Monday, June 27, 2011

Breakeven (Book4 Part2)

_____________________________
Breakeven (Book4 Part2)
by: Migs

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Breakeven (Book4 Part2)
by: Migs



Marahan akong kumalas sa paghahalikan namin ng lalaking kabarkada ni Pat. Di ko parin alam ang pangalan nito. Sumulyap ako sa kinalalagyan ng aking mga kaibigan at di sila makapaniwala sa aking ginawa. Ngumiti ako.



Di pa ako tapos.” bulong ko sa sarili ko.



I'm Eric.” pakilala ko sa aking kasayaw.



Im Randolph.” pakilala nito. Agad itong ngumiti sakin pero di ko na ito sinuklian pa ng ngiti, ipinatong ko ang aking magkabilang kamay sa kaniyang balikat at itinulak ang kaniyang ulo palapit sakin at bumulong dito.



Usually, I introduce myself first, then make out with a guy and then leave.” bulong ko dito, ramdam kong nakikiliti ito sa aking ginagawa.



But now, I made out with you first, then introduced myself and then I'm going to leave. Be flattered. Iba ka sa mga nakahalikan ko sa dance floor.” nagulat siya sa binulong kong iyon.



Agad akong umalis sa dancefloor at iniwan ang lalaking nagngangalang Randolph. Agad akong bumalik sa aking mga kaibigan pero bago yun ay dumaan muna ako sa tatlo pang kaibigang lalaki ni Randolph at Pat. Nakipagngitian muna ako kay Pat saka tumuloy sa pwesto naming magkakabarkada.


I told you.” sabi ko kay Ena, mabigat ang loob nitong kinuwa ang kaniyang purse at naglabas ng limang daan.



But that doesn't mean they're all gay, right?” tanong ni Jackie.



I'm not finished yet.” makahulugan kong sabi dito. Halata ang gulat sa mukha ng aking mga kaibigan.



Muli akong tumalikod sa aking mga kabarkada at tumungo sa bar kung saan andon na ngayon si Pat at isa pa niyang kaibigan. Patay malisya akong umorder ng maiinom.



Make that two Vodka on the rocks.” sabat ni Pat ng sabihin ko sa barista ang aking order. Humarap ako dito at nginitian ito.



Thanks for the drinks.” sabi ko dito sabay talikod, nang sulyapan ko ito ay kitang kita ang gulat sa kaniyang mukha. Napailing ito sa ginawa kong pang ti-tease sa kaniya.



Palakpakan ang mga kabarkada ko pero sumimangot naman si Ena at Jackie nang makabalik ako sa aming puwesto.




0000ooo0000




Inaayos ko na ang aking sarili para umuwi, nagyayakapan na kami ng aking mga kabarkada at nagpapangakuan na magkikitakita ulit kami. Niyayakap ko na si Lily ng biglang bumukas ang pinto ng club at iniluwa nun ang grupo nila Pat.



Tinignan ko si Ena at siya naman ang niyakap ko.



Prepare that thousand bucks and look for a cab home, bitch.” sabi ko dito, nagulat naman ito at naningkit ang mga mata at nagpapapadyak.



Excuse me.” kalabit sakin ni Pat, nahiyawan naman ang aking mga kabarkadang andun pa.



0000ooo0000





Iminulat ko na ang aking mga mata, hindi makapaniwala na napanaginipan ko ang gabing nagkakilala kami ni Pat, ibinaling ko ang aking tingin sa aking tabi, andun si Pat, walang saplot. Katatapos lang naming pagsaluhan ang pagpapakawala ng init ng aming mga katawan nang pareho kaming makatulog pagkatapos ang umaatikabong aksyon. Narinig ko itong humilik. Napangiti ako.



Biglang may kumatok sa pintuan ng aming cottage. Baka kako locals lang na nangso-solicit. Ibinaling ko ang tingin sa pinto ng cottage, gumising na din si Pat sa aking tabi. tumayo na si Pat upang tignan kung sino ang kumatok, natatawa ako dahil nakatapis lang si loko at kung sino man ang kumatok at sadyang magtataka ito sa itsura ni mokong at malamang magugulat dahil pag nilagpasan ng taong ito ang tingin kay Pat ay makikita naman niya ako na nakahubad na nakahiga sa kama, tanging kumot na puti ang siyang bumabalot sa kaselanan ko, napailing na lang ako, inabot ang kaha ng yosi sa bedside table at nagsindi ng isang stick.



Eh ano naman ngayon kung makakita sila ng dalawang lalaki na katatapos lang mag sex? Uso naman yun ngayon.” sabi ko sa sarili ko habang hinithit ang yosi.



Sino yan, Pat?” tanong ko dito. Iginawi ko ulit sa pinto ang aking tingin at parang inalis lahat ng dugo mula sa aking mukha sa sobrang pagkahiya, napayuko ako.



Nakashades ako kahit alas diyes pa lang ng umaga, umaatikabo ang sakit ng aking ulo. Sana ay di ko na dadalhin ang aking sasakyan pero hassle din mag commute ng may hangover. Nilaklak ko na ang isang bote ng tylenol pero wala paring epekto. Feeling ko puputok ang aking ulo.



Eric! Buti naman dumating ka na! Asan ang ebidensya?!” bati sakin ni Ena, inabot ko dito ang aking telepono at pumunta sa photo gallery nito.



Bakit ngayon ka lang? First day ng school absent ka sa 1st and 2nd subjects natin?” tanong naman sakin ni Jackie, di na ako nagsalita, hinubad ko na lang ang shades ko at pinakita sa kanila ang pagkahaggard ng mata ko.



AHHH! OMG! Siya pa naman ang pinakagwapo sa kanilang lima tapos siya pa tinuhog mo?!” sigaw sakin ni Ena. Tinignan lang namin ito ng masama ni Jackie.



Scandalosa much?” sabi ni Jackie.



Watch your words, para kang walang breeding eh!” sigaw ko.



Was he good?” tanong nito sakin at binalewala ang aking pangiinsulto sa kaniya.



You're sick you know that?!” singhal ko dito sabay bawi ng telepono ko at binura ang ebidensya saka tumungo na sa registrar para kumuha ng mga classcards.



Nang makarating ako sa registrar's office ay parang bigla akong nanibago, karaniwan kasi mahaba ang pila dito at per department ang kuwanan ng classcards para sa first day ng school pero iba ngayon, isang tao na lang ang asa pagitan ko saka sa bulletin board na nagsasabi kung anong window kukuwanin ng mga estudyante ang kanilang mga classcards syempre depende iyon sa kursong kanilang kinukuwa. Tinignan ko ang aking relo.



Oo nga pala, tatlong subject na nga pala ang inabsentan ko ngayon, malamang yung dapat mahabang pila ay kanina pa sigurong alas syete ng umaga.” bulong ko sa sarili ko, inintay ko ang lalaking nakatayo sa gitna namin ng bulettin board.



Ang tagal naman ni manong.” bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa aking relo.



Excuse me, pwede bang mauna na ako? Antagal mo kasi eh. Tatlong subject na kasi akong absent ngayong araw na ito at wala akong balak gawing apat iyon.” sabi ko sa lalaking asa harap ko, nagbigay naman ito ng daan.



Abala na ako sa paghahanap ng aking course code at window number para sa pagkukuwanan ko ng classcard ng bigla ulit nagsalita ang katatabi lang na lalaki.



Ganyan ba talaga kasama ang ugali mo?” tanong nito sakin.



Excuse me?!” humarap ako dito. Nanlaki ang mata ko at naramdaman ko na lang na kumabog ang aking dibdib.



C'mon. Nakalimutan mo na agad ako?” nakasimangot na sabi nito sakin. Di na ako nakakibo, para na akong binuhusan ng malamig na tubig.



First you seduce me, then you bring me to a motel, then iniwan mo ako dun bago ako magising tapos ngayon papaalisin mo ako when you obviously know na nahihirapan akong i-decipher ang codes na naka post dyan sa lintik na bulletin board?!” bigla akong napalunok.



Tinignan ko ang mukha nito. Halatang puyat at hindi maganda ang simula ng araw nito pero andun parin ang kagwapuhan at bakas na bakas parin ang lahing banyaga na nagustuhan ko sa kaniya kagabi nung nagpustahan kami nila Ena. Ang totoo niyan may picture pa siya sa aking phone bilang patunay kay Ena na nakasiping ko ito at ipaalala na nanalo ako sa pustahan namin at may utang siya sakin na isang libo. Pero hanggang dun na lang sana yun eh, di na kami dapat magkikita pa.



Geesh! Ngayon lang talaga ako nakakilala ng isang katulad mo. Heartless!” sabi nito. Di na ako nakakibo pa. Nagdikit ang kilay nito at namumula narin sa sobrang galit.



Look I'm sorry about last night, but it was supposed to be a one night thing.” sabi ko sabay buntong hininga, di na ako nito tinapunan ng tingin.



The least you can do is help me with this damn codes.” sabi nito sakin na kala mo nagmamakaawa na. Nagalangan ako saglit.



Wait, kuwanin ko lang ang classcards ko, then balik ako para tulungan ka.” sabi ko dito. Tumango lang ito at itinuon na ulit ang mata sa bulletin board.



Agad agad akong pumunta sa window kung saan kinukuwa ng mga archi students ang aming mga classcards, habang tinitignan ng registrar ang aking enrolment slip ay palinga linga naman akong naghahanap ng pwede pang ibang daanan. Makalayo lang kay kumag.



Ano nga bang problema ko? Nagpapatulong lang naman si mokong.” sabi ko sa sarili ko. habang nagbibilang ng classcards ang registrar sa loob ng window.



Magpapatulong tapos makikipagmabutihan tapos magiging kayo tapos magkakasakitan. Waaaahhhh! Pak! pak! Pak!” sabi ko ulit sa sarili ko.



Tinignan ko ulit ang tagiliran ng building kung saan ako naroon, may isang pwedeng labasan. Napangisi ako, nang makuha ko na lahat ng aking classcards mula sa registrar ay dahan dahan na akong naglakad papunta sa tagilirang exit. Mukha namang di ako napansin ni kumag kaya't halos makalabas na ako ng tapunan ko ito ng tingin. Nakakunot parin ang noo nito at halatang di mapakali sa harapan ng bulletin board. Naawa naman ako pero tuluyan parin akong lumabas ng building na iyon.



0000ooo0000



Haist! Akala ko di ka na babalik.” sabi ni mokong na halatang may pagaaalala sa mukha.



Only to prove na di ako sobrang samang tao tulad ng sabi mo. Ano na nga ang course at panagalan mo?” tanong ko dito.



Matagal ito bago sumagot. Tinapunan ko na ito ng tingin, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin.



Patrick Romero.” matipid na sagot nito pero hindi parin nito inaalis ang kaniyang tingin sakin.




Dun ko ulit natitigan ang kaniyang maamong mukha, kulay brown na mata, mapupulang labi, makinis at maputing balat at makapal na buhok na kala mo nilagyan ng pomada sa sobrang ayos. Halatang halata ang kaniyang pagkakaroon ng dugong banyaga.




Damn you're gorgeous.” bulong ko. Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi kong iyon, naramdaman ko namang namula ang buo kong mukha at ibinalik na lang ang tingin ko sa bulletin board. Narinig ko itong humagikgik.




Ano ulit yun?” tanong niya, tinapunan ko ulit ito ng tingin.



Kalimutan mo na ang sinabi kong iyon.” sabi ko dito.



Ok.” sarkastikong sabi nito, tinapunan ko ulit ito ng tingin, nakangiti na ito. Napahawak ako sa bulletin board dahil akala ko mahihimatay ako sa ngiting yun.



Anong name mo ulit saka course.” tanong ko dito sabay harap ulit sa bulletin board.



Patrick Romero. Architecture. Senior year.” sabi nito, natigilan ako. Bigla akong humarap dito.



Akala ko asa 18 or 19 ka lang? Senior ka na?” sunod sunod kong tanong dito. Itinaas nito ang kamay niya na kala mo sumusuko sa isang giyera.



Di ka naman nagtanong eh. All you said last night was...”Where do you want to go?” and “Aren't you gonna take those off” sabay turo sa mga damit ko.” may pagka arroganteng sabi ito sabay hagikgik.



Dun ang window mo.” sabi ko sabay turo ng window kung saan ko kinuwa ang classcards ko.



Dun ka rin kumuwa ng classcrads... haha! Don't tell me magkaklase tayo.” sabi nito na kala mo tumama sa lotto.



Bright. Ang bright bright mo.” pasarkastiko kong sabi dito.



Inatayin mo ako, kunin ko lang ang classcards ko tas sabay na tayong pumasok sa susunod nating subject.” sabi nito saka lakad takbong pumunta sa window na pinuntahan ko kanina. Sinampal ko nalang ang noo ko at naglakad na palayo.




0000ooo0000



O san ka galing?” tanong sakin ni Ena. Di na ako sumagot, sabay sabay na kaming pumasok sa classroom.



Lumingon lingon ako.



May iniintay ka ba?” tanong naman sakin ni Jackie, umiling lang ako.



Nakaupo na lahat ng amining kaklase, andun ako sa aking karaniwang pwesto, walang katabi. Pumasok na ang aming propesor at magsisimula na sana ng biglang bumukas ang pinto, iniluwa nun si Pat na humahangos pa, sandali nitong iginala ang tingin at ng makita ako ay ngumiti ito.



What are you waiting for, take a seat.” sabi ni aming propesor, lumingon naman si Jackie at Ena sa aking pwesto, halatang namumutla ako at napahagikgik ang dalawa.



Dahan dahang lumapit si Pat sa aking pwesto. Nakangiting aso ito.




Itutuloy...

8 comments:

  1. una naman c erick sa buhay ni pat, maganda ang transition of scenes, smooth and funny, cant wait for the next chapter (",)

    ReplyDelete
  2. First of all..ang ganda ng background maliwanagXD ibig sabihin ba niyan may liwanag na ang buhay?XD

    tapos again about ba to sa past and present nila or may halong other characters..it seems (haha) silang dalawa na lang kasi yung di maayos yung lovelifeXD

    ReplyDelete
  3. ar hahah funny ka..ano yan meralco hehe.maliwanag ang buha y..

    ReplyDelete
  4. Kwento ba ito ang love story ni Pat at Eric? Si pat ba dito ay ung bf ni jake sa book 3?

    ReplyDelete
  5. hihihi.. kiligness... i have the perfect faces for this story... hehehe

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  6. Sir Migs .. Pashare naman po ng Story nio sa page namen .. dko alam kung pano ka i aaproach ng personal e.. hehehe

    ReplyDelete
  7. to ANONYMOUS JUNE 29, 2011,

    Leave your ym address dito sa comment box, I'll add you and we'll talk there, Ok?


    Migs

    ReplyDelete
  8. Cross over pala ito ng book 3. Hehehe. Ang simula ni eric at pat. Labz u po Migz. Ingatz

    ReplyDelete