumapit na din para tulungan ako sa pagaayos.
“Mukhang wala naman po, ano po pala yung hinahanap niyo? Nakita niyo po ba?” naiirita kong tanong.
“Bakit naman kasi kailangang ihambalos ang maleta ko?” sabi ko sa sarili ko.
“Ah hinanap ko kasi si Marti, nahulog siguro nung umalog yung elevator tas nadaganan ng maleta mo.” sabi nito.
“Marti?” tanong ko dito.
“Oo, si Marti.” sabi niya, sabay labas ng isang maliit na teddy bear. Napanganga ako.
“Weird.” sabi ko sa sarili ko.
Inilagay niya ang teddy bear sa kaniyang bulsa sa dibdib ng kaniyng amerikana atsaka tinuloy ang pagpulot sa nagsabog kong gamit.
“Nakuh, nabasag ata ang nakalagay dito.” sabi sakin nito saka itinaas ang isang pouch bag na kulay blue.
“Pabango lang po laman niya, di naman babasagin ang lalagyan nun.” sabi ko dito habang itinatago sa kaniya ang nagsabog ko ding under wear.
“Ahhh, pabango pala ang tawag mo dito? Ang tawag kasi namin dito CONDOM.” napatigil naman ako sa sinabi niyang yun at nanlaki bigla ang mga mata, agad kong inagaw sa kaniya ang aking jerjer kit at tinignan ito ng masama.
“SIR, AKO NA LANG PO ANG MAGAAYOS NG GAMIT KO. NAKAKAHIYA NAMAN PO SAINYO.” matigas at nanlalaki kong mata na sabi dito, itinaas naman nito ang kaniyang mga kamay na kala mo sumusuko sa isang labanan saka marahang umatras.
Nang maiayos ko na lahat ng aking gamit ay tinignan ko ang aking weirdo na kasama sa loob ng elevator. Naka indian sit ito at nilalaro ang maliit niyang teddy bear, iminu-muestra niya ito na parang naglalakad at di lang yun, andyan yung itataas niya ang kamay at igagalaw ang mga paa nito.
“Weird.” sabi ko na lang ulit sa sarili ko.
0000oooo0000
Nagsisimula na akong magpanic magtretrenta minutos na kami sa loob ng elevator na yun, wala namang baterya yung cellphone ko kaya di ako makatawag ng tulong. Tinignan ko ang aking boss at nakaupo lang to sa isang tabi at unti unti ng hinuhubad ang kaniyang makapal na suot.
“Wag kang magalala, tumawag na ako sa office at inutusan na ang assistant ko na ipatawag ang maintenance ng elevator dito sa building, intay lang daw tayo ng isang oras.” sabi nito ng mahalatang nakatitig ako sa kaniya.
“Ah eh ganun po ba?” sabi ko na lang sa kawalan ng maisagot. Tumango lang ito bilang sagot.
Ang totoo niyan kaya wala akong maisagot ay dahil busy din ako sa pagtingin sa katawan ng aking boss, inalis narin kasi nito ang long sleeves na suot suot niya at tanging slacks at medyas na lang ang suot nito. Gusto ko pa sanang makipagusap para naman magkaroon ako ng excuse na tignan ang katawan nito.
Aktong tatanungin ko ito nang sa aking pagharap ay nakita ko itong mahimbing ng natutulog.
“Maka masa din pala ang isang to.” sabi ko sa sarili ko.
Naghanap na lang ako ng ibang pagkakaabalahan ng madako ang tingin ko sa nakasuksok na airplane ticket sa bulsa ng aking maleta. Napabuntong hininga ako, unti unti nanamang tumulo ang aking mga luha.
“Kailangan ko ng itama ang lahat sa pagitan namin ni Jake or else baka tuluyan na iyong magsawa at iwan na ako.” sabi ko sa sarili ko.
Bahagyang gumalaw ang dati kong boss mula sa kinauupuan nito, nagsisimula ng magbutilbutil ang pawis nito sa noo at sa buong katawan, di ko mapigilang titigan ito lalo na ang kaniyang magandang biceps, pecs at abs, nakapagpadagdag pa sa init ng aking nakikita ang pulang ilaw mula sa emergency lights. Sinimulan ko ng i-stretch ang aking kamay para abutin ang maganda nitong katawan.
Malapit ko ng mahawakan ang magaganda nitong biceps ng bigla itong dumilat. Sa sobrang taranta at inabot ko na lang ang teddybear na nakapatong sa tiyan nito, pero umilag si loko ng makitang may inaabot ako at ang resulta ay pareho naming pinagsisihan.
“May balak ka pang reypin ako.” basag niya sa pareho naming gulat at tulalang kundisyon, habang nakahawak parin ako sa kaselanan niya.
“Ah eh na-cutan kasi ako sa teddybear mo! Malay ko bang iilag ka at si junior mo tuloy ang nahawakan ko.” sabi ko habang binawi ko ang pagkakahawak dito.
“Si Marti? Kaya pala nakakagat labi ka pa nung mahuli kita.” blangko paring sabi nito.
“Oy hindi ah!” sabi ko dito, tinapunan lang ako nito ng mapangakit na tingin.
“Di kita pinagnanasaan!” sigaw ko dito nang makitang di ito naniniwala.
Nasa mainit kaming pagtitinginan ng biglang umalog na ang elevator na ikinatumba ko ulit, umilaw ulit ang mga ilaw sa loob nito at kasabay nito ang pagbukas ng pinto nito.
“TING!”
At nagulat ang mga taong nabungaran namin ng makita kaming magkapatong sa loob ng elevator ang isa samin ay half naked pa.
Itutuoy...
hahaha.. cute..
ReplyDeleteXD
nice and funny!!!
ReplyDeletedapat naman talaga si edison na ang magkalovelife...wawa siya nung di siya ang pinili ni martin
good one migs. :)
regards,
R3b3L^+ion
very awkward..kaya nga minsa ayoko sumakay sa elevator..natetense ako lalo na pag maalogXD
ReplyDeleteawkward situation, nice one migs (",)
ReplyDelete-josh
mejo magulo pa yung flow at new characters but...
ReplyDeletesa galaw ng story...
i'm hangin' by a thread na sa anticipation :D
wow, go edison hehehe... bumawi ka this time, kaya nga breakeven di ba Migs? Excited sa next chapter hehe
ReplyDeleteahahahaha.........excited for the next chapt. :)
ReplyDelete-reggie-
Juat started reading this story. Labz na labz kita migz. Glad i found you again. God bless...
ReplyDeletenice story.... may bitin effect!
ReplyDelete-vash18
nice :)
ReplyDelete“Kailangan ko ng itama ang lahat sa pagitan namin ni Jake or else baka tuluyan na iyong magsawa at iwan na ako.” sabi ko sa sarili ko.
ReplyDeleteDapat po ata Pat? tama po ba?
mokong.
parang gusto kong magwala sa KILIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGG !
ReplyDeletexoxo, A