Love at its Best (Book3 Part4)
Love at its Best “Deceit”
(Book3 Part4)
by: Migs
Nagsisimula ng bumagsak ang mga mata ko habang kaharap muli ang mga taong pinatawag ng aking ama para sa isa nanamang meeting, siniko ako ni kuya para magising, nang tignan ko ito ng masamang tingin, napansin kong titig na titig ito sa mga bar graphs at pie chart na naka present sa overhead projector. Gusto ko sanang mapatawa sa itsura niyang yun, pero pinigil ko ito. Biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Drei na kala mo sinabunutan ng sampung bakla at di natulog ng sampung taon.
“Sorry I'm late.” mahinang sabi nito. Umupo ito sa tapat ko at nagbukas ng laptop, pero bago iyon tinignan niya ako ng masama. Napangiti naman ako sa inasta niyang yun.
Nang matapos ang meeting ay sinadya kong magpahuli para asarin si Drei, halatang wala parin ito sa sarili ngayon, nang iangat niya ang sleeves niya napansin kong may pasa siya sa braso.
“Musta ang gabi?” nangiinsulto kong tanong.
“You mean how was jail?” nakasimangot na balik tanong niya sakin, nagulat naman ako, hindi ko akalain na sa kulungan hahantong ang birong iyon.
“Suffocating. There. Happy?” sarkastikong sabi sakin ni Drei sabay talikod, naguilty naman ako bigla at sinubukan ko siyang habulin, pero mabilis itong naglakad palayo.
Agad akong nagkulong sa opisina ko at nagmukmok. “syet muntik na akong makasira ng buhay ng tao.” isip isip ko, nagiisip ako ng mga bagay na maaari kong gawin upang makabawi kay Drei, umupo ako sa upuan na nakalaan sa likod ng aking desk, di pa man lumalapat ang pwet ko sa upuan ay sandamakmak na sakit ang naramdaman ko sa aking pangupo at napahiyaw sa hapdi. Tumayo ako at mabilis na naglakad papuntang opisina ni Drei.
Naabutan ko itong nakikipagusap sa telepono at inaayos ang buhok, mukha na siya ngayong nakabawi sa sabunot at puyat, pero hindi nagbabago ang motibo ko sa kaniya gusto ko siyang patayin sa paglagay ng sandamakmak na thumbtacks sa upuan ko sa opisina. Ibinaba ni kumag ang talepono at tumingin sakin, sabay pakawala ng ngiting nakakaloko.
“I learned that in elementary.” sabay ngiting nakakaloko, sinugod ko siya sa may lamesa niya at hinawakan ko siya sa may leeg at sinakal siya at inalog alog.
“papatayin kitang lintik ka!!” sigaw ko sa kaniya, bigla niyang kinabig ang kamay ko at tinulak ako sabay pilipit sa kaliwang kamay ko at tulak sa pader.
“ikaw ang nauna!” siagaw nito sakin. Umikot ako at nang makita ko ang pagkakataon hinead bang ko siya pero mali ang ginawa kong yun dahil nahilo din ako, pero napahiga siya sa sahig dahil sa sakit ng ulo, agad naman akong naglakad palabas ng opisina niya nabuksan ko na ang pinto ng maramdaman kong may humawak sa kaliwang paa ko, napadapa naman ako sa hall malapit sa lamesa ng sekretarya ni Drei. Isang malakas na kalabog ang narinig sa buong floor ng opisina na yun.
“Argggggghhhhhhhh!!” pareho naming sigaw ni Drei tumihaya ako at pumaimbabaw sakin si Drei, hinawakan niya ang magkabila kong tenga at inuntog utog ang ulo ko sa carpeted na sahig ng hallway. May naririnig ako na nagbabalak na umawat saming dalawa.
“ayoko na!” sigaw ko at tumigil naman si Drei at napahiga sa sahig sa tabi ko. sinuntok ko siya sa braso kaso sobrang hina na lang dahil sa pagod at hilo na din.
“ikaw naman kasi ang nauna!” sabat ni Drei sabay suntok din sa braso ko.
“kasi naman nilagyan mo ng pampatae yung sandwhich ni Aling Bebang!” suntok ko ulit sa braso niya na medyo napalakas ata.
“siniraan mo kasi ako kay Mr. Saavedra at sa kuya mo.” sumbat niya sabay suntok ulit sa braso ko at medyo lumalakas na ulit ito. Wala parin kaming pakielam sa mga tao sa paligid pero naririnig ko na ang mga bulungan nila at hagikgikan.
“nilagyan mo ng thumtacks yung upuan ko sa opisina!” sigaw ko ulit sa kaniya, sabay suntok.
“Ibinangga mo ang kotse ko!” sigaw niya sabay suntok ulit ng malakas sa braso ko.
“binutas mo gulong ng kotse ko!” sigaw ko ulit sabay ganti ng suntok sa braso niya.
“nakulong ako dahil sayo!” sigaw niya ulit sakin sabay suntok.
“kaninong katangahan yon?!” balik ko sa kaniya, naginit marahil si kumag sa sinabi kong yun at pumaibabaw ulit siya sakin at inilagay ang dalawang kamay sa leeg ko, ganun din naman ang ginawa ko, pareho na kaming di makahinga dahil sa pagsasakalan namin ng biglang may sumigaw sa likod namin.
“Enough!” sabay kaming napatingin ni Drei sa kung sino mang sumigaw na iyon. Pareho paring nakapulupot ang kamay ko sa leeg ni Drei at ang kamay niya sa leeg ko. Panandaliang tumalikod samin si kuya at may kinausap saglit, nakipagkamay ang mga ito kay kuya sabay lakad papuntang elevator na iiling iling pa.
“Mr. Chua! Ramon! In my office! Now!” sigaw ni kuya saming dalawa ni Drei.
“ikaw kasi.” sabi ko kay Drei.
“anong ako?? ikaw kaya!” balik sakin ni kumag.
Pagkapasok na pagkapasok namin ni Drei sa opisina ni kuya ay nagtatatalak na ito, “childish.”, “unprofessional.”, yan ang mga salitang namutawi nung hapon na iyon, naisip pa nga ni kuya na magunder go kami ng seminar about professionalism, at dahil sa antok narin siguro napahikab ako, tumingin naman sakin si Drei at napatawa ng tahimik, napatingin ako sa kaniya at napangiti.
“Kuya! Shut up! Ok. nagkamali kami ni Drei, pwede bang pagbatiin mo na lang kami and get this over with?!” sigaw ko kay kuya nang hindi ko na masikmura ang pagsesermon niya.
“Fine! Pero makakarating ito kay Dad!” sabi ni kuya sabay dismiss samin. Halatang halata na malalim ang iniisip ni Drei nang palabas kami ng opisina ni kuya, parang aligaga din si mokong, siguro hindi na rin niya natiis at nagtanong na ito sakin.
“Ahmmm.... Ram? P-Pano magalit si Mr. Saavedra?” nagaalangang tanong niya sakin, di ko naman mapigilang mapahagalpak sa tawa.
“You're actually afraid of Dad?” balik tanong ko sa kaniya. Nangingiti na rin si Drei.
“No, I'm actually afraid of getting fired.” mangitingiting sagot ni Drei.
“trust me when I say that Dad doesn't have the balls to fire somebody. Si kuya pwede pa, pero si Dad? Sus, tatawanan ka lang nun.” paniniguro ko kay Drei, nginitian lang ako ni kumag.
“WHAT THE HELL ARE YOU TWO THINKING?! Do you really have to fight while future business partners are here?!” sigaw ng tatay ko samin ni Drei.
“Dad, di naman namin alam na andito yung mga...”
“so you and Mr. Chua decided to kill each other?! Palibhasa di nyo alam na may ibang tao dito sa opisina?!” pagpuputol sakin ni Dad.
“hindi ko na aalamin pa kung ano man ang pinagawayan niyo, but please kapag naisipan niyong magpatayan ulit do it outside the office. You may go now.” pagdidismiss samin ni Dad.
“I thought hindi makabasag pinggan ang Dad mo?” nangingiting tanong sakin ni Drei nang makita niya ang pamumutla ko.
“first time ko siyang makitang ganyan, maybe dahil dun sa nakita tayo ng mga future business partners niya na nagaaway ang sobrang ikinagalit niya.” sagot ko sa kaniya na hindi parin makapaniwala na nagalit sakin ang tatay ko.
“gusto mong magkape?” aya niya sakin, sabay pacute na ngiti. Tinignan ko naman siya, marahil nakita niya na hindi parin ako mapakali sa nangyari sa opisina ni Dad.
“peace offering.” pahabol niyang sabi.
“I'm sorry but I just had coffee, baka magpalpitate na ako.” pagkasabi ko nito ay biglang nalungkot si kumag.
“but I have a better idea.” pahabol ko at bumalik bigla ang ngiti sa mukha ni mokong.
Habang naglalakad kami palabas ng opisina, hindi ko mapigilang mapatingin kay Drei, para siyang bata na binigyan ng kendi, nakangiti, parang walang muwang sa mundo at parang walang problema. Dagdagan pa ng bukol sa noo niya na marahil sanhi ng pag head bang ko sa kaniya.
“may dumi ba ako sa mukha?” tanong niya na bumasag sa pagkakatitig ko sa kaniya.
“ah.. eh.. wala naman.” naramdaman kong pumunta lahat ng dugo ko sa pisngi ko.
“malayo pa ba?” pahabol tanong ko kay mokong at bawi bigla sa pagkakahuli niya sa pagtitig ko sa kaniya.
“malapit na.” sagot ni Drei. Bigla akong napatigil sa paglalakad.
“what? Akala ko gusto mong kumain dito?” takang tanong ni Drei sakin sa bigla kong pagkaparalisa. Napatingin ulit ako sa restaurant sa tapat ng kinatatayuan ko.
“akala ko gusto mo ng Aling Bebang's special tuna sandwich?” takang tanong ulit sakin ni Drei, at ng hindi ako sumagot ay hinila niya ako.
“dito mo ba talaga binili yung tuna sandwich?” sabi ko habang palinga linga sa paligid. Ang akala kong mumurahing tuna sandwich na punong puno ng typhoid at nabibili lamang sa bangketa ay sa isang mamahaling restaurant pala nabili.
“Oo naman, mahirap kasi sayo, hinusgahan mo na agad, di mo pa alam kung san galing, hindi mo pa alam kung magkano at kung ano ang lasa hinusgahan mo na agad.” nangingiti nitong sabi sakin. Natememe naman ako sa sinabi niyang yun, alam kong may iba pa siyang ibig sabihin dun.
“oh? Natahimik ka diyan?” takang tanong nito sakin pagkatapos sabihin sa waitress ang aming order.
“wala naman may naisip lang.”
“alam mo bang nasaktan ako sa sinabi mo nung nakita kita sa starbucks nung isang araw?” matipid at nahihiyang sabi sakin ni Drei. Natahimik ako lalo at hindi matignan si Drei.
“I was not going to ask you to sleep with me again or ask you why you bailed on me that morning after we had... Gusto ko lang talagang makipagkaibigan. That's all.” nakayukong sabi ni Drei, di ko alam kung gusto kong magpakain sa lupa o malason sa iniinom kong tubig.
“I'm sorry.” matipid kong sagot habang nakikipag titigan sa hawak kong baso.
“nah wla na yun. But if you want to talk about the reason behind it, makikinig ako, pero kung ayaw mo namang i-share, ok lang sakin. Basta if you feel like venting out, andito lang ako.” sabi ni mokong. Nginitian ko lang siya.
All that bullshit's for the birds
You aint nothin but a vulture
Always hopin for the worst
Waiting for me to fuck up
You’ll regret the day when I find another girl, yeah
Who knows just what I need, she knows just what I mean
When I tell her keep it drama free
Ohohohohohohohoh… (Chuckin up them(deuces)
I told you that im leaving (deuces)
I know you mad but so what?
I wish you best of luck
And now im finna throw them deuces up
Don't know what to feel, wala ako sa mood makipagsayaw ngayon, dito lang ako sa may bar drinking my liver off, masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito at alam kong dapat akong magtanggal ng stress kundi mababaliw na ako. Madami ang nagaaya sakin makipagsayaw, makipag usap at makipag-do pero wala talaga ako sa mood.
“I was not going to ask you to sleep with me again or ask you why you bailed on me that morning after we had... Gusto ko lang talagang makipagkaibigan. That's all.” Parang sirang plaka na paulit ulit na tumutugtog sa aking isipan.
“masyado na ba ako naging masama and even the purest of intentions like ang pakikipagkaibigan ay pinaghihinalaan ko narin na maaring makasakit sakin?” sabi ko sa sarili ko, sabay tungga ng soda-vodka na kanina ko pa pinapaikot ang baso sa palad ko.
Im on some new shit
Im chuckin my deuces up to her
Im moving on to something better, better, better
No more tryin to make it work
You made me wanna say bye bye, say bye bye, say bye bye to her
Uh, Use to be valentines
Together all the time
Thought it was true love, but you know women lie
Its like I sent my love with a text two times
Call cause I care but I aint get no reply
Tryna see eye to eye but its like we both blind
Fuck it lets hit the club, i rarely sip but pour me some
Cause when its all said and done,
I aint gon be the one that she can always run to
I hate liars, fuck love Im tired of tryin
My heart big but it beat quiet
I don’t never feel like we vibin
Cause every time we alone its a awkward silence
So leave your keys on the kitchen counter
And gimme back that ruby ring with the big diamond
Shit is over, whatchu trippin for?
I don’t wanna have to let you go
But baby I think its better if I let you know
Akto nanamang nilulunod ko ang sarili ko sa mga inumin ng may umupong lalaki sa bakanteng stool sa tabi ko.
“nice hair.” sabi nito sa tabi ko, kilalang kilala ko ang boses na yun, kilalang kilala siya ng buong pagkatao ko, kilalang kilala siya ng puso ko.
“Thanks.” sarkastiko kong sabi sa kaniya, nasa tabi ko ngayon ang taong naging dahilan ng pagiging miserable ko ang taong may kasalanankung bakit pati ang simpleng pakikipagkaibigan ay pinaghihinalaan ko.. Tinignan ko siya at nakatitig lang ito sa inorder niyang inumin.
“Sorry.” matipid niyang sagot.
“nah, you're just being honest.” plastik kong sagot sa kaniya.
“pero bakit nagkakaganiyan ka Ram?” malungkot na tumingin sakin si Migs. Matagal akong natahimik.
“Is this because of what I did? Please tell me. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan dahil lang sa pagkakamali...”
“not everything is about you Migs, not anymore. And yes all of this is because you broke my heart. There. I said it. Now, what are you going to do about it?” tinignan ko siya, nanginginig na ang kamay ko sa sobrang galit at ang malala pa parang naging sariwa lahat ng sugat na iniwan sakin ni Migs. Napansin kong nangingilid na ang luha ni Migs, napansin ko ring papalapit na sa kinauupuan namin si Ed.
“Boss, dalawang rhum coke.” tawag ko sa barista, nang maibigay na ng barista ang drinks ay nagpaalam na ako kay Migs.
“I guess you can't do anything about it.” sabay ngiti kay Migs na may halong sarcasm.
“I'm sorry.” matipid nitong sabi, at tumulo na ang luha niya, agad naman niyang pinahid ang luha niya ng makarating na si Ed sa tabi niya.
“I'm really getting tired of that word.” sabi ko kay Migs.
You know I know how
To make em stop and stare as I zone out
The club can't even handle me right now
Watchin you watchin me I go all out
The club can't even handle me right now
The club can't even handle me right now
Agad akong lumapit sa isang grupo ng mga babae na kanina pa nakatingin sa akin at nagbubulungan pa. Nang makarating ako sa tapat ng mesa nila ay kanya kanyang nagpacute ang mga ito. Binigay ang inorder kong isa pang rhum coke sa pinakamaganda sa grupo nila.
Itutuloy...
Comments
Post a Comment