Love at its best (Book4 Part7)

Love at its best (Book4 Part7)
by: Migs



Di ko na naabutan pa si Kiko sa labas ng coffee shop.



Tignan mo yung gagong yun! Para saan pa na inintay niya ako ng matagal kung iiwan niya din pala ako. Humanda ka sakin, may pasalubong kang haklit.” bulong ko sa sarili ko. mabilis kong pinatakbo ang motor. Madilim parin ang bahay nang dumating ako doon.



Hala. Asan na yung kumag na yun?” tanong ko sa sarili ko at naglabas ng cellphone, tinext ko si kumag at di ito nagreply. Tatawagan ko sana nang maalala kong wala nga pala akong load, napa buntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob.



Inintay ko si Kiko na makauwi, nanuod muna ako ng TV sa may sala, di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.



0000oooo0000


Pol.” tawag sakin ng isang pamilyar na boses, idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang maamong mukha ni kuya.



Oh, kuya napasugod ka?” bati ko sa kaniya sabay yakap. Bumangon ako sa sofa at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Tahimik lang ang kuya ko.



Napansin mo ba si Kiko? Di ata umuwi ang kumag kagabi.” sabi ko kay kuya, habang nagtitimpla ng kape.



Pol, di na uuwi dito si Kiko.” mahinang sabi ni Kuya, napatigil ako saglit. Di ko na alintana ang umaapaw na ang isinasalin kong mainit na tubig. Natauhan na lang ako ng mapaso ako.



Ahhh, bakit daw?” pilit na hindi ipahalata kay kuya ang pagkalungkot sa boses ko.




Pupunta na daw abroad.” matipid na sabi ni Kuya. Pinipili ang bawat salita, marahil ay iniisip niya ang mararamdaman ko. di na ako sumagot sa sinabing yun ni Kuya.



Pol, di ka na pwedeng magstay dito.” alam kong iyon ang sasabihin ni Kuya.



Pano na ang gamit ni Kiko?” matabang kong tanong.



Huwag mo ng problemahin yun, ang problemahin mo ay ang paglipat mo. Dun ka na lang sa rest house, malaki din naman yun. Pwede kang magpa upa ng kwarto, wala nang pakielam dun si Mama. Basta piliin mo at kilalanin mo lang maigi ang mga uupa.” mahabang sabi ni kuya, lumabas ako sa may terrace.



Bakit naman biglaan Kiko?” tanong ko sa sarili. Bumuntong hininga na lang ako at umakyat na sa kwarto para magempake.



0000oooo0000



Lalong maraming nagbago ng umalis si Kiko. Lumipat na ako sa resthouse na iniwan sakin ng aking ama. Sa bawat paggising ko sa umaga hinahanap ko ang mala generator na hilik ni Kiko, ang kaniyang malatrosong braso na nakapatong sa dibdib ko. Wala na akong pagmamasdan na gwapong natutulog na mukha sa umaga na kahit may natulong laway at natuyo ng laway sa magkabilang pisngi ay nakakaaliw paring pagmasdan, wala na akong nakikita na makapal na buhok na miya mo sinabunutan ng limang bakla, pero kahit ganun paring kagulo ang buhok ay kaayaaya paring tignan. Mapapabuntong hininga na lang ako bago tumayo ng kama.

Wala naring manggugulat sakin habang nagstrestretching, yayakap mula sa likod ko at kapag sinaway mo ay sasabihan ka lang ng...



Bakit? Hindi ka ba naaakit sakin?” sabay pose na parang si Johnny Bravo. Wala na ang nakanguso niyang mga labi at nagloloko na hahalikan ako. Nagyon kahit ilang minuto pa akong tumitig sa bulkang Taal habang nagstrestretching ay wala nang manggugulat sakin. Isa nanamang malalim na hininga ang pinakawalan ko.



Hindi na nauubos ang stock ng honey dahil wala nang nagbababad sa bath tub na puno ng honey, na naniniwalang pampaganda daw ng balat niya. Ngayon kahit tatlong buwan ko ng ipinapalaman at ginagamit ang isang bote ng honey ay di ko parin ito maubos magisa, si Kiko lang talaga ang nakakagawa noon. Matamlay kong ibinalik ang bote ng honey sa ref.



Wala na akong taga timpla ng masarap na kape sa umaga at taga luto ng masasarap na pagkain na kahit pinagexperementuhan lang iluto ay masarap. Naisip ko habang tinatanong ang sarili kung hanggang kailan ko iluluto ang itlog bilang almusal ko.



Wala nang nangungulit at nakikipagkarera sakin, wala nang pinagtitinginan ang tao sa paligid, dahil wala na si Kiko sa tabi ko na kengkoy tumakbo at manamit. Wala na ring hinahabol ang mga tindera dahil wala ng nagnenenok ng prutas sa tindahan nila para ibato sakin.



Malungkot ang biyahe papuntang school, walang nakaangkas sayo na palinga linga at nakangiting aso tas biglang yayakap para matulog, wala na akong nararamdamang parang nagva-vibrate sa likod ko habang nahilik si kumag habang malumanay na natutulog sa likod ko. Hindi na ako napasok na may marka ng natutuyong laway sa uniporme ko. walang biglang sisigaw ng “Tigil.” sabay pukpok sa helmet ko para sa isang cone ng dirty ice cream.



Wala na akong kakulitan.


Wala na akong kasigawan.


Wala na akong naiinis.


Wala ng bumabakod sa pagitan namin ni Panfi sa coffee shop sa tuwing napapalapit si Panfi sakin. Wala nang anak na nambubwisit kay boss. Wala ng tinitiliian na gwapong barista ang mga kolehiyalang babae na dumadayo pa sa coffee shop para lang makita si Kiko.



Wala ng nagiinatay sa labas ng classroom ko na nakaupo sa bench at nakain ng isa, dalawa o apat na dirty ice cream. Wala nang nasiksik sakin sa bench, wala narin akong kasabay na manonood ng paglubog ng araw. Naisip ko habang matamang tinitignan ang bench na lagi naming tinatambayan ni Kiko sa school.




Nakaupo ako sa bench na yun ng biglang may dumapong ibon sa kabilang dulo ng bench, naalala ko nanaman si Kiko. Wala nang sisigaw sakin ng tulong kapag may butiki, palaka o kung ano mang hayop sa paligid.



Wala nang parang ugok na ngingiti bigla.



Wala ng makakapagpaikot ng mata ko sa sobrang kulit.



“Wala na si Kiko.” nasabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang ibon. At isang matabang luha ang bumagsak mula sa aking mata.




0000oooo0000


Iminulat ko ang aking mata at sinanay ito sa liwanag ng buong kwarto.



Goodmorning!” bati sakin ni Panfi.



Nung lumipat kasi ako sa rest house na iniwan sakin ng tatay ko, sinunod ko ang payo sakin ni Kuya na ipa-renta na lang ang ibang kwarto. Naging mabuti naman ang takbo nito, isa sa mga rumerenta dito ay si Panfi, pumayag narin ako para naman kahit papano ay may magbabantay nito pag wala ako. May dalawang taon narin siyang rumerenta ng kwarto dito, ang iba ay pinaalis ko na dahil di ko naman na kailangan masyado ng pera. Pero siyempre dahil di ko naman pwedeng basta na lang paalisin si Panfi, siya na lang ang natira doon.



Dito ka nanaman pala natulog Panfi?” tanong ko dito habang nagiinat.



Natatakot ako sa kwarto ko eh.” paglalambing nito.



Sus, laki laki ng katawan mo Panfi.” sabi ko sabay tawa. Matatakutin din kasi ang isang to.



Di naman kita rereypin eh.” pagmamaktol ni gago.



Alam ko naman.” mahinahon kong sabi. Sa totoo lang ni isang beses ay hindi ako binastos nito ni Panfi, para akong may isa pang nakatatandang kapatid maliban kay kuya.


Ngayon may nagtitimpla na ulit sakin ng kape, nakakasabay pumasok at umuwi, nakakakwentuhan sa gabi, nakakakulitan. Pero inaamin ko din na hindi katulad nung kami pa ni Kiko ang magkasama. Sabay na kaming umalis ng bahay ni Panfi, isinasara ko na ang gate. Bigla akong niyakap nito mula sa likod.


Tado! Panfi baka may makakita!” Agad akong luminga linga at may nakitang lalaki na nagmamadaling umalis mula sa park na katapat lang ng bahay. Tumingin din si Panfi sa tinitignan ko.



Sorry, Pol. Di ko lang napigilan.” pagkasabi niya nito ay sinuntok ko siya sa braso at sabay natawa.



0000oooo0000



Tumakbo ang buong maghapon na parang di ako mapakali, nararamdaman ko yung feeling na merong hindi magandang mangyayari sa hapon na iyon. Nung araw din na yun ay text ng text sakin ang dati kong boss, kesyo kung kailan daw ako bibisita at kung ano ano pa.



Bago pa ako lumabas sa ospital ay nakita kong may nakatambay na nagtitinda ng dirty icecream sa labas ng ospital, napakunot naman ang noo ko at bahagyang napakamot sa ulo. Di ko alam kung bakit ay napabili ako bigla ng dalawang cone.



0000oooo0000




Ganun parin ang coffee shop, may nakaka relax na ambiance, conducive nga sa pagaaral o yung simpleng tatambay lang. Ganun parin ang mga ilaw, naka dim lights parin, maganda parin ang mga barnis ng bawat upuan at lamesa na nandon, nadagdagan pa nga ng ilang magaganda at state of the art na mga machine na taga gawa ng kape.



Good evening, Sir. What can I get you?” tanong sakin ng isang batang barista.



You can get me Panfi.” sabay ngiti sa batang barista, di alam nito kung ano ang gagawin niya.



he's my boyfriend.” sabay kindat sa barista na di parin alam kung ano ang gagawin.



for a while.” paalam sakin ng barista na nanlaki ang mga mata. Napatawa naman ako.



BOYFRIEND ka diyan?!” sigaw ni Panfi sa baguhan, napahagikgik naman ako. Nanlaki ang mata ni Panfi ng makita ako sabay haklit sa batok ng batang barista.



Engot ka talaga! Si Pol yan, dating nagtatarbaho dito!” sabi ni Panfi sa barista atsaka humarap sakin at mahinahon akong kinausap.



Akala ko magtetext ka muna bago pumunta?” tanong sakin ni Panfi.



Ang kulit kasi ng boss mo.” sabi ko sa kaniya. “where's your fat and obnoxious boss?!” nanloloko kong sabi kay Panfi.



Wala. May sinundo daw.” sabi ni Panfi sakin.



Ha? Eh bakit siya nangungulit na pumunta ako dito kung wala naman pala siya dito?” tanong ko kay Panfi nagkibit balikat lang ito saka ako inimbitahang umupo.



Dyan ka muna at magte-take muna ako ng orders.” paalam nito sakin.



Pol?” tawag ng isang lalaki sa aking likod. Hinarap ko ito at nagulat ng makita ang aking iniidolong propesor.



Sir Jon?!” gulat na tawag ko at napayakap pa dito sa sobrang galak.



Sir is in-appropriate now, I think?” sabay muestra niya sa aking uniporme. “Congrats!” habol nito sakin saka muling yumakap.



Ahem!” pagapappansin ng lalaking kasama nito.



I'm sorry, Pol, this is Enso, Enso this is Pol.” pakilala samin ni Sir Jon.



Naging nurse ako dahil sa inyo.” pasasalamat ko kay Sir Jon. Ngumiti lang ito.



Mahilig ka pala talaga sa Nurses no?” naglolokong sabi ng lalaking tinatawag na Enso, di ko naman na gets ang ibig niyang sabihin dito. Maaaring napansin niya kung pano kami magtinginan ni Sir Jon.



But I like doctors more.” sabi ni Jon. Sabay sabay na lang kaming nagtawanan.



So you're a doctor?” bungad ko kay Enso, saka matamal itong umupo sa tabi ko at nakipagkwentuhan. Si Sir Jon naman ay umorder ng drinks.



Halos marami na kaming napagusupan, umupo na si Panfi sa tabi ko at ipinakilala ito sa dalawa. Magiliw namang nakipagkwentuhan sa kanila si Panfi. Di ko naman mapigilang mapatingin kay Sir Jon.


Ganun parin. He's still perfect.” sabi ko sa sarili ko, nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Magiliw itong ngumiti sakin.



Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Panfi ng bigla itong tumigil, nakanganga pa ito na kala mo na starstruck.


Aray!” bulalas ko matapos akong sipain ki kumag. Napatingin ako sa tinitignan ni Panfi.



Parang bumagal ang oras, naglalakad papasok ng coffee shop ang isang pamilyar na tao. Alam ko kilala ko siya, pero may nagiba. Kasunod nito ang dati naming boss, kasunod niya ang kaniyang ama.



Kiko?” bulong ko sa sarili ko, napatingin nadin si Sir Jon at doc Enso sa tinitignan namin ni Panfi.



Bumalik sakin lahat ng masasayang alalala. Di ko man maamin sa sarili ko pero nagalak ako na nakita ko ulit siya. Pero nasaktan din ako bigla. Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Di ko na namalayan ang biglang pagtulo ng aking mga luha. Tumingin sakin si Kiko, kumunot ang noo nito, parang di niya ako nakikilala, saka patuloy na naglakad kasunod ng kaniyang ama.




Itutuloy...

Comments

  1. waaaaaaaaaaaaaa Grabe nmn kung mkpg palunkot ka..ang galing!!

    ReplyDelete
  2. so si Enzo talaga ang mahal ni Jon., nabaling lang kay Migs kasi di nya makuha si Enzo dahil nandyan di Sam... to think na parang si Migs pa nanakit at nagiwan kay Jon...parang nainis ako kay Jon...manggagmit

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]