Chasing Pavements (Book3 Part1)
___________________________________
Chasing Pavements (Book3 Part1)
Marco Tan
by: Migs
Lakad takbo ko nang tinatahak ang parking lot ng SM Manila. Late nanaman kasi ako sa aking review para sa board exams, napuyat ako hindi sa kakabasa kundi dahil gumimik kami ng mga kaibigan ko kagabi. Sabi kasi sa aming review center...
“Di porke't magbo-board exams na kayo di ibig sabihin nun ay katapusan na ng night life niyo. Pumapatak ang gimik sa Liesure time. Hindi dapat puro aral at basa dapat mag enjoy din.” sabi ng isa naming facilitator sa review.
Pero hindi namin ito sinunod dahil halos gabi gabi kaming nalabas ng mga kaibigan ko.
“Late ka nanaman.” bulong sakin ni JP habang nagsasagot ng questionaire.
“Ikaw? Bakit wala ka atang hang over? Tanong ko dito habang naglalabas ng pencil, tumunghay si JP at nagulat ako sa itsura nito. Mukha itong zombie. Pulang pula ang mata, namumutla at ang laki ng eyebags.
“Natulog ka ba?” tanong ko dito, di na ito sumagot at nagkasya na lang sa paguntog ng ulo niya sa plastic na upuan, napatingin ang mga katabi namin sa ginagawa niya.
0000ooo0000
“Ayan oh.” alok ko kay JP ng kape at tinapay mula sa mcdo. Nginitian ako nito.
“Alam mo, kung hindi lang kami ngayon ni Donna malamang nainlove ulit ako sayo.” nangaalaskang sabi nito sakin, hinablot ko ang ulo nito at inutog sa lamesa niya. Napatingin ulit ang mga tao sa paligid, humahagikgik lang si kumag.
0000ooo0000
“Argghhh!” sigaw ko habang abala sa paghahanap ng parking ticket sa secret compartment ng aking kotse.
Wala pa naman akong budget para bayaran ang fine pag nakawala ng ticket, pansamantala kong iniyuko ang aking ulo habang alalay lang ang apak ko sa gas.
“Ayun!” sigaw ko pero agad napaltan ng kaba ang pagpupunyagi kong yun nang marinig ko ang kiskisan ng bakal sa bakal.
“Pakshet!” sigaw ko.
Agad akong bumaba ng aking sasakyan at tinignan ang laki ng gasgas, susugurin ko na sana ang kabababa lang na driver ng kabilang sasakyan ng magsalita ito.
“Gago ka ba?! Kita mong no entry dito eh!” sigaw nito habang abala narin siya sa pagtingin sa gasgas at habang nakaturo sa sign ng no entry. Napakunot ang noo ko ng makita ko ng maayos ang mukha ng driver ng sasakyan na aking nakabanggaan. Napatawa ako. Kunot noo itong tumingin sa akin at nanlaki ang mga mata ng makilala ako nito.
“Migs!” sigaw nito sabay takbo sakin at niyakap ng mahigpit.
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat.
0000ooo0000
Ironic, ang starbucks kung saan kami nagkakilala ni Alex noon ang siya ring starbucks na pinagka-kapehan namin ngayon ni Marco na siya namang nakilala ko dahil sa kahayupang ginawa sakin noon ni Alex.
Tinapunan ko ng kinakabahang tingin si Marco. Magiliw itong nakangiti sakin habang hinihigop ang kaniyang kape. Ibinalik ko dito ang ngiti. Bigla itong napaigtad at may natapong konting kape sa kaniyang polo.
“Ang init!” sigaw nito sabay paypay sa bibig niya na kala mo batang nakakain ng isang maanghang na pagkain. Natatawa akong kumuwa ng tissue at sinubukang punasan ang natapon na kape sa kaniyang polo. Natigilan na lang ako ng hawakan niya ang aking kamay.
Nang itunghay ko ang aking ulo at tignan siya ay seryoso na ang mukha nito, may mga tanong sa kaniyang mga mata.
“Bakit di mo ako tinext? Binigay ko sayo yung number ko diba?” tanong nito sakin. Napaisip ako saglit, nagtataka sa kakaibang kinikilos nito.
“Na hold up ako.” sagot ko dito.
“Ah ganun ba?” sabi nito sabay nalungkot at bugha ng isang malalim na hininga.
“Pwede pa naman kitang itext ngayon diba?” makahulugan kong tanong dito, tila naman na-gets niya ang aking sinabi kaya't biglang lumiwanag ang mukha nito saka magiliw na ngumiti.
0000ooo0000
“Sino o Ano nanaman yan?” tanong sakin ni kuya Ron habang nakaharap ako sa libro na punong puno ng board exam questions.
“Ha?” tanong ko dito.
“Ano nanaman ang ibig sabihin niyang ngiti mong yan na para kang 12 years old na babae kung kiligin? Ano o Sino?” tanong nito habang iwinawagayway sa harapan ko ang chop stick na may nakasabit pang noodle.
Habang inaalis ko sa aking mukha ang tumalsik na sahog galing sa kinakaing pancit ng pinsan ko ay di ko mapigilang mapaisip, mapaisip kung sino at ano ang iniisip ko nang mahuli ako ni Kuya Ron na nakangiti at kinikiligkilig pa.
“Si Marco. Siya ang iniisip ko.” sabi ko sa sarili ko at napangiti ulit.
“Ay! Nakanampotek! Pakshet na pinakbet! Alam ko yang kilig kilig at ngiti ngiti na ganyan eh!” sabi ni kuya Ron.
“Di ko alam ang pinagsasasabi mo.” sabi ko at iniangat ang libro na aking binabasa kanina at itinapat sa mukha ko para di niya mapansing napapangiti ako.
“Bakla nga ako pero di ako tanga.” sabi sakin ng pinsan ko at nahihinuna kong iwinawagayway nanaman nito ang chopsticks na hawak niya dahil may naramdaman akong piraso ng carrot na lumanding sa buhok ko. hinawi nito ang libro na aking binabasa.
“At wag kang magkunwaring nagbabasa ka! Kailan ka pa natutong magbasa na nakabaliktad ang libro?” sabi nito sabay turo sa libro na aking binabasa.
“At...” habol pa ni kuya Ron dahil sinisimulan ko ng ligpitin ang review materials ko para sa kwarto na ipagpatuloy ang aking pagpapantasya este pagbabasa. Napatigil naman ako sa pahabol niyang yun.
“At di ka naman nagre-review talaga. Diba dapat gigimik ka ngayon?!” tanong nito sakin, napaharap na ako sa kaniya.
“Timbog!” sabi ko sa sarili ko, di ko naman naisip na ngayon lang nga ako marahil nakita ni kuya Ron na nagaral para sa boards.
“Sabihin mo na sakin ang totoo.” sabi ni kuya Ron sabay dive ulit sa chinese food na nakakahon.
0000ooo0000
“So may crush ka sa kaniya? Ano nga ulit ang pangalan?” tanong ulit sakin ni kuya Ron, inilapag na nito ang kaniyang kinakaing chinese food na nakakarton sa coffee table at nakaharap na sakin at nakikinig na kung pano kami nagkakilala ni Marco.
“Importante pa ba yung pangalan?” tanong ko dito. Ayaw ko talagang sabihin kay kuya Ron ang pangalan dahil sa kadahilanang sa tuwing magkwekwento ako dito tungkol sa mga lalaking nakilala ko o maski mga babae ay lagi siyang may patutsada dito. Halos lahat ng nakikilala ko KILALA NIYA!
“Kuya may nakilala ako sa LAX. Jeff Dampon, cute pero...”
“Cute, pero maliit.” pagtatapos ni kuya Ron.
“Kilala ko yun.”
“Kuya siya si...” pinutol ni kuya Ron ang pagpapakilala ko.
“Mitch, a baritsa from Figaro.” sabi ni kuya Ron sabay yakap sa baristang nakilala ko.
“Kuya, gigimik lang kami kasama si Borge...”
“Borge na taga sixth floor? Forget it. Di kita papayagan. Addict yun.” sabi nito sabay kandado ng pinto.
Kaya ang siste minsan pag may nakikilala ako o kaya nagiging kaibigan na lalaki o babae o maski nakakasama lang sa mga gimmiks or pag nakain sa labas di ko na sinasabi sa kaniya, minsan kasi napupurnada pa ang lakad o kaya nauuwi lang sa awayan naming dalawa.
“ANO- ANG- PANGALAN?” tanong ulit nito sakin sabay pandidilat pa ng mata.
“Marc.” nanginginig ko ng sagot dito dahil natatakot talaga ako pag si kuya Ron na ang nagpakawala ng nanlalaking mga mata. Pero pinili kong ibahin ng konti ang pangalan ni Marco.
“Ahh, di ko kilala, dalin mo siya dito minsan.” para naman akong nabunutan ng tinik.
“Basta tandaan mo, madala ka na sa nangyari sainyo ni Alex.” pagpapaalala nito, alam ko namang concerned lang siya pero...
“DO YOU REALLY HAVE TO RUB IT IN?!” naiirita kong tanong dito.
“Besides, di ako inlove kay Marc, I'm just glad na nakakilala ako ng katulad niya, it's not like I'm going to get married with him.” sabi ko kay kuya Ron, siyempre ayaw ko namang isipin ng pinsan kong easy to get ako.
“Ikaw ang bahala.” sabi nito sabay tungga sa bote ng 1.5 L na coke.
Ang totoo niyan wala naman talagang namamagitan saming dalawa ni Marco eh. He's just being friendly. Isang taong nakita akong umiiyak at parang sinaniban ng good samaritan at tinulungan ako. Yun lang naman talaga. Ako lang kasi ang nagbibigay ng malisya.
“Eh ano ngayon kung sinabi niyang text text kami? Madaming akong straight friend na nagsasabi niyon sakin.” sabi ko sa sarili ko.
“Eh ano naman ngayon kung masaya siyang nakita niya ulit ako? Ganun din naman kami ng iba kong kaibigan na matagal ko ng hindi nakita ah?” pangungumbinse ko pa sa sarili ko.
“Eh ano ngayon kung nakilala niya ako agad nung nagkita kami ulit sa Batangas nung i-patapon ako dun ni Kuya Ron? Ganun din naman ang gagawin ng ibang tao na ikina-pamilyaran mo diba?”
“Huy! Tulaley ka dyan?!” papitikpitik na sabi sakin ni kuya Ron.
“Promise kuya, wala lang to. Friends lang.” paniniguro ko dito nagkibit balikat lang si kuya Ron. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at ng makita ang screen na si Marco ang tumatawag ay para akong tangang tumakbo papuntang kwarto.
Habang kausap ko si Marco ay di ko mapigilang matuwa. Bakit eh nangungumusta lang ang tao? Para akong lobo na pinaputok. Bigla akong nanghina sa na-realize.
“Bakit nga ba ako ganito kumilos ngayong kausap ko lang naman si Marco at wala naman kaming pagkakaintindihan pa? Siguro nga gusto ko siya di ko lang maamin sa sarili ko.” sabi ko sa sarili ko.
Nun ko narealize na dapat kong pigilan muna ang aking nararamdaman at alamin muna ang totoong score. Baka kasi sa huli mapahiya ako at eventually masaktan. Ganito rin ang nangyari kay Alex, di ko muna inalam ang totong pakay nito, nagpadala ako sa patweetums nito at sa huli ako rin ang napahiya at ako rin ang nasaktan.
Pero habang kausap ko si Marco ay di ko mapigilan ang nararamdaman ko.
“Oi, bakit parang ako lang ang nagsasalita? Busy ka ba?” tanong nito sakin.
“Ah eh hindi naman. Wala lang talaga akong masabi.” sagot ko dito, napahagikgik naman ito.
“Masyado ka bang nabibighani sa bedroom voice ko?” nangaalaska nitong tanong sakin.
“Sus! Kapal. Boses palaka kamo. Bedroom bedroom voice ka pang nalalaman.” nangaalaska kong sabi dito. Napahagikgik naman ito sa kabilang linya.
“Ah ganun?! Sige bayaran mo yung ginasgas mo sa kotse ko.” sabi nito sakin, napatiim bagang naman ako.
“Hay nako wag mong ibunton sakin ang kabobohan mo sa pagdadrive.” nangaalaska ko ulit na turan dito.
“Ganun?! Di mo nga alam na no entry yung pinasok mo eh!” sigaw nito sa kabilang linya sabay tawa. Nagkatawanan na lang kami.
Ganuon halos gabigabi. Kwentuhang brownout. Kwentuhang walang kwenta pero kwentuhang nakapagpapasaya sakin.
“Bahala na kung ano man ang kahahantungan nito. Besides what else could happen? I managed thru heaven and hell with Alex, Ano pa bang di ko kakayanin?” sabi ko sa sarili ko habang nakikinig sa kwentong bobo ni Marco.
Itutuloy...
Kuya migz... Ending na po ung sa Book2 part 10? hanggang dun na lang po yun ? ahehe tnx ..:)
ReplyDeletehaist here we go again...
ReplyDeleteobviously masasaktan na naman si migs.
kea nga niya sinapak sapak ang marco na yun sa last book eh.
Kaya lang kuya migs, ang sakit sakit na ng kwento ng buong story.
Kung kaibigan ko yung bida, i can't help but cry and cry sa pinagdadaanan nya.
Sa totoo lang naalala ko na naman yung bestfriend ko, kinalamutan ko na feelings ko sa kanya dahil nung na-confront ko sya bout my feeling, sabi nya nakakasakal daw ang closeness namin.
hanggang ngayon trauma pa rin ako sa word na yun.
kea pag nagiging masyado na akong malapit sa isang tao, i can't help but think na lumayo na ako habang maaga.
sana naman may happy ending kahit sa next book.
or kahit left hanging na lang na nagde-dream yung bida for one true love tapos....
new book na hahaha...
Kuya migs, pahabol lang, mas trip kong sabay ang update mo.
Di naman dapat malito d b?!
Obvious naman na different ang title.
at alam kong maraming tulad ko ang naghihintay sa parehong galaw ng story.
Kaya po wag nyo pong change ang sabay na update.
Alam nyo po mas inaabangan ko na to kaysa update ng naruto na manga at anime update.
hong londe... haha naku po.. ayan nnmn cya.. c marco nmn.. tsk! tsk! haha tnx sa update... ok ang sabay na kwento.. pra mdami mbsa.. mas msaya.. hehe godbless.. tulog mode na.. my pasok pa.. haha
ReplyDeletekaabang abang kung bakit mo sinapak sapak si marco... hmmm bakit kaya?
ReplyDeleteI prefer two stories ang sabay na posting... thanks Migs!
hmmm? bagong lovelife?,hehehehehe...ok lang ang posting ng stories sana ipost narin ung against all odds (",)
ReplyDeletecan't wait to know what happened between him and Marco...hehe
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
oo mas magnda kung sabay kasi sa reader na yan kung talgang avid reader mo siya di xmpre makakarelate sya s lahat..
ReplyDeletemigs.... in regards s poll mo... mas mabuti kung sabay... kasi mas nkakapanabik kung ndi gnun kah bilis m.tpos ng isang story... atleast may "BITIN" mode kunti... hehehe...
ReplyDeleterange
kuya migs, mas gusto ko ren ang sabay para kahit bitin ay hindi naman nakakainip mag-intay kase may pambalubag loob na isa pang kwento..hehehe..
ReplyDeleteaha..i knew it may something nga kay marco.I was expecting na may continuation siya kaya lang na cut bigla yung scenes niya..hmmm..
ReplyDeleteabang abangXD
sabay n lng ang pagpost...
ReplyDeleteGood job!
"royvan said"
ReplyDeletemas maganda ang sabag by bookpart and numbers naman di sila malilito pag nagbabasa.
A brand new chapter sa buhay pag ibig ni Migz. Nakaka intriga ang magiging takbo ng kwento. Keep it up Migs mu labz
ReplyDeleteok lng sabay kc dpende un s magbbsa din gaya ng sabi ni royvan my numbers nman yan kya d nkklito.
ReplyDeleteok mga stories mo migs, kaabang-abang, sa mga baguhan kaya nila na tapusin yung mgta chapter, sa mga masugid mong tagasubaybay, nakatutok sila araw-araw for new developments, kaya more power sa yo
ReplyDelete