Chasing Pavements (Book2 Part5)

__________________________________
Chasing Pavements (Book2 Part5)
by: Migs





Tahimik lang ako na nakaupo sa tabi ni Alex sa loob ng kotse niya, buti na lang malayo na sa skwelahan nung businahan ako nito at walang nakakita sakin na sumakay sa kotse niya. Di ko alam kung san ako dadalhin nito pero nakiusap siya sakin kanina bago ako sumakay na kailangan daw naming magusap. Lagpas ang tingin ko sa windshield, di ko alam ang sasabihin ko dito at hindi ko alam kung san tungkol ang aming paguusap nang bigla nitong itigil ang sasakyan.




Gusto ko sanag humingi ng sorry.” simula nito.




Ok lang po yun, pareho naman po nating di alam eh.” sabi ko dito.




Ang totoo niyan, may isa pa akong pakay eh.” napatingin na ako sa kaniya sa sinabi niyang yun, bahagyang kumunot ang aking noo, napayuko ito.




Gusto ko sanang mas makilala ka pa, yung higit sa pagiging estudyante ko lang.” sabi nito sakin, pumintig ata lahat ng ugat sa ulo ko sa aking narinig na iyon.




A-ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ko ulit dito, inabot nito ang aking kamay na nakapatong sa aking hita at hinalikan iyon.




0000ooo0000




Nako Migs, mahirap yang pinapasok mo ah.” sabi sakin ni kuya Ron nang ikwento ko sa kaniya ang mga nagyari kanina nung sunduin ako ni Alex.




Natahimik ako, tama ang sinabi ni kuya Ron.




Kumpikado na ngang pareho kayong lalaki mas ginawa pang kumplikado dahil professor mo siya.” sabi pa nito habang nanguya.




0000ooo0000



Nakapako ang aking tingin sa kesame ng aking kwarto.




Tulad ng sinabi ni kuya Ron kanina habang nakain kami, ganun din ang sinabi ko sa sarili ko NUNG UNA. Pero ngayong nagiba na nga ang ihip ng hangin at ngayon ay nagsabi na si Alex ng tunay niyang pakay sakin ay parang gusto kong kainin lahat ng sinabi ko nung una.




Teka lang, maiba tayo. Paano kung biglang magbago ang ihip ng hangin, pano kung seryosohin ka ni Sir? Papatulan mo ba siya?”




Imposible na sigurong magkagusto pa ako kay Alex. Masyadong kumpikado na lahat eh.”





Tama, mukhang kakainin ko nga lahat ng sinabi kong yun kay JP.” sabi ko sa sarili ko at kinain na ako ng antok.




0000ooo0000




Hello.” inaantok ko pang sabi kay JP sa kabilang linya.




Tulog ka parin?” tanong nito saka ko narinig na parang nahagikgik ito sa kabilang linya.




Hindi na, ginising mo na ako eh.” sabi ko dito na medyo naiirita na.




Nako, sleepy head talaga.” pa baby talk na sabi nito sakin na lalo kong ikinairita. Binabaan ko ito at itinalukbong ko ulit ang unan sa aking ulo. Nagring ulit ang aking telepono.




Ano?!” sigaw ko na sa aking kausap sa kabilang linya.




Naistorbo ba kita?” tanong ng aking kausap sa kabilang linya, kumunot ang noo ko nang mapagtanto kong hindi na si JP ang kausap ko, inilayo ko sa aking tenga ang telepono at tinignan ang screen.




Naku, sorry Sir, may nanginis lang kasi sakin kanina. Napatawag po kayo?” sabi ko habang nabangon na sa higaan.




Unang una, drop the Sir, po and opo. Panagalawa, gusto ko kasing maging maganda ang araw ko kaya tinawagan kita.” sabi nito.




Ha? Ano pong... este anong koneksyon sakin ng pagganda ng araw niyo?” tanong ko dito habang naglalakad papuntang CR.




Kasi marinig ko lang boses mo ok na ako. Maganda na araw ko.” sabi nito sakin. Napangiti ako.




0000ooo0000




My God! Migs, drop the cheesy smile! Magiisang oras mo nang ibinaba yung telepono, kinikilig ka parin?” singhal sakin ni kuya Ron sabay tayo para iligpit ang pinagkainan niya.




Alam mo, minsan kontrabida ka eh no?” sarkastiko kong sabi dito habang inuubos ko ang inihandang almusal ni kuya Ron.




Pano na si papa JP?” tanong nito sakin, natigilan ako saglit saka nagkibit balikat.




Sinasabi ko sayo Migs, mahirap yang pinapasok mo.” sabi nito sakin habang iwinawagayway ang scotchbrite na ginagamit niya panghugas sa plato. Napabuntong hininga na lang ako.




0000ooo0000




Naglalakad na ako sa kahabaan ng P. Campa habang pinagiisipan kung magco-commute ba ako o dadalhin ko na lang ang sasakyan ko nang biglang may nagpiring sa aking mga mata. Agad kong inisip na baka si Alex ito kaya wala sa isip kong sinabi ang pangalan nito.




Alex?”




Agad inalis ng taong nagpiring sakin ang kaniyang mga kamay sa aking mga mata, hinayaan kong masanay muna ang aking mga mata sa biglang pagliwanag ulit ng paligid. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni JP.




Akala ko ba ayaw mo na kay Alex?” tanong nito. Natigilan naman ako at tila ba nasasamid.




Joke lang yun! Ikaw naman! Alam ko namang ikaw yan eh.” sabi ko sa kaniya sabay suntok sa kaniyang braso. Napangiti ito pero mukhang naghihinala parin ito na nangsisinungaling lang ako.




Andito ka ba para sunduin ako? Tara sabay na tayo pumasok.” sabi ko dito sabay hila sa braso niya.




0000ooo0000




Tahimik lang kami sa sasakyan ni JP, halata kong tinutunugan pa ako nito kung totoo ang sinabi ko sa kaniya kanina.




Sabi ko sayo kagabi i-text moko pag uwian mo na diba? Di ka na nga nagtext bigla ka pang nawala. Akala mo ba talaga di ako seryoso?” tanong ulit nito sakin.




Ha? Ah eh nawala sa isipko eh.” palusot ko dito.




Tapos kanina, binabaan mo ako ng telepono.” pagmamaktol nito, sinuntok ko ito ulit sa braso, ngumiwi ito pero ngumiti din agad.




Aray! Nakakarami ka na ah.” sabi nito habang hinihimas ang braso niya.




Pinagtritripan mo kasi akong gago ka eh!” sabi ko dito, umiling lang si kumag saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.




0000ooo0000




Pumasok na si Alex sa classroom, nasa tabi ko ngayon si JP at nagbabasa ng Marvel comics na itinago niya naman bigla nang pumasok si Alex. Nag goodmorning ito samin na siya naman naming sinagot.




Get a ¼ sheet of paper and prepare for a 10 item quiz.” sabi nito samin, sabay sabay naman ang reaksyon ng mga kaklase ko. Parepareho kaming nagulat.




Habang nagtatanong si Alex sa ikalimang item ay biglang tumigil ang tinta ng aking ballpen, sinimulan kong halughugin ang aking bag pero wala na akong makitang extra, sinubukan ko nalang na alugin ito at nagbakasakaling gumana pa. Napansin siguro ni Alex ang nangyayari sakin kaya't naglakadlakad ito kunwari.



Malaman laman ko na lang na sabay nang nagaabot ng ballpen sakin si Alex at si JP. Nagkatitigan pa sila saglit. Kinuwa ko ang ballpen na inaalok ni Alex, iniwan naman ni JP ang kaniyang inaalok sa tabi ko. Tinignan ko siya saka tumango bilang pagsabi na “Ok na, may nahiram na akong ballpen.” pero di niya pinansin ang pagtango kong iyon. Kumunot lang ang noo nito.




0000ooo0000




Ayaw niya lang siguro na pati sagot ipapasa mo sakin.” sabi ko kay JP habang nagaaral kami para sa aming kaniyakaniyang susunod na subject.




Bakit, nakasulat ba sa ballpen yung sagot?!” pasinghal saking sabi ni JP, kumunot naman ang noo ko sa mga kinikilos nito.




A-ayaw ko lang kasi na makita kang masaktan saka...”




Saka ano? Saka gusto mo ikaw na lang piliin ko? Tsss! JP tigilan mo na nga ako dyan sa pangtritrip mo.” inis ko nang sabi dito sabay tayo at lakad palabas ng library.




Migs, wait!” sigaw nito, huling tingin ko dito ay nilapitan na ito ng librarian at pinapagalitan.




Di ko na ulit pa nakita si JP nung maghapon na iyon at kasabay nun ay di na bumalik pa ang magandang mood saking tuktok. Tahimik lang ako sa bawat klase na pinasukan ko, umiiwas sa mg a lugar na pwede kong makasalubong si JP at hindi ko sinasagot ang mga text nito. Isang bagay lang ang nagpaganda ng hapon kong iyon.



Ba't ka nakasimangot?” basa ko sa text na mula kay Alex.



Bad day.” reply ko dito.



Please, smile ka na. Ayaw kong nakikita kang nakasimangot. ;-) ” sabi nito sa kaniyang reply. Napangiti naman ako. Muling tumunog ang aking telepono at binuksan ang kararating lang na message.



Ayan. Cute mo kaya pag nakangiti, lalo na pagnakikita yang mga bakal mo sa ngipin. Hihi!” sabi ulit ni Alex, napalingon ako at di ako nagkamali, andun nga si Alex, nakatingin sakin. Parang nawala lahat ng tao sa hallway na iyon, ngayon ay kami lamang dalawa ni Alex, huminto ang oras, tahimik. Ngumiti ito saka kumindat.




0000ooo0000



Galit ka ba?” tanong sakin ni JP habang nagmamadali akong umuwi. Sunod parin si mokong.



Di lang tlaga ako pwedeng sumabay sayo gawa may pupuntahan pa ako.” sabi ko dito. Pero makulit talaga si mokong.



Sasamahan kita.” bigla akong napaharap dito. Malamlam ang mga mata nito, tila nangungusap.



Bakit?” tanong ko dito. Kumunot ang noo nito at bahagyang namula.



Napatahimik kami sa kalagitnaan ng bangketa, madami sa mga tao na dinadaanan kami ay naiinis na dahil nakaharang daw kami sa daanan lalo na ang mga nagmamadali.



Sawa na akong mapagtripan, JP. May gumawa na sakin niyan noon. Please kung di mo to kayang ipaglaban, itigil mo na lang?” nanginginig ko ng sabi. Nanlaki ang mga mata ni JP lalo na nung nakita niyang nangingilid na ang aking luha.



Di kita pinagtritripan.” mahinang sabi nito, pareho kaming nagulat ng biglang may tumigil na sasakyan sa tapat namin.



Halika na, Migs.” sabi n Alex nang maibaba nito ang bintana.


Tinignan ako ni JP, tila naguguluhan sa nangyayari. Nakita kong nagtense ang panga nito at sumarado ang palad nito na miya mo manununtok nang nagsimula na akong maglakad patungo sa kotse ni Alex.




Itutuloy...

Comments

  1. done!.. hehe kwawa nmn si jp... :( basa uli.. hehe

    ReplyDelete
  2. ouch! huhu ayaw ko ng may nasasaktan... bakit ganon Migs? Parang breakeven lang ah... you loose some you win some... fall in love and fall out of love... get hurt or be happy... the bottom line? you have to choose between the one you love and the one who loves you even more... may mapapasaya ka but then again di maiiwasan na may masasaktan... magulo di ba? but that's the whole process of crazy little thing called LOVE! Sana lang tama ang pinili mo, kasi ako, I'd go with JP hehehe

    ReplyDelete
  3. Royvan24

    love ko to long hair si migs sa dalawang suitors niya hehehe.... love ko to....

    ReplyDelete
  4. Loving the conflict and the kilig....

    ReplyDelete
  5. love ko tong part n to. ang haba ng hair ni migs. hehehe

    -cy

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]