Chasing Pavements (Book3 Part3)
_________________________________________
Chasing Pavements (Book3 Part3)
by: Migs
Naniningkit ang mata ni kuya Ron habang tinititign si Marco, si Marco naman ay nakayuko lang at tila nahihiya dahil siguro sa dalawang dahilan, una dahil suot niya ang mga damit ni kuya Ron at pangalawa dahil nahuli siya nito na boxers lang ang suot habang ako ay nakahiga sa sahig at siya ay nakadungaw sakin na kala mo may malaswang ginagawa.
“Paki explain nga ulit sakin.” sabi ni kuya Ron
“Natapon yung malamig na tubig...”
“Di ko po sinasadyang...”
“...siyempre di ko naman pwedeng...”
“...magkalat saka maglikot...”
“...eh kung pulmunyahin yan...?”
“... pero natapon po yung tubig...”
“...tapos natumba ako, tinitignan niya lang kung ok ako...”
“...promise po di na mauulit...”
“...wag ka ngang green minded!”
“...sorry po talaga.”
“HEP! HEP! HEP! ISAISA LANG ANG PAGSASALITA!” sigaw ni kuya Ron, natameme naman kaming dalawa ni Marco.
“Migs!” sigaw ulit ni kuya Ron.
“Yun nga, natapunan si Marco ng tubig, kaya pumunta ako sa kwarto mo at hiniram ko...”
“Hiniram o ninakaw?” singit ni kuya Ron napatingin naman sakin si Marco. Tinignan ko ng masama si kuya Ron na halatang pinipigilang mapatawa.
“...HINIRAM ko yung mga damit mo, di agad mai-suot ni Marco kasi nahihiya sa mahal ng mga damit mo tapos natumba ako at nilapitan ako ni Marco para malaman kung ok lang ako, tapos biglang dumating ang isang napaka green minded na tao, tapos.” sabi ko kay kuya Ron naniningkit naman itong tumingin sakin.
“Promise. Yun lang.” sabi ko. mukha namang sa sinabi kong iyon ay nakumbinsi na sa wakas si kuya Ron.
“O, Marco ako nga pala si Ron, pinsan niyang boyfriend...”
“Naku hindi ko po siya....”
“KUYA!”
“ISAISA lang ang pagsasalita. Di kaya ng CPU ko ang sabayang pagbigkas.” sabi ni kuya Ron. Napatingin ako kay Marco, tinignan kung nawiwirduhan na ito pero nagkamali ako kasi nangingiti ito. Malamang pinipigilang tumawa.
“Hindi kami mag boyfriend! Magkaibigan lang kami.” sabi ko tinignan ako ng masama ni kuya Ron.
“Ako si Ron, pinsan nitong kumag nato.” sabi ni kuya Ron sabay abot ng kamay ni Marco. Inabot naman ito ni Marco para i-shake.
“Marco po.” pakilala nito sa sarili.
“Oh, ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?” sabat ko ng medyo napatagal ng kaunti ang pagkakamayan nila. Agad namang naghiwalay ang dalawa at pumasok na si kuya Ron sa kwarto.
0000ooo0000
Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na si Marco, may dalawang oras pa ito sa condo dahil sa paglalaro namin ng dota, si kuya Ron naman ay di na lumabas ng kwarto niya. Nagpunta na ako sa lugar kung san kami naglaro ni Marco at niligpit ang mga basura doon. Napahikab ako.
“Hala magaalauna na pala ng madaling araw.” sabi ko sa sarili ko saka humikab ulit, tinignan ko ang paligid at nakitang marami pang ligpitin. Sigurado akong magagalit si kuya Ron pag di ko niligpit iyon at kapag naabutan niya pa kinaumagahan. Kaya naman wala kong ganang nagligpit, habang iniisip ang mga nangyari nung gabing yun. Di ko mapigilang mapangiti.
0000ooo0000
Dahandahan kong idinilat ang aking mga mata ng maramdaman kong may dumudutdot ng noo ko, nang magadjust ang aking mata sa liwanag ng paligid ay nakita ko si kuya Ron na dinudutdot ang noo ko.
“Ano ba?! Natutulog ang tao eh!” bulyaw ko dito.
“Bakit di dito natulog si Marco?” tanong nito. Naningkit bigla ang mata ko ng mapansin kong palingalinga ito na miya mo iniintay na sumulpot si Marco sa likod niya.
“Bakit? Type mo no?!” bulyaw ko pabalik dito.
“Di ah! Slight lang!” parang tangang kinikilig na sinabi ng aking pinsan pero agad itong sumeryoso at tinitigan ako sa mata.
“Pero kung magboyfriend na kayo ay di na ako hahadlang pa.” parang tanga ulit na sabi nito, agad kong iniwas ang tingin dito.
“H-Hindi naman kami eh.” sagot ko dito at bumangon na.
“Hindi pa o hindi talaga?” tanong ulit nito, pilit na itinatago sa boses ang interes na obvious na obvious. Interes para kay Marco.
“Kaibigan ko lang yun. S-saka straight si Marco.” sabi ko, bigla namang lumiwanag ang mukha ni kuya Ron.
“Wala nang straight ngayon.” sabi nito.
“Teka, naalala ko, siya ba yung Marc na sinabi mo sakin noon? Iisa lang ba sila?” tanong ulit nito.
“H-hindi magkaiba s-sila.” sabi ko na lang, di ko alam kung san patutungo ang usapan na iyon.
“Good! Ayaw ko namang inaagawan ka no!” sabi ni kuya Ron sabay halakhak, di ko alam pero bigla akong kinabahan.
“Marco, brace yourself! You'll be mine soon!” sigaw nito sabay talikod sakin.
0000ooo0000
“Nakakatawa pala pinsan mo ano?” sabi ni Marco habang nakaharap ito saking laptop at naglalaro ng SIMS.
“Ah, Oo.” sabi ko na lang habang kunwari ay nagaaral pero ang totoo ay iniisip ko ang sinabi kanina ni kuya Ron.
Totoo, di problema kay kuya Ron kung straight man yan o bi. Mapalalaki o babae ay hindi problema kay kuya Ron, asa kaniya lahat. Gwapo, maganda ang katawan, mabait, matalino at confident, hindi malabong makuwa niya ang kung sino mang gusto niya.
Pero hindi lang yun ang bumabagabag sakin, kasi mukhang interesado din sa kaniya si Marco.
“Andyan ba siya?” tanong ni Marco sakin sabay luminga linga na kala mo iniintay si kuya Ron na bumulaga sa likod o sa magkabila niyang tabi.
“W-wala eh. Asa school.” sabi ko dito. Tumango lang ito. Nagbuntong hininga ito, kumunot bigla ang noo ko. Di ko na napigilan ang sarili ko.
“May itatanong ako sayo Marco ah. Sana wag ka magalit.” sabi ko dito.
“Sige sige.” sabi nito habang nakapako parin sa screen ang kaniyang mga mata.
“Promise? Di ka magagalit?” paniniguro ko.
“Oo nga, kulit.” sumeryoso na ito saka humarap sakin.
“Gusto mo ba si kuya Ron?” tanong ko dito, kumunot naman ang noo nito.
“Oo, mukha naman siyang mabait.” sagot nito.
“Hindi yun ang ibig kong sabihin.” lalong kumunot ang noo nito.
“May gusto ka ba sa kaniya?” biglang lumatay ang kaba sa mukha nito.
“Hindi ah!” sagot nito pero di ako masyadong kumbinsido. Humarap ulit ito sa laptop.
“M-may iba akong gusto.” napawi ng huli niyang sinabi na iyon ang pagaalanagn ko sa nauna niyang sagot. Bigla akong napangiti. Biglang sumayad sa isip ko na baka ako yung gusto niya.
“Assuming.” sabi ko sa sarili ko saka ibinalik sa aking libro ang aking atensyon.
0000ooo0000
Ilang araw pa ang lumipas, madalas ko paring kasama si Marco, ganun parin, kwentuhang brownout, tambay, sweet-sweetan at kung minsan kapag tinopak ay nagpapakabatang isip kami pareho. Madalas parin kaming tumambay, minsan sa dorm niya, minsan naman sa condo ko.
Wala naman din akong nakikitang kakaiba kay kuya Ron at Marco, normal naman kay kuya Ron na magpapansin sa lahat ng kakilala ko, kahit na medyo sumusobra ang papisil pisil at pagakbayakbay nito ay sanay naman na ako don. Parang wala naman iyon kay Marco sa totoo lang. Kaya parang nakampante naman ako na walang mamumuong relasyon sa dalawa.
0000ooo0000
Sa aking review center na napili ay may mga tinatawag na assessment test, sa huli ng napili mong program ay may mga ganito kung saan pagkatapos halos ng lahat ng review ay malalaman mo kung saan ka mahina para bago dumating ang exam ay alam mo kung san ka dapat mag focus. Maganda sana ito pero ang kinapangitan lang nito ay wala ka ng halos oras sa sarili mo at sa social life mo. Tatlong linggo na lang at board exam na at madalas na kaming di nagkikita ni Marco. Nalulungkot ako kapag di ko siya nakikita.
Nang umuwi ako pagkatapos ng assessment test ay laking tuwa ko ng malamang wala naman akong dapat pagtuunan pa masyado ng pansin, lahat naman ng subjects ay naipasa ko halos nakuwa ko ang qouta na 5 mistakes per test. At lalo akong natuwa ng mabungaran si Marco sa aming sala.
Pero di siya nagiisa. Andun din si kuya Ron, nanunood sila ng re-run ng UAAP games. Agila kasi si Marco samantalang si kuya Ron naman ay berdeng robinhood. (Siguro naman nagets niyo?) nakangiti ako nitong sinalubong pero kahit anong gawin ko ay di ko maibalik ang mga ngiting yun.
“Parang may mali.” sabi ko sa sarili ko.
Inaamin ko, wala naman talaga akong nakikitang kakaiba, nagkakatuwaan silang dalawa dahil magkaribal na school sila nanggagaling at iyon ang magkalaban ngayon sa pinapanood nilang baketball game sa TV, pero di ko parin mapigilang magselos. Parang may kung anong kirot.
“Huy! Tulala ka diyan?” tanong ulit sakin ni Marco. Di ko parin nagawang ngumiti.
“P-pagod lang siguro.” sabi ko.
“Baka bumagsak sa assessment test.” sabat ni kuya Ron, agad kong nilapag ang papel na naglalaman ng scores ko sa assessment exam sa lamesa malapit sa pinto.
“M-magpapahinga na muna ako. Sensya na Marco di tayo makakatambay ngayon.” sabi ko dito, tumango lang ito sabay dampot ng inilapag kong papel.
Bago ako makapasok ng kwarto ay naipakita na pala ni Marco ang resulta ng aking exam kay kuya Ron. At agad itong humarap sakin at nagsalita bago ko pa man maisara ang pinto.
“Ang taas ng nakuwa mo, Migs! Congrats! Sure ka na niyan sa boardexam!” sigaw ni kuya Ron, panandalian akong natigilan.
“S-salamat.” wala sa sarili kong naibulalas sabay sara ng pinto.
0000ooo0000
“Migs, may problema ba? Uuwi na si Marco, gusto raw niyang magpaalam sayo, kaso nahihiya na gisingin ka.” gising sakin ni kuya Ron, may apat na oras narin pala akong nagmumukmok.
“S-sige, ihahatid ko na lang siya sa baba.” malamig kong sabi kay kuya Ron.
“Migs, saglit lang. May problema ba?” tanong ulit ni kuya Ron, umiling lang ako at tuluyan ng bumangon.
0000ooo0000
“Congrats nga pala.” sabi ni Marco sakin habang nasa loob kami ng elevator pababa sa lobby. Binigyan ko lang ito ng matipid na ngiti.
“Tahimik ka ata ngayon, may problema ba? May sakit ka ba?” tanong nito sabay lagay ng likod ng palad niya sa aking leeg, wala sa sarili kong hinawi iyon. Di ito nakaligtas sa kaniya, nangunot ang noo nito. Di na ito kumibo hanggang mapatapat kami sa sasakyan niya.
“Migs, may problema ba? Sabihin mo naman sakin.” sabi ni Marco sakin, nangungusap ang mata nito. Di ko napigilan ang sarili ko.
“Ano ba talaga tayo?” tanong ko, natigilan ito at nangunot ang noo.
“I mean, ako kasi g-gusto kita, m-mahal na nga ata kita eh. A-ako ba ano sayo?” tanong ko ulit dito, bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at miyamiya ay tumawa.
Nainsulto ako.
Itutuloy...
"royvan24"
ReplyDeletebiglang nagtapat ng nararamdaman kay marco nagseselos na nga si Migs hehehe.... and inaabangan ko din po yung breakeven kuya
and have a nice day para always in good mood sa pagsusulat ng magagandang story mo. ^,^
Waaah. Mukha ngang magkaka conflict ang kuya ron at migz dahil kay marco...
ReplyDelete