Breakeven (Book3 Part7)
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
____________________________
Breakeven (Book3 Part7)
by: Migs
Hindi na ako nakabalik sa hotel room ni Edison nung gabing yun, madami kaming napagusapan ni Pat at napagkasunduan tungkol sa magiging set up namin pagkatapos ng bakasyon na ito. Alam kong hindi na maibabalik yung dati naming pagsasama at sinabi ko sa kaniya yon, pero hindi niya daw ako papakawalan.
“Kung kailangang suyuin ulit kita, gagawin ko.” sabi ni Pat ng hindi ako umimik nung tanungin ako nito tungkol sa aming status.
“Kung kailangan kong magsakripisyo, gagawin ko, wag ka lang mawala sakin.” habol pa nito.
“Bakit?” matipid kong tanong dito.
“Anong bakit? Syempre dahil mahal kita at ayaw kitang mawala sakin.” sabi nito sabay ngiti.
“Pano si Eric?” tanong ko dito, bahagya siyang natigilan, marahil ay di niya akalain na tatanungin ko ito sa kaniya.
“Magkaibigan lang kami ni Eric, hanggang dun lang yun.” sabi nito sakin sabay tungo, dapat sa puntong ito ay naglululundag na ako sa tuwa dahil ikinakatutwa na ni Pat si Eric, pero hindi, para bang may parte ako na hindi kumbinsido sa sinasabi niya.
“Pero taliwas sa sinabi mo ang naabutan kong tagpo nung sumunod ako sainyo dito sa Boracay.” sabi ko sa kaniya, iniintay ko ang kaniyang reaksyon, napansin kong na-tense ang kaniyang buong katawan sa sinabi kong yun. Alam ko ilang minuto nalang lilipad na ang kamao nito sa mukha ko.
“Promise, di ko na uulitin iyon.” matipid na sabi nito sabay yuko.
“It's easier said than done.” sabi ko dito saka tumalikod at lalakad na sana palayo nang bigla ako nitong yakapin.
Agad agad akong bumangon mula sa tabi ni Pat, naisipan kong balikan si Edison sa kaniyang hotel room nang biglang bumalikwas si Pat sa kaniyang pagkakahiga at nagpunta sa kusina at nagluto ng agahan, ayaw ko naman itong bastusin kaya't napakain narin ako ng inihanda nito.
“Babalik lang ako sa hotel room ni Edison.” paalam ko kay Pat. Natigilan ito sa ginagawang paghuhugas ng pinggan.
“Sino ba ang Edison na iyon?” tiim bagang na tanong sakin ni Pat, di na ako sumagot at nagtuloytuloy ng lumabas.
Habang naglalakad ako sa dalampasigan papunta sa hotel ni Edison ay hindi ko mapigilang mapaisip sa huling tanong sakin ni Pat.
“Sino nga ba sakin si Edison?” tanong ko sa sarili ko.
“Dito lang naman kami nagkakilala, hindi naman kami close noon, dito lang kami naghalikan dahil sa isang laro. Pero nag sex din kami, palagay ang loob ko sa kaniya...” agad kong inalog ang aking ulo para matigilan ko narin ang sarili sa pagiisip ng tungkol kay Edison.
“Pero di ko rin maikakaila that something about Edison makes me feel right, makes me feel complete.” sabi ko sa sarili ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ni Edison ay walang tao doon.
“Baka nasa beach.” sabi ko sa sarili ko. Pero nung inayos ko na ang aking gamit ay napansin kong wala na doon ang gamit ni Edison. Agad agad akong nagpunta sa receptionist sa may lobby ng hotel at tinanong doon kung naka check-in pa si Edison.
“Ay naku Sir, you just missed him. Mga ten minutes lang siguro ang pagitan niyo. Siya nga pala ito po pinabibigay niya sainyo.” at inabot nito sakin ang isang sulat.
Jake,
Thanks for the company.
Edison
Itinalikod ko ang sulat at umaasa na may nakasulat pa doon pero yun lang talaga eh. Wala nang iba pang nasasaad doon, agad akong humarap sa receptionist.
“Excuse me, yun lang ba ang pinaaabot sakin?” tanong ko dito.
“Ay, opo sir, yun lang.” at dahil sa sinabi niyang yun ay bagsak baikat akong bumalik sa kwarto ni Edison.
Agad kong ibinagsak ang aking sarili sa kama nang makabalik na ako sa kwarto.
“Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ngayong wala na si Edison, ngayon umalis na si Edison... ewan ko parang... parang kulang.” sabi ko sa sarili ko. kinuwa ko ang isang unan at dumantay dito.
Iniyukyok ko ang sarili ko sa niyayakap kong unan, ibang iba ito sa tuwing niyuyukyok ko ang sarili ko kay Edison. Iminulat ko ulit ang aking mata at napansin ang isang bagay sa side table. Inabot ko ito.
“Bakit mo naman iniwan si Marty dito.” sabi ko sa sarili ko, wala sa isip na ang taong kinakausap ko ay wala na sa kwartong iyon. Inikot ko ang laruan at nakitang may nakasulat sa likod nito.
“Smile.”
At hindi nagtagal ay napangiti nga ako, agad kong inilagay ang maliit na laruan sa aking bulsa.
“Ikaw muna kasama ko Marty ha? Iniwan kasi ako ng amo mong isip bata.” wala sa sarili kong sabi dito.
0000ooo0000
Magkasabay kaming umuwi ni Pat sa Maynila, alam kong sinusubukan ni Pat na maangkin ulit ang loob ko, na-a-appreciate ko naman ito, kaso minsan parang pilit na hindi mawari. Alam ko ring minsan kahit na sabihin mong natutuwa ako sa panunuyo niya ulit ay alam kong may kulang. May hindi tama. Inilabas ko ang maliit na teddy bear sa aking bulsa.
“Huy ano ka ba!”
“Anong magagawa ko kung nasusuka ako eh.”
Bigla kong naalala ang tagpong yun nung papunta kami ni Edison sa Boracay. Ngayong pauwi na ako ay wala na akong malapad na likod na hahagudin at bibigyan ng plastik para sukahan nito. Bigla kong namiss si Edison. Tinitigan ko ang teddy bear at nagbuntong hininga, iginalaw galaw ko ang mga kamay nito at paa.
“San galing yan?” takang tanong ni Pat.
“Ah, eh.. sa souvenir store.” palusot ko dito, mukhang nakumbinse ko naman ito at dina muli pang nagtanong.
0000ooo0000
Narinig ko na ang announcement na kailangan na naming ilagay ang aming mga belt dahil magte-take off na ang eroplano, tumingin ako kay Pat at tutulungan sana ito nang makita kong naisuot na niya ang kaniyang seat belt. Muling sumagi sa isip ko si Edison at yung tagpong tutulungan ko itong maisuot ang kaniyang seatbelt.
“Crush mo ba ako?”
“Ahhh, o di sige pababayaan ko na lang na hindi ka nakabelt para pagland nito ay tumilapon ka na nang mabura yang putang kayabang mong ngiti sa mukha.”
“Eto naman, joke lang.”
“Ayan na oh, i-tuloy mo na.”
“Ay! Baldado ka na?!”
Lihim akong napangiti at inabot ulit si Marty mula sa aking bulsa, itinalikod ko ito at trinace ng aking hintuturo ang salitang nakasulat ng pentelpen sa likod nito.
“Bakit kita namimiss ng ganito Edison?” tanong ko sa sarili ko.
0000ooo0000
Nang makabalik kami sa aming inuupahang bahay ni Pat ay di na ito nagaksaya ng panahon na suyuin ako, sa sobrang panunuyo ay minsan ay nasasakal nadin ako.
“Pat, balik lang ako sa office, kukuwanin ko yung mga naiwan kong gamit.” paalam ko dito.
“Gusto mo samahan kita?” tanong nito sakin, di na ako nakatanggi.
Kung ano ano ang kinukwento ni Pat sakin habang nasa sasakyan kami papunta sa aking dating opisina, di ko maintindihan ang sarili ko, noon parang hayok na hayok akong makipag usap kay Pat, pero ngayon parang wala na lang itong sense kausap. Dati papatay ako ng tao, makasama lang ito sa loob ng isang buong oras, pero ngayong magkasama na kami, parang sawang sawa naman na ako sa kaniya.
“Anong floor ka nga ulit?” tanong nito sakin nang makasakay na kami ng elevator.
“32nd floor.” sabi ko dito, inabot niya ang numero sa dingding ng elevator at marahang pinindot ito. Inakbayan ako ni Pat at hinalikan ako bigla sa pisngi.
“Para saan yun?” tanong ko dito.
“Wala, di ko lang akalain na magre-resign ka dahil sakin.” mahanging sabi nito habang nakangiti.
“Di ko rin akalain, di mo lang alam nagsisisi na ako ngayon.” bulong ko.
“2nd.”
Tulad ng nakasanayan ko noon nung doon pa ako sa building na yun nagtatarnaho, sa tuwing sasakay ako ng elevator ay pinapanood ko ang mga numero sa ibabaw ng pinto. Naalala ko bigla yung panahong na stuck kami dito ni Edison. Kating kati ako noon na makatabi agad si Pat lalong lalo na at kare-resign ko lang nun sa trabaho na siya namang akala ko na sagot sa problema namin ni Pat.
Pero ngayong katabi ko na ngayon si Pat ay parang hindi naman siya ang gusto kong makatabi, hindi naman siya ang gusto kong makasama, mahalikan, mayakap at maski makausap.
Naramdaman kong lalong humigpit ang akbay sakin ni Pat pero marahan akong lumayo dito.
0000ooo0000
“Goodafternoon Trish, kuwanin ko lang yung mga gamit ko.” paalam ko sa receptionist namin.
“Ok po.” sabi nito sakin sabay ngiti.
“Yes, Sir Edison.” sabi ng aming receptionist, napatalikod ako bigla, di maintindihan ang sayang nararamdaman sa pagkakarinig ng pangalan na iyon at sa naisip na magkikita kami ulit ni Edison.
Pero laking pagkadismaya ko ng malamang wala pala doon si Edison.
“May problema ba?” tanong sakin ni Pat. Marahil napansin niya ang biglang pagpalit ng reaksyon sa aking mukha. Tumango lang ako.
“Upo ka muna diyan, Pat, kuwanin ko lang ang mga gamit ko sa cubicle ko.” sabi ko dito at ng hindi na ito nakatingin sakin ay agad na akong naglakad patungo sa mga cubicle. Napansin kong parito't paroon ang mga supervisor at head ng bawat department at parang balisa sila lahat.
“Tammy.” tawag ko sa aking kaibigan sa kabilang cubicle.
“Oi, Papa Jake!” sigaw nito, ngumiti lang ako.
“Anong balita dito?” tanong ko dito.
“Ayun, nagkakagulo ang mga big boss. Di pa kasi nabalik from Bora si Sir Edison eh andaming iniwanang trabaho. Ayun.” sabi niya sabay binalik ang pansin sa computer. Natigilan naman ako sa sinabi nito.
“Dipa bumabalik si Edison?” tanong ko sa sarili ko. Bigla akong kinabahan at nagalala.
“Baka ano na nangyari dun sa damulag na iyon.” sabi ko sa sarili ko at naalala na hindi nga pala kaya nun na magisa.
“Bakit ako nagaalala ng ganito kay Edison?” tanong ko sa sarili ko sabay nito ay may naramdaman akong kakaiba.
Itutuloy...
wah what happened to edison!
ReplyDeleteedison!
edison!
edison!
nasan k?!
panigurado tatalunan na sa kaba ang puso ni jake!
ahhh!!! cliffhanger na naman!!!
ReplyDelete:)
regards,
R3b3L^+ion
gaaaaaaaahhhhh! nakakabitin! XD
ReplyDeleteamp.. bitin.. hehe nxt na.. hehe tnx sa update.. :)
ReplyDeletemalapit na maging happy ending si edison:D
ReplyDeleteEdison love na yata kita.... si jake mga sign na may gusto ang isang tao at minamahal na.
ReplyDelete"royvan24"
ReplyDeleteEdison love na yata kita... si jake mga sign na may gusto ang isang tao at minamahal na
Oh my. Naligaw ata si edison. Hehehe. Migz. Miss na kita. :))
ReplyDelete