Breakeven Book3 (Paunang Silip)
_______________________________
Breakeven (Book3 Part1)
by: Migs
“Calling Pat” sabi sa screen ng aking telepono bago pa ako sumakay ng elevator.
“Sorry, the number you are calling is out of coverage area, please try your call later.” sabi ng operator sa kabilang linya sa akin.
“Dammit!” bulalas ko, sabay sakay sa elevator.
Sakto ang bukas ng pinto ng elevator sa oras ng usapan naming ng aking mga taga opisina para sa ilulunsad na emergency meeting. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago tutluyang lumabas ng elevator, hilahila ang aking bagahe.
Bumulaga sa akin ang isang madilim na opisina, hindi ito pangkaraniwan, lalong lalo na sa opisina namin, kung saan hindi nawawalan ng tao. Malabong hindi magsisipag overtime ang mga tao ngayon, dahil may isa pa kaming Advertisement na hinahabol para sa deadline.
Sinimulan kong mangapa sa ding ding malapit sa mga cubicle at hinanap ang mga switch ng ilaw, nang makapa ko na ay pinindot ko na ito para mailawan manlang ang dadaanan ko papuntang boardroom. Sakto sa pagliwanag ng buong paligid ay ang pagingay din nito.
Akala ko may mga terorista na nagtake over ng buong floor, pero hindi pala.
““SURPRISE!”” sabay sabay na sigaw ng halos lahat na nagtatarbaho sa floor namin.
May ilan na may hawak hawak na torotot at binubugahan ito ng hangin, ang ilan ay nagpakawala ng mga confetti sa kanilang hawak hawak na party poppers at ang ilan ay may hawak na na plastic cups at masuyong umiinom na mula doon.
Iginala ko ang aking mga mata, ang ilang din sa mga boss namin ang nandoon, ang ilang mga kasamahan ko na malapit sa akin ay tinatapik ang aking likod, ang ilan sa mga kababaihan ay nagbebeso beso pa sakin at ang ilan naman ay magiliw na inaalog ang kamay ko sa isang mapang-congratulate na shake hands.
“The man behind the success of our million dollar advertisement. Mr. Jacob Fillandres.” anunsyo ng aming boss sa advertising department. Magiliw itong pumalakpak habang nakatungtong sa kaniyang stool.
Muli nanamang nagpalakpakan ang mga tao, napapapikit ako sa dagundong ng ingay sa buong floor.
“Hindi lang yan, dahil sa mababakanteng pusisyon na iiwan ko in three weeks time, I the department head, along with our big boss Edison Saavedra would like to promote Mr. Jacob Fillandres as the new head of the advertising department!” mahabang salaysay ng aking nakakalbong boss.
Muling narinig ang hiyawan at mga party poppers sa buong paligid, muli ko ulit naramdaman ang mga naiinggit at humahangang mata na dumapo sa aking mukha, mga tapik sa likod ng mga ilang malapit sakin, ang besobeso ng mga kababaihang nasa harapan ko at ang magiliw na pakikipag shake hands sakin ng ilang mga lalaking malalapit.
Napuno ng luha ang gilid ng aking mga mata at unti unti ng nanlabo ang mga ito.
“You have something to say Mr. Fillandres?” tanong ng aking boss at hinihikayat akong tumuntong sa kaniyang tinutuntungang stool.
Bumaba sa pagkakatungtong sa tool na iyon ang aking boss at nagpasya akong pumalit sa kaniya mula doon. Ngayong nakatungtong na ako sa isang bangko, lalo kong napansin ang mga reaksyon mula sa mukha ng mga taong nandoon. Pinahiran ko ang aking nangingilid na luha atsaka inalis ang bara sa aking lalamunan. Pero bago pa man ako makapagsalita ay may isang imahe ang pilit na sumisiksik sa aking utak.
“What?!” galit na sabi ng isang lalaki sa aking harapan, matapos kong sabihin sa aking kausap sa telepono na pupunta ako sa emergency meeting na pinatawag ng aking boss.
“We've been planning this trip for ages now, at isa pa regalo ko to sayo for our fourth year anniversary!” sigaw nito sakin. Napayuko naman ako sa sinabi niyang yun. Kinabig niya ang ulo ko at iniharap sa kaniyang mukha, muli nanaman akong nabighani sa kulay asul nitong mga mata at makinis na balat, matangos na ilong at mapupulang labi. Hinalikan ko siya.
“If you love me, di ka na pupunta sa emergency meeting na iyan.” bulong niya sakin pagkatapos ng aming halikan.
“I love you... but... I really have to go.” sabi ko dito, nagbuntong hininga siya at pumara ng taxi at tuloy tuloy na sumakay dito ng wala ni lingon lingon.
“Earlier in the cab, iniisip ko kung ano ang maaaring mali na ginawa ko, I reviewed every single detail of the ad in my head at na frustrate ako nang mapagtanto kong wala akong makitang mali sa aking ginawa, pero di ko parin lubos na maisip kung bakit magpapatawag ang boss ng emergency meeting. Nonetheless I cancelled all my appointments and crossed out several pages from my organizer... with a rainbow colored ink pen.” ang ilan sa mga nakagets sa sinabi ko ay napatawa ang ilan ay nagtanong sa mga katabi nilang naka intindi nung joke at saka tumawa ng maintindihan na nila.
“You see, I've been working in this hell hole for the past five years and this hell hole has taken a great toll in my personal life, ilang kaibigan ko na nga ba ang nagtampo sakin, ilang lovelife ko na din ang gumuho para sa isang ad, ilang pages ng organizer na ang pinunit ko at minarkahan ng malaking ekis...” napahikbi ako ng maalala ko nanaman si Pat.
“At kanina lang ding umaga ay dapat pupunta kaming Boracay ng aking partner, dahil sa inaakalang may mali akong ginawa sa advertisement at dahil inaakala ko din na malaki ang ilulugi ng kumpanya kung sakaling di ko pansinin ang emergency meeting na ito ay napagpasya akong magpaiwan. There, this hell hole cost me another partner...” iginala ko ulit ang aking tingin, tahimik lahat at nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
“That is why, napagpasyahan kong tanggihan ang offer ni Boss ng promotion at ibibigay ko na din ang aking resignation letter, soon. Susundan ko lang ang taong mahal ko, at magbabakasakaling maayos ko pa kung ano man ang meron samin dati.” matapang kong sabi.
Iginala ko ulit ang aking mga mata sa buong foor, nandyan ang ilang nakanganga sa pagtanggi ko sa pinapangarap ng ilan na maging head ng Ad. Dept., ang ilan ay nakaismid na kala mo napatunayan nila na wala akong karapatan maging head ng Ad. Dept. at may ilan na nalungkot at nagbulongbulungan marahil nagpapalitan ng kaniya kaniyang opinyon.
“Maraming salamat sainyong lahat. Lalong lalo na sa nagayos ng party na ito.” nagsimula na akong bumaba sa stool na kinatutungtungan ko at hinila na ang aking maleta papuntang elevator.
Sa bawat taong nadadaanan ko ay may ilang nakikipag kamay, tapik ulit sa likod at ang ikinagulat ko sa lahat ay ang palakpakan nila, bago pa man ako makapunta sa tapat ng elevator.
“Hold the door, please.” sigaw ko sa taong nasa loob ng elevator, pero parang hindi naman niya pinindot ang hold button at tuloy tuloy parin ito sa pagsara inilagay ko ang aking maleta sa pagitan ng dalawang sliding door para pigilan itong sumara.
“Sabi ko hold the... door...” simula ko pero di ko na ito tinuloy.
Sa aking likod ay ang aking super Boss na si Emilio Edison Saavedra, III, isa sa mga anak ni Don Emilio Saavedra II na siyang may ari ng Saavedra group of companies, na siya na mang kinabibilangan ng advertising firm na sa effective ngayon ay pinag resign-nan ko na.
Biglang tumulo ang malagkit na pawis mula sa aking noo. Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa nagflaflash na numero sa itaas ng pinto ng elevator.
“30th.” Sabi nito, at sa sa bawat flash ng numerong iyun ay ang pagbalik ng isip ko sa mga sinabi kaninang umaga ni Pat.
“We've been planning this trip for ages now, at isa pa regalo ko to sayo for our second year anniversary!”
“29th.” pagflash ng numero ulit sa maliit na screen sa taas ng mga pinto.
Dumating ako sa aming apartment at napansin ang magarang table setting sa dining table at ang masasarap na pagkain na nakaahin dito, sa isang gilid ay isang bote ng kabubukas lang na wine pero nakakalahati na ang laman nito.
Idinako ko ang aking tingin sa sala at doon naabutan si Pat, mahimbing itong natutulog, sa kamay ay isang shampaigne glass. Hinalikan ko siya sa labi, iminulat naman nito ang kaniyang mga mata.
“Sorry.” bulong ko.
“Ok lang. How many times have you forgotten our anniversary?” walang gana na nitong sabi.
“Sorry.” yun na lang ulit ang nasabi ko. hinalikan lang ulit ako nito sa labi at inilapag sa coffee table ang baso.
“Kain ka na diyan, nag prepare ako ng mechado, i-reheat mo nalang sa microwave.” sabi nito habang naglalakad papuntang kwarto namin.
“Ikaw, di ka ba kakain?” tanong ko sa kaniya. Tumigil ito saglit.
“hindi na, nawalan na ako ng gana five hours ago.” malamig na sabi nito at naglaho na siya sa likod ng pinto ng kwarto namin.
“28th.” pinahiran ko ang aking mga luha sa kadahilanang baka napansin na ito ng aking super boss na asa aking likod, tutal parang salamin ang mga pinto ng elevator, malamang makikita niya iyon.
“27th.” Ibinalik ko ang aking tingin sa maliit na screen sa ibabaw ng mga pinto pagkatapos kong pahiran ang luha sa aking mga mata.
“I can't pay the bills right now, I'm here in the office.” sabi ko kay Pat na nasa kabilang linya, habang inaayos ang mga illustration board na asa aking harapan para sa isa nanamang project.
“Well, di lang ikaw ang may tarbaho Jake.” naiirita ng sabi sakin ni Pat.
“I'll send you cash thru g-cash, kung yun ang problema.” wala sa isip kong sabi habang pinagkukumpara ang dalawang illustration board sa aking magkabilang kamay.
“Walang problema sa pera, may kinikita rin ako. You know what?! Screw the damn bills!” matigas na sabi nito.
Tumalikod na ako para di na mahati ng mga illustration board na asa aking harapan ang aking atensyon habang nakikipagusap kay Pat.
“Hun, sorry... hun?” tawag ko dito, pero dial tone na ang nakikipag usap sakin.
“26th.” Isang malalim na buntong hininga na lang ang aking pinakawalan.
“Kamusta naman ang rest day mo?” tanong ko kay Pat na nagbabasa ng magazine sa sala.
“Ok naman.” matipid na sagot nito.
“Si Eric, kamusta?” tanong ko dito, pinipigilan ang sarili ko na ipahalata kay Pat ang tunog ng selos sa aking mga sinasabi.
“Ok lang naman siya.”
“Masaya ba siya kasamang mamasyal?” tanong ko at napansin kong parang natigilan si Pat.
“Ano naman kung sinama ko siyang mamasyal, masama bang isama ang bestfriend sa galaan?” depensa niya.
“Di naman, pero tandaan din natin na he's also your ex-boyfriend.” lalong natahimik si Pat, padabog na tumayo at bago isalpak ang pinto ng kwarto sa aking mukha ay tumigil ito at nagsalita.
“Di ako maghahanap ng ibang makakasama tulad ng bestfriend ko, which happens to be my ex, kung ang boyfriend ko ay nasa tabi ko at willing na sumama sakin magmall.” matigas na sabi sakin ni Pat at tuluyan ng isinalpak ang pinto.
“25th.” Sabi ulit ng maliit na screen sa ibabaw ng dalawang pinto at muli nanamang nanlabo ang aking mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.
Magiliw akong nakangiti habang sinususian ang front door ng bahay na tinutuluyan namin ni Pat. Nag overtime ako sa opisina para buong araw ko siyang makakasama sa kaniyang spesyal na araw. Pagpasok ko sa sala ay di ko mapigilan ang sarili na magtaka sa mga nakakalat na bote ng beer sa sala at isang bowl ng popcorn na nakapatong sa sofa.
Idinako ko ang tingin sa dining table at nakita doon ang isang bawas na cake na may nakalagay na.. “HAPPY BEERDAY BEST!” napansin ko din ang nagkalat na icing sa mga upuan ng dining table. Napakunot ang noo ko.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang nagkalat na damit sa hagdanan.
“24th.” Di na napigilan ng mga luha ko sa pagagos nito sa mula sa aking mga mata. Napalingon naman ako ng biglang may kumalabit sakin.
Si Sir Edison inaabot sakin ang isang puting panyo.
Itutuloy...
aww..another characters!!!!haha astig!!! plus yung saavedra brothers!!
ReplyDeleteumpisa palang may something na gulo naXD
so ito na ba yung part na magiging masaya si edison??XD
ayan,, c edison nmn.. hehe buti nmn dna cya malulungkot,, sana.. hehe
ReplyDeleteayun nandun na si edison!
ReplyDeleteits about time to hear his happy ending!
haaayst...aabangan ko to!haha
ReplyDeleteyes!!! Si Edison naman! Sana naman happy ending na to para sa kanya hehe
ReplyDeleteNice!...
ReplyDeleteeiiii...
C edison at jason?...
ehhehehe...
-mars
its edison's time to shine!, hehehehehe, can'y wait for this one (",)
ReplyDelete-josh
umpisa palang maganda na :) kaabang abang ang mga susunod na mga kabanata...and its high time na magkaroon naman ng love life c edison!
ReplyDelete@migs, sana ibalik mo na po ung AOG!!!pleaseeee ganda naman po ung sotry nun eh...
mr. migs...
ReplyDeleteadd me up pls...
ricski.13@gmail.com
yan po ang link ko sa fb nyo.
I just want to chat u up about sa super addiction ko na dahil sa iyong mga stories.
:'(
ReplyDelete