Breakeven (Book2 Part8; Ending)

_________________________________
Breakeven (Book2 Part8)
by: Migs



Nagulat ako nang maabutan ko si Kevin na nagaalsabalutan na, di ko ito magawang pigilan, tumingin ito sakin at halatang halata ang kinikimkim na lungkot. Di ko alam pero parang naputol ang dila ko, parang binawi ng Diyos ang kakayanan kong magsalita. Umupo ako sa dulo ng higaan at pinanood lang siya sa pagiimpake.



Tapos na yung usapan natin.” sabi ni Kevin na pumipiyokpiyok pa. Di parin ako makasagot.



Napagselos na natin si Ram. Umamin siyang ayaw ka niyang mawala. Tapos na ang trabaho ko dito.” sabi ulit ni Kevin habang abala parin sa pagkuha ng kaniyang mga gamit. Nagulat naman ako sa sinabi niya.



Di ako makagalaw sa aking kinauupuan, gusto ng sumabog ng aking dibdib, akala ko kasi mahal na talaga ako ni Kevin base sa mga sinabi niya kanina kay Dalisay, yun pala ginagawa niya lang ang trabaho niya.



Akala ko pa naman ikaw na.” bulong ko sa sarili ko at may isang luha ng pumatak sa aking mata. Tumayo ako at nagtungo sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang abala parin si Kevin sa pagiimpake.



Lumapit sakin si Joey at umiingit, naiintindihan siguro na hindi na kami araw araw magkikita nito.



Joey.” tawag ni Kevin sa kaniyang aso.



Joey, let's go.” umiingit namang umalis sa tabi ko si Joey. Di ko na magawa pang humarap kay Kevin dahil bumabaha na ng luha sa aking psingi.



Sige Drei, una na kami.” mahinang sabi niya at lumabas na sila ni Joey ng front door. Pagkarinig na pagkarinig ko sa front door sa pagsara nito ay saka nanghina ang aking mga tuhod at napaupo na lang ako sa sahig ng kusina. Itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha.



JOEY NO!!!”


Di ko mawari pero parang nanunudyong pinapaalala sakin ng aking utak ang boses na iyon ni Kevin.



Do you mind if I sit beside you? Parang kailangan mo kasi ng kausap eh.”



Para akong nababaliw nang makita ko ang sarili ko na nangingiti ng maalala ang mga sinabing yun sakin ni Kevin, di ko makakalimutan ang pagiging atribido nito. Naalala ko rin ang mukha nito nang una ko itong marinig na sumisipol sa aking tabi, naalala ko kung panong parang isa itong empleyado na katatanggap lang ng kaniyang 13th month pay.




Joey, I don't want to see you licking somebody elses' face ok, you have to behave or else I will not let you out for a walk anymore.”



Napangiti ulit ako sa aking naalalang iyon, dahil naisip ko na kahit ang pagkausap niya kay Joey ay parang sa tao din ay ni minsan hindi ako nawirduhan sa ginawang niyang yun.



You were bleeding like mad, dinala kita sa ER but all they did was put a gauze on your head, sabi nung nurse to stop bleeding daw, but the gauze kept on getting soaked so sabi ko kung ano ang dapat gawin, sabi nung nurse intayin ang immediate family mo, wala naman akong makita sa phone mo kundi ang nakalagay na Wifey, iniisip ko na baka asawa mo only to find out that she's in Marinduque, tas tinawagan ko yung madalas mong tawagan na naka record sa log mo, sabi dun isang Ram Saavedra so I contacted him, only to find out that he's out of town as well at bukas pa makakarating so I came up with the plan na magpanggap and yun nga nagpakilala akong boyfriend mo, para lang payagan nila na tahiin yang ulo mo.”



Muli akong napangiti sa naalala kong iyon. Nababaliw na ata ako. Umiiyak at nangingiti at the same time.



Nagsinungaling ka pa talaga para sakin na hindi mo lubusang kilala, tapos tiniis mo ang dugo kong natutuyo na sa damit mo sa loob ng dalawang araw.” sabi ko sa sarili ko. At natuluyan na nga ako, di na ako nagkasya sa pagtawa at pagiyak ng sabay ngayon, kinakausap ko pa ang sarili ko.



Yung tutoo Kevin, binabalakubak ka ba?”



Bakit naman?” tanong niya.



Kanina ka pa kasi kamot ng kamot sa ulo eh.”



Natatawa din ako sa paborito nitong mannerism ang pagkamot sa ulo na kala mo laging binabalakubak.



Tandaan mo na hindi ko hiningi na ako ang gawin mong kunwaring boyfriend, kaya kung ayaw mong sabihin ko ang totoo sa ex mo, we have to do this MY way. At gusto ko na hindi ka na makikipaghalikan dun sa damuhong yon kahit kailan! Ngayon kumain na tayo!”



Natatawa din ako tuwing naaalala ko ang katigasan ng ulo nito.



Kinain kasi ni Joey ang hotdog na inilapag ni Drei sa tabi niya, nung humingi ako ng tawad nakita kong naiyak siya, kaya napagpasyahan kong kausapin siya, pero napakasuplado, di niya ako masyadong kinakausap, mayamaya ay napansin kong pinapanood niya ang mga batang nagpapalipad ng saranggola at napangiti. Dun ko unang nakita ang pinakamagandang ngiti, kaya't sabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang di ko na makikita ulit ang mga ngiting yun at inaya ko siyang magpalipad ng saranggola, at dun na nagsimula ang lahat.”



“Alam mo Kevin, ganyan talaga yang si Drei, kahit nung di pa kami kinakasal at galit na galit yan sakin sa tuwing sinisita ko ang pagkaburara niya. Madalas pa nga akong sabihang nagger, pero ngayong ikaw ang nagsasabi nito sa kaniya, napapangiti na lang siya.”



Ano bang ibig sabihin ng mga ito?” tanong ko sa sarili ko.



Well, kapag natutulog siya, di pwedeng wala ako sa tabi niya. Hilig niyang sisiksik at iyuyukyok ang sarili sakin, kahit na napakainit pa ng panahon.”




He also hates coffee for breakfast but loves it after lunch.”



Di niya rin gusto ng maalat na pagkain. Ayaw niya ng gatas kasi lactose intolerant siya. Ayaw niya ng pamintang buo dahil ayon sa kaniya, kulangot daw ito na nahulog mula sa ilong ng taga luto.”



Ayaw na ayaw niya sa the Morning Rush nila Chico ang Delamar as radio station tuwing umaga, pero gustong gusto niya naman itong napapakinggan dahil nakikipagtalo siya sa mga commentaries ng mga ito.”



Ayaw daw niya ng color blue, pero color blue halos lahat ng shirt niya sa closet.”



Wala daw siyang FB pero updated iyong account niya.”



Bakit parang taliwas lahat ng sinabi ni Kevin kanina kay Dalisay sa mga sinabi nito nang nagpaalam ito sakin kanina?” naguguluhan ko paring tanong sa sarili ko.



At aaminin ko, kaya ko ginawa ang checklist na iyon ay para wala kang makita na nararapat para sayo, pero as it turned out, di na kailangan ng checklist di ko na kailangan pang ipitin si Kevin dahil mahal ka talaga nito. Walang duda.”



Naalala ko bigla ang sinabing yun ni Ram.



Pero bakit umalis pa si Kevin kung mahal niya ako?” tanong ko ulit sa sarili ko. at biglang nanlaki ang mata ko sa isang realisasyon na lumanding sa utak ko.



Sana dyan ka lang, wag mo akong iiwan, di ko kayang wala ka eh. Ganyan ka kahalaga sakin at ganyan kita kamahal. Now give me a kiss.”



Tarantado ka talaga, Ram! Alam mo sigurong andun si Kevin kaya humingi ka ng kiss! At ako naman itong si gago, kumiss sayo!” pakikipagtalo ko sa sarili ko.



Agad akong tumayo sa pinagkakayuyok kong sulok, kinuwa ang susi ng sasakyan ko at palabas na sana ng unti ko ng may makita akong isang sulat.



To: Drei,



Sana tama ang desisyon kong pabayaan na kayo ni Ram. Alam kong mahal niyo pa ang isa't isa base sa halikan na nakita ko kanina. Sana lang wag mo akong makakalimutan. Maraming salamat din sa pagkakaibigan.


I Love You.


Kevin.



Anak ng! Ano ba? Meron bang outbreak ng Assumer's Syndrome ngayon?!” naiinis kong pahayag ukol sa sulat na iyon ni Kevin. Nagisip ako ng magandang gawin ng makita ko ang helmet ko sa tabi ng sobre. Napangiti ako.



0000ooo0000



Pinapaspas ko ang motor at sinisilip ang bawat madaanang taxi.



C'mon Kevin san ka na?” na fu-frustrate ko ng tanong.



Drei, wag mo na siyang pakawalan. Finally may magaalaga na sayo. Alam kong mahal ka ni Kevin.”



Argggghhhh! Bakit naman kasi umalis alis ka pa eh?!” naiinis kong sabi sa sarili.



Bakit ba hindi kita pinigilan? Antanga tanga ko!”


Nasuyod ko na ang buong Metro Manila pero di ko na sila naabutan, hindi ko na ito macontact sa cellphone, sinubukan kong puntahan ito sa clinic pero laging sinasabi ng asa front desk na naka leave daw ito. Halos nawalan na ako ng pagasa. Gumulo na ulit ang pad ko, di na ulit ako masyadong nagkakakain at wala naring nangungulit sakin.



The best talaga ang Lovelife ko, lagi na lang ankong talo.” sabi ko sa sarili ko.



Sabi ko naman sayo, payag akong maging kabit ka.” natatawang sabi ni Ram habang pinagluluto ulit ako ng tanghalian.



Tado! Kasalanan mo to eh!” sigaw ko sa kaniya.



At bakit ako?!” tanong nito.



Kung hindi ka nag request ng kiss eh!” sabi ko dito.



Binigay mo naman! See! Yan ang sinasabi ko sayo eh, kung siguradong sigurado ka sa nararamdaman mo kay Kevin, bakit ka nagpaunlak sa halikan na yun?” may lamang sabi ni Ram.



Oo nga ano.” sabi ko sa sarili ko.



Pero siyempre, alam ko rin namang di mo talaga matanggihan ang aking sex appeal.” pagbibiro ulit ni Ram kaya't binato ko na ito ng isang throw pillow mula sa sofa.



Biro lang!” sigaw nito pabalik. At lumapit sakin.



Alam mo, kung mahal mo talaga siya at kung alam mong ganun din ang nararamdaman niya para sayo, edi puntahan mo araw araw sa work, alamin mo ang current address, ipagtanong mo ang number.” sabi ni Ram sakin sabay akbay.



Pero nagawa ko na.” sabi ko dito.




Nagtagumpay ka ba?” tanong sakin ni Ram. Napaisip ulit ako.




Alam mo, base sa tingin ni Kevin sayo alam kong mahal na mahal ka niya, at ganun ka rin sa kaniya. Yun eh kung wala ako sa harapan mo.” sabi ni Ram sabay hagikgik sabay tayo at kinuwa ang aking helmet at susi ng motor.




Simulan mo na ang pangungulit.” sabi nito sakin.


0000ooo0000


Please. Alam kong andyan siya, kailangan ko lang talagang makausap siya.” sabi ko sa front desk ng animal clinic ni Kevin.



Andito nga po, pero maraming pasyente.” sa sinabing yun ng babae ay napalingon ako sa waiting area at kumunot bigla ang noo ko.



You're a lousy liar, you know that?” sabi ko sa babae sabay turo sa waiting area na walang laman. Napangiti ang babae saka patakbong pumasok sa opisina ni Kevin. Naiwang naka awang ang pinto sa pagmamadali.



Sabihin mo madaming ginagawa!” pagalit na sabi ni Kevin sa sekretarya. Nagbuntong hininga ako at ng lumabas ang babae ay sinabihan ko na lang ito ng...



Oo, narinig ko, maraming salamat na lang.”



0000ooo0000



Nakatulala nanaman ako at nakaupo sa isang bench sa park kung saan kami unang nagkakilala ni Kevin, pinapanood ko ulit ang mga batang masayang nagpapalipad ng saranggola.



I messed up, bigtime.” sabi ko kay Ram kanikanina lang sa telepono nang tanungin nito kung ano nangyari sa pangungulit ko.



Ganun ba? San ka? Puntahan kita ngayon.” sabi ni Ram.



Wag na. Kaya ko na to.” malungkot kong sabi sabay buntong hininga.



I'm sor...” di ko na siya pinatapos pa at binaba ko na ang telepono. Naglakad ako papunta sa hiraman ng mga saranggola at nagpasyang magpalipad na lang nito.



Kasama ng mga batang masayang nagpapalipad ng kanikanilang saranggola akoy nakaupo rin sa damuhan at nagninilaynilay sa nangyayari sa buhay ko. Si Dalisay, Ram at Kevin. Di ko mawari kung bakit palpak ako sa mga ito. Di ko maisip kung anong ginawa kong mali, nang hindi ko na naisip ang mga maaring dahilan ay ipinikit ko na lang ang mata ko at tumingala sa langit.



Di ka pa ba natatakot sa mga saranggola?” tanong ng isang pamilyar na boses. Idinilat ko ang aking mata, nasisilaw ako sa sinag ng araw pero di ko makita ang lalaking nakadungaw sakin na siyang humaharang sa sinag ng araw at sa akin. Biglang may dumila sa aking mukha.




Joey!” sigaw ko.



Namimiss ka na daw niya.” sabi ni Kevin na miya mo translator.



Miss you too.” sabi ko sa aso at niyakap ito. Napahagikgik naman si Kevin.



San ka galing kanina?” tanong nito at tumabi sakin. Napatingin naman ako dito at kumunot ang noo ko.



Ahh, sa isang animal clinic.” sagot ko.



Ano namang ginawa mo dun?” tanong ulit ni Kevin habang binubunot ang damo malapit sa kaniyang kinauupuan.



Nangungulit. Di ko kasi kaya na wala yung taong yun na kinukulit ko eh.” sabi ko sa kaniya habang nilalaro si Joey.



Ahhh, Anong sabi sayo?” tanong ulit ni Kevin na medyo napapangiti na.



Sabi lang marami siyang ginagawa eh. Nakulitan ata masyado.” sabi ko at napansing napakamot nanaman sa ulo si kumag.



Pano na yung boyfriend nung nangungulit?” tanong nito.



Sinong boyfriend?” tanong ko.



Yung Ram.” biglang nalungkot na sabi nito.



Di naman sila nagkabalikan eh. Nagkamali lang ng iniisip yung kinukulit ko, nag assume kung baga.” sabi ko at napangiti narin ako. Napatingin sakin si Kevin, halatang hindi niya ine-expect ang sagot kong iyon.


Tahimik.



Ah ganun ba?” tanong na lang nito matapos ang matagal na pagtahimik.



Yup yup.” sabi ko habang nilalamutak ang ulo ni Joey.



Bakit kailangang mangulit? Mahal na ba nung nangungulit yung kinukulit nito?” tanong ulit ni Kevin, tumingin ito sakin at nagiinatay ng sagot.



Sobra.” sabi ko na lang at naramdaman ko na lang na niyayakap na ako nito ng mahigpit at si Joey naman ay tahol ng tahol sa paligid namin.



Eh yung taong kinukulit ba mahal niya din ba yung nangungulit?” tanong ko, medyo nangingilid na ang luha ko.



Oo. Mahal na mahal.” sagot nito, nabitawan ko na ang saranggola na pinapalipad ko, kumawala na ito sa malakas na hangin at malawig na langit, hinawakan ko na ang mukha ni Kevin at tumitig sa mga mata nito.



Ito ang isang bagay na hinding hindi ko pagsasawaan. Ang mahalin si Kevin.




-wakas-

Comments

  1. huwow....nice one...it is superbly done...haaayst

    ReplyDelete
  2. Wah kinilig ako ng wagas.

    It made me want to fall in love na.
    Sa ngayon kasi bigo pa rin ako.
    Sana may Kevin ako na bigla na lang darating para kulitin ako ng wagas at mamahalin ko agad yun ng abot langit.

    I guess this part of the series teaches those who fallen desperately for someone and ended up losing him/her to never lose hope.
    That like an eraser is made for a pencil, there will always be someone for everyone.
    At darating yun when we least expect it.
    Maaaring dumatin na, di palang nagiging close.
    Maaaring nagcrus lang ang landas di lang napansin ang isa't isa.

    Basta nagkaroon na ako ng hope na may iibig rin sa akin someday.

    Salamat kuya migs :D

    ReplyDelete
  3. grabe...galing talaga..super ganda ng story..

    ReplyDelete
  4. worth the wait!, ganda migs, nabigyan ng happy ending c drei, kudos! (",)

    -josh

    ReplyDelete
  5. yey! Happy ending! Sana ako rin may happy ending... hehehe Galing lang talaga Migs... sobrang lalim ng pinaghuhugutan mo ng mga kwentong ito... tao ka ba? hehehe pa share naman ng talent mo oh, sige na!

    ReplyDelete
  6. At yun! Natapos din! Hahaha

    san na kaya yung kevin ko?? Nyahaha..

    well anyweiz.. Ang ganda nung kwento.. Parang ang sarap tuloy umibig ulit.. Sana lang tlaga lahat ng love story happy ending kaso in real life di naman.. Bitter lang?? Hahaha

    last appearanz na ba to ni drei?? Hahaha.. More! More! More! Nyahaha

    ReplyDelete
  7. w0w.........=)pnalo ang ending :D......ayyiieee

    -reggie-

    ReplyDelete
  8. wow nice as always. can't wait for all your stories to be posted. ^_^

    ReplyDelete
  9. hahahahhaha....

    ganda... !

    nakakatouch! ang kuleeet!

    -mars

    ReplyDelete
  10. waw... what an end..



    so happy for kevin and drei

    ReplyDelete
  11. the other day i re-read parts 1 through 7. i also backtracked LAIB 2. it is amazing how migs has interwoven these stories, while keeping details consistent... well i can only think of one reason: genuis!

    btw migs, i hope you will reconsider reposting AAO in its original form. you know why, yung orig na version ng AAO is a product of your heart and soul...yun ang mark of a genuis. i hope you do not try to sanitize AAO coz maganda cya in its purest form. just because some people say na na-offend sila sa theme ng AAO does not mean that you will redo it in its entirety. hindi lang malawak ang kanilang pag-iisip kaya nila nasabi ito...

    sana pagbigyan mo ang hiling ko :) please :)

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  12. Sabi na parang putol kasi nag part 3 kagad then I realized na unang silipXD tae nag comment pa ko sa isa na bakit umulitXD

    So tama I decision ko to change my sideXD :D
    Drei-Kev na kasi akoXD haha

    ganda ng ending, happily ever after :)

    ReplyDelete
  13. ang gnda.. dami kong saya,, haha bcbchan ako kya ngaun plng nkpgbsa.. haha galing tlga ni mr. otor.. hehe ;)

    ReplyDelete
  14. Panalong panalo si kevin at drei. Love you migs for bringing this story to life...

    ReplyDelete
  15. Sobrang kilig..... wat da... I so love LAIB and this one.... hahay I miss being inlove

    ReplyDelete
  16. grabe!!!! ganda talaga po ng mga stories nyo!!! :D sure fan nyo na po ako!! :D hahaha!! :D

    ReplyDelete
  17. buti nman at masaya n c drie at kevin khit nagmukha contrabida dito c ram s life nla dalawa..

    ReplyDelete
  18. migs...kelan ang reunion ng mga characters? hahaha... kulit ko...

    i re-read book 2 for the nth time... masyado kasi siyang feeling good basahin. makes me want to fall in love again :-)

    looking forward to CP4 and the sequel of LAIB and breakeven.

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  19. Grb ka migs! Tindi mo sa story! Galing! Hindi kelangan ng mahabang chapters para kiligin, maluha, mainis at mangamba. Hehehe. Add mo naman ako sa fb migs. Hehehe kramnivlarn@yahoo.com. Sana mabasa mo pa to. Heheheh

    ReplyDelete
  20. clap! clap! clap! ang sarap basahin at avail! =)

    - Lance

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]