Breakeven (Book3 Part8; Ending)
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
______________________________
Breakeven (Book3 Part8)
by: Migs
Maganda ang kinalabasan ng aming pagbabalikan ni Pat, dahil narin siguro wala na akong trabaho kaya may oras na ako para sa kaniya. Sa part naman niya ay halos oras oras akong in-u-update nito sa kaniyang ginagawa sa trabaho, pati narin sa ginagawa niya sa labas ng opisina, nagpaalam narin ito tuwing makikipagkita sa kaniyang mga kaibigan at sa tuwing kasama niya si Eric.
Masaya ako, pero nararamdaman ko at nararamdaman narin paminsanminsan ni Pat na may nagbago, kaya naman madalas akong tanungin nito ukol dito.
“May problema ba tayo, Jake?” nung minsang nahuli niya akong tahimik lang, dahil iniisip ko kung anong nangyari kay Edison sa Boracay nung bigla na lang ito umalis.
“Ha? Ah eh, wala may naalala lang.” sagot ko dito.
Lumapit ito sakin, halatang hindi kumbinsido at ng makaharap na ako nito ay tumitig ito sa aking mga mata at siguro nang wala itong makitang sagot duon ay niyakap na lang ako nito.
“Basta kung may problema, wag mong itatago sakin ah?” sabi nito sakin saka ako niyakap ng mahigpit.
Hindi nga kami nagaaway na ni Pat pero hinihiling ko na sana nagaaway na lang kami, kesa yung ganito na nagpapakiramdaman lang kami, mas gusto ko yung sinisigawan niya ako dahil naghihinala siya, kesa yung ganito, kahit pala naging mabait sakin itong si Pat, nakakasakal parin pala.
Sa loob ng ilang araw ay di ako mapakali at hindi mapigilan ang mapaisip kung ano nga ang nangyari kay Edison. Sinubukan kong tawagan ang dati kong opisina at nagtanong tanong doon.
“Hello Trish, napasok na ba si Sir Edison?” tanong ko dito.
“Oo, kababalik niya lang. Bakit?” tanong nito sakin.
“Ah wala lang kasi nakita ko siya dito malapit samin...” palusot ko.
“Ay nako, Oo, malungkutin na siya ngayon, wala na nga halos pakielam sa paligid eh. Baka may problema.” pagtutuloy ni Trish, tama ang desisyon kong ito ang tawagan, dahil alam kong may latest chismis ito.
“Bulong bulungan, may nangyari daw sa Boracay.” pagtutuloy pa nito.
“Ah ganun ba? O sige sige salamat ah.” sabi ko dito.
“Teka, bakit mo nga pala...?” pero di ko na ito pinatapos pa at binabaan ko na ito ng telepono.
“Ano nga kayang nangyari sa Boracay?” tanong ko sa sarili ko at biglang sumagi sa isip ko ang nangyari saming dalawa.
“Hindi naman siguro yun.” sabi ko sa sarili ko. Tapos ay napatingin ako sa isang picture ni Pat at sinabi sa sariling...
“Si Pat ang mahal ko. Edison is just a summer fling.” pangungumbinse ko sa sarili ko pero imbis na malinawan ako ay parang lalo pa akong naguluhan.
“Arrrghhhh!” sigaw ko sa sobrang pagka frustrate.
0000ooo0000
“Oh bakit?” biglang sulpot ni Pat sa may pinto ng kwarto namin.
“Ah, wala nakakita lang ako ng flying ipis.” palusot ko naman.
“Asan na?” tanong nito.
“Ah eh lumipad na palabas ng bintana.”
“Ah, mabuti naman. Oo nga pala, ok lang ba na dito kumain si Eric? Gusto ka daw niyang makausap eh.” sabi nito sakin na medyo may pagaalangan. Tinignan ko ito, di naman makatingin ng daretso sakin si Pat.
“Ikaw ang bahala.” sagot ko dito. Iniangat nito ang tingin sakin at nang makitang hindi ako nakangiti...
“Kung di ka pa ready na kausapin siya, ok lang sakin na next time na lang, sasabihan ko na lang siya.” nagaalangan paring sabi nito sakin.
“Sabi ko nga diba? Ikaw na ang bahala. Lalabas lang ako at magpapahangin.” sabi ko dito sabay lakad palabas ng apartment.
“Sorry if I have to rub it in, gusto ko lang na magkabati kayo.” sabi nito sakin pero di na ako nagsalita pa.
0000ooo0000
Parang walang nangyari kung umasta si Eric sa harapan ng hapagkainan namin sa apartment na pinagsasaluhan namin ni Pat. Nakukuwa pa nga nitong mag-joke at si Pat naman ay di magkamayaw sa pagtawa sa mga naririnig mula sa kaniyang bestfriend. Ako naman ay ngumingiti lang atsaka babalik nadin sa pagkain.
“Salad?” alok ko kay Eric at inabot pa dito ang isang bowl ng salad pero tumingin lang ito sakin at pagkatapos ay tumingin kay Pat.
“Allergic kasi si Eric sa hipon, Hon.” sabi ni Pat sakin. Natigilan naman ako at parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko.
“Madami talagang alam si Pat kay Eric at sigurado akong ganun din si Eric kay Pat.” bulong ko sa sarili ko at ibinaba na ang bowl ng salad sa aking tabi.
“Ah ganun ba? Sorry to hear that.” sabi ko sabay inom sa aking Icedtea.
“Allergic din yan sa chicken at gravy. Ewan ko ba dyan bakit ganyan na lang yan sa mga masasarap na pagkain.” sabi pa ni Pat. Ngayon hindi lang kutsilyo at tinarak sa aking dibdib, parang niratrat pa ito ng M16, pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.
“Ah eh pero, I'm sure masarap yan.” sabi ni Eric. Pampalubag loob na lang siguro.
“Yup masarap, pity di ka pwedeng tumikim, we wouldn't want you to have an anaphylactic shock in front of your bestfriend, wouldn't we?” sabi ko dito saka ngumiti na parang sarkastiko, muntikan namang masamid si Pat.
Iniligpit ko na ang aming pinagkainan at nakita kong sumunod si Eric sakin, tinulungan ako nitong iligpit ang mga baso.
“Look, Jake, I'm sorry, pero masyado ka ng nagseselos. Sa sobrang pagseselos, parehas na naming nakikita ni Pat na hindi na siya healthy for you.” natigilan ako at parang nagpintig ang aking tenga sa narinig na yun.
“Thanks for the concern, pero kahit sino namang matinong boyfriend kung dalawang beses na nilang nahuhuli ang boyfriend nilang nakikipagsex sa bestfriend nito ay eventually magiging paranoid din diba?” sabi ko dito. Napatigil naman ito.
“Please, Jake, hear me out. Ayaw ko lang na pagbabawalan mo si Pat na nakikipagkita sakin, were friends since college at hindi namin kaya na malayo kami sa isa't isa.” sabi nito.
“Hindi ko kayo pinagbabawalan, Eric.” sabi ko dito, muli itong natahimik.
“Kaya sana sa susunod na maisipan niyo ni Pat na maglaro ng baga habang wala ako, utang na loob. Maglock naman kayo ng pinto o kaya naman ay magbihis muna kayo bago niyo sagutin ang pinto pag may kumatok. Isang beses kayong mahuli, naiintindihan ko pa pero yung dalawang beses na? Katangahan na ang tawag dun.” nanginginig ko ng sabi dito.
“Anyway, Tungkol dun sa sinasabi mong magbestfriend kayo since college? You would want to restate that instead na ganun ang sabihin mo why won't you say na we've been INLOVE since college, baka maintindihan ko pa.” sabi ko dito sabay pinandidilatan na ng mata. Tumalikod na ito at agad agad na nagpaalam kay Pat.
“Ano nangyari dun?” tanong nito sakin.
“Iminulat ko lang ang mga mata niya.” sabi ko dito atsaka pumasok na sa loob ng kwarto ko.
“Jake please, can we talk?” tanong sakin ni Pat sa labas ng pinto ng kwarto namin, pero masyado na akong nasaktan sa gabing iyon kaya di ko na ito pinansin at natulog na lang.
0000ooo0000
Idinilat ko ang aking mata at pilit na inalala ang nangyari kinagabihan, inaway ko nanaman si Pat, siguro dahil napapagod narin ako na maramdamang ako lang ang pumapagitna sa pagmamahalan nila, napapagod narin kasi siguro akong ipaglaban pa yung karapatan ko as boyfriend niya.
Biglang may kumatok sa aking pinto at humiga ulit ako, nagkunwaring natutulog. Naramdaman kong umupo si Pat sa bakanteng bahagi ng aking hinihigaan, hinaplos nito ang aking mukha saka hinagod ang aking buhok. Ramdam kong malungkot ito.
“I Love You.” bulong nito at nagbuntong hininga sabay halik sa aking noo. Para namang kinurot ang aking puso. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.
“Goodmorning!” bati nito sakin, halatang binawi lamang ng ngiting iyon ang lungkot sa mukha niya.
“Morning.” malamig ko paring sabi dito. Yumakap ito sakin.
“I made you breakfast.” sabi nito sakin, alam ko na ang ginagawa nito, bumabawi ito sakin.
0000ooo0000
Para akong bato, di ko alam pero parang unti unti nang nagsasara ang aking puso para kay Pat. Alam ko naman na kasi ito dati pa, alam kong mahal nila ni Eric ang isa't isa, di niya lang ito maamin sa sarili niya at ayaw ko lang siyang pakawalan.
Tuloy tuloy lang sa pagkwento si Pat at unti unti ng bumabalik ang sigla nito, pinilit kong ngumiti, pinilit ko ang sarili ko na i-display ang taliwas na emosyon na nararamdaman ko. pinilit kong magpakasaya.
“Nuod tayo sine?” tanong nito sakin, habang namimili kami ng damit sa isang botique. Tinitignan ko ang suot ng manequin na nakadisplay sa window nang makita ko si Edison sa labas nito, nakatitig sakin at binigyan ako ng isang ngiti. Agad naman akong gumalaw ng biglang umakbay sakin si Pat na ikinatumba naman ng manequin.
“Huy! sabi ko nuod tayo ng sine.” ulit nito habang natatawang itinatayo ang manequin na naitumba ko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa pwesto ni Edison pero wala na siya doon.
“Ano gusto mong panoorin?” tanong nito sakin habang bumibili kami ng popcorn.
“Ikaw bahala.” sabi ko, tumingin ito sakin at bahagyang kumunot ang noo sabay nagbuntong hininga.
“Pat! Jake!” sigaw ng isang pamilyar na boses na ikinairap ko naman.
“Oh. E-eric. Ano ginagawa mo dito?” tanong naman ni Pat, kunwaring tinignan ko ang cellphone ko at nagtext.
“Ah yung officemate ko kasi inaya akong manood ng sine. Kayo? Manonood din ba kayo? Anong papanoodin niyo?” sunod sunod na tanong nito na lalo kong ikinainis.
“Wala pa nga eh.” Sabi naman ni Pat.
“Gusto niyo sumama na kayo samin?” alok nito.
“Eric?” tawag ng isang lalaki kay Eric, nagulat kami pareho ni Pat, nakita ko ang talim sa mga mata ni Pat na miya mo nagseselos sa lalaking nakaakbay na ngayon kay Eric.
“Nga pala si Mike.” pakilala ni Eric sa aming tatlo. Inabot ni Mike ang kamay ko at tinanggap ko yun at inabot naman nito ang kamay ni Pat pero binalewala lang iyon ni Pat. Matagal kaming nanahimik na apat.
“Ano nangyari kay Tim?” basag ni Pat sa katahimikan. Matalim parin ang mga mata nito. Halatang di kumportable na may kasamang ibang lalaki si Eric.
“Pat, una na ako.” paalam ko dito.
“Ha?! San ka pupunta?!” tanong nito sakin at nagsisimula ng tumulo ang aking mga luha. Natigilan siya.
“Hanggang kailan mo ipapamukha to sakin? Hanggang kailan ako magtatanga tangahan?” tanong ko dito, napayuko ito.
“Si Eric ang mahal mo, ramdam ko, alam ko ring nagseselos ka ngayon kay Mike. Wag mo na akong gawing tanga, ilang beses mo na ding pinamukha sakin yon. Ayoko na.” sabi ko dito at tumalikod na ako pero pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
“Tama na, please.” sabi ko dito at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Pinakawalan ako nito at napayuko na lang. Agad agad akong umakyat ng escalator, babalikan ko na ang sasakyan ko sa level parking, kamalasmalasan namang asa 6th floor pa ito ng Robinsons Ermita.
Habang dahandahang umaakyat ang aking tinutungtungang escalator ay dahandahan ko ring nare-realize na tama ang aking ginawa. Masakit pero kailangan nang putulin. Di ko na kaya pang maging martyr. Itinunghay ko ang aking tingin at nakitang may mamang nakatayo sa dulo ng escalator na sinasakyan ko.
“Edison?” tanong ko sa sarili ko. Nakaamerikana pa ito, gwapong gwapo sa tindig niyang iyon. Nakangiti ito at nang makita ko iyong mga ngiting iyon ay parang gumaang ang aking pakiramdam. Tumigil na sa pagtulo ang aking mga luha. Nang makarating na ako sa dulo ng escalator ay agad ko itong niyakap. Wala akong pakielam sa mga nakatinging tao.
“Whoah! Anong problema?” tanong nito sakin habang isinisiksik ko ang sarili ko sa kaniyang yakap.
“Shhhh. Wag ka ng umiyak. Andito na ako.” at ginabayan ng kaniyang kamay ang aking mukha palapit sa kaniyang mukha.
At sa sinabi niyang yun, alam kong magiging ok na ako sa mga susunod na araw.
-wakas-
whoaw! tagal nitong update na to ha! pero ok lang.. sulit naman.. hehehe
ReplyDeletemore mr.Mayabang! Hehehe
xa nga pala san na ang aao?? Ipost mo na kasi! Nyahaha
that was epic!!! XD kudos migs
ReplyDeleteliterally breakeven ang nararamdaman ko..all in all maganda ang story, realistic ang approach, no tweetums or whatever u coined it, yes this was an epic ending (",)
ReplyDeleteNice one Migs, sana lang may epilogue (between Jake and Edison). Bonus part lang, please! Medyo bitin for me :)
ReplyDeleteang galing! sobra :))
ReplyDeletekaso medyo bitin pero ayos lang ang ganda nman ng ending eh
yes... epilogue please for jake and edison
ReplyDeletemigs, parang walang assurance ung ending nito! kasi ang sinabi mo lang is magiging ok lang sya(jake) sa susunod na araw! indi mo nmn cnabi n magiging ok n xa for good w/ edison!hehe
ReplyDeleteactually, gusto ko lang din ng epilogue...kakabitin kasi! more power migs :)
good job migs!! medyo bitin pero it is up to the reader to continue the story of jake and edison, open ended kumbaga pero at least it is a happy ending pa din... please keep writing!
ReplyDeletesabi na happy ending na si edison? xD pede na rinxD panu si pat at eric..oh well sabi nga ni jake they were inlove since college.
ReplyDeletenabitin naman ako sa ending pero maganda pa rin.
ReplyDeleteNapaka gandang istorya! salamat miguel! book 4 na!
ReplyDeleteikaw na tlga master ng pambibitin!
ReplyDeletei hate u na!
hihihi....
i like the ending, it creates a mystery.
tanong ko lang, ang pinagbasehan ba ni edison ay so JP ng chasing pavements... dahil kung sya yun.
ay nako naman abot langit ang kilig ko.
keep on creating arts kuya migs.
ikaw n tlga...
ang mga gawa mo lang at naruto and hitman reborn manga ang pinagkakaabalahan ko na sundan every week!
at di pwedeng nde ako makakapag-comment, syempre kung madlang pipol nga ng showtime gustong mag-score sa performers eh, dito pa kaya sa ganito kagaling d ko gugustuhing malaman ng writer saloobin ko...
hahahaha
i hope you will live a lovely life full of adventures and joy!
ang gnda.. Npkagaling tlga.. Pak na pak.. Haha
ReplyDeletebuti nkkpgbasa nko sa work at d lng sa bahay...
inalam ko tlga pasword d2 para makapgbasa... Haha
godbless!!
nxt na!! Nxt na!!.. :)
Ayun. Nagkatuluyan din si Edison at si Jake. Sana maging masaya sila dalawa. Ayaw ko malungkot si edison eh. Hehehe. Migz, mahal ko, salamat sa pagbahagi mo ng kwentong ito. Para na akong sirang plaka but i have to say it one more time... Da best ka for Me. Two thumbs up. Sana magkita man lang tau kahit minsan lang...
ReplyDeletebat ganun ang ending ?_? sabi nga nun isang nagcomment epilogue please
ReplyDeletewala n tuloy ako masabi,they all said bitin tlga un ending part betwen jake & edison.
ReplyDeletebat gnun twice n to ngyari kay edison s book 2.
anyway migs tnx for sharing your talent of writing for us............
Maganda sana kung si edison ung nagkkwento bitin kasi xa, ganda pa naman ng character nya, i love how you portrays him being isip bata. Hehehehe. Sana naman dugtungan naman ang story nila khit another short paragraph lang. Hahahah. Migs thanks ha. Nauubos oras ko sa pagbabasa nito la na akong pakialam sa duty ko. Hahhaaha.
ReplyDelete