Monday, June 27, 2011

Breakeven (Book4 Part1)

_____________________________
Breakeven (Book4 Part1)
by: Migs

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Kasalukyan kong tinatahak ang daan papunta sa pag-gi-gimikan namin ng aking mga kaibigan, sa totoo lang ay matagal ko ng namimiss ang gumimik pero masyado ng iba ang mga kabataang nagimik ngayon. Di pa naman ako katandaan 21 years old pa lang ako pero di ko na gusto ang paraan ng mga kabataang may tatlong taon lang ang itinanda ko sa paggimik.



Hey Eric! Loosen up a little!” sigaw ni Ena sa likuran ko.



I told you I don't do gimiks anymore.” nababagot kong sagot dito sabay tingin sa rear view mirror. Halatang hindi niya alam na tinitignan ko siya doon kaya't nahuli ko itong nag me-make face.



Sus! Nung first year nga tayo, ikaw pa itong nangunguna sa gimikan. Porke ba graduating na tayo kaya ka serious mode?” tanong naman sakin ni Jackie sa tabi ko.



Hindi naman sa ganoon, its just that di na ako makakarelate sa mga tao dun, iba na ang kultura ng mga nagimik ngayon, di na natin sila ka generation baka ma O.P. Lang tayo dun.” mahabang sagot ko, nagkatinginan ang dalawang babaeng kasama ko sa loob ng sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako ng mapansin ko iyon.




Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit naging kaibigan ko ang dalawang babaeng ito dahil para sakin ang mga pagkatao nito ay shallow, immature, insensitive at brats. Pero amin ko din sa sarili ko na sa kabila ng pagiging shallow, immature, insensitive at pagiging brats ng mga ito ay mayroon akong nagustuhan sa mga ito, ang lagay lang di ito pangita ngayon.



Inapakan ko nalang ang gas para makarating na agad sa club na pupuntahan namin at para makausap ko na ang iba pa naming kaibigan na kikitain namin dun.



0000ooo0000



Di naman ako nagkamali sa aking agamagam ng makapasok na kami sa club, halos lahat ng andun ay parang mga katatapos lang ng highschool o kaya naman ay kapapasok lang ng college. Pero ang lugar naman ay ganun parin, malalakas parin ang sound, masikip, matao, mausok at masaya. Kagaya ng naaalala ko.



Nasa ganoon akong pagmumunimuni ng biglang may dumaan sa aking harapan na isang magandang babae, magandang batang babae, di ko mapigilang mapatitig dito. Mukhang kagagradutae pa lang nito ng highschool pero may hawak ng yosi at isang bote ng beer sa kabilang kamay, sagana din sa kolorete ang mukha nito at mini skirt kung mini skirt ang suot. Di naman ito mahalay sa aking palagay pero...



Too young.” sabi ko sa sarili ko.



Don't go lesbian on that chick, Eric. She's to young for you.” sabi ng isang babae nang mapansing nakatitig ako sa batang babae. Nanlaki ang aking mata ng makilala kung sino ito.



Bitch!” sigaw ko, tumawa naman ito saka ako niyakap, ibinalik ko ang yakap nito dahil di ko man aminin sa sarili ko ay namiss ko ang isang to. Isa kasi ito sa mga natanggal sa batch namin nang magkaroon ng qouta sa aming department, isa siya sa ilang daan na minalas.



Andito lahat ng barkada, sila Sam, Paul, PV, Tait, Sandra at Beth.” pero natigilan ito sa pagsasalita nang maabutang walang tao sa kanilang pwesto, tanging ang mga bags at bote ng beer ang natira.



Well they're here somewhere.” sabi ni Lily sakin sabay ngiti. Pagkatapos ay dumaan ang isang grupo ng lalaki, magaganda ang porma ng mga ito pero tulad ng magandang babae na nakasalubong ko kanina ang mga ito ay mga mukhang kaga-graduate lang din ng highschool o kaya naman ay mga asa 18 or 19 pa lang ang edad.



Teka lang andun ata si Paul.” paalam sakin ni Lily sabay alis at pinuntahan ang isa kong kaibigan, nang aktong uupo na ako ay nakabangga ko naman ang isang lalaki, bata parin ito, mukhang foreigner at anak mayaman ang porma.



I'm sorry.” bulalas ko, tumango lang ito at ngumiti, muntik na akong matunaw sa harapan niya dahil sa ngiting iyon.



Hi, I'm Pat. Sorry, di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh.” pakilala nito, magpapakilala narin sana ako ng biglang may tumawag dito.



Pat, dun muna tayo.” sabi nung isa sa mga lalaking dumaan sa harap namin ni Lily kanina sabay hila papunta malapit sa entrance ng bar, nagkibit balikat na lang ako.



0000ooo0000



Now Eric, someone told me that you're aiming for that uhmmm... ano nga yun?” nangaalaskang tanong ni Paul ng sa wakas ay makabalik na ang mga ito sa aming pwepwestuhan malapit sa bukana ng dance floor.



Cum Laude.” sabat ni Sam sa aking tabi. Naghiyawan naman ang iba na ikinamula ng mukha ko.



Naputol na lang ang hiyawan at pagtapiktapik sa aking likod ng biglang umentra sa usapan si Ena na nahikbi at parang pinipilit ang sarili na mapaiyak.



Eric, you're totally right! Iba na nga ang mga tao dito!” sigaw ni Ena na siya namang hinahaguran sa likod ng kasama na si Jackie. Di na lang ako kumibo.



Ano nangyari?” tanong nila PV at iba pang mga kabarkada naming lalaki.



Gusto mo banatan na namin eh.” mungkahi naman ni Sam.



Napaka bayolente mo talaga Sam.” sabat naman ni Sandra.



Ano nga ba nangyari?” tanong ulit ni Lily sa nahikbi ng si Ena. Tumalikod si Ena at itinuro ang grupo ng mga lalaki na malapit sa entrance ng club. Ang grupo nila Pat.



Binastos ka ba nila?” tanong ulit ni Sam sabay sapak sa kaniyang palad na animo siga sa kanto. Umiling lang si Ena.



Eh anong ginawa nila?” naiirita ng tanong ni Paul.



Di kasi nila ako pinansin nung dumaan ako eh.” sagot ni Ena.



Nagkatinginan kaming buong barkada, tila ba ina-absorb ang mga sinabi ni Ena nang makabawi na ang lahat sa pagka-shock ay sabay sabay na kami sa paghagalpak sa tawa. Di na namin inisip kung nakakaistorbo kami dahil malakas din naman makipagusap ang ibang mga nandon dahil sa lakas na din ng sounds ng club.



Anong nakaktawa?” tanong ni Ena samin.



Sinabi ko na din kay Ena yan, its just that, iba na nga kasi ang mga nagimik ngayon saka Ena, let's face it, matanda ka na and they're like on diapers and feeding bottles pa oh.” sabi ni Jackie na todo hagod parin sa likod ni Ena.




Ayheychu bes! Dati dati pag nadaan ako with skirts this short every boys in the hall would look at my legs and hit on me. Bakit ngayon they wont even glimpse at me.” si Ena.



Tinapunan ko ng tingin ang grupo ng mga kabataang lalaki na siyang sinasabi ni Ena. Grupo ito ng limang kabataang lalaki, ang totoo di naman sila ganun kabata mga nasa edad disinuebe hanggang bente na siguro ang mga ito, mga tipikal din na mga anak mayaman kung pumorma at kumilos tulad ng nauna kong napuna at siya ring napuna ko nung nakabangga ko si Pat, pero isa rin ang nasisiguro ko at hindi na ako nagabalang ilihim ang napansin kong yun kay Ena.



Wag ka ng malungkot Ena, mali ka lang talaga ng mga napiling pag-flash-an ng booty mo.” sabi ko in a matter of factly tone.


What? Ano nanaman yan Mr. Smart pants?!” tanong ni Ena.



Those guys you just flashed your booty with are gays or maybe bisexuals or better yet, labeling aside, guys who like guys.” sabi ko sabay tungga sa hawak hawak niyang inumin. Nagtawanan ang mga kasama naming mga lalaki at napa irit naman ng “Ayyy!” ang mga kasama naming babae sabay hagalpakan ulit. Mukha namang akong may nasabing nakaka offend kung maka react si Ena. Nginitian ko lang ito.



Of course not! I know a gay guy when I saw one!” pasigaw na sabi ni Ena pero parang may pagaalinlangan narin niyang ibinalik ang tingin niya sa grupo ng kabataang lalaki.



50 bucks says they're straight.” sabi ni Jackie sa likod ng nahikbi pa niyang bestfriend.



Make that a hundred!” sabi naman ni Ena nang makuwa niya ang confidence ng kaniyang bestfriend.



500 bucks and I can make one of them make out with me on the dance floor later. A thousand to get one of them to sleep with me.” Mapresko kong sabi sa aking mga kaibigan, naghiyawan naman ang mga ito na para bang lalong iniinis si Ena.



““Deal!”” magkasabay na sabi ni Ena at Jackie. Biglang tumayo si PV sa kaniyang kinauupuan at biglang sumigaw.



Oh, you're SO gonna lose, bitch!” sigaw nito sabay turo kay Ena. Naghagalpakan naman ang mga ito pagkatapos. Nagpapapadyak naman si Ena sa sobrang inis.



Nasa ganito kaming paguusap ng biglang nagpatugtog ang DJ ng isang magandang kanta kung saan kahit sino ay mapapindak, nagsimula ng mapuno ang dance floor, nagsisisayawan narin ang aking mga kabarkada kahit sa puwesto lang nila. Napangiti nalang ako.



Nakalimutan ko na na ganito kasayang kasama ang mga ugok na ito.” bulong ko sa sarili ko nang makita ang aking mga kaibigan na masayang nagsasayawan.



Saktong dumaan ang grupo ng magkakaibigang lalaki sa aming puwesto. Parang mga modelo itong rumampa papunta sa kanilang pwesto at lahat sila nag-gawi ng tingin sakin, nginitian ko lamang ang mga ito. Ang pinakanakakuwa ng atensyon ko ay si Pat. Nang dumaan na ito sakin harapan ay ngumiti din ito.


Mukhang sang ayon sakin ang gabing ito.” bulong ko sa sarili ko.



0000ooo0000



I think it's about time to take out my bag of tricks.” bulong ko kay Lily sabay ngiti at tungga sa bote ng beer.


Iniwan ko na ang mga nagkakasayahan kong barkada sa kanilang inuupuan, nagsimula na akong maglakad papunta sa may dance floor, pero bago iyon ay dumaan muna ako sa grupo nila Pat at sinulyapan ang mga ito sabay lagpas at punta sa mga grupo ng babae na kasunod ng puwesto nila Pat.



Di ako nagkamali sa hinala sa pagkatao ng limang kabataan. Nang lagpasan ko kasi ang mga ito ay kitang kita ang pagkadismaya sa mga mukha nito. Marahil ay ine-expect na sila ang aking lalapitan. Sa totoo lang wala naman talaga akong pakielam sa mga grupo ng babaeng iyon, nais ko lang talagang makita ang reaksyon ng grupo nila Pat at nakuwa ko ang hinahanap kong sagot.



Inilahad ko ang aking kamay at inaya ang pinakamaganda sa grupo ng mga babae, nagpaunlak naman ito, sinulyapan ko ulit ang grupo nila Pat na naging paksa ng pagpupustahan namin ni Ena at bakas na bakas sa mukha ng mga ito ang pagkadismaya.



Tumingin ako sa aking mga kabarkada at napansing naglululundag ang mga kaibigan kong lalaki at todo ismid naman ang mga kababaihan.



0000ooo0000


Game si Carla sa mga ginagawa ko sa kaniya sa dance floor, mapa masyadong magkadikit ang aming mga katawan o masyadong malaswa ang aming mga galaw ok lang sa kaniya. Nang pinaikot ko si Carla ay saka ko lang napansin si Pat na nakikipagsayaw ngayon sa isa sa kabarkada ni Carla.


Nakipagtitigan ito sakin, napangisi na lang ako, di makapaniwala kung pano umaayon sa plano ko ang lahat. Swabe din ang galaw nito. Tila ba walang ka effort effort na makuwa ang kaniyang mga gusto lalong lalo na sa departamento ng pagibig. Di napatid ang aming titigan at paminsan minsang ngitian habang nakikipagsayaw sa aming mga kapareha. Sa ganitong paraan parang kami naring dalawa ang magkasayaw.



0000ooo0000


Kaniya kaniyang pa-cute ang iba pang kasamang kaibigan ni Carla sakin, marahil ay umaasang isayaw ko rin sila, pero tapos na ang trabaho nila para sakin. Bago paman ako tuluyang tumalikod kila Carla ay hinalikan ko ito sa pisngi at tuluyan ng tumalikod pero hinatak ako nito paharap muli sa kaniya at hinalikan ako sa labi.



Pagkahiwalay na pagkahiwalay ng aming mga labi ay agad itong kumuwa ng ballpen sa kaniyang purse at sinulatan ang aking palad. Numero niya ito sa cellphone at sa baba ng numero ay may mga salitang nakasulat. Nang makalapit na lang ako sa aking mga kaibigan saka ko ito binasa. “Call me.” sabi dito. Agad akong sinalubong ng hiyawan at palakpakan ng aking mga kabarkadang lalaki.


Agad akong lumapit kay Ena at binulungan ito.



500. money down.” lahad palad na sabi ko kay Ena, itiniklop ni Ena ang kaniyang kamay sa dibdib.



All I saw was eye contact. Wala namang french kissing na naganap. Babae kaya yung ka french kiss mo!” malditang sabi ni Ena.



Watch me.” sabi ko. Agad naghiyawan ulit ang mga kabarkada kong lalaki at sumisigaw ng encouraging words sa akin.


I will prepare that 500 bucks if I were you.” bulong ko ulit kay Ena.



Nakangiti akong lumapit sa puwesto nila Pat, habang papalapit ako ng papalapit sa grupo ay ipinako ko lang ang tingin ko kay Pat. Biglang nagpatugtog ang DJ mula sa album ni Rihanna ang kanta ay pinamagatang S&M.



Na na na na na
Come on
Na na na na
Come on, come on, come on
Na na na na

Feels so good being bad (Oh oh oh oh oh)
There's no way I'm turning back (Oh oh oh oh oh)
Now the pain is my pleasure cause nothing could measure (Oh oh oh oh oh)


Habang papalapit ako ng papalapit sa table nila Pat ay tila ba na-e-excite at kinakabahan na di mawari ang mga kasama ni Pat samantalang siya ay tila ba siguradong sigurado na na siya ang lalapitan ko.



Care to dance?” tanong ko sa lalaking katabi ni Pat. Bumakas ang gulat sa mukha ni Pat sabay napailing. Agad namang nagpaunlak ang kaniyang kaibigan na niyaya kong magsayaw. Di maipinta ang mukha nito sa sobrang saya dahil siya ang pinili kong kasayaw.



Cause I may be bad
But I’m perfectly good at it

Sex in the air
I don’t care

I love the smell of it
Sticks and stones

May break my bones
But chains and whips
Excite me



Agad ko itong tinignan ng daretso sa mata, naglalaro ang mga ilaw sa aming ulunan na nagbibigay ng ilusyon na para bang maliksing gumagalaw ang buong paligid na siya namang lalong nagbibigay ng gana sa aming mga nagsasayaw sa dancefloor na pagbutihin ang pagsasayaw. Dahan dahan kong inilapit ang aking mga labi sa kaniyang bibig. Nagpaunlak naman ito, maya maya lang ay maalab na kaming naghahalikan. Narinig kong naghiyawan ang mga kabarkada kong lalaki sa aming puwesto.




Itutuloy...

3 comments:

  1. sizzling intro, nice start (",)

    ReplyDelete
  2. kelangan madaling araw tlga?? Hehe
    bt book 1 part 1 po nklgy... TypoE. Hehe
    basa mod sa nxt.. :)

    ReplyDelete
  3. Sizzling hot start. Another Migz bestseller... Love u po... :))

    ReplyDelete