Chasing Pavements (Book3 Part2)

_______________________________
Chasing Pavements (Book3 Part2)
by: Migs



Tambay mode lang kami ni Marco sa may starbucks, isang buwan na lang board exams ko na kaya naman sobra na talaga ang pagpapanic ko na halos ikalunod na ng utak ko sa kakabasa ng mga makakapal na libro at pilit binabalikan ang mga notes na tadtad na ng mga highlights. Medyo ibinaba ko ang libro na hawak ko katapat ng aking mukha at nagulat na nakatingin sakin si Marco. Natatawa ito.



Inabot niya ang aking buhok at inayos ito, at dahil medyo napagod ang mata ko sa kakasuot ng contacts ay naisipan kong magsalamin muna, di ko napansing nakatabingi na pala ito. Inayos niya rin ito saka magiliw na ngumiti.



Pinapabayaan mo na ang sarili mo.” bulong nito. Natigilan ako, lahat ng ni-review ko nung araw na iyon ay biglang nag evaporate. Napangiti narin ako.



Anong gusto mong lunch?” tanong nito sakin.



Ha? Ah eh kahit ano.” sabi ko na lang dito, agad itong tumayo at nagpaalam na kukuwa ng makakain.



Naku Marco, wag mo akong sanayin sa ganiyan. Baka di ko mapigilan ang sarili ko.” sabi ko sa sarili ko saka nagbuntong hininga.



0000ooo0000



Medyo napatagal ang pagbalik ni Marco, di naman ito unusual lalo na kung sa SM Manila ka nagtutumambay, puno ng tao dun at hindi na bago ang mahabang pila sa bawat kainan na nandun, pero di ko parin mapigilang mapaisip kung nasan na si Marco. Iginawi ko ang tingin sa pinto ng starbucks at nagbuntong hininga nang wala akong makitang Marco doon.



Agad kong sinampal ang sarili ko.



Di ka makatagal ng di siya nakikita? Seryoso ka ba, Migs?” tanong ko sa sarili ko, inalis ko na ang tingin sa pinto ng starbucks at ibinalik ang tingin sa notebook sa aking harapan na may highlight na iba't ibang kulay ang nakasulat.



Di ko pa man natatapos basahin ang unang paragraph ng pahinang iyon ay muli ko nanamang tinignan ang aking relo pagkatapos ay muli kong ibinalik ang tingin sa pinto ng starbucks.



Ano ba tong ginagawa ko?! Para akong isang fourteen yearsold na batang babae na nakikipagdate sa kaniyang all time crush. Pathetic.” awat ko ulit sa sarili ko at muli kong itinuon ang aking pansin sa aking ni-rereview.



Pero di paman ako nakakatagal sa iisang pahina ay tumingin ulit ako sa aking relo at pagkatapos ay sa pinto ng starbucks. Agad kong sinampal ang aking sarili.



Argggghhhh! Di na healthy to! Pagkakaibigan lang ang pakay sayo ni Marco, mabait lang talaga siya pero kaibigan lang ang tingin niya sayo!” sigaw ko ulit sa sarili ko at muling isinubsob ang sarili kong mukha sa makapal na notebook. Pero di parin nagtatagal ay muli akong tumingin sa aking relos at sa pinto ng starbucks.



Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nasa pinto ng starbucks ang lalaking aking iniisip sa loob ng ilang minuto na hindi ko ito nakikita. Para sakin ay isa siya sa pinakaperpektong tao na nasilayan ko.



Ngumiti ito.



Ngayon ang puso ko na kanina ay kala mo panaypanay na tinatambol ay bumabagal na ang tibok.



Shit! Inlove na ata ako sayo.” sabi ko, sakto namang kalalapit lang ni Marco sa lamesa.



Please Lord. Sana di niya narinig. Sannnaaaa!!” sabi ko sa sarili ko.



Kain na tayo.” aya nito sakin at nakahinga na ako ng maluwag, mukhang di niya narinig ang aking naibulalas habang pinapanood ko siyang naglalakad palapit saking puwesto.



Madalas na naming gawin ito sa starbucks, kahit na bawal ito sa kanilang store ay napilit namin ang mga barista at gurads dito na hayaan kaming kumain doon. Tutal nakakailang kape naman kami ni Marco tuwing andun kami eh.



Tuloy tuloy ako sa pagkain ng paotsin na binili ni Marco ng mapansin kong nakatingin ito sakin. Naconscious ako bigla at tumigil sa pagkain.



Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko dito sabay pahid ng paligid ng aking bibig gamit ang tissue. Biglang napangiti si Marco.



Ah, wala naman, natutuwa lang akong panoorin ka kumain, parang ganadong ganado ka kasi, saka an lakas mo palang kumain.” sabi nito na may himig pangaasar.



Natutuwa? Panoorin? Ano ako attraction sa perya?! Kumain ka na kaya!” sabi ko dito, ngumiti lang ito saka dinampot ang kaniyang biniling pagkain at nagsimula ng kumain.



0000ooo0000



Sodium and potassium sparing.” bulong ko sa sarili ko habang minememorize ang isang aksyon ng isang partikular na gamot.



Ilang oras na lang ay magsasara na ang mall, kaya't naisipan kong magligpit ligpit na. Nang tignan ko si Marco ay mahimbing itong natutulog sa kaniyang upuan. Di ko alam sa sarili ko pero namamangha ako sa mga taong nakakatulog maski nakaupo. Napangiti ako.



Sinimulan kong titigan ang mukha ni Marco, parang napakapayapa nito tignan. Napakaamo ng mukha. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone nito, pareho kaming nagulat.



Oh? Nagliligpit ka na? Sorry ah, nakatulog ako.” sabi nito habang binabasa ang bagong text.



Sus wala yun, ako nga itong nahihiya kasi, imbis na sinasamahn kitang naggagala tinotoxic pa kita sa pagsama sayo dito.” sabi ko dito.



Kaya lang naman ako nagtiyaga dito dahil sabi mo maglalaro tayo ng dota at pakikitaan mo ako ng technique's mo!” sabi nito, napamaang naman ako.



Oo nga pala.” nasabi ko na lang sa sarili ko.



Bakit? Ano bang iniisip mong dahilan kung bakit kita pinagtyatyagaang samahan?” tanong nito, halatang natatawa pero pinipigilan niya lang ito.



W-wala naman. Tara na!” aya ko dito at bara bara kong inayos ang aking mga gamit. Tumayo si Marco na nahagikgik.



0000ooo0000



Nang makarating kami sa condo ni Kuya Ron aya agad kong inilabas ang laptop ko at itinabi sa PC ni kuya Ron. Di ko na inalok si Marco ng maiinom o kaya ng makakain, sinimulan ko na agad ang pagpapakita sa kaniya ng aking technique dahil ayaw ko siyang maabutan dun ni Kuya Ron, dahil alam kong may masasabi nanaman ito at alam kong sesermunan nanaman ako nito tungkol sa nangyari noon kay Alex.



Nagmamadali ka ba?” tanong naman ni Marco.



Ah eh, hindi naman.” sagot ko habang inaayos ang set up ng dalawang computer.



Eh kung i-tour mo kaya muna ako dito sa napakaganda niyong condo?” panunudyo nito sakin.



Wag na! Laro na agad tayo!” sigaw ko dito, pero agad itong naglakad lakad sa loob ng unit namin. Napairap na lang ako.



Maglo-load pa naman yan eh.” sagot naman ni Marco. Wala na akong nagawa. Lumapit ako dito at pinaikot siya.



Ayan ang pinto para sa banyo, katabi niyan kwarto ko, pagkatapos nun kwarto ni kuya Ron, yun naman ang kusina at dining room at ang gitnang to ang sala. Ayan nai-ikot na kita, welcome to our home.” sabi ko dito, napatawa ito.



Cute! Gusto mo na ba agad akong umuwi? O sadyang natatae ka lang?” tanong nito sabay lakad papunta sa pinto ng aking kwarto.



Hoy! Anong gagawin mo dyan?!” tawag ko dito pero huli na ako nakapasok na ito ng kwarto ko.



0000ooo0000



Wow parang di kwarto ng lalaki ah.” sabi nito ng masundan ko na siya, di ko alam kung may pinupunto siya sa sinabi niyang yun pero di ko na lang inintindi.



Astig! Eto ba yung robin na pag nilublob mo sa malamig na tubig magkakaroon ng maskara?” tanong nito sakin habang hawak hawak si Robin ang pinakapaborito kong action figure simula pagkabata. Tumango lang ako at ngumiti.



I've always wanted this!” sabi nito sabay pinaikot ikot sa kamay niya ang action figure.



Teka kukuwa ako ng malamig na tubig.” sabi ko dito, tinignan ko si Marco at busy na ito sa paglalaro ng aking action figure.



Batang isip.” bulong ko sa sarili ko.



0000ooo0000


Pagbalik ko sa kwarto ay nakaupo na si Marco sa aking kama at nakuwa narin nito ang iba pang action figure na binili ko pamamagitan ng aking allowance, ang iba dito ay nakakahon pa habang nilalaro ni Marco.



Tagesheng!”

Arghhhhh!”

Attack!”



Sunod sunod na sabi ni Marco habang pinagsasalubong ang mga action figures. Napamaang ako.



May sound effects talaga?” tanong ko dito at napangiti lang ito. Nang makita nito ang baso ng malamig na tubig na hawak ko ay agad itong lumapit sakin.



Tignan natin kung nagana pa yung maskara.” excited na sabi nito saka inabot mula sakin ang isang baso ng malamig na tubig.



Namangha ito ng gumapang sa mata ng action figure ang isang maskarang kulay itim, sa sobrang pagkamangha ay nawala sa isip niya na may hawak siyang isang baso na may laman na tubig ang resulta... natapon sa kaniyang t-shirt at pantalon ang tubig.



Very good.” pangaalaska ko dito. Nahiya naman ito, marahil ay naisip na nagagalit ako sa kaniya, dahil pati ang kobrekama ko ay natapunan ng tubig.



Hala wala akong pamalit.” sabi nito. Tinignan ko ang katawan nito.



Teka, mukhang magkasing katawn kayo ni kuya Ron. Kuwa ako ng damit sa aparador niya.”



0000ooo0000



Pagbalik ko sa kwarto ay nakahubad na si Marco at ang tanging tumatakip lang sa kaselanan nito ay ang isang boxer na sa palagay ko ay basa rin. Kamot ulo itong nakatingin sakin na miya mo hiyang hiya.



M-Migs, pati ata underwear kailangan ko.” nahihiyang sabi nito, napailing na lang ako, agad akong bumalik sa kwarto ni kuya Ron at naghanap ng isang boxer short na hindi pa gamit.



0000ooo0000



Duon ang banyo, ayan ang mga tuyong damit. Magbihis ka na.” sabi ko dito, may pagaalala sa mukha nito.



Ok lang yan, di yan hahanapin ni kuya Ron, madaming damit yun.” paniniguro ko dito.



Hindi yun. Ang likot ko kasi eh. Nahihiya ako nagkalat pa ako.” sabi nito. Napatawa naman ako.



Sa susunod kasi wag masyadong maexcite.” sabi ko dito. Napangiti ito. Agad akong kumuwa ng basahan para tuyuin ang sahig.



Dito na lang ako magpapalit. Baka may mabasag pa ako sa banyo niyo.” nangaalaskang sabi ni Marco. Di ko na ito pinansin, kinabahan kasi ako na di mawari.



Wow, mamahalin pa ito ipapaheram mo.” sabi nito samantalang ako ay busy sa kakalampaso ng sahig.



Pati pantalon! Hala sigurado ka bang di magagalit ang pinsan mo?” sigaw ni Marco.



Ayan nanaman excited ka nanaman.” sabi ko dito habang di parin makaharap dito.



Hehe. Sorry naman.” naibulalas nito. Tumayo na ako ng daretso ng maitupi ng maayos ang nabasang kobrekama at pupunta na sana sa labas para isampay at para narin maiwang magisa si Marco para makapagbihis na ito ng maapakan ko ang action figure na pinaglalaruan kanina ni Marco.



Nang idilat ko na ulit ang aking mga mata ay nakahandusay na ako sa sahig, napapalibutan ng basang kobrekama at si Marco ay natakbo palapit sakin, di naman ak nawalan ng malay pero masakit ang ulo ko ng mabagok ito sa sahig.



Hala! ok ka lang ba?” tanong sakin ni Marco. Tumango lang ako pero di ako makatayo agad.



M-marco, magbihis ka na...” pero di ko na natapos ang sasabihin ko.



Migs! Ano to?!” sigaw ni kuya Ron sa may pinto ko.




Itutuloy...

Comments

  1. "royvan24"

    iiiiih ano ano kasi ginagawa ayan nahuli pa tuloy hehehe next please

    ReplyDelete
  2. haha.. Huli.. Sa wakas alam kona pasword ng wifi d2 sa work nkkpgbasa nko.. Haha

    ReplyDelete
  3. Nakow. Ang gandang timing ng kuya ron...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]