Chasing Pavements (Book2 Part4)


_________________________________________
Chasing Pavements (book2 Part4)
by: Migs




Medyo matagal na din kaming nagkatitigan ni JP, nagtataka man ako at medyo naaasiwa sa itsura namin ngayon ay di ko siya maitulak palayo, para kasing hinigop ang aking lakas, sa katunayan parang wala na akong lakas pa na tumanggi sa susunod na maaaring mangyari. Maya't maya pa ay dahan dahan nang lumalapit ang mukha ni JP sa aking mukha pero bago pa man magdikit ang aming mga labi ay napapansin kong lumiliwanag ang paligid at may mag usok na dumadaan sa pagitan ng mukha namin ni JP.




Itinuon ko ang aking tingin sa kaliwa at napansing nagsisimula ng magliyab ang sofa.




SUNOG!” sigaw ko, napaiktad naman si JP at agad na nilingon ang lumalaking apoy, hinubad nito ang kaniyang polo at sinimulang apulahin ang apoy sa pamamagitan nito.




0000ooo0000




Hala ka, anlaki ng nasunog.” sabi ko dito habang tinitignan ang malaking kulay itim na butas na gawa ng apoy kanina sa may sofa.



Hayaan mo na yan.” sabi ni JP habang nakatingin parin sakin. Medyo nailang nanaman ako. Dahil sa wala paring kuryente kaya't wala akong magawa kundi ang tumabi sa kaniya.




JP, uuwi na ako.” paalam ko dito.




Ha? Ambilis naman.” sabi nito sakin sabay tingin sa bote ng emperador na kalahati pa lang ang bawas.




Baka kasi hinahanap na ako ng pinsan ko.” sabi ko dito.




Ah edi sige.” sagot lang nito at akma nang magliligpit ng kalat namin, nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto, binuksan ko na ito at sumilip sa labas, walang kailaw ilaw ang buong hallway.




JP, p-pwede mo ba akong ihatid palabas ng dorm mo?” nagaalangan kong tanong dito.



Haha! Akala ko di ka na magtatanong eh. Halika na nga.” pinatay nito ang kandila at dinala ang kaniyang flash light.




Sensya ka na ah, duwag talaga ako eh.” amin ko dito, naramdaman ko lang itong humagikgik sa tabi ko sabay akbay.



Basta ikaw.” sabi lang nito.



Ano ba ito, pinagtritripan ba ako ng lokong to?” tanong ko sa sarili ko pero iniisip ko na lang na ok lang din naman, kasi nababawasan ang takot ko pag malapit lang siya.




0000ooo0000



““YES!”” sabay sabay na sigaw ng mga tao sa mga nakapaligid pang ibang dorm ng magkakuryente bigla.




Ah eh, ok na ako dito JP, salamat ah.” sabi ko dito.



Hatid na kita hanggang Campa.” sabi nito sakin sabay hila sakin sa isang kulay green na kotse.



Wag na, nakakahiya naman.” sabi ko dito sabay kaway.



Pssss! Wag nang matigas ang ulo.” sabi nito sakin sabay ngiti at tulak sakin papasok ng passenger seat.



0000ooo0000



Sige JP, dito na lang ako.” sabi ko dito nang itigil nito ang sasakyan niya sa harap ng condo ng pinsan ko.



Samahan na kita hanggang makaakyat.” sabi nito sakin sabay turo pataas.



Wag na masyado naman nang nakakahiya.” sabi ko dito at di ko narin mapigilang mailang.



Tss! Bakit mo ba to ginagawang kumag ka!” sigaw ng utak ko habang pinapanood si JP na sinasarado ang pinto ng sasakyan niya. Lumapit ito sakin at sinamahan na ako papunta sa elevator at paakyat sa condo namin.



0000ooo0000



Psst! Sino yan?!” tanong sakin ni kuya Ron habang minamata si JP at habang nagsasalin naman ako ng coke para ipainom kay JP.



Kaklase ko.” sabi ko na lang dito tapos nginitian ako ng nakakaloko.



Cute ah.” sabi ni kuya Ron, pinandilatan ko lang ito ng mata.



Ganda pala dito.” sabi ni JP nang bumalik ako sa sofa at tumabi dito.



Nga pala, JP...” simula ko pero biglang umeksena si kuya Ron.



So JP, pinopormahan mo ba tong pinsan ko?” tanong ni kuya Ron na siya namang ikinagulat ko talaga.



KUYA!” sigaw ko dito.



Naku, kung ok nga lang po ba dyan kay Migs eh, edi kami na niyan ngayon.” sabi ni JP sabay siko sa aking tagiliran, tinignan ko lang ito ng masama.



Ang totoo po niyan may boy...” di na naituloy ni JP ang sasabihin niya dahil sa pagsiko ko sa tagiliran niya.



Ano yun JP?” tanong ulit ni kuya Ron.



Sasabihin ko lang naman yung tungkol kay Sir Al...” baling niya sakin, di na niya ulit natapos dahil binigyan ko nanaman ito ng isang siko sa tagiliran.



Okay! Tama na! uuwi na si JP.” sabi ko at pinilit nang itayo si JP, natatawa naman ito at si kuya Ron naman ay nakakunot ang noo.



Basta JP, pag ayaw sayo ni Migs andito lang ako ah.” pabirong sabi ni kuya Ron na ikinagulat naman ni JP.



Nang maisara ko na ang pinto ng aming unit at tinutulak ko na si JP papuntang elevator ay bigla itong humarap sakin na muntik nang ikasalubong ng aming mga labi.



Bakit ayaw mong sabihin kay Kuya Ron yung tungkol kay Sir?” tanong nito sakin, seryoso ang tono nito at mukhang gustong gusto talagang malaman ang dahilan ko.



Bakit ko kailangang sabihin?” tanong ko dito, napaisip ito saglit.



Para kapag naisipan ni Sir Alex na puntahan ka dito at makipagkilala kay Kuya Ron di na magiisip pang bumoto ni kuya Ron sa hunghang na yun dahil siniraan ko na siya.” sabi ni JP, iniintay kong ngumuting aso ito at sumigaw ng “JOKE!” pero hindi, seryoso ang kumag.



s-Seryoso ka ba?” tanong ko dito. Tumango lang ito at hinawakan ang pisngi ko.



Ngayon pang mukhang botong boto sakin si kuya Ron.” bulalas nito.



Gagu!” sabi ko na lang.



No Joke!” balik nito sakin.



Di ko rin alam kung bakit saka bakit ganito kabilis. Pero ang alam ko gusto kita and if you let me, I want to keep you.” literal na akong napanganga sa sinabi niyang yun. Itinuloy na niya sa pagpisil ng aking magkabilang pisngi ang pagkakahawak niya dito saka tumalikod at sumakay na sa kabubukas palang na elevator. Kumaway ito sakin at magiliw na ngumiti.



Ayos sa trip tong kumag nato!” sabi ko sa sarili ko sabay iling.




0000ooo0000



Ikinundisyon ko ang utak ko na nakainom lang si JP kaya ganun na lang ang mga kilos nito kagabi. Halos di ako nakatulog sa kakaisip sa sinabi niya nung bago kami maghiwalay, may parte ng utak ko ang kinikilig at may parte din na nagaalanagan at dahil sa pagaalangan na iyon saka ko naisip na...



Nakainom lang kasi kami, kaya ganoon na lang ang pinagsasabi niya.” sabi ko sa sarili ko, habang nagaalmusal na bago pumasok sa school.



Dahil sa ikinundisyon ko na nga ang utak ko na wala wala lang ang sinabi ni JP ay di ko rin inaasahan na makikita ko siya ngayon dahil sa huwebes pa ang klase namin kay Alex. Masigla akong lumabas sa condo at naglakad na para sumakay papasok ng school nang biglang may tumapat na kotse sa akin. Nilingon ko ito at nagulat sa aking nakita.



JP?” sabi ko na lang, nakangiti lang ito sakin.



Sabay ka na sakin.” sabi nito. Wala na akong nagawa dahil mukhang di ako titigilan nito kung sakaling tumanggi ako.



Pagkasakay na pagkasakay ko sa sasakyan nito ay napansin kong parang kagigising lang nito. Nakashades si kumag pero nakasando lang saka boxers, tayo tayo pa ang buhok nito at kung hindi ako nagkakamali, mukhang may latay pa ng kama sa pisngi nito.



Huy! Makatitig ka naman diyan.” saway nito sakin.



Nasisiraan ka na ba?” tanong ko dito, napatawa ito.



Bakit naman?” tanong niya.



Kasi mukhang di mo talaga balak na bumangon pa eh.” sabi ko dito.



Haha! Halata ba?” tanong nito sakin.



Oo, teka, anong oras pa ba ang pasok mo?” tanong ko dito.



Mamya pang after lunch, bakit?” binatukan ko ito sa sagot niyang yun.



ARAY! Bakit ba? Eh sa gusto kong makita ka pagkagising ko kanina eh!” sabi nito sakin. Natigilan ako sa sagot niyang yun.



Bullshit! Ano kailangan mo sakin? Pinagtritripan mo ba ako?!” naiinis ko nang banat dito. Nagbuntong hininga siya.



Akala mo ba lahat ng lalaki tulad ni Alex? Akala mo ba lahat ng aaligid sayo lolokohin ka lang?” tanong nito sakin at sumeryoso na ang mukha nito.



Di kasi ito...” simula ko pero siya na ang tumapos ng aking dapat sasabihin.



Ano? Hindi tama? Eh sa ito yung nakakapagpasaya sakin eh. How can you say that something that makes you happy isn't right?” sabi niya na lalo kong ikinagulat.




0000ooo0000



Akin na cellphone mo.” sabi sakin ni JP, seryoso itong nakatingin sakin.



Ano to? Hold up?” tanong ko sa kaniya, pinigilan naman nitong mapatawa.



Basta! Akin na.” sabi nito sakin, idinaretso ko ang aking kanang paa at dinukot sa aking bulsa ang aking cellphone. May pinindot siya nang mapasakamay na niya ito sabay ngiti bago niya ito iabot sakin.



Ayan. Andyan na number ko at alam ko narin ang number mo. Mamya itetext kita, para sabay tayong maglunch. Sige na! Baba na! Baka malate ka pa!” sabi nito sakin.




Lumipas ang buong araw na wala kong iniisip kundi ang mga sinabi ni JP, ni hindi ako makapag concentrate sa aking lessons. “Physically present but mentally absent.” sabi nga ng mga guro. Tigiisang sentence lang ang naisusulat ko sa aking mga notes at madalas may mali pa.



Laking tuwa ko nang magtext sakin si JP na hindi niya ako masasamahang kumain ng lunch pero babawi daw siya sa uwian, ihahatid niya daw ako samin.



Anak ng tokwa.” nasabi ko na lang sa sarili ko. Lalo kasi akong nawala sa sarili nang maalala ko ang text niyang babawi siya pag uwian na.



Agad agad akong lumabas ng skwelahan at sinikap na umuwi na agad para kapag nagtext si JP ay pwede kong sabihin dito na nauna na akong umuwi dahil di ko na siya naantay.



Sensya na JP pero kailangan ko pa ng panahon.” pampalubag loob ko nalang sa sarili nang makaramdam ako ng guilt dito.



BEEP BEEP!” tunog ng isang busina sa aking likod.



Putangina! Naabutan pa nga ako ni mokong!” sabi ko sa sarili ko.



Migs!” napatingin agad ako sa lalaking tumawag sakin.



Alex?” bulong ko sa sarili ko.




Itutuloy... 

Comments

  1. super ganda. sana may kasunod na kaagad. ngayon ulit lang ako makakapagbasa ng kwento between a professor and his student. sana happy ending. kahit kanino mapunta si migs okay lang.

    next na po. please.

    francis.

    ReplyDelete
  2. yeah yeah...ang cool naman..:D akalain mo si alex :D

    ReplyDelete
  3. sir, kamustahin ko lang po yung against all odds? nawla po bigla e. c:

    nice story as always.

    ReplyDelete
  4. ganda naman, me sir na me classmate pa, hehehehe, next chapter migs (",)

    -josh

    ReplyDelete
  5. I hate u kuya migs.

    Alam nyo po ba yung kasabihang, sa pag ihi na lang ako nakakaramdam ng kilig?

    Well then ito ang masasabi ko sa story, sa sobrang kilig ko naiihi na ako.
    Hahahahaaha.

    Di nga po promise, malapit na akong mawala sa sarili ko hahaha.
    Haist I really really love this na.

    Salamat sa pagpapakilig kuya migs.

    ReplyDelete
  6. Naku naman! Ang hirap pumili!!! Si Sir or si classmate???? Pwede bang all of the above? hahaha Migs, mamigay ka naman hehehe All I can say is "Kilig much"!

    ReplyDelete
  7. Kilig to the maxxxx...

    ReplyDelete
  8. Fantastic post. People should read this.
    Also see my page: canapé d'angle

    ReplyDelete
  9. Well written blog. Must be bookmarked:)
    my web page :: canapé pas cher

    ReplyDelete
  10. ...super mushy nito ah. lume-level kina Kiko at Pol hahahahahahaha

    me: keep on reading :-)

    xoxo, A

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]