Chasing Pavements (Book2 Part 9)

_________________________________
Chasing Pavements (Book2 Part9)
by: Migs




Hindi maikakaila na sa loob ng ilang araw matapos kong malaman ang panlolokong ginawa sakin ni Alex ay malaki ang pinagbago ko, hindi na ako naglalabas ng condo, hindi narin ako makausap ng maayos, sa skwelahan naman ay nawalan narin ako ng gana. Di ko pa ulit nakikita si Alex, kung sabagay di mo naman talaga makikita ang taong nagtatago. Mamya ulit ang susunod naming klase at sa totoo lang ay ayaw ko na itong pasukan.




Alam mo Migs, kapiranggot na lang tatawagan ko na si Tita para masundo ka na dito.” sabi ni kuya Ron sa aking harapan.



Ha? Bakit? May nagawa ba akong mali, kuya?” naluluha kong tanong dito, wala paring kabuhaybuhay ang tanong kong iyon. Wala parin akong kabuhaybuhay.



Yun na nga eh, wala kang ginagawa! Para kang estatwa, para kang multo, para kang nagaadik na hindi mo malaman dahil di ka na makausap ng maayos, di ka kumakain ng maayos. Tignan mo nga yang ginawa mo sa pancakes mo.” sabi ni kuya Ron.



Napatungo naman ako sa aking kinakainan. Pinirapiraso ko na ang pancake may surup akong binuhos dito na sa sobrang dami ay pwede ng ipahid sa limampung pancake at ang butter ay halos mahulog na mula sa plato. Tumayo ako.



Pasensya na kuya, wala lang talaga ako sa mood at walang ganang kumain.” sagot ko, narinig kong nagbuntong hininga si kuya Ron pagkatalikod ko. Narinig kong kumalampag ang silya na inuupuan ni kuya Ron kanina at ng tignan ko ito ay bigla niyang dinakma ang aking kamay at hinila palapit sa isang malaking salamin.



Tignan mo ang sarili mo Migs!” sigaw ni kuya Ron, hawak hawak nito ang aking panga at pilit na pinapakita ang aking repleksyon sa salamin.



Kung ano man yang problema mo, di pa yan ang katapusan ng mundo. Mas marami pang tao diyan ang may mas malalaking problema!” sigaw ni kuya Ron, nangingilid na ang luha ko.




Sinasabi ko sayo Migs, kapag di ka pa umayos ipasusundo na kita kila Tita at sasabihin ko ang sa tingin ko ang ikinagaganyan mo!” sigaw ni kuya Ron sakin, nang pakawalan niya ako ay agad akong bumalik sa aking kwarto at naghanda na para pumasok sa eskwela.




0000ooo0000



Pumasok ako sa loob ng classroom, wala pa masyadong tao, walang gana kong inilabas si Kozier mula sa aking bag at inilabas ang aking notebook pagkatapos nito. Di ko parin alam kung anong katangahan ang pumasok sakin at nagpasya parin akong siputin ang klase namin ni Alex. Ang alam ko lang ay makikita ko siya ulit pagkatapos ng huli naming pagkikita nung gabing may nangyari ulit samin.



Nagsimula ng magdatingan ang aking mga kaklase, napatingin ako sa bakanteng silya sa aking kaliwa kung saan dating nakaupo si JP, bigla ko itong namiss. Biglang bumukas ang pinto ng classroom at nagtayuan ang aking mga kaklase para batiin si Alex. Napatingin ito sakin. Nagsimula nanamang malunod ang aking mga mata sa luha.




Mr. Salvador. Explain the purpose why we get our patients vital signs.” tawag ni Alex sa aking atensyon na noon ko lang napansin na wala pala sa klase. Tumayo ako at hindi nakasagot.




I think Mr. Salvador is having a hard time concentrating. Baka kaka break lang sa syota.” pangiinsulto pa ni Alex, nagtawanan ang mga kaklase ko pero mas tumatak sakin ang mapanginsultong tawa ni Alex.




Natapos na ang klase pero tulala parin ako, nagsimula ng maglabasan ang mga kaklase ko pero andun parin ako nakatanga lang. Nang mapansin kong kami na lang ni Alex ang natitira sa classroom ay agad akong lumapit sa lamesa nito.




Di ka ba uuwi at magiiiyak?” tanong nito habang nakayuko at inaasikaso ang maraming papel sa kaniyang lamesa.



Bakit?” tiim bagang na tanong ko dito.



Alam mo na ang dahilan. Sige na umalis ka na.” pantataboy nito sakin.



Hindi. Di ako aalis dito hanggat di mo sinasabi...” pero di na ako nito pinatapos.



Ginantihan lang kita, yun lang yun!” sigaw niya at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto.



Wala ka bang naramdaman? Maski konti lang?” halos pabulong kong sabi pero narinig niya parin yon dahil napatigil siya bago lumabas ng pinto.



Wala maski konti.” sabi niya at tuluyan ng lumabas.



Nawalan ng lakas ang aking paa at napaluhod na sa maduming sahig ng calssroom.



0000ooo0000



Ilang oras na akong nakahiga sa aking kama at nakatalukbong at patuloy parin sa pagiyak, kanina parin ako kinakatok ni kuya Ron, di ko ito iniintindi at wala narin akong pakielam maski sunduin pa niya ang nanay ko, ang gusto ko lang ngayon ay umiyak.




Hagulgol bata parin ako ng bigla kong narinig na sumigaw si kuya Ron, alam kong nagsawa na ito sa kakakatok saking pinto. Maya maya ay narinig ko na lang ang isang malakas na kalabog at parang ginigibang dingding.




Putangina! Ano bang ikinagaganiyan mo ha?!” sigaw ni kuya Ron ng sa wakas sa pangatlong sipa niya sa aking pinto ay nasira na niya ito. Napatigil siya nang makita ang luhaan kong mukha. Lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.




Sinabihan naman na kita diba?” tanong nito sakin, tumango lang ako bilang sagot. Sinuklian ko na ang kaniyang mahigpit na yakap.



Ganito pala kasakit, kuya.” bulong ko at naramdaman ko na lang ang paghagod niya sa aking likod.




Shhh. Lilipas din yan.” sabi nito habang mahigpit parin akong niyayakap gamit ang isang kamay at hinahagod ang aking likod.




0000ooo0000



Pero ilang linggo pa ang lumipas at di na ako kinikibo pa ni Alex maski sa aming mga klase. Ilang linggo palang ang lumilipas at tila ba atat na atat na akong lumipas ang nararamdaman ko, sa sobrang atat ko ay humanap ako ng “shortcut” para matapos na agad ang paghihirap ko.



Dahan dahan kong ini-angat ang blade, iniisip ko ang napagaralan ko sa Anatomy. Kung saan ko ba ihihiwa ang blade na yun para mas mapapadali ang pagkitil ko sa buhay ko.



Carotid.” bulong ko sa sarili ko at kinapa ang malaking ugat sa aking leeg. Habang kinakapa ito ay panandalian akong humarap sa salamin, nakita ko ang sarili ko.




Wala ng kabuhay buhay ang itsura ko, maputla, malalaking eyebags, napabayaang buhok at miya mo na kalansay sa sobrang payat. Nakita ko ang sarili ko at ang hawak na blade, kinakapa ko parin ang aking leeg. Isang luha ang bumagsak.



Ibinato ko ang blade sa basurahan.



Pathetic.” sabi ko sa aking repleksyon saka lumabas na ng banyo.



0000ooo0000



Di ko alam kung anong ginagawa ko sa harapan ng apartment ni Alex. Para akong tanga, sinabi na ngang ayaw sakin eh, pero tuloy parin ako sa paghahabol sa kaniya. Inulit ko ang sinabi ko sa sarili ko kanina.



Pathetic.” bulong ko ulit sa sarili ko at umilingiling.



Tama. Kakausapin ko lang siya.” sabi ko ulit sa sarili ko.



Dahandahan akong kumatok sa pinto ni Alex. Matagal bago may sumagot sa pinto. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at hindi si Alex ang iniluwa noon. Isang lalaki na nakatapis lang at parang kalalabas lang sa shower. Tinitigan ako nito at bahagyang kumunot ang noo.




Sino yan Rod?” tanong ng isang lalaki sa loob ng apartment, hindi maikakailang si Alex yon. Sumilip si Alex at ng makita ako ay bahagya pa itong nagulat pero agad ding ngumisi at yumakap sa lalaking nakatapis sa unahan ko, nakatapis lang din si Alex. Nanginig at nanghina ang buong katawan ko.




Yes Mr. Salvador? Next tuesday pa ang sususnod nating klase diba?” nangiinis na sabi ni Alex. Napatitig ako sa kaniya. Ngumisi ulit ito bilang dagdag sa pangiinsulto niya.




Di ko na kinaya ang sakit at tumalikod na ako, lakad takbo akong lumayo sa lugar na iyon pero bago ko pa man maihakbang ang paa ko pasakay ng elevator ay narinig ko ang nakakainsultong tawanan nila Alex at ng lalaking kasama nito. Malamang ako ang pinagtatawanan nila.



Gulong gulo ang isip ko habang nakasakay sa LRT pabalik sa condo namin. Ano nga ba kasing naisipan ko at pumunta pa ako doon. Kung bakit ba kasi gustong gusto kong masaktan maibalik lang yung dati samin. Kung bakit ba kasi naisip ko pang ok lang na masaktan ako basta nasa tabi ko siya, na ok lang na masaktan ako kahit hindi totoo yung pinapakita niya saking pagmamahal.



Nakaharap ako sa bintana ng LRT nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking balikat. Tinignan ko ang may ari ng kamay na iyon, di ko siya kilala. Isang lalaki na may maamong mukha, inabot nito ang isa pa niyang kamay at inaalok sakin ang kaniyang panyo. Tinanggihan ko iyon, inilabas ko ang sarili kong panyo at pinahiran ang aking mga luha na noon ko lang napansin na kanina pa pala natulo.



0000ooo0000



Lumipas ang ilang buwan, sabi nga ni kuya Ron, kung dati para akong zombie, ngayon ay para naman akong naka shabu. Hyper kung hyper. I-chinanel ko ang aking pighati sa mga bagay na kapakipakinabang. Mga bagay na nakakaalis lahat ng sakit. Kung sa paglilinis yan, sige, araw araw mo akong makikita maglinis, kung sa pagbabasa yan, sige kada linggo may bago akong libro na babasahin, kung sa pagaaral iyan sinisiguro ko sayo perfect ang bawat exam at masasagot ko ang bawat recitation.



Panahon na kung saan halos isang linggo kaming walang gagawin sa skwelahan. Foundation week ang tawag namin dito at wala talagang klase. Paguwi ko sa condo ay agad kong kinuwa ang aking pambahay at kinuwa ang panglinis ng banyo. Nagsuksok ng earphones at pinatugtog ang paborito ko sa aking iPod. Kasalukuyan akong naglilinis ng bowl ng makaramdam ako ng kalabit.



Magbihis ka, may pupuntahan tayo.” seryosong sabi ni kuya Ron.



Agad agad akong nagbihis, di ko parin alam kung saan ako dadalhin ng aking pinsan. Sumakay kami sa sasakyan niya. Sumulyap ako sa kaniya, nakakunot ang noo nito at abalang abala sa pagmamaneho pero alam kong malalim ang iniisip nito.



0000ooo0000



Andito na tayo.” sabi niya, napatingin ako sa labas at napansing asa Glorietta na kami.



Anong gagawin natin dito?” tanong ko.



Basta!” seryoso parin nitong turan sakin.



0000ooo0000



Fix him. Please.” sabi ni kuya Ron sa isang lalaki, ngayon lang ako nakapasok sa isang bench fix, ngayon lang din ako magpapagupit sa isang kilalang lugar.



Lumabas kami ng Bench na bagong gupit at bagong highlights ang aking buhok. Medyo maikli at kakaiba ang gupit kesa sa aking nakasanayan pero ayon sa nag-gupit sakin at kay kuya Ron ay bagay naman daw ito sakin.



0000ooo0000



Doc, please remove those awful bonds.” sabi kuya Ron sa isang dentista habang tinuturo ang de kulay na mga laste na nakasabit sa aking braces. Pinaltan iyon ng transparent bonds.



Di pa doon natapos at pinalinis narin ni kuya Ron ang aking braces dahil ayon sa kaniya, mukha na daw iyon nangangalawang.



0000ooo0000



Eye contacts.” abot sakin ni kuya Ron ng isang pares ng contacts sabay alis ng aking salamin.



Nakabraces ka na nga naka eye glasses ka pa. Spell NERD.” nangaalaskang sabi sakin ni kuya Ron, matapos niyang ibigay sakin ang contact lens ay agad ako nitong hinatak para bumili ng mga bagong damit.



Pantalon, t-shirt hanggang sa underwear bumili kami ng bagong gamit. Ayon kay kuya Ron ay kakailanganin ko raw ito sa aming pupuntahan. Naguluhan naman ako sa sinabi niyang yun.



Di ba ito yung pupuntahan natin?” tanong ko sa kaniya.



Hindi no. O ayan boardshorts saka sando.” sabi ni kuya Ron sabay abot ng kaniyang mga napili pang damit.



Aanihin ko ito?” tanong ko sa sando at boardshorts



Magbe-beach ka bukas.” sabi nito sakin sabay hagikgik. Napanganga nalang ako.



Sige na, isukat mo na iyan.” sabi ni kuya Ron at itinulak ako nito sa fitting room.



Nang maisuot ko na ang kaniyang pinapasukat sakin ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Anlaki ng pinagbago ng itsura ko lalo na nang tanggalin ang aking salamin. Ibang iba sa dating Miguel na mukhang nerdynerdnerd. Napangiti ako sa aking nakikita.



Simula na ito ng bagong ako.” sabi ko sa sarili ko.




Itutuloy...

Comments

  1. total make over talaga, nice! (",)

    ReplyDelete
  2. Go Migs!!! Kick some butt!!!!

    ReplyDelete
  3. wow.. talk about Migs being dolled up.. hehehe

    nice one..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  4. panalo ang make-over!

    tamang tama yan!

    ReplyDelete
  5. "royvan24"

    san na ang next hehehehehe?

    nice again

    ReplyDelete
  6. nice.. bait nmn ni kuya.. haha

    ReplyDelete
  7. Yeabah! The total make over. Migz edition. Love you po Migz...

    ReplyDelete
  8. Uy. Dito niya hinugot si Ram. Haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]