Tuesday, June 21, 2011

Breakeven (Book3 Part6)

_______________________________

Breakeven (Book3 Part6)
by: Migs

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Masarap ang tulog ko nung gabing iyon, malamang dahil sa mga shots na ininom ko nong kinagabihan at di lang yun, dahil malamig ang temperatura ng kwarto at may isang bagay na malapit na malapit sakin na parang kumot na nagbibigay sakin ng init, bigla akong may narinig na naghihilik, iminulat ko ang aking mata at nakitang magkaharap kami ni Edison ngayon at magkayakap. Dahan dahan kong inalis ang mga kamay niya sa pagkakayakap at ipinalit ko sa aking lugar ang napalanunan naming teddy bear. Daretso lang ito sa paghilik. Dun ko ulit nakita ang gwapong mukha nito.



Abala na ako sa pagaayos ng aking isusuot para sa beach ng bigla kong may narinig na kumalabog. Pagtalikod ko ay nakita ko na lang si Edison na nakahawak sa kaniyang ulo.



Anong oras na?” bulalas nito.



9am.” sagot ko naman.



Nahulog ka ba...?” di ko na naituloy ang aking sasabihin ng makita ko itong pumunta agad malapit sa kaniyang duffel bag at nagpalit ng damit.



Tara na beach na tayo!” aya nito sakin habang hinuhubad ang kaniyang t-shirt at pinalitan iyon ng sando. Napailing na lang ako at napilitan narin sumama sa kaniya.



0000ooo0000



Yung totoo, Edison? Aalis ba yang beach na yan dyan?” tanong ko dito habang hatakhatak ako nito papunta sa beach.




Anong masama sa pagiging excited ng konti?” tanong nito sakin.



Konti?! Gosh ano pa kapag super excited ka na?” tanong ko dito, humagikgik lang si loko.




Kung ano ano pa ang ginawa namin nung umagang yun, pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pagsakay namin sa banana boat para kasi itong mamamatay kung makayakap sakin.



Hoy! Ok ka lang? Bakit namumutla ka?” tanong ko dito.



Ayaw ko kasi yung ginawa natin ngayon ngayon lang.” sabi nito sakin at medyo nanginginig pa.



Ha! Eh bakit di mo agad sinabi sakin?”



Eh kasi excited na excited kang sumakay dun kanina, hindi ko na nasabi sayo.” sabi niya habang butil butil ang pawis nito sa noo niya.



Ha-halika upo muna tayo dun sa isang restaurant.” pigil tawa kong aya dito.



0000ooo0000



Anong nakakatawa?” tanong nito sakin habang nakaupo kami at iniintay ang aming inorder na pagkain.



Eh kasi naman pwede kang tumanggi no, kung hindi mo gusto yung gagawin natin sabihin mo lang sakin.” sabi ko dito, umiling naman ito.



Kahapon nung sa body shots, alam kong ayaw mo ang gagawin natin pero di na kita tinanong, pero kahit ganun game na game ka parin. Nagyon kahit di ko gusto basta sinabi mo dapat game din ako para quits tayo.” sabi nito sakin habang nilalaro ang straw ng kaniyang iced tea. Napakunot ang noo ko at tinignan ito.



Tunay ba yang sinasabi mo?” tanong ko dito habang lampas sa kaniya ang aking tingin.



Yup. Yup.” sabi nito habang parang batang makulit na kinakagatkagat nito ang straw niya.



Then kiss me.” sabi ko dito, nagulat siya at tinignan ako, lilingunin na sana niya ang aking tinitignan ng kabigin ko ang mukha nito at masuyong hinalikan. Sinadya kong ilagpas ulit ang aking tingin at sinigurado ko na makakamtan ng halik na yun ang pakay ko.




Hindi ako nagkamali, nakita ko sa bukana ng restaurant si Pat at Eric. Hinihila ni Eric si Pat dahil mukhang susugurin na nito si Edison na nakatalikod sa kanila at abala sa paghalik sakin. Nang mapansin ni Edison na may tinitignan ako sa bandang likod niya ay marahan itong kumawala sa aking halik at tumalikod, nakita niya si Eric at ang nanggagalaiting si Pat.




Pigilpigil parin ni Eric si Pat, malamang kasi na gusto na nitong sapakin si Edison. Nagulat na lang ako ng biglang humarap sakin si Edison saka ngumiti ng nakakaloko. Siya naman ang kumabig sa aking mukha at hinalikan ulit ang aking mga labi, sa sobrang sarap ng mga halik na iyon ay napapikit na ako.




Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Edison na nakatitig sakin na kala mong boyfriend ko na matagal na akong hindi nakikita, may pagtangis sa mga mata niya, pinaandar niya ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi.



Be careful in what you wish for, it might come true.” bulong nito sakin at unti unti nang nilapit ang kaniyang mga labi sa aking labi. Muli naman akong napapikit.



0000ooo0000



Now your Ex is totally going to kill me.” sabi nito sakin habang nakaupo kami sa beach at iniintay ang paglubog ng araw.



Ok lang yun, at least naramdaman mo ang aking kiss.” pangaalaska ko dito.



Actually its kinda weak.” balik pangaalaska nito sakin.



Ganun?!” taas kilay kong sabi dito.



Yup!” sabi nito.



Rematch?!” tanong ko dito.



Bring it on!” sabi nito at sinibasib ko nanaman ito ng halik, pareho ulit kaming napapikit at hindi na namin pinansin ang pagtatakip silim.




0000ooo0000



I Love You
You Love me
were a happy family
with great big hug
and a kiss from me to you
won't you say you love me too
I Love you
You Love me
we are friends
like friends should be
with a great big hug
and a kiss from me to you
wont you say you love me too




Naalimpungatan ako ng marinig ko ang kantang yun. Maliwanag na ang paligid, umaga na pala. Di ko pinahalata kay Edison na nagising ako, nakayakap ako sa kaniya at ginagawang unan ang kaniyang pecs, nararamdaman kong nakanta rin si mokong pero mahina lang. Lihim akong ngumiti at ipinikit ulit ang aking mga mata saka isiniksik ang sarili ko sa kaniya.



Nang muli kong imulat ang aking mata ay medyo mataas na ang araw, pero ganun parin ang ayos ko, nakaunan parin ako sa dibdib ni Edison at siya naman ay natutulog ng nakaupo, tinignan ko ang TV at noon time show na ang palabas doon. Tatayo na sana ako ng bigalang humigpit ang yakap sakin ni Edison.




Mamya na.” mahinang sabi nito at pinagbigyan ko lang siya, iniangat ko ang aking tingin an nakita ko ulit ang maamong mukha nito, nagiiba ang itsura nito kapag walang salamin, mas nagiging kamukha niya si Ram, pero ang kaibahan lang ay maputi ito kesa sa kapatid.




Di ko alam kung bakit, pero pilit kong inabot ang labi nito, di makapaniwala sa lambot at pula ng mga iyon, mayamaya lang ay nakita ko nalang ang sarili ko na hinahalikan na ang mga malalambot at mapupulang labing iyon.




0000ooo0000



Andaya mo! Di kaya Red yun, maroon yun, Edison. Maroon!” sigaw ko dito habang nakahilig ang ulo ko sa mga balikat nito.




Muli kaming nakaharap sa dagat at nakaupo sa buhanginan. May naisipan kaming mapagkakaabalahan habang naka-tanga sa dalampasigan. Sa kaniya ang pula at akin ang asul na mga bathing suit. Paramihan kami kung baga.




Maroon ba yun?” tanong nito sakin sabay hagikgik.



Daya amp.” sabi ko dito at lalo naman itong humagikgik.



Hindi ko alam kung ano tong meron kami ni Edison. We kiss, we fuck and we exchange sweet endearments pero alam naming wala pa kaming commitment sa isa't isa. Siguro ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa. Nandito siya para makalimot at sumasama ako sa kaniya dahil masarap sa pakiramdam ang andyan siya, di ko maintindihan pero feeling ko secured na secured ako sa tabi niya, feeling ko tamang tama ang mga halik niya, sapat lang ang mga yakap niya at napapamahal sakin ang kilos niya, the exact same feeling na noon ko pa hinahanap pero di ko nakita kay Pat.




Malamang wala ka lagi sa tabi niya eh.” sabi ng utak ko




Naalala kong hindi nga lang pala si Pat ang may problema kaya hindi naging maayos ang aming relasyon, meron din pala akong mga kasalanan, kasalanan na kung sana ay di ko ginawa malamang napatunayan din sakin ni Pat na kaya pwede rin akong maging secured sa piling niya, na tamang tama lang din ang halik niya, na sapat lang din ang yakap niya at kaya ko din mapamahal sakin ang kilos niya. Pero hindi mas pinili ko ang trabaho ko.




Wag mo ding kalimutan ang pagiging insecure mo sa bestfriend niya.” paalala nanaman ng utak ko. Tama ito, isa pa sigurong dahilan kung bakit hindi ko nararamdaman kay Pat ang nararamdaman ko kay Edison ay dahil nabulag din ako sa insecurity ko kay Eric.



Blue!” sigaw ni Edison sa aking tabi. Tinignan ko ito.




Sana sayo nalang ako na inlove.” wala sa isip kong bulong dito.



Sus, akala ko naman kung bakit ka biglang nalungkot. Halika nga dito.” akbay nito sakin at lalo akong idinikit sa kaniya.




Malay mo pagkatapos nito, pagkatapos mong matanggap ang sainyo ni Pat, malay mo may chance na maging tayo.” bulong nito sakin. Kahit mainit sa paligid ay parang angsarap sa pakiramdam ang init na pinapakawalan ng katawan ni Edison kaya kung maari ko pang isiksik ang sarili ko sa kaniya ay ginawa ko na.




Sana laging ganito.” sabi ko, tumungo si Edison at tinignan ako nakapako ang aking tingin sa lumulubog na araw, ang ganda nitong tignan lalo na nung naging parang salamin na ang dagat. Inabot ni Edison ang aking kamay at hinawakan iyon.




Sana nga.” sabi ni Edison, napa tunghay ako, nagtama ang aming mga tingin, kitang kita ko ang sinseridad sa mga iyon.



Bakit ka ganyan ka gwapo?” wala sa isip kong tanong dito. Napahagikgik lang ito, isiniksik ko pa lalo ang aking ulo sa kaniyang balikat at leeg, nararamdaman ko ang bawat paglunok nito.



Blue.” sabi ulit ni Edison.




I think I'm going to win this game.” habol nito, ipinikit ko ang aking mga mata.



Then win it.” sabi ko dito at ninamnam ko ang pagdidikit ng aming mga katawan.




Naramdaman kong biglang nagbuntong hininga si Edison, pero di ko ito pinansin. Mayamaya pa ay pilit ako nitong itinunghay at tinignan ako ng deretso sa mga mata, dun ko napansing may nagiba na sa kaniyang mga mata, may halo na ng pangamba at pagkainis.




Dito lang ako.” bulong nito saka sumenyas na tumingin ako sa harapan namin sa harapan namin ngayon ay ang aking ex-boyfriend na si Pat, ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang expression ng mukha ni Edison.




Pwede ka bang makausap ng saglit?” tanong sakin ni Pat, malungkot ang mga mata nito at miya mo nangungusap. Tinignan ko si Edison, tumango lang ito.




Dito lang ako.” bulong ulit nito.



Inaya ako ni Pat na lumayo ng konti sa pwesto ni Edison, di ko ito matignan ng diretso hanggang sa iniangat na niya ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang kamay. Nagtama ang aming mga mata.



Miss na kita. Balik ka na sakin, please.” sabi ni Pat, nakikita kong nangingilid na ang mga luha nito.




I promise to fix things between us. We will make this work, balik ka na please.” bulong nito, tumingin ako sa kinaroroonan ni Edison, tumango ito sakin na parang sinasabi na pumayag ako sa gusto ni Pat, na parang alam na niya kung anong nangyayari kahit pa malayo kami sa kaniya.




Niyakap ako ni Pat ng mahigpit, nararamdaman ko nang namumuo ang luha sa aking magkabilang mata. Nararamdaman ko ang paghikbi ni Pat habang sinasabi ang salitang “Please.” sa bawat hikbi. Naramdaman ko naring tumutulo ang luha nito sa aking balat.




Muli kong tinapunan ng tingin ang pwesto ni Edison, pero wala na siya doon.





Itutuloy...

8 comments:

  1. naku naman.. napakatanga ni jake kung babalikan pa nya c pat.. wawa naman c edison..

    mr.Mayabang breakeven na lang ipost mo.. at tsaka aao.. Hahaha kainis ka! Tagal ng update..

    xa nga pala.. Ok lang naman kung maglitanya ka.. Kakatuwa nga eh.. Nyahaha

    update na agad!

    ReplyDelete
  2. "royvan24"

    "pain and happiness ang feelings pag nangyari ito sayo di mo malaman ang gagawin mo.

    But i like the twist of the story kakaiba same broken heated nagkamabutihan.

    kakawa naman si edison....

    ReplyDelete
  3. awwwww. nakakaiyak naman. :)

    ReplyDelete
  4. sana hindi pumayag si jake na bumalik kay pat...magpapakatanga ba ulet siya? hay!!!

    ReplyDelete
  5. there's something missing...

    "Hindi ko alam kung ano tong meron kami ni Edison. We kiss, we fuck and we exchange sweet endearments pero alam naming wala pa kaming commitment sa isa't isa."

    pero di yata napegtuunan ng pansin ang sex scenes o kahit man lang ang foreplay sa previous chapters... :)

    just pointing out something and correct me if i am wrong :)

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  6. very nice story :) kakaiyak naaa!!!!

    -louie

    ReplyDelete
  7. kwawa nnmn b si edison??.. hmmmm

    nkpgbsa dn sa wakas.. bcbchan eh.. hehe

    ReplyDelete
  8. Kawawa naman si edison. Ako na lang sana. Hehe. Pero mas lab kita migz. :))

    ReplyDelete