Breakeven (Book2 Part7)
__________________________
Breakeven (Book2 Part7)
by: Migs
Matagal din kaming nagtitigang apat sa may tapat ng pinto, si Ram may ngiting kala mo nagtagumpay siya sa isang labanan, si Dalisay naman ay di magkamayaw sa pagtingin kay Kevin na kala mo kinikilatis ito habang si Kevin naman ay di mapigilan ang mapakamot sa ulo at kinakabahan na parang magpeperform siya sa harap ng isang libong tao. Kumalma lang ito ng hawakan ko ang kamay niya na hindi naman nakaligtas sa dalawa ko pang ex.
“Pasok kayo.” anyaya ko sa dalawa, nauna nang pumasok si Dalisay, habang nakatalikod ito ay binigyan ko ng masamang tingin si Ram at hinila ito sa hallway.
“Anong pinaplano mo?!” singhal ko dito.
“Sabi ko nga sayo diba, kailangan makilala niya si Dalisay at dapat aprubado siya ni Dalisay.” sabi ni Ram sabay pasok ulit sa pad ko. Bagsak balikat kong sinundan ito.
“Kevin Miranda.” pakilala ni Kevin sabay abot ng kamay kay Dalisay.
“I'm Dalisay Diaz, the ex-wife.” pero di inabot ni Dalisay ang inaabot na kamay ni Kevin sa halip ay niyakap nito ang huli. Niyakap ng mahigpit.
“Whoah! Getting too comfy huh.” sabat ni Ram. Humiwalay naman si Dalisay kay Kevin.
“I'm sure You're hungry, kagagaling mo lang ata ng Marinduque, right? Teka I'll fix you something.” tanong ni Kevin kay Dalisay.
“I'm actually starving.” sabi ni Dalisay na gulat na gulat sa alok na yun ni Kevin. Kinindatan ako nito. Saka sumunod kay Kevin sa kusina. Tinignan ko ng masama si Ram at umiling.
“So pano kayo nagkakilala nitong kumag nato?” tanong ni Dalisay sabay turo sakin, napangiti naman si Kevin.
“Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa may park...”
“Sa may park ng isang mall.” singit ko para di mapansin ni Ram ang di pagkakapareho ng kwento namin.
“...Park ng isang mall na malapit lang sa dati kong tinitirhan...” pagsangayon naman ni Kevin sa sinabi ko at kinindatan ako, na para bang nagsasabi na kaya na niya iyon.
“Kinain kasi ni Joey ang hotdog na inilapag ni Drei sa tabi niya, nung humingi ako ng tawad nakita kong naiyak siya, kaya napagpasyahan kong kausapin siya, pero napakasuplado, di niya ako masyadong kinakausap, mayamaya ay napansin kong pinapanood niya ang mga batang nagpapalipad ng saranggola at napangiti. Dun ko unang nakita ang pinakamagandang ngiti, kaya't sabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang di ko na makikita ulit ang mga ngiting yun at inaya ko siyang magpalipad ng saranggola, at dun na nagsimula ang lahat.” pagtatapos ni Kevin.
Di ko alam kung mata-touch ba ako sa sinabing yun ni Kevin oh iisipin ko bang ang lahat ng sinabi niya ay para lang sa pagpapanggap namin, nagsalubong ang mga tingin namin at binigyan ako nito ng matamis na ngiti, ibinaling ko naman ang aking tingin kay Dalisay at tinignan ang reaksyon nito, parang nananaginip ito na nakatingin kay Kevin at parang kinikilig na di mawari.
“And then a kite dove into Drei's head.” sabat ni Ram.
“Tse! Pasira ka ng moment, Ram! Hangsweet sweet kaya ng sinabi ni Kevin.” sabi ni Dalisay kay Ram at pinandilatan lang ito ng mata ni Ram sabay iling.
“Tapos?” tanong naman ni Dalisay.
“And then everything snowballed.” sabi ni Kevin na napansin kong nagiingat sa sasabihin.
“And napansin kong sa wakas ay nalinis na din itong pad.” sabi ni Dalisay.
“Oo, kasi may pagkaburara talaga si Drei.” sabi ni Kevin sabay hagikgik. Napangiti naman ako. Napamaang ulit si Dalisay at nagulat ata sa naging reaksyon ko.
“Alam mo Kevin, ganyan talaga yang si Drei, kahit nung di pa kami kinakasal, galit na galit yan sakin sa tuwing sinisita ko ang pagkaburara niya. Madalas pa nga akong sabihang nagger, pero ngayong ikaw ang nagsasabi nito sa kaniya, napapangiti na lang siya.” sabi ni Dalisay habang nakatingin sakin at nakangiti.
“Psss.” sabi naman ni Ram sa isang gilid.
“Tell me more.” paguudyok ni Dalisay.
“Well, kapag natutulog siya, di pwedeng wala ako sa tabi niya. Hilig niyang sisiksik at iyuyukyok ang sarili sakin, kahit na napakainit pa ng panahon.” sabi pa ni Kevin habang abala sa pagluluto, napatingin naman ako dito at napamaang sa mga sinasabi nito.
“He also hates coffee for breakfast but loves it after lunch.” sabi pa ulit ni Kevin habang nagbubudbod ng paminta sa kaniyang niluluto. Napatango na lang si Dalisay bilang pagsang ayon.
“Di niya rin gusto ng maalat na pagkain. Ayaw niya ng gatas kasi lactose intolerant siya. Ayaw niya ng pamintang buo dahil ayon sa kaniya, kulangot daw ito na nahulog mula sa ilong ng taga luto.” at sabay tumawa si Dalisay at Kevin napailing na ako.
“Di ko rin alam kung san niya nakuwa ang idea na yun.” gatong ni Dalisay, ngayon di ko na mapigilang ma-touch at magtaka dahil sa saglit na panahon naming magkasama ay andami ng alam ni Kevin sakin.
“Ayaw na ayaw niya sa the Morning Rush nila Chico ang Delamar as radio station tuwing umaga, pero gustong gusto niya naman itong napapakinggan dahil nakikipagtalo siya sa mga commentaries ng mga ito.” natatawang sabi ni Kevin.
“Ayaw daw niya ng color blue, pero color blue halos lahat ng shirt niya sa closet.” dagdag pa ni Kevin.
“Wala daw siyang FB pero updated iyong account niya.” sabi ulit ni Kevin, tuluyan ng napatitig si Dalisay kay Kevin at talaga namang akala mo isang mama na katatapos lang umihi kung kiligin.
“Tikman mo.” aya ni Kevin kay Dalisay habang itinapat sa bibig ng huli ang sandok sa nilulutong putahe, lumiwanag ang mata ni Dalisay.
“Hangsarap!” sabi ni Dalisay kay Ram, di ito pinansin ng huli, tumingin si Dalisay sakin at nag thumbs up. Napangiti akong muli.
Habang nasa hapag kainan ay patuloy parin sa pagdadaldalan si Dalisay at Kevin habang si Ram naman ay parang walang ganang nilalaro ang kaniyang pagkain, nagulat din ako ng ibaling nito ang tingin sakin. Malungkot iyon. Nang matapos na lahat sa pagkain ay nag volunteer na si Ram na siya ang magliligpit habang si Dalisay at Kevin naman ay nagkwekwentuhan sa harap ng TV, pinakilala narin ni Kevin si Joey kay Dalisay.
“Drei, patulungan naman ako sa pagbabanlaw oh.” tawag ni Ram sakin, napatingin naman si Kevin sakin at ngumiti.
Pumunta na ako sa harap ng lababo, wala kaming imikan dalawa ni Ram, parang nakikiramdam kami pareho kung sino ang unang magsasalita.
“Ram.” “Drei.” sabay naming tawag sa isa't isa, napangiti si Ram sabay napayuko.
“Sige ikaw muna.” sabi ko sa kaniya. Habang inaanlawan ang nasabonang baso ni Ram.
“Hindi, sige ikaw muna.” anyaya nito sakin.
Tahimik ulit.
“Kanina nung ikinukwento ni Kevin ang mga nagustuhan niya sayo...” natigilan si Ram, ngumiti na kala mo nahihiya sa mga sasabihin.
“Para kang tanga, Ramon! Kailan ka pa nahiya?!” panunukso ko dito, nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Ram.
“...Andami niyang alam sayo. Yung iba ni hindi ko naisip na yun pala ang gusto mo.” panimula ni Ram.
“Your point?” tanong ko dito.
“Gusto ko sanang magsorry.” sabi pa ni Ram.
“Para saan?” tanong ko.
“Dahil pinaghinalaan ko pa ang tunay na status niyo, di lang kasi ako makapaniwala na... Parang ang bilis bilis kasi. Nung nakaraang linggo sakin ka lang naasa para sa lunch and dinner, ngayon may taga luto kana.” sabi ni Ram.
“Yun lang ba?” mahinang tanong ko dito.
“Ah eh, saka...” kinakabahang sabi ni Ram.
“Saka parang naapakan ang Ego ko. Di ko kasi akalain na...” di maituloy ni Ram ang sasabihin niya kaya sumabat na ako.
“Di mo akalain na pwede pa akong mainlove sa iba maliban sayo?” may pagaalinlangan ko rin sabi.
“What The Heck?! Ako nga ba ang nagsabi nun?! Sa bibig ko ba lumabas ang mga katagang yun?! Does this mean In love na ako kay Kevin?!” tudyo ng utak ko.
“As selfish as it may sound, yes.” amin ni Ram.
“Di ko alam, pero parang kahit mahal na mahal ko si Martin, gusto ko andyan ka parin na naghahabol, andyan ka parin na bitter, andyan ka parin na umiiyak. Na meron paring umiiyak dahil sakin. I'm sorry.” sabi ni Ram at napayuko na ito. Natahimik ako.
“At aaminin ko, kaya ko ginawa ang checklist na iyon ay para wala kang makita na nararapat para sayo, pero as it turned out, di na kailangan ng checklist di ko na kailangan pang ipitin si Kevin dahil mahal ka talaga nito. Walang duda.” pagamin ulit ni Ram.
“At saka aaminin ko rin na nagseselos ako, masyado ka niyang kilala, samantalang ako nasaktan na kita ng todo, nagkasakitan na tayo at lahat pero ni kalahati ng alam ni Kevin di ko parin alam sayo.” sabi ni Ram.
Tahimik ulit.
“I believe you and Kevin are a perfect match.” sabi ni Ram.
“Saka palagay narin ang loob ko na may magaalaga na saiyo.” habol pa nito.
“Di ko lang siguro maamin noon na, gusto kong andyan ka parin kahit na kami na ni Martin at kahit na sa kagustuhan kong iyon ay nasasaktan na kita. Sorry ulit.” bulalas ni Ram at ng matapos ng sabunin ang huling plato ay niyakap ako nito. Niyakap ng mahigpit.
“Sana dyan ka lang, wag mo akong iiwan, di ko kayang wala ka eh. Ganyan ka kahalaga sakin at ganyan kita kamahal. Sana kahit na may Kevin di mo parin ako makakalimutan, sana friends parin tayo.” Mahabang pahayag nito habang mahigpit paring nakayakap sakin.
“Now give me a kiss.” sabi pa ni Ram, sinuklian ko ang mahigpit niyang yakap at binigyan siya ng isang masuyong halik. Nang kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa ay saka ko nakita na andun pala si Kevin sa bungad ng kusina.
0000ooo0000
Medyo iba na ang tabas ng mukha ni Kevin habang nagpapaalam sila Dalisay at Ram, hinatid ko sila hanggang sa lobby ng condo.
“Drei, wag mo na siyang pakawalan. Finally may magaalaga na sayo. Alam kong mahal ka ni Kevin.” sabi ni Dalisay sakin at niyakap ako. Ganun din ang sinabi sakin ni Ram. Pareho naman silang humalik sa aking pisngi atsaka sumakay na ng kanikanilang kotse. Magaang na ang aking loob habang naglalakad papalapit sa mga elevator.
Nang makabalik ako sa condo ay sinalubong ako ni Joey, walang tigil ito sa pagkuskos ng kaniyang mukha sa aking tuhod at naningit. Hinanap ko si Kevin at naabutan ko itong nakasibanghot at nagaalsa balutan na.
Itutuloy...
aww..kung sweet si ram..masasabi kong nilalangam na si kevin..as in;) so aalis na siya kasi akala niya ok na sila ni ram?? at si ram na bitter ay thoroughly accepted na ang lahat..may palist-list pa siyang nalalaman eh all checked naman lahat:) haha
ReplyDeleteI guess with this chapter kev-drei na ko talagaXD after ilang series na ram-drei ngayon ko lang na realize ang salitang you "deserve someone better" saya! :)
mukhang mahabang paliwanagan ata kay kevin ito, hehehehe, drei make ur move! (",)
ReplyDelete-josh
hmmm....
ReplyDeletewhat can i say...
the best chapter to na nagpapawala ng paggiging ram-drei fanatic ko!
go drei.. do the "MOVE"..
ReplyDelete-erick
Nice Chapter Migs! Seriously in love na si Kevin kay Drei...
ReplyDeletesa ganda nitong part 7, i read it 4 times!!!! nicely done!!! parang sine... nakikita ko sa isipan ko ang bawat eksena.
ReplyDeletegood job migs!!!!
regards,
R3b3L^+ion
Kung kelan ok na ang lahat... C kevin na naman ang nag iinarte. Hahaha. Da best Migs.
ReplyDelete