Love at its Best (Book3 Part1)

Love at its Best “Deceit”
(Book3 Part1)
by: Migs


Naramdaman kong may mainit na kung ano ang dumampi sa mukha ko, inimulat ko ang aking mata at sinubukang sanayin ito sa liwanag ng buong kwarto. “umaga na pala.” bulong ko sa sarili ko. sinubukan kong alalahanin ang nangyari kinagabihan, uminom ako, nagpakasaya, nagtapon ng problema. Nasa ganito akong pagmumunimuni ng biglang may gumalaw sa tabi ko. Isang babae, mahaba ang buhok, may mala porselanang balat, balingkinitang katawan at may magandang mukha. Tumingin ako sa paligid, nagkalat ang aming mga damit nung nakaraang gabi sa kabuuan ng kwarto. “naka jackpot nanaman pala ako.” bulong ko sa sarili ko.

Tumayo ako at matahimik na nagpuntang banyo na kalakip lamang ng kwarto ko, binuksan ko ang knob para sa shower, tumapat ako sa ilalim ng bumubuhos na maligamgam na tubig. Pagkatapos kong maligo ay tumapat ako sa harap ng salamin, nakita kong nabalutan ito ng moist, inalis ko ito gamit ang aking kanang kamay.

Bumulaga sakin ang aking repleksyon, ibang iba na ang aking itsura. Wala na ang dating good boy, clean cut look ko. nagpatubo ako ng bigote at balbas sabay pagpapasemi kalbo ko, tumugma naman ito sa kayumanggi kong balat at naniningkit na mata. Rugged look kung bga Tumama ang aking paningin sa isang bagay na nakasabit sa akin leeg, at ang singsing na nagsisilbing pendant nito. Ang singsing na nagpapaalala sakin.


here, I was planning to give you this.” sabi ko kay Migs, sabay abot ng isang kahon na may lamang singsing, pagkatapos niyang sabihin na kailangan na naming tapusin ang kung ano mang meron kami.


I can't accept this.” matipid na sagot ni Migs.


no, keep it. Wala na akong pagbibigyan niyan, and I'll keep mine.” pagpupumilit ko sa kaniya, hinubad ko ang kabiyak ng singsing na ibinigay ko sa kaniya galing sa aking daliri, hinubad ang aking dog tag at ginawa kong pendant ang singsing na dapat sana ay simbolo ng aming pagmamahalan. Tinitignan ako ni Migs, may mga lungkot sa mga mata niya.


And this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.” sabi ko habang ipinapakita sa kaniya ang singsing na ngayon ay pendant na ng aking kwintas. At tumalikod na ako mula sa lamesa kung saan namin pinagsaluhan ang first and last valentines date namin.

Ram.” tawag muli sakin ni Migs, pero hindi ko na siya nilingon pa. Nararamdaman ko ang bawat pares ng mga mata ng lahat ng tao na nasa restaurant na yun, iniintay nila ang mga susunod na mangyayari.


I'm sorry.” mahinang sabi ni Migs, galing sa likod ko, narinig kong nahikbi na rin siya. Tuloy tuloy na akong lumabas ng restaurant.


Ramdam ko ang bigat ng aking bawat pagapak palayo kay Migs, siya ring bigat ng aking puso at nadarama. Hanggang makalabas ako ng restaurant ay pinagtitinginan parin ako ng mga tao. Marahil ay nagtataka sila kung bakit luhaan ako. Hanggang ngayon hindi ko parin mapigil ang bawat pagpatak ng luha ko.


ALL I DID WAS TO FALL IN LOVE WITH HIM. What's wrong with that?!” sigaw ng puso ko. di ako makapaniwala na lahat ng sakripisyo at lahat ng pagmamahal na ibinigay ko kay Migs, ay ito pa ang igaganti niya. Sabay ng realisasyon na to ay ang patuloy na pagbagsak ng luha ko.


Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, ang tangi kong alam ay gusto kong makalayo sa restaurant na iyon, pakiramdam ko, sa oras na makalayo ako doon ay mababawasan ang aking nararamdamang pighati.


Kahit saan ako magpunta, nakikita ko ang mga magsingirog na naglalamungan, “putangina! Tignan mo nga naman... Irony strikes again!” naibulalas ko sa sarili ko. May mga nakaupo sa bench, may mga naghahalikan sa ilalim ng malalaking puno at ang ilan, nagpapalitan ng cheesy qoutes. Napadaan ako sa ilang bar na maagang nagbubukas “early happy hour for the singles!” nakalagay sa poster ng bar bilang paanyaya sa mga customers. Napadaan ako sa table na kinabibilangan ng isang grupo ng mga lalaki. Marahil napansin nila ang bakas ng mga natuyong luha sa pisngi ko.


Dude ok ka lang?” tanong ng isa.


tol mukha ba siyang ok sayo?!” sarkastikong sagot ng isa.


di bale dude, kung ano man yan, iinom na lang natin yan.” aya ng isa.


Kung tutuusin, dapat matakot ako sa mga ito, hindi ko sila kilala, pero naisipan ko paring tumabi sa kanila at makipaginuman.


smoke pare?” alok sakin ng isa sa aking mga kainuman, sa isang kaha ng sigarilyo na kabubukas palamang niya. Tatanggi sana ako, dahil sa pangakko ko kay Migs na hindi na muli ako maninigarilyo. “what the hell! We are not together anymore, anong pakielam niya kung manigarilyo ulit ako?!” sabi ko sa sarili ko at sabay abot sa stick ng sigarilyo na inaalok sakin.


kaya ako pare, di ako naniniwala sa mga commitments na yan! Kalokohan lang yan! Ayos na ako sa pahalikhalik at payakap yakap, kung nagaya makipag sex, edi go.” pabida ng isa sabay tawa.


Tahimik lang akong nagmamasid sa buong grupo, kada hawak ng isang bote, kada hithit ng sigarilyo at bawat tawa na nanggagaling sa grupo ay nagpapaalala sakin kay Migs. Kahit anong alog ng ulo ko sa kaka iling hindi ko siya basta basta makalimuta. Naiinis ako sa sarili ko. di ko napansin na pinagmamasdan na pala ak ng isa sa mga kainuman ko, napatingin din ako sa kanya at nginitian niya lamang ako. Tinignan ko siya, ang tingin niya ay tumatagos, alam ko nababasa niya ang pinagdadaanan ko ngayon.


guys, its getting late. Tara na punta na tayo sa Tagaytay, kakauspain pa natin sila Amy about sa thesis diba?” sabat ng isa na tila siya ang nerd ng grupo. Isa isa na silang nagtayuan at nagpaalam sakin, kinuwa ng isa ang bill at binayaran ang kanilang nainom. Dudukot na sana ako ng wallet ng bigla niya akong pigilan.


Its on me.” sabi nung lalaking kanina lamang ay animoy ine-xray ako sa pagtitig.


di ko alam kung anong pinagdadaanan mo ngayon pare, pero alam kong mabigat yan. Sana lang marealize mo na di dyan sa problema na yan natatapos ang buhay mo.” sabi nung lalaki sabay tapik sa likod ko.


I'll pay for your drinks, just promise me that you will not go running around doing stupid things.” habol niyang sabi sakin, sabay ngiti. Nagulumihanan man ako sa sinabi niya ay hindi ko na ito masyadong inintindi. Heto nanaman ako magisa. Untiunti nanamang bumibigat ang aking dibdib.




Nagsimula na ulit akong maglakadlakad, I can't help but agree dun sa sinabi ng isang kainuman ko kanina. “Commitment is synonimous with bullshit!” sabi ko sa sarili ko. dito ko simulang napagtanto na, di dapat ako nagkakaganito dahil lang sa isang Migs na nanakit sakin. “I have the looks, I have the body and I have the brain. A Miguel Salvador is not my loss.” confident kong sabi sa sarili ko.


Nagsimula akong maglakad patungo sa kinalalagyan ng kotse ko, nang makita ito ay nagsimula na akong magdrive pauwi, tinignan ko ang sarili sa salamin. “Damn.” sabi ko sa sarili ko, di ko maisip na nakaharap ako sa mga tao at nakipaginuman pa na ganito ang itsura ko. kumuwa ako ng tissue sa may secret compartment ng kotse ko at inayos ang sarili. Napadaan ako sa isang barbershop, bigla kong kinabig ang manibela at pumarada sa harap ng barbershop. Nagbuntong hininga at bumaba ng kotse. Pumasok sa loob ng barbershop at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan.


boss anong style gusto mo?” tanong ng narbero.

semikalbo.”


Mukhang nanghihinayang ang barbero na putulin ang makapal kong buhok, pero ginawa niya parin. Sa bawat pagbagsak ng kumpol ng mga buhok ay siya ring pagbagsak ng mga luha ko. “I swear, this will be the last time that my tears will be shed for love.” sumpa ko sa sarili ko. Paglabas ko ng barbershop ay naramdaman ko ang bagong ako.Dumaretso ako sa condo ko, dumeretso sa banyo at naligo, pagkatapos maligo ay dumerecho na ako sa dresser at naghanap ng masusuot. Nang makapili na ay humarap ako sa salamin.


Ito na ang bagong ako.” bulong ko sa sarili ko, at nagbuntong hininga, mabigat parin ang aking pakiramdam, nandun parin ang kirot, andun parin ang pagkamunghi. Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon. Semi kalbong buhok, maningkitningkit na mata na lalong naningkit sa kakaiyak kanina, morenong balat, fitted black shirt, leather botton neck jacket, black fitted jeans at white kicks from nike. “I'm ready for a new me.” malungkot kong sabi sa sarili ko.


Nagdrive ako patungo sa naglalakihang bar sa Ortigas, wala akong pakielam kung magisa lang ako. “All I want to do now is to forget.” sabi ko sa sarili ko. Dumeretso ako sa bar at umorder ng drinks and the next thing I know, I was in my bed naked with a guy beside me.

Lumabas ako ng banyo na nagbihis na para sa office. Bago lumabas ng kwarto ay nagsulat ako ng note sa isang post it, Cherry, Mia, Althea di ko na matandaan ang name niya. “I had fun last night.” Harsh alam ko, pero that is how one night stand should be. Bumaba ako at pumunta sa kitchen, nakasalubong ko ang kuya ko, umiinom ito ng kape at nagbabasa ng dyaryo.

Anong oras ka nanaman umuwi?” tanong sakin ni kuya.

3am I think.” walang gana kong sagot sa kuya ko, sabay talikod at punta kay manang.

di ka ba magaalmusal?” tanong ulit ni kuya.

sa office na lang.” mahinang sagot ko.


Kinuwa ko ang susi ko ng sasakyan at daredaretsong lumabas papuntang garahe. Kinuwa ko ang rayban aviator shades ko at sinuot ito bago ilabas ang sasakyan sa garahe. Bago pa man masaran ni manang ang gate nagbilin ako dito.


Manang, there's a girl in my room, pakigising na lang. Once she ask about me, tell her I will be in a business trip abroad, for good. Oh basta ikaw na ang bahala manang, basta sabihin mo hindi na niya ako makikita kailanman. And make sure kuya will not know about this ah.” bilin ko sa aming kasambahay.


Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papuntang opisina, simula kasi nung araw na naghiwalay kami ni Migs, naging iba na ang pakikitungo sakin ni kuya, alam niyang may dinadala akong problema. Hindi rin siya sang ayon sa paraan ko para makalimot kay Migs. Madali naman akong nakarating sa opisina, tinignan ko ang aking relos, “7:10am” sabi nito. Pumunta muna ako sa may coffee shop sa baba ng aming opisina.


Caramel Machiatto, Venti and a belgian waffle with strawberry toppings all for here please.” bati ko sa barista, nakita kong kinilig ito at sinaway ng kaniyang manager. Kumuwa ako ng isang dyaryo at sinimulang suyurin ito. May isang article ang nakakuha ng atensyon ko, tungkol kay Ed at sa nalalapit niyang kasal. Kinuwa ko saglit ang aking kape at waffle saka nagpatuloy sa pagbabasa.


Excuse me. Pwedeng maki-share?” tanong ng isang lalaki sakin. Maputi ito, matangkad at kung titignan mo parang isang foreigner. Luminga linga ako.


there's plenty of vacant seats around, why do we have to share this one?” singhal ko sa kaniya. Halatang napahiya ito sa inasta ko. Nagbaba ito ng tingin at nagblush, “gwapo ni mokong shet!” sabi ko sa sarili ko.


You don't remember me do you?” tanong nito sakin. Nagbato lang ako ng nagtatakang tingin sa kaniya.

your maid told me that you will be out of town for a business trip... for good.” nagulat ako sa sinabi niyang yun, alam kong nanlaki ang naniningkit kong mata, marami sa naka one night stand ko ang galit kapag nakaharap ulit ako, may ilan na nananampal ang ilan nananapak, depende kung babae o lalaki ang naka one night stand ko na iyon. Pero iba ang isang to, imbis na magalit ay yumuko lamang ito, imbis na ako ang mahiya ay siya pa ang nahiya.


I'm sorry, but I think that you are aware of how one night stand is.” tumayo ako at kinuwa ang aking kape at belgian waffle. Lalong namula ang lalaki na lumapit sakin, halatang halatang nahihiya sa ginawa niyang pag approach sakin.


Habang naglalakad papuntang opisina ay hindi ko naman mai-alis ang aking isip sa lalaking lumapit sakin sa coffee shop, “iba ang isang to.” sabi ko sa sarili ko. Habang nagiintay sa pagbukas ng pinto ng elevator, napansin kong nagpapapansin ang karamihan sa nakasabay ko sa elevator na yun. Sanay na ako, pero matindi ang rule ko, “No one night stands with the co-workers.” alam ko kasing problema lang yun pagnagkataon.


Paglabas ko pa lang sa elevator ay nakabuntot na sa akin ang aking sekretarya, si Janine di ko man siya lubos na pinapansin, laking pasalamat ko kasi she always keep my schedule organized. She's my walking organizer kung baga.

Sched?” tanong ko sa kaniya.

meeting with the new branch manager at 9am, Sir.” sagot nito sakin.

anything else?” tanong ko ko kay Janine, sabay tingin niya sa paltop niya para sa schedule ko.

how about papers for signing?” tanong ko ulit sa kaniya, habang tinatahak ang daan papuntang opisina ko.

yes Sir, you have three portfolios of proposals for reading and signing, Sir.”


ok, have them ready before 9am.” sabi ko kay Janine.

oh and one more thing, kindly make a cup of coffee.” utos ko ulit dito, tumingin naman siya sa hawak kong kape at nagtaka.

its for kuya, Janine. Thanks” sabi ko sabay ngiti.

Di pa man nagiinit ang pwet ko sa silya ay bumukas na ang pinto ng opisina ko with such force na akala mo binuksan ng isang buhawi ang pinto ng opisina ko.


Ramon Saavedra!” sigaw ng kuya ko, pagpasok ng opisina ko.


ineexpect ko na dadating ka, though I was expecting that you will knock first before you shout at me kuya.” sagot ko dito sabay ngiti.


there's a girl in your room! Manang told her some lies! Ineexpect mo pang matuwa ako?! When will you stop this charade, Ram?!” pasigaw paring tanong sakin ng kuya ko, tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana, rush hour is on its peak. Nakita kong lumapit sa akin ang kuya at malungkot ang mukha nito, nakikita ko sa one way mirror ng bintana, kung hindi mo kami kilala ay masasabi mong kambal kami, halos dalawang taon lang ang tanda nito sakin, ang pinagkaiba lang clean cut ang kuya at ako ay rugged look.


how many times have you changed your address? How many times have you changed your phone number? At ngayun na sakin ka nakatira, are you going to drag me with this mess that you are creating?” mahinahong tanong sakin ni kuya, puno ng pagkadismaya ang kaniyang boses.


nung isang gabi, lalaki ang inuwi mo tapos ngayon babae. Ano bang gusto mong patunayan sa sarili mo Ram? Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, hindi ito ang tamang paraan para makakalimot ka. ” sabi ni kuya, malungkot na malungkot na ang mga mata nito. Binasag ang aming paguusap na yun ng katok sa pinto ng opisina ko.


come in.” sabi ko.


here are the proposals for signing, Sir.” sabi ni Janine sakin.


and the conference room is ready for the meeting with the new branch manager, Sir.” sabi ni Janine sabay abot ng kape kay kuya.


Thanks Janine.” bulalas ko.


We should get ready for the meeting.” iwas tingin na sabi sakin ni kuya. Napabuntong hininga ulit ako. Pumunta na kami sa conference room at bumati ng good morning sa iba pang branch manager na dumalo sa meeting na iyon.


Finally, my two beloved children has arrived.” sabi ng tatay namin sabay yakap samin pareho ni kuya. Si Don Emilio Saavedra, ang President CEO ng Saavedra group of comapanies, ang masayahing si Don Emilio, sa sobrang masayahin animo'y wala ng problema, ang ugali ng aming ama na lubos naming kinaiinisan ni kuya.


Now, we can start with the meeting.” sabi ng tatay ko, napagusapan ang iba't ibang progress ng kumpanya, I was staring at different bar graphs and stupid charts for half an hour nang bigla kong naramdaman na may nakatitig sakin, sanay na ako sa pakiramdam na iyon, baka kako si Janine. Nagbukas na lang ako ng laptop at naglog in sa facebook.


And now, I would like to introduce our new branch manager ng Makati branch. Mr. Adreian Chua.” napatingin ako sa pinakikilalang bagong staff ng kumpanya, napanganga ako ng bahagya at napansing nakatitig siya sakin. Ngumiti ito, katulad ng ngiti niya kaninang umaga sa coffee shop.


Itutuloy...

Comments

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]