Love at its Best8

Love at its Best8
by: Migs


“I broke up with Lis... I can't stand being away from you” mahina at nanginginig na sabi ni Ram.


Napatulala ako, Malakas parin ang ulan, kumukulog at kumikidlat sa labas ng bahay.. Dapat masaya ako, dahil sa wakas wala na akong dapat ika guilty, pero hindi ako masaya, Bakit di ko ibinabalik ang mahihigpit na yakap na dapat ipinararamdam ko kay Ram? Bakit parang pakiramdam ko hindi parin ito ang tama. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Ed, halatang nagulat din siya sa mga narinig. Gulat, lungkot, pagkadismaya, yan ang makikita mo sa mukha ni Ed. Nakita kong natunaw na ang kandilang itinusok ni Ed sa cupcake. Hindi ko na pala ito nagawang hipan.


“huy! Anong nangyayari sayo? Bakit ka andyan sa lapag?!” tanong sakin ni Cha.


“inaayos ko lang yung mga baso dito sa ilalim ng counter.” Wala sa sarili kong sagot kay Cha.


Di ko parin kasi maintindihan yung sarili ko, masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari. Ngayong hiwalay na si Ram at saka si Lis, di ko naman magawang makipag commit sa kaniya. Parang may mali parin, parang hindi parin ito yung sinasabi ng puso ko na gusto ko talagang mangyari. Di ko pa masabi kay Cha kung ano ang nangyari nung gabi ng birthday ko, kaya't wala parin siyang ideya kung ano ang ikinagaganito ko.


“hayaan mo na yung mga barista ang gumawa niyan! Ang dapat mong asikasuhin yung inventory ng stocks natin! Kalerkey toh! para anupat pinapasweldo natin sila ng malaking datung kung hindi sila ang pagaasikasuhin mo niyan?! ” sabi niya habang nakayukong nakikipag usap sakin.


“Cha bakit ka nakatuwad diyan?!” tanong ni Ed. Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang boses niya. Di niya ako pansin kasi nahaharangan ako ng counter.


“anyways, aayain sana kitang lumabas mamya, inom tayo. Text mo na rin si Migs” sabi ni Ed nung hindi sumagot si Cha.


“bakit hindi ikaw ang magsabi sa kaniya?” sabi nito, sabay turo ng nguso ni Cha pababa kung saan ako nandon.


“ah, eh di ako sure eh, may lakad kasi kami ni Ram mamya.” maikling sagot ko habang tumatayo at inaayos ang aking sarili, hindi ako makatingin kay Ed. Halatang nagulat si Ed sa bigla kong pagsulpot.


“hi Cha!, hi Ed! Ok ka na Migs?” tanong ni Ram sakin.


“actually hindi pa siya pwede umalis eh..” sagot ni Cha, at napatingin ang bruha sakin, naguguluhan.


“Ok lang Cha, di parin naman namin alam kung san kami pupunta ni Migs eh.” sagot ni Ram.


“ah ganun ba? Why don't you guys join me and kuya? Gusto niya daw lumabas ngayon eh.” sabi ni Cha na ikinagulat naman ni Ed.


“Ok lang ba?” tanong ni Ram.


“of course its ok! Were all friends here!” pasarkastikong sabi ni Cha. At napatingin ako kay Ed, kumunot ang noo nito.


“what are you doing?!” tanong ko kay Cha. Pagkatapos ko siyang hilahin papuntang bodega.


“making your life miserable.” singhal sakin ni Cha. Alam ko ang tinutumbok ni Cha.


“I was going to tell you.” sabi ko. Pagdepensa ko sa sarili ko.


“when? When aliens conquer the earth?!” bulyaw nito sakin.


“ok, ok!... ikwekwento ko na!” at kwinento ko lahat ng nangyari nung gabi ng birthday ko.


“you're in deep shit gurl!” sabi ni Cha. Matapos kong ikwento sa kaniya lahat ng nangyari.


“yeah! Thanks for stating the obvious!” singhal ko sa kaniya.


“buti hindi sila nagwarlaloo ever? Anong sabi ni kuya nung narinig niya yung sabi ni Ram?” tanong ni Cha?


“wala.” matipid kong sagot.


“Wala?! Anong reaksyon niya?” tanong ulit ni Cha.


“Importante pa ba yun?” sarkastiko kong tanong.

“Oo naman.” sabi ni Cha sabay batok.


“malungkot.” mahina kong sagot.


“waaaah! Proven! Kuya Loves you!!!” sigaw ni Cha.


“shhhhh! Wag kang maingay!” sabi ko, at hinila na ako ng bruha palabas.


“ok! Were good to go!” sigaw ni Cha sa dalawa.


Ginamit namin ang kotse ni Ed, pinindot ni Ed ang susi ng kotse niya at bumukas ang lock ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto sa may passenger seat at tumingin sakin, at pinasasakay niya ako dito.


“thanks kuya!” sabay singit ni Cha at umupo sa passenger seat. Lalo namang kumunot ang noo ni Ed. Mabuti nalang at nasa kabilang part ng sasakyan si Ram, at hindi niya napansin ang nangyari.


Di parin magkamayaw si Ed sa katitingin sa salamin. Sakto namang tuwing titingin siya ay titingin din ako. Natigil lang ang pakikipagtinginan kong yun nung hawakan ni Ram ang kamay ko at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Naramdaman siguro ni Cha na masyadong tahimik kaya't kung ano ano ang pinagkwekwento nito. Napansin naman ni Ed ang kamay ni Ram na naka hawak sa kamay ko.


“tapos biglang lumiwanag yung sky! Tapos yung....” sabi ni Cha


“masyado bang malamig dyan sa likod? Masyado ata kayong magkadikit dyan?” pagputol ni Ed kay Cha.


“tapos biglang lumiwanag yung sky! Tapos yung...” pagpapatuloy ni Cha na parang hindi nagsalita si Ed. Kumunot nanaman ang noo ni Ed.



Naramdaman ko na na parang palala ng palala ang pagkainit ng ulo ni Ed. Nung asa table na kami para sa dinner hindi na nagsasalita si Ed, habang si Ram naman ay masayang nakikipag usap kay Cha. Paminsan minsan paring nasulyap si Ed sakin, parang may gustong sabihin.


“oh Ed masyado ka atang tahimik dyan?” sabi ni Ram.


“I'm just not in the mood to talk, especially if the topic is pure nonsense” malamig na sagot ni Ed.


Tinignan naman ako ni Ed ng pailalim at hindi yun nakaligtas kay Ram. Ako kasi ang pinaguusapan nila bago pa tanungin ni Ram si Ed at sa sagot na yun ni Ed, malamang ako ang sinasabi niyang non sense. Nakita kong magrereact na si Ram sa ginawa at sinabing yun ni Ed ng hinawakan ko ang kamay niya at napatahimik ito. Muli namang nagsalita si Cha at nag open ng bagong topic. Tinitigan ko si Cha ng masama. “this is your fault, bitch!” isip isip ko habang iniismidan si Cha.


“excuse me” biglang tumayo si Ed.


“teka lang ah, kausapin ko lang.” paalam ko kay Ram at tinignan ng masama si Cha.


Naabutan ko si Ed na sinisipa ang gulong ng sasakyan niya, may papalapit na na gwardya para tanungin kung anong ginagawa nito.


“Manong ako na po ang bahala sa kaibigan ko.” pagpapaalis ko sa gwardya.


“ano bang problema Ed?” mahinahon kong tanong.


“ikaw. Ikaw ang problema ko!” galit na sabi niya.


“ako ang problema mo? eh bakit ganon na lang kung barahin mo si Ram? Di mo ba napapansin na gusto niyang makipagkaibigan sayo? Bakit ganon mo na lang siya bastusin? Hindi kaya si Ram ang problema mo, hindi ako?” sunod sunod na sabi ko.


“ayaw ko siya para sayo Migs.” malamig niyang sagot.


“bakit?” balik tanong ko.


“Basta!” sagot niya.


“ganon lang? Yun lang yung rason ha?!” medyo tumataas na ang boses ko.


“kasi... kasi gusto kita! Gusto ko, ako lang para sayo. At nasasaktan ako pag nakikita ko kayong sweet na sweet! Naiinis ako na hindi ko magawa sayo yun, naiiinis ako kasi hindi dapat siya... ako dapat Migs! Ako! Dahil mahal kita, mahal na mahal!” sigaw niyang balik sakin.


Napasandal ako sa sasakyan, di ako makapaniwala sa mga sinabi niya, di ako makahinga.


“pano si Lei?” tanong ko.


“mahal ko rin siya” mahinang sagot niya parang nahihiya at nagaalangan.


“di pwedeng dalawa. kalimutan mo na ako” sabi ko. Napatingin siya sakin, nagtatanong ang mga titig, nangingilid ang mga luha, nagmamakaawa.


“wag mo akong tignan ng ganyan” sabat ko.


“akala ko mahal mo ako? Di ba sabi mo....?” tanong niya.


“dati yon Ed, di ko pa kilala si Ram nun” pagtataboy at pagsisinungaling ko sa kaniya.


Pero kahit anong pagsisinungaling ang gawin ko, mabibisto at mabibisto parin niya ako dahil sa mga mata ko, inilaglag ako ng sarili kong mga mata nang walang tigil ang luha galing dito.


“di ako naniniwala!” pasigaw niyang sabi. Marami sa nagdadaanan ang napapatingin na samin.

“dapat ka nang maniwala. Hindi na kita Mahal. Dapat kang maniwala para kay Lei” pagpapaintindi ko sa kaniya.


“And besides, If I tell you I love you too, are you going to stay? Are you going to fight for me? Di naman diba? So what's the point of me saying I love you, if you don't know what to do with it?” At natahimik siya sa sinabi kong yun. Tumalikod ako at bumalik sa lamesa namin nila Cha, nagulat ako kasi kasunod ko pala si Ed.


Tahimik lang kami pareho ni Ed habang si Cha at Ram ang nagpapasaya ng gabi, paminsan minsan napapatingin ako kay Ed, tinititigan niya ang bote ng beer, kala mo kailanagn niyang isa-ulo ang itsura nito, parang ito lang ang kasama niya. Di ko naman napansin na nag-aya na palang umuwi si Cha, sa kakaisip ng nangyari kanina. Nagbayad kami at naglakad ng konti, Nagulat ako nang pumara ng taxi si Ram.


“Pare, sabay na kayo samin.” alok ni Ed.


“hindi na Ed, nakakahiya naman sayo.” pasarkastikong sabi ni Ram.


“warlaloo na itey!” sigaw ni Cha.


“shut up Cha!” singhal ko sa kaniya.


Naglalakad na ako palapit ng taxi ng biglang hawakan ni Ed ang braso ko at pinaharap ako sa kaniya, humarap ulit ako kay Ram, kasi alam kong lalapit uli yun samin.


“Ram, ok lang, usap lang kami saglit.” paniniguro ko kay Ram, at umupo naman ulit to sa loob ng taxi.


“okay gurl disappear muna aketch, kuya ang susi bilis!” sabi ni Cha sabay Beso sakin, bilang pagpapaalam.



“sakin ka na sumama please?” mahinang sabi ni Ed dahil di kalayuan si Ram at nakatingin ito samin.


Tagal kong nagisip, tinititigan ko siya, tinititigan ko ang mga mata niya, nangingilid na ang luha niya, nangungusap ang mga mata niya. Di ako makapili kay Ram at Ed parang katulad din ng dati kay Jon at Ed pero ngayon iba na ang sitwasyon inaalok na ako ni Ed na sumama sa kanya, kaso may kumplikasyon. Engaged na siya.



BEEEP!



“Matagal pa ba yan Ed?” sabi ni Ram na naiinip na.


Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at sa lalaking nasa loob ng taxi na nagiintay sakin, di makapagdesisyon.

Ilang buwan din kaming hindi nagkita ni Ed, lumalayo na siguro. Malamang sinunod ang sinabi ko sa kaniya na kay Lei na lamang siya. Madalas ko ng kabuntot si Ram, madalas niya akong ihatid saka sunduin, madalas ayain lumabas. Madalas agawin ang atensyon ko mula sa pagiisip tungkol kay Ed. Pero may hinahanap hanap parin ako. May kulang parin.


“Oh Migs! Musta na?!” tanong sakin ni Kuya Mau, isa pang kapatid nila Cha, habang namamasyal kami ni Ram sa mall.


“Kuya! Musta?! Nga pala si Ram, Ram si Kuya Mau, kapatid ni Cha.” pagpapakilala ko kay Ram at kuya Mau. At nagshake hands sila.


“ok lang, binisita ko lang yung dati kong business dito. Mukhang ok naman. Magaling magpatakbo si Ed ng business.” sabi nito.


“ahhh, musta na po ang buhay may asawa?” paglilihis ko sa usapan.


“ok naman, mahirap minsan. Sabi ko nga kay Ed malapit na niyang maranasan ang nararanasan ko eh. Sa sususnod na buwan magbubuhay may asawa narin siya.” sabi nito na talaga namang ikinagulat ko.


“dapat pala natin batiin si Ed, Migs!” sabi naman ni Ram sa tabi ko.


“o siya, una na ako sa inyo, uwi pa ako at ibabalita kay Mama ang progress ng kumpanya. Nice to meet you Ram.” pagpapaalam ni kuya Mau sakin.


Di ko alam kung anong mararamdaman ko, ginusto ko naman to eh. Pinabayaan ko si Ed na bumalik kay Lei. Pero di ko inakalang ganito pala kasakit. Akala ko, magiging ok na ako pagkatapos ng ilang buwan matapos kong piliin si Ram laban kay Ed. Akala ko madali ko na lang na makalimutan siya, lalo na na andyan si Ram sa tabi ko.


“Napaka selfish mo gurl!” bulyaw sakin ni Cha.


“yun lang kasi yung nakita kong paraan para makalimot sa kuya mo eh.” nahihiyang sabi ko kay Cha.


“ginawa mo pang instrumento yung isa. Gurl, kahit ganong kagaling ni Ram magpakalimot ng nararamdaman mo kay kuya, kung yun parin ang laman nito” turo niya sa puso ko “di mo paarin siya maiaalis sa puso mo, di mo parin maikakailang mahal mo si Kuya. Kahit makalimutan ng mumunti mong utak si Kuya ipapaalala at ipapaalala ng puso mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi mo matuturuan ang puso mo katulad ng pagturo mo sa utak mo Migs.” mahabang sabi ni Cha.


“di ko alam ang gagawin ko.” sabi ko kay Cha.

“Migs, alam mo kung anong dapat mong gawin. Hindi ikaw si Maribelle dito, ikaw si Rubi, hindi ikaw ang dehado, ikaw ang nang dedehado, sa tingin mo tama na ginagawa mong rebound si Ram? Di mo man napapansin at hindi pa man niya masyadong napapansin, pero nasasaktan mo siya.”
Sabi ni Cha. At napatahimik ako. Tama nanaman ang bruha. Bumuntong hininga ako.



“dapat mo ng ayusin yan, Migs hindi maganda na ginagawa mong rebound si Ram.” Dag dag pa ni Cha.


“gusto ko rin naman si Ram eh.” pagju-justify ko pa at lumabas nanaman ang pagiging makasarili ko.


“Ok, let's go down to your level. Parang ganito lang yan eh, bumili ka ng dalawang candy, isang honey flavored na favorite mo at isang cherry flavored na hindi mo masyadong gusto, habang binubuksan mo yung honey falvored bigla itong nahulog. Nanghinayang ka, Oo, pero iniisip mo meron ka pang isang candy at binuksan mo ito, pero sa huli hindi ka nag enjoy, hindi ka naging masaya kasi ang gusto mo talaga yung nahulog at hindi ang reserba mo. Ganundin kay kuya atsaka kay Ram. Si kuya ang Honey falvored at si Ram ang Cherry flavored, nawala si kuya, nanghinayang ka, pero andyan si Ram. Pero di ka masya. Naninigurado ka at yun ang masama. Gusto mo may fall back, gusto mo may plan B. pero Migs, sa Love dapat walang plan B.” pagkasabing yun ni Cha, parang may tumusok sa puso ko. Isang luha agad ang pumatak. Tama si Cha, hindi tama ito. Sinasaktan ko si Ram. Hinawakan ako ni Cha sa balikat.



“Kaya kapag rumesbak sayo si karma atag na eh! Rubi este Migs, ayusin mo na yan bago pa rumesbak si karma, ok?” pahabol ni Cha, sabay yakap sakin.


Valentines day nuon, inaya ako ni Ram lumabas, we were in this room na punong puno ng decorations para sa Valentines, mga puso, cupids and lips na gawa sa red cartolinas. Nakatali at nakasabit ang mga ito galing sa kesame. Madaming tao sa paligid. Ok lang ka Ram ang lumabas ng ganito, di siya naiilang kahit pagtinginan kami. Kumain kami, kwento ng kwento si Ram ng kung ano ano, at lahat ng yun di ko naabsorb. Napansin niya siguro na hindi ako interesado sa mga kwento niya kaya't...



“di mo alam kung gaano mo ako pinasaya Migs.” at ngumiti si Ram ng pagkatamistamis, sabay hinawakan ang kamay ko. Napapikit ako, pinigilan ko ang mga luha na nagbabadyang punuin ang mga mata ko.


“sarap ng Ice cream no Migs?” tanong sakin ni Ram. Pagkaabot ng waiter samin nito. Masayang masaya talaga si mokong.


“hey Ram, I need to tell you something...” pagaalangan kong sabi. I can't believe I was going to screw this perfect night. I've practiced this speech so many times sa harap ng salamin kanina. Pero iba parin pag nasa harap mo na ang taong pinaglaanan mo ng speech na yun.


“shoot” pangaanyaya sakin ni Ram na ituloy ang binabalak kong sabihin. Tinigilan na niya ang pagkain ng Icecream niya, at hinawakan ulit ang kamay ko. Hinila ko ang kamay ko, mula sa pagkakahawak niya. Napansin ito ni Ram.



“I'm sorry, but we have to stop this.” at natigilan si Ram sa sinabi ko. “Shit! How can I be such a heartless bitch!?” sabi ko sa sarili ko. Biglang nagiba ang mood from happy to gloomy. At ngumiti si Ram.


“If you're not comfortable about me holding your hands in public, its ok, I understand you.” sabi ni Ram.


“No, Ram. WE have to stop this.” pagpapaintindi ko sa kaniya. Tumitig siya sakin, medyo matagal din kaming natahimik.


“anong ginawa kong mali?” tanong ni Ram habang nakatitig na lang sa baso ng Ice cream na kanina lang ay ineenjoy niya.


“its not you. Its me... I've been selfish. Ginamit kita just to get Ed out of my mind.” sabi ko kay Ram. At nararamdaman kong nanginginig na si Ed, sa sakit o sa galit? Hindi ko alam.


“I see. I hope, I got Ed out of your mind.” pasarkastikong sagot sakin ni Ram. Habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha niya.


“you did.” maikli kong sagot. At tumingala ulit siya para tignan ako. Lalo akong nasaktan sa nakita ko, nagsisimula ng pumula ang mga mata ni Ram, nararamdaman ko na ang sakit na idinudulot ko sa kaniya ngayon.


“yun naman pala eh, so ano pang problema natin? Bakit kailanagn pa nating itigil to?! Kung hindi mo naman na pala iniisip si Ed.” tanong ulit sakin ni Ram na medyo tumataas na ang boses. Napapatingin na ang mga tao.


“you did get him out of my mind, but not in my heart” walang puso kong sabi. Pero ubod ng bigat ng pakiramdam ko pagkatapos kong sabihin ito. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Ram, di makapaniwala na ganun ko na lang kadaling saktan siya.


“I was not enough?” tanong niya, nanginginig na ang boses ni Ram kasama ng panginginig ng kamay niya at walang tigil na patak ng luha..


“I'm sorry” pabulong kong sabi, at hinawakan ko ang kamay niya.


Nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya, hinila niya ito at tinignan ako, patuloy parin ang pagluha niya. Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya, pero kahit ilang beses ko sabihin ang salitang sorry, hindi parin nito mapapawi ang sakit na nadarama niya. Ang sakit na ako ang gumawa.


Sinubukan kong hawakan ulit ang kamay niya, at hihingi sana ako ulit ng patawad ng hilahin niya ulit ang kamay niya, at ang baso ng Ice cream ay nasiko niya. Napapikit ako, habang naririnig ang tunog ng nababasag na baso. Pag dilat ko nakatayo na si Ram. Nakatingin na lahat ng tao samin. Tumahimik ang buong reataurant. Tumingin ulit ako sa mukha ni Ram, blangko ito, nakatitig lang siya sakin, pro wala paring tigil ang mga luha niya.


“So that's it? May iba ka pa bang masasakit na salitang sasabihin? Kung meron pa say it now.” mahinahong sabi ni Ram sakin.


“I think... that's... that's all.” at napayuko ako sa sinabi kong yun.


“here, I was planning to give you this.” at nilapag niya ang isang maliit na box. Binuksan ko ito. Naluluha ako. Sinaran ko ang maliit na kahon at inabot ulit sakanya.


“I can't accept this.” sabi ko.


“no, keep it. Wala na akong pagbibigyan niyan, and I'll keep mine.” meron din pala siya na katulad na katulad ng singsing na ibinigay niya sakin, hinubad niya ito at hinubad ang dog tag niya, sinuot niya ang singsing sa chain ng dogtag niya at isinuot ulit ito sa kaniyang leeg.


“and this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.” mahinahong sabi sakin ni Ram habang pinapakita ang singsing na nakasuot na ngayon sa dog tag niya. Di ko na napigilan ang luha ko. At tumalikod na siya at nagsisimula ng lumakad palayo.


“Ram.” tawag ko sa kaniya. Tumigil siya pero di na humarap sakin, naka tingin na ngayon lahat ng tao sakin, iniintay ang aking sasabihin.


“I'm sorry.” habang wala na ring tigil ang pagpatak ng luha ko.




“Ang sama sama kong tao. Tama ka Cha ako nga ang Rubi dito, ako nga ang kontrabida..” sabi ko kay Cha pagkauwi ko ng bahay pagkatapos kong makipaghiwalay kay Ram.



“bida, kontrabida si Rubi, tulad niya ginawa mo lang ang tama.” sagot ni Cha na pinabagaang ang loob ko.



“I didn't know that saying the truth could hurt this much.” sabi ko kay Cha. At napatahimik kami pareho ng medyo matagal.



“try hearing the truth, its more painful.” sagot ni Cha.



“Cha! Wag na kasing ipilit ang hindi talaga puwede. Di mo ba nakikita? Pareho lang kaming nasasaktan!” galit na sabi ko kay Cha nung pinipilit niya na pigilan ko si Ed sa pagpapakasal kay Lei.


“sinasabi ko na sayo gurl! Hindi talaga ito ang gusto ni kuya, pero kung hindi ka talaga papapilit, Bahala ka! Habang buhay mo pagsisihan kung ano man ang pwedeng naging sainyong dalawa ni kuya, and when that day comes, when regret is drowning you already, don't you dare talk to me about your WHAT IF's and MAYBE's kasi sinabihan na kita! Kalerkey toh!” galit na sabi sakin ni Cha at tumalikod para pumunta na sa kasal nila Ed.


“all of these will eventually make me a better person” pampalubag loob ko sa sarili ko. “Lessons were learned.” isa pang pampalubag loob ko sa sarili ko. Tinignan ko ang relos ko “5:45pm” tumayo ako at kinuwa ang susi ng kotse ko.


Di ko namalayan na asa may By the bay na pala ako sa may MOA, nakaupo sa bench, kung saan magandang napapanood ang paglubog ng araw.


“may iniintay ka ba?” tanong ng isang mama sakin.


“uy ikaw pala Jon!” sabi ko at binigyan ko siya ng pilit na ngiti.


Pagkatapos nung huling gabi ng pagkikita namin ni Jon, ngayon na lang ulit kami nagkausap ng ganito. Nakikita ko siya sa Ospital, panong hindi e pareho kami ng pinagtatrbahuhan, nagngingitian lang kami pagnagkasalubong. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.


“musta na?” tanong niya sakin.


“ok lang naman.” at binigyan ko ulit siya ng plastik na ngiti.


“naku kilala na kita Migs, hanggang nagyon di ka parin marunong magsinungaling.” maikling sabi ni Jon, pareho kaming nakatingin sa lumulubog na araw. Napabuntong iininga ako.


“ano bang dapat na ginawa ko Jon?” tanong ko sa kniya.


“sana ginawa mo ang ginawa ko sayo noon, sana pinaglaban mo ang nararamdaman mo sa kaniya.” sagot niya.


“nakakatakot, nakakapagod at masakit kasi ipaglaban siya eh” sabi ko kay Jon.


“kung lahat ng taong nagmamahal nagpadala dyan sa takot, pagod at sakit, na katulad ng sinasabi mo, wala na sanang taong masayang magmamahalan ngayon Migs.” mahinahong sabi ni Jon habang nakatingin parin siya sa ngayo'y madilim na na kalangitan. Tinignan ko ang mukha niya. Andyan parin yung pagiging kalmado ng mukha niya.


“thank you Jon.”


“for what?” tanong nito sakin at napatingin narin siya sakin.


“para sa pagtiis ng takot, pagod at sakit dati, nung tayo pa.” maikling sabi ko.


“it was worth it.” sabi ni Jon at ngumiti ito.


“Jon?” sabi ng isang lalaki sa likod namin.


“Oh Migs ikaw pala yan!” sabi nung lalaking naghahanap kay Jon.


“Hi doc.” sabi ko.


“fancy meeting you here!” sabi sakin ng doktor na siya palang kasama ni Jon.


“ano Enso, alis na tayo?” tanong ni Jon sa doktor. Tumango lang ito, bilang sagot sa tanong ni jon.


“sige Migs, una na kami” at nginitian ako nito. At tumango lang ako at ngumiti.


Napansin kong magkahawak ang kamay ng dalawa, nakita narin pala ni Jon ang taong mamahalin niya. Nakakainggit. Napangiti naman ako sa sarili ko. Tignan mo nga naman ang taong dati kong minahal, ngayon masaya na. Pero nagtaka rin ako, wala ng kirot, walang sakit, walang selos. “himala” sabi ko sa sarili ko.


Tinignan ko ulit ang relos ko “6:15pm”


“sigurado ka na wala kang iniintay?” tanong ulit ni Jon, bumalik pala.


“wala.” sagot ko ulit sa kaniya.


“may nakalimutan ka ba?”


“sasabihin ko pala sayo na tignan mo ang telepono mo, alam ko kasing laging naka silent yan eh, di pa naka vibrate mode yan, baka marami ng nagtetext sayo.”


Nagtaka man ako ay nilabas ko parin ang telepono ko, nagulat ako sa nakita, 20 new messages, 15 missed calls. Tinignan ko kung kani kanino galing. Kay Cha at kay Tita. Tinignan ko si Jon pero nakatalikod na ito at masayang nakikipag harutan kay Doc.


“Hijo, I forgive you. San ka ba?” text galing kay Tita.


“gurl san ka? Reply ASAP.” text galing kay Cha.


Di ko na binasa ang iba, nagtaka ako sa sinabi ni Tita, baka inamin narin ni Cha tungkol sa pagsisinungaling namin. Malamang pinapapunta nila ako sa Reception. Tinignan ko ang pinaka huling text, galing ito kay Ed.



“call me.”


Yun lang ang sabi ng text, pero di ko na siya tinext at tinawagan pa, para saan pa? Wala nang dapat pagusapan pa, kasal na siya. Naisipan ko ng tumayo mula sa bench na iyon at nagpasyang maginom na lang. Malapit na ako sa bridge kung saan pwedeng dumaan mula sa by the bay papunta sa main mall, malapit na ako sa may hagdan paakyat nang...


“Migs!” sabi ng pamilyar na boses.


Napako ako sa kinatatayuan ko, di ako makalingon, nararamdaman kong nagsisimula ng mapuno ng luha ang mga mata ko. Nanginginig na ako.


“antigas talaga ng ulo mo! Sabi ng tawagan mo ako eh!” sabi ulit ng pamilyar na boses.


At tumulo na ang isang luha.


“kanina pa kita hinahanap! San ka ba nagsususuot?! Pati si Mama saka si Cha hinahanap ka! May sa Daga ka talaga!”


At isa pang luha ang tumulo. Lumingon ako at nakita ko siya, naka slacks at barong pangkasal pa siya, unti unti siyang lumapit sakin, ako naman napapaatras sa kada lapit niya. Wrong move, pader na pala ang nasa likod ko. Kinulong niya ako sa magkabila niyang bisig. Tinititigan niya ako, parang sampung taon kami di nagkita kung magtitigan, lumalakas nanaman ang kabog ng dibdib ko, peste di parin pala tapos si tadhana. Tangna. Di ko alam pero imbis na itanong ko kung bakit siya andito, iba ang nasabi ko. Siguro nga alam naman ng puso ko ang totoong sagot.


“what if mali ang desisyon mo?” naalala ko ang sinabi ni Ram. “What if choosing me was a mistake?” mahinang sabi ko sabay yakap niya sakin.


“You were never a mistake and I will never consider you as one... ever... and if fate says otherwise, I'm willing to go against fate and prove that you are the greatest thing that ever happened to me” maikling sagot niya, sabay ngiti ng nakakakilig.


Napayakap narin ako sa kaniya At hinalikan niya ako na parang wala ng bukas.



-Wakas-   

Comments

  1. parang n windang ako s kwento ah,anyway tnx 4 posting & making the series.....

    ReplyDelete
  2. napaka awesome. love ur story. every word entertains me :P

    ReplyDelete
  3. HMMM, SARAP BALIK BALIKAN NETONG KWENTO. FULL OF BETRAYALS, HEARTACHES KAKEKAYAN BUT HAPPY ENDING. HE HE HE.

    ReplyDelete
  4. nice one migs! im a newbie here at ngayon ko lang nabasa ang mga story na ganito, i hope to read all of it here. you git style & creativity, more power!

    ReplyDelete
  5. one of the best stories ive ever read...thanks to justin for recommending this site. a short but full of laughter, heartaches and happy endings except for ram i think....heheheh...to you migs a million kudos. so isa ka na sa mga paborito ko, from kuya mike, jeff and zildjian...God bless always.

    ReplyDelete
  6. Ulit ako from the start. Nandun pa rin ung kilig. HAHAHA

    ReplyDelete
  7. Hi Migs, I tried reading this AGAIN after a long time... Luckily, natapos ko siya before my shift ends... =)It was a bliss, I somehow forgot my dilemma, parang nainlove ako bigla...haha

    anyway, just continue writing stories like this, nakakakilig e... =) I'm a fan =)

    - You know me, Lance

    ReplyDelete
  8. grabe ang landi landi hahaha

    ReplyDelete
  9. nice story! looking forward to read more stories from you! kakahook!

    ReplyDelete
  10. ayeeeeh! Nakakakileeeegggg! Sarap mainlove! Hay.... Love, kailan ka kaya dadating sa akin? :) nice one author. Mwa
    -hopelessromantic. :D

    ReplyDelete
  11. Binasa ko ulit to for the nth time! I read this great story 2 years ago and andun pa din ung kinikili ako, naiiyak ako and natatawa ako! Your a great writer talaga migz! I intend to read all your stories again! :-)

    Ivan D.

    ReplyDelete
  12. Throwback.. Ikaw ang naging karamay ko habang ako ay nasa India.. :)
    Thanks Migs..

    -Lonely and Blue

    ReplyDelete
  13. From years that I have read this one .. Sa page mo po sa fb wow... I'm still amaze... Sakit... Iyak tawa.. Iyak kilig iyak kilig iyak... Kilig ganyan ang impact sakin. Hahhaha... Love you author... MIGs...

    -JB :)

    ReplyDelete
  14. Ano ba to? Papasok na naman akong maga ang mga mata bukas.... haha.

    Walang kupas yung story mo mr. Author....

    ReplyDelete
  15. Super Throwback.. Ikaw ang naging karamay ko habang ako ay nasa India.. :)
    after 4 years ulit sa kama ko at sawi.. Thanks Migs..

    -Lonely and Blue (smartiescute28@yahoo.com)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]