Chasing Pavements (Book3 Part4)

_______________________________
Chasing Pavements (Book3 Part4)
by: Migs



Nainsulto ako bigla sa pagtawang iyon ni Marco. So tama pala, nagassume nanaman ako. Tanga ko, pero bakit ganon na lang siya makadikit sakin? Bakit ganun siya magsalita kapag magkausap kami? Bakit siya sweet? Bakit gusto niya lagi akong kasama? Napayuko ako sa harap ni Marco. Tumigil na ito sa pagtawa pero may nakakainsulto parin sa mga ngiti niya.



Ako lang pala ang nagiisip nun. Laro lang pala to sayo.” bulong ko at tumalikod na.



Migs!” tawag nito pero di na ako tumigil sa paglalakad at dina ito nilingon pa.



Nakasandal ako sa dingding ng elevator, hinahayaang magusap ang mga grupo ng mga estudyante na kasabay ko doon. Wala akong maramdaman. Manhid na ata ako.



0000ooo0000



Bakit?” tanong sakin ni kuya Ron nang magpaalam ako dito na kila JP na muna magtitigil.



Mas malapit ang dorm nila sa SM. Di na ako pwedeng ma-late. Final coaching na.” pangangatwiran ko.



Kaya ba, di mo narin nilalabas si Marco pag napunta siya dito?” singit nito, di man nito alam ang nangyari nung gabing hinatid ko si Marco sa labas ay tila ba may natutunugan ito.



Kailangan kong magreview, kuya. Di ako pwedeng bumagsak. Nagpapetikspetiks na nga ako ng ilang buwan nung di ako kumuwa nung June eh.” pangangatwiran ko dito.



Yan talaga ang dahilan at hindi dahil pinagtataguan mo si Marco?” tanong ulit nito. Tinignan ko ito ng daretso sa mata. Nagulat ito sa aking biglang pagseseryoso.




Kuya, drop it, ok? Wala akong dahilan para pagtaguan si Marco, di lang talaga pwedeng mawala ang focus ko ngayon kaya wala akong panahon labasin siya.” sabi ko ulit dito, itinaas naman ni kuya Ron ang kamay niya na parang nasuko.



Ok, ingat ka do..” pero di ko na narinig ang huling sinabi nito, tuluyan na akong lumabas ng pinto.



0000ooo0000



Migs!” sigaw ni JP ng pagbuksan ako nito ng pinto. Niyakap ako nito na kala mo di ko siya nakikita arawaraw sa review center.



Let go.” sabi ko dito, agad naman itong humiwalay sakin at kumamot sa ulo at humagikgik.



Akala ko kasi kailangan mo ng yakap eh.” sabi ni JP sakin, wala pa itong alam tungkol sa nangyari samin ni Marco. Tumalikod na ito sakin. Di ko napigilan ang sarili ko at niyakap ito habang nakatalikod siya.



Whoah! Bakit? May problema ba?” tanong nito at lalo kong hinigpitan ang yakap dito.



0000ooo0000



Asan yung tarantadong yun?!” sigaw ni JP sabay suntok sa kaniyang palad nang ikwento ko sa kaniya ang tungkol kay Marco.



Di ko alam, kaya nga ako nandito para makalayo na don eh.” sagot ko dito, tumango naman si JP.



Tama yung ginawa mo. Sige ituro mo siya sakin one time ng makatikim ng one, two, three punch ko, di tama yang paaasahin ka tapos biglang ganun?! Foul yun!” sab nito sabay suntok ng tatlong beses sa hangin.



Wag na. Madudumihan lang ang kamay mo.” sabi ko sabay buntong hininga.



May magagawa pa ba akong iba?” tanong nito sakin, may pagaalala sa mga mata nito. Tumango lang ako.



Ano?” tanong niya. Di na ako sumagot at niyakap na lang siya ng mahigpit.



Hoy di ako rebound ah!” sigaw nito, pareho naman kaming napahagikgik. Dahandahan itong kumalas sa aming yakapan at tinignan ako ng daretso sa aking mga mata.



Pero I don't mind being one.” seryosong sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.



Ha?” tanong ko ulit.



Ok lang sakin na maging rebound para sayo.” sagot nito, di na ako nakasagot, dahan dahan na nitong inilapit ang mukha niya sa aking mukha at naglapat na ang aming mga labi. Agad akong humiwalay dito at sinupalpal ang bibig niya. Napatawa ito.



Hayup ka! Isusumbong kita kay Donna!” sigaw ko dito at kunwaring pinahiran ang aking mga labi at kunwaring nandidiri sa nangyaring halikan.



Sumbungero!” bulyaw ni JP sabay hagikgik.



Paggamit ng CR ah? Magtu-toothbrush lang ako.” sabi ko dito, humagikgik ulit si JP.



Pero bago pa man ako makapasok ng banyo ay narinig ko itong nagbuntong hininga.



Seryoso ako, Migs.” bulong nito, nagkunwari na lang ako na hindi ito narinig at pumasok na ng banyo.



0000ooo0000



San ako matutulog?” tanong ko dito ng makitang di pwedeng higaan ang kama sa itaas ng kaniyang double deck dahil may mga nakalagay na gamit doon ng kaniyang dating ka dormmate.



Ah eh, kung gusto mo dun na lang ako sa sofa.” alok nito. Napatawa ako.



Wag na, di ka kasya dun, tangkad mong yan saka sunog pa yung dulo nun.” sabi ko. Pareho kaming natawa. Naaalala ang nangyari noon kung bakit nasunog ang sofa na iyon.



Eh pano? Tabi tayo?” tanong nito habang pinipigilang ngumiti.



Malapit na akong makatulog at pinipilit ng wag isipin si Marco ng maramdaman ko ang pagyakap sakin ni JP, di na ako kumibo, hinayaan ko na lang ito.




0000ooo0000



Kinabukasan na ang boardexams at ang aking 21st birthday at pareho kaming kinakabahan ni JP, halos di na ako nakatulog nung gabing yun at alam kong ganun din si JP pero nang maramdaman ko ang nakagawian na nitong pagyakap sakin simula nung dun ako sa dorm niya nagstay ay parang nakaramdam ako ng security parang kahit anong problema basta andyan si JP at nakayakap sakin ok lang ako. Pareho na kaming nakatulog ni JP ilang minuto pagkatapos niyang yumakap sakin.



Kumag! Tama na ang pananantsing, kailangan ko pang umuwi at kailangan kong bumalik sa condo gawa wala kong gagamiting uniform para bukas. Dapat puti diba?” sabi ko dito pero lalong humigpit ang yakap nito sakin.



Five minutes.” tawad nito.



Tado!” sabi ko. Humagikgik lang si mokong pero di nabawasan ang higpit ng yakap niya. Sinimulan ko ng kumalas dito.



Tsk! Sabi ng mamya na.” sabi nito saka ibinaon ang kaniyang mukha sa aking likod.



JP, ayos ka nga, usap tayo.” sabi ko dito, pinakawalan naman ako nito mula sa mahigpit na yakap. Humarap ako dito.



Alam mong mali ito diba?” tanong ko dito. Tumango lang siya at marahang ipinikit ang mga mata. Niyakap ko ito, nagyakapan kami habang pareho paring nakahiga.



Di natin kayang saktan si Donna diba?” tanong ko ulit dito. Tumango ulit siya. Ipinikit ko narin ang aking mga mata at sandaling inilapat ang aking labi sa kaniyang labi.



Kaya bangon na tayo at tama na ang embrace.” sabi ko dito, humagikgik naman si mokong. Babangon na sana ako ng pigilan ulit ako ni JP.



Last five minutes.”


0000ooo0000



Alam kong wala si kuya Ron sa condo dahil pumasok ito pero pagpasok ko doon ay nagulat ako ng maabutan kong bukas ang TV at ang mga electricfan, iginala ko ang tingin ko. Sinilip ang kusina at ang banyo at sinunod ko ang kwarto niya. Pero naka lock ito.



Kuya Ron.” tawag ko sabay katok. Nagulat ako ng buksan ni Marco ang pinto, pu-pungay pungay pa ito at nagulat ng mabungaran ako. Pinakalma ko ang sarili ko.



K-Kuya Ron, kukuwa lang ako ng puting uniform ko ah.” tawag ko kay kuya Ron na alam kong nasa loob ng kwarto.



Kung pano ko nagawang maging ganon ka kalmado, di ko alam. Nang tignan ko ulit si Marco ay napansin kong nakayuko na ito. Tandang tanda ko nung daretsahan ko siyang tinanong kung may gusto siya kay kuya Ron at daretsahan niya rin itong sinagot. Naglakad na ako papunta sa aking kwarto as isinara iyon, inayos ko ang aking mga gagamitin para sa exam.



Nanlulumo kong ginawa iyon.



Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong naguusap si Marco at kuya Ron sa dining table, may mga pagkain sa lamesa pero di sila nakain. Nang mapansin nilang lumabas ako ay bigla silang tumigil sa paguusap, yung tipong alam mong ikaw ang pinaguusapan at nung mapansin nilang andyan ka sa malapit ay bigla silang titigil, ganung ganun ang senaryo nun sa condo.



Migs, kumain ka na ba?” tanong sakin ni kuya Ron, nakayuko lang si Marco.



Ok lang ako, kuya.” sabi ko dito at pinilit ang sarili na ngumiti, ewan ko kung nakumbinsi siya doon dahil sigurado akong di maganda ang pagkakangiti kong iyon.



Sige, iwan ko na muna kayo, kuya, Marco.” tawag ko sa dalawa.



Goodluck! Saka Advance happy birthday!” sigaw ni kuya Ron sakin.



S-salamat.” bulong ko saka tuluyan ng lumabas ng condo. Nanlulumo parin ako.



0000ooo0000



S-sure ka bang magandang ideya to Migs? Pag ako bumagsak...” sabi sakin ni JP habang nagtitimpla ako ng Rhum coke.



Di yan. Pag bumagsak ka papakasalan kita.” sabi ko dito sabay tawa.



Sige, ok pa naman akong mag boards sa June 2009 eh.” sabi ni JP sabay tawa din.



Bakit ka ba nagaya uminom?” tanong ulit nito sakin sabay lapit. Yumakap lang ako dito, naramdaman ko nanaman itong nagbuntong hininga.



0000ooo0000



Lulugo lugo kami ni JP na sumakay ng LRT papunta sa aming mga testing centers, dahil Salvador ang aking apelyido ay sa Tondo Manila ako nakadestino samantalang si JP ay malapit sa may blumentritt lang banda kaya't pareho kami ni JP ng bababaan.



JP, ok ka lang?” tanong ko dito, putlang putla si JP.



Tumango lang ako at ramdam ko ang kaba nito. Pareho kami ng nararamdaman.”





0000ooo0000



Natapos na ang unang araw ng nakakastress na pagbabasa at pagsasagot sa exam at papunta na ako sa blumentritt station ng LRT kung san namin napagusapan magkita ni JP. Nang makita ko ito ay parang nakita ko ang sarili ko sa mukha nito. Matamlay itong ngumiti sakin. Habang nakaputi at nakikipagsiksikan kami ni JP sa LRT ay pareho kaming walang imik at parehong nakatulala.



Naisipan naming magsimba pareho ni JP sa Adamson, wala pang masyadong tao sa loob ng simbahan. Tahimik at nakatulala lang kaming nagiintay ni JP ng bigla itong humarap sakin, napaharap narin ako dito. Nanlulumo ito alam kong ganun din ang nakalatay sa mukha ko.



Happy Birthday.” matamlay na bati nito sakin at inilabas sa kaniyang baunan ang isang cupcake na may kulay blue na icing. Nangilid ang luha ko at napayakap dito.



Salamat.” at napaiyak na ako sa balikat nito, alam kong naeeskandalo na ang mga madreng andun pero wala kong pakielam. Gusto kong yakapin si JP.



Nang makarating kami ni JP sa kaniyang dorm ay tahimik parin kami, di sigurado na makakapasa kami sa exam at di sigurado sa aming kinabukasan at sa oras ng tulugan ay magkayakap kaming natulog. Walang pakielam kung may ibang taong masasaktan sa aming ginagawang pagyayakapan na iyon.



Ang mahalaga, napapagaan namin ang pakiramdam ng isa't isa.



I have a feeling that this birthday will be unforgettable para sayo.” sabi ni JP habang iniyuyukyok ang sariling mukha sa aking leeg tumango lang ako.



Ayaw mo bang kumain?” tanong ulit nito sakin.



Ganito lang tayo, please.” sabi ko, sa unang pagkakataon nung araw na iyon ay narinig ko ulit na humagikgik si JP.



Di ko alam pero pakiramdam ko magiging ok lang ang lahat, hangga't nandito ako kayakap si JP.




Itutuloy...

Comments

  1. taena nakaya mo un! coaching was the most crucial part of the entire review period at nakapasa kapa, i admire ur sense of focus at pagiging cool despite of everything that happened, nga pala belated happy birthday and congrats sa pagpasa sa board (",)

    ReplyDelete
  2. tsk.. Tsk..bad c marco.. Cnungaling pa.. Amp.. Kwawa nan c migs..huhu buti nlng anjan c jp.. HONG SWET NOMON.. haha

    ReplyDelete
  3. Anu un. May nangyari kay Marco at Ron? Ang sakit naman nun...

    ReplyDelete
  4. OMG!!!!! saklap nun board exam na board exam at ganun ang nasaksihan mo!!! hanga na ako at di nawala ang focus mo...

    -vash18

    ReplyDelete
  5. si JP... :( kayo nalang please please pretty please

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]