Love at its Best (Book4 Part3)
Love at its Best (Book4 Part3)
by: Migs
Nagpagulong gulong kami sa talahiban ni Kiko, kasunod namin ang motor na kanina lang ay sinasakyan namin. Nang makahanap ako ng lakas ay tumayo na ako at hinanap si Kiko. Laking gulat ko ng hindi ito gumagalaw malapit sa tabi ng motor, napaluhod na ako sa tabi nito at inalog alog siya, di parin ito nakibo, sinimulan na akong kabahan, inilapit ko ang tenga ko sa kanyang dibdib para mapakinggan kung natibok ang puso niya, nang mailapat ko na ito laking gulat ko ng marinig ang malakas na pagtibok ng puso ni Kiko, kasabay nito ang paggalaw ni kumag at niyakap ako ng mahigpit. Pumalag ako, napadapa ako sa makisig na dibdib ni kumag.
“kung ganito ba naman lagi eh, sana lagi na lang tayong mahulog sa bangin.” bulong ni Kiko, seryoso si kumag. Di na ako pumiglas pa, iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Iba ang kislap ng mga mata ni Kiko, parang gustong gusto niya ang mga nangyayari parang gustong gusto niya na magkayakap kami.
“K-Kiko.” kinakabahan kong sabi. Inilapit niya ang kanyang mukha sakin, hinaplos haplos ang pisngi ko.
“Shhh! Wag ka ng magsalita.” pumikit na si kumag, pero di ko makuwang pumikit, biglang may kumaluskos sa ulunan ni kumag at lumanding sa noo niya ang isang malaking palaka.
“ARRGGGGGGGGHHHHHHHHHH!” sigaw ni mokong, bigla itong tumayo at kinumpas kumpas ang kamay, pero di parin umalis ang palaka, at sa pagkaatayo niya ay tumalon papunta sa loob ng kaniyang naka tuck in na polo shirt.
“ALISIN MO! ALISSSSSIIIINNNN MOOOOOOO!” sigaw ulit ni mokong at paikot ikot na tumakbo sa talahiban na parang aso na hinahabol ang buntot niya. Napatawa na lang ako ng malakas. Matatakutin kasi si kumag, parang ang tanging hayop lang ata na hindi siya takot ay sa isang aso lamang. Kapag naging dalawa na, asahan mo magtatago na yan sa likod ng taong kasama niya.
0000oooo0000
“San kayo galing? Bakit ganyan ang itsura niyo.” takang tanong ni Panfi samin. Lumapit ito sakin at inalis ang mga tuyong dahon sa buhok ko, di ko naman mapigilang mamula sa pagkapahiya. Biglang sumulpot si Kiko at hinablot ako palayo kay Panfi sabay bakod sa pagitan ko at ni Panfi. Napa-ismid na lang si Panfi.
“Relax ka lang Kiko. Di ko hahalayin si Pol, tinatanong ko lang kung anong nangyari at ganyan ang itsura niyo.” walang ganang pagdidipensa ni Panfi, naningkit naman ang mata ni Kiko na akala mo duda sa sagot ni Panfi.
“Nahulog kasi kami sa bangin...” di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla nanamang lumapit sakin si Panfi at kinapa kapa ang aking katawan. Namula naman ang mukha ni Kiko.
“Ha? Sa bangin?! Ok ka lang ba ha?” sunod sunod na tanong ni Panfi sakin. Bigla ko na lang naramdaman ang pagtulak ni Kiko at napasandal ako sa pader, humarap si Kiko kay Panfi at nagtitigan sila na kala mo magpapatayan.
“Magtatanong ka lang may pahimas himas ka pa?!” sigaw ni Kiko.
“Tinitignan ko baka may sugat si Pol!” depensa ni Panfi.
“Eh bakit nga kailangan mo pa siyang himashimasin?!” sabi ni Kiko sabay tulak kay Panfi.
“Tsinetsek ko lang kung ok talaga siya!” tulak narin ni Panfi kay Kiko, maya't maya nakita ko ng nagsasakalan ang dalawa at pareho ng pulang pula.
“Bahala na nga kayo riyan.” sabi ko at nagsipagkalas naman ang dalawa sa pagsasakalan. Pumunta na ako sa may locker room at naghanap ng panyo o bimpo para matanggal ang lupa at natuyong damo sa mukha ko.
0000oooo0000
“Bakit hindi mo sabihin sa tatay mo na sa shift mo ulit isabay si Pol?!” naiinis nang sagot ni Panfi kay Kiko.
“Eh alam mo naman na hindi kami magkasundo ng tatay ko diba?!” sigaw ni Kiko. Nakikinig parin ako sa usapan ng dalawa, di ko naman maintindihan si Kiko, ano bang sinabi sa kaniya ni kuya at ganun na lang niya ako protektahan. At ngayong nalipat ako sa shift ni Panfi ay balak pa nitong makipagpalit ulit kay Panfi.
“Alam mo yang anak kong iyan...” panimula ng boss namin sa aking likod na siya namang ikinagulat ko, hingal kabayo na ako sa sobrang gulat ng magpatuloy ito.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan na lang kalayo ang loob sakin niyan.” tinitigan ko ang aming boss, sure he's fat and obnoxious like his son, pero di ko mapigilang maawa sa kaniya tuwing binabastos siya ng anak niyang si Kiko. Hinawakan niya ako sa balikat.
“Sana Pol ikaw na ang bahalang umintindi sa kaniya.” malungkot na sabi ng boss. Napatitig naman ako kay Kiko, di ko maseryoso si kumag, pano ko maseseryoso ang isang ito, eh may mga nakasabit pang mga tuyong damo sa kaniyang buhok at may mga lupa, lupa pa sa damit niya. Napangiti na lang ako sa sarili. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng boss saking balikat at itinulak na niya ako papasok sa locker room.
“Pakshet! Hobby ata talaga ng tao dito ang manulak.” sabi ko sa sarili ko, bigla namang tumigil sa pagdidiskusyon ang dalawa. Napatingin ako kay Panfi at magiliw itong kumaway sakin, saka mabilis na tumabi sakin at bumulong.
“Ihanda mo na ang sarili mo Pol, malapit na tayong magkasama...” di pa natatapos ni Panfi ang sasabihin nito ay bigla itong tinulak ni Kiko at pumagitna sakin, bumakod nanaman ito na kala mo binabantayan akong maagaw ang basketball kay Panfi. Ngumiti lang ulit si Panfi.
0000oooo0000
“C'mon you can't do this! Kitang kita mo naman kung pano siya tignan ni Panfi.” simula ni Kiko. Di nila masyadong nasara ang pinto ng opisina kaya't rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.
“Boyfriend mo ba siya?” tanong sakin ni Panfi sa aking likuran, na ikinagulat ko.
“Hobby niyo bang manggulat dito?” hawak puso kong sabi kay Panfi. Nginitian lamang ako nito.
“Bestfriend siya ng half brother ko.” sagot ko.
“Bakit ganun ka na lang niya protektahan? Hindi ba masyado ka naman niyang sinasakal?” nakisilip narin si mokong sa pintong nakaawang, nakayapos na si Kiko sa lamesa ng kaniyang ama at inaalog alog na ito, para na itong batang nagtatantrum.
“Inihabilin kasi ako ng kuya ko sa kaniya.” maikli kong sagot at natatawa kong silip ulit sa opisina, dahil para na talagang 2year old si Kiko na hindi napagbigyan ng mga magulang.
“Pinagbabawal din ba ng kuya mo ang pakikipagkaibigan sakin?” tanong parin ni Panfi sakin, na ikinatameme ko naman. Muli akong tumingin sa may opisina.
“Dad naman eh!!!” pagmamaktol ni Kiko habang inaalog alog pa ang lamesa ng kaniyang ama.
“Wala ka na talagang galang! Hala! Labas!” sigaw ng boss namin. Agad naman akong lumayo sa bungad ng pinto at tumabi agad kay Panfi, medyo na out of balance ako kaya medyo napasandal ako kay Panfi.
“Labas tayo mamya ah.” bulong ni Panfi sakin, sabay labas naman ni Kiko sa opisina at nahuli kami ni Panfi na magkasandal. Naningkit nanaman ang mata nito at hinila ako papuntang counter.
“Kesa nakikipaghuntahan ka diyan eh magtarbaho ka na lang dito!” galit na sabi nito sakin at humarap kay Panfi at parang bata na dinilaan ito. Nagtake ng orders si Kiko habang naglilinis ng table sila Panfi ako naman ang bahalang maghalo ng kape. Pinagmasdan ko kung pano kiligin ang mga babae naming customers maging ang mga bakla sa tuwing kukunin ni Kiko ang kanilang mga orders, ang iba pa nga kala mo hihimatayin. Pinagmasdan ko ulit si Kiko at napansing madumi parin ang damit niya at may mga natuyong damo parin sa buhok nito. Napailing na lang ako sa nakita kong iyon.
“Anong nakikita nitong mga to kay Kiko?” sabi ko sa sarili ko sabay iling ulit.
0000oooo0000
Naghahanda na akong mag out sa tarbaho at pumasok sa school ng kornerin ako ni Kiko. Bago pa man ako makalabas ng back door ay iniharang na niya ang kaniyang mala trosong mga braso sa magkabilang hamba ng pinto.
“Susunduin ulit kita mamya.” sabi nito sabay kindat. Di na bago sakin ang araw araw na pagsundo sakin ni Kiko, simula noong magsimula ang klase ko.
“Bahala ka.” matipid kong sabi, hinawi ko ang kaniyang mala trosong kamay na nakaharang sa may pinto. Di pa man ako nakaka layo ay tinawag ulit ako ni Kiko.
“Pol.” napalingon na lang ako, nakatalikod na pala ito sakin.
“Ingat ka.” pagkasabi ni Kiko nito ay pumasok na ito sa loob ng coffee shop, naiwan naman akong naka nganga sa kinatatayuan ko at di mawari ang nararamdaman. Panong hindi eh ngayon pa lang ako sinabihan ni Kiko ng ganon.
“ibig sabihin ba nun?... ERASE! ERASE! ERASE!” sabi ko sa sarili ko.
“Isa lang ang gusto ko, yung mga tipo ni Sir Jon. O mas maganda si Sir Jon na mismo.” muling bumalik sa akin ang itsura niya noong klase namin sa Anatomy 101 nung asa Maynila pa ako. Maputi at makinis na balat, magandang hubong ng katawan, mala anghel na mukha.
“Arekup!” naramdaman ko ang isang malagkit lagkit na bagay ang lumanding sa mukha ko.
“Akala ko ba papasok ka na?!” sigaw ni Kiko sa may pinto.
“Oo nga!” sagot ko habang matamal na pinupunasan ang aking mukha, napatingin ako sa bagay na binato sakin.
“Lagot ka sa tatay mo! Nagsayang ka nanaman ng cinnamon roll!” balik ko sa kaniya.
“Kasi naman may limang minuto ka nang nakatulala diyan! Sino bang pinapantasya mo?! Ako?!” sabay pose nanaman ni kumag na kala mo si Johnny Bravo.
“Tanggalin mo muna yang tuyong damo sa buhok mo at yang lupa sa mukha mo baka pwede pa!” balik ko sa kaniya sabay takbo palayo dito dahil inaamabaan nanaman ako ng isang cinnamon roll ni kumag.
0000oooo0000
Halos makatulog na ako sa sobrang ka boryohan, di ako makapaniwalang pumapayag silang magturo ang ganitong mga propesor dito. Nagbabasa na nga lang ng kanilang lecture parang si Charo Santos pa ang manner ng pagbabasa. Napatingin ako sa may bintana at may nakita akong isang pamilyar na mukha.
“Kiko?” tanong ko sa sarili ko, nakaupo siya sa isang bench sa isang park malapit sa Medicine Building ng skwelahan namin. May mga ilang kolehiyala na nagpapapansin sa kaniya, pero busy ito sa kadidila sa kaniyang dirty ice cream, napangiti sabay iling na lang ako.
Halos hilahin ko na ang oras nung hapon na iyon. May ilan sa aking mga kaklase ang nag me make up na ang ilan ay nagsusuklay at nang biglang tumigil ang aming propesor sa kakadakdak, lahat kami ay napatingin dito. Nakayuko ito at kala mo natutulog.
“Hala! Patay na ata.” bulalas ng isa kong pilyong kaklase. Napailing na lang ako at muling tumingin sa labas. Andun parin si Kiko. Naningkit nanaman ang mata ko.
“Parang kanina niya pa kinakain yun... teka bagong ice cream ba yun?! At dalawa pa! Isip bata talaga!” sabi ko sa sarili ko at napailing na lang. Muli kong sinilip si Kiko sa may bintana at magiliw na kumaway ito sakin, nahulog naman ang dalawang scoop ng ice cream mula sa cone nito dahil sa pagkaway ni Kiko. Matamal na tinignan ito ni Kiko saka nagpapadyak na parang bata. Di ko mapigilang mapangiti.
“Isip bata nga. Pero cute... ERASE! ERASE! ERASE!” saka ko inalog alog ang ulo ko. napatingin ako sa aking katabi at naniningkit ang mata nito sa pagtataka kung bakit ganon ko na lang alugin ang ulo ko. nginitian ko lang ito. Saka nagsimula uling maglecture ang aming propesor na mukhang nakatulog ata sa sarili niyang lecture.
0000oooo0000
Halos mapatakbo ako palabas ng magring ang bell bilang hudyat ng pagtatapos ng klase noong araw na yon.
“Teka, bakit ko kailangang tumakbo? Ibig sabihin ba nun gusto ko nang makasama si Kiko?... ERASE! ERASE! ERASE!” at inalog ko nanaman ang ulo ko. napatingin naman ako sa paligid at nakita ang mga tao sa hall way na yun na nakatingin sakin.
“Anatagal mo naman!” singhal sakin ni Kiko habang patuloy na dinidilaan ang dirty Ice cream na binili niya. Nginitian ko lamang ito. Nagulat naman siya sa ginawa kong iyon.
“Ito oh, dapat may chocolate ice cream yan kaso...” panimula ni Kiko habang inaabot ang cone sakin at habang nakatingin din sa dalawang scoop ng ice cream na natutunaw sa may damuhan. Nanatiling nakayuko si Kiko dahil siguro sa hiya na cone na lang ang maibibigay niya sakin.
“Wala na sigurong pambili ng bagong ice cream.” isip isip ko, pero imbis na ika inis ko iyon ay nagulat din ako sa sarili ko dahil kahit papano ay ikina tuwa ko pa nga iyon.
“Pasensya...” di pa man natatapos ni Kiko ang paghingi niya ng pasensya sa akin ay inagaw ko na sa kanya ang natirang cone at kinain ito.
“Salamat!” sigaw ko sa kaniya at magiliw na ngumiti, umupo siya at tumabi naman ako sa kaniya, palihim kong tinignan si Kiko at napansin kong malinis na ang kaniyang mukha, nagpalit na siya ng damit. Naka black na fitted t-shirt ngayon si kumag na may tatak ng transformers sa harap at naka faded jeans saka isang lumang chuck taylor ang suot niya, pero ng mapadako ang tingin ko sa buhok niya ay napangiti ako bigla. May mga piraso parin ng talahib sa buhok si kumag.
“Bakit ka nangingiti?” kinakabahang tanong nito sakin.
“May talahib ka pa kasi sa buhok.” napatingin siya sakin habang isa isa kong tinatanggal ang mga talahib sa buhok niya, medyo na conscious naman ako sa pagtingin niyang yon kaya tinigilan ko na ito, umupo ng daretso at kinakabahang bumalik sa pagkain ng cone. Ngumiti naman si Kiko at umayos din ng upo, ngayon mas dumikit pa siya sakin at inakbay ang isang kamay sakin. Kinakabahan akong dumaretso ng upo habang patagilid na tinignan si Kiko. Walang nagbago, dinidilaan niya parin ang paubos ng dirty ice cream.
“Parang bata talaga.” isip isip ko pero napangiti din ako, dahil naamin ko sa sarili ko na kahit ganito si kumag ay cute parin ito.
“Para kang statwa dyan. Hinga hinga bah, baka mamatay ka niyan. Relax.” bulong ni Kiko sakin at napatingin ulit ako sa kaniya, nginitian lang ako nito habang nakaakbay parin sakin, sumandal na ako at nagrelax.
“Pol!” tawag sakin ng isang lalaki.
Parang isang anghel na bumaba sa langit. Naka puti ito na fitted v-neck shirt, skinny black jeans at white chucks, mula sa suot nitong t-shirt ay kitang kita doon ang magandang hubog ng katawan nito. Napanganga na lang ako sa aking kagwapuhan na tumawag sakin.
“Panfilo?! Anong ginagawa mo dito?!” singhal ni Kiko sabay tayo at bakod sa pagitan namin ni Panfi.
Itutuloy...
Isa talaga ito sa favorite ko kaya naging favorite ko na din ang Tagaytay..
ReplyDelete-smartiescute28@yahoo.com