Love at its Best (Book3 Part8)
Love at its Best “Deceit”
(Book3 Part8)
by: Migs
So we back in the club
Get that bodies rockin from side to side (side to side)
Thank God the week is done
I feel like a zombie gone back to life (back to life)
Hands up, and suddenly we all got our hands up
No control of my body
Ain't I seen you before?
I think I remember those eyes, eyes, eyes, eyes
Dating gawi, napapalibutan nanaman ako ng mga taong hindi ko kilala, nakikipagsayaw nanaman sa gitna ng dance floor at nakikipagkiskisan ng bewang sa taong nuon ko lang nakita. Usok ng sigarilyo, malakas na music at nagtatapangan na alak ang sentro ng buhay ko ngayon. Walang tarbaho na iisipin bukas, walang kapatid na mambubulyaw paguwi ko mamyang madaling araw at higit sa lahat wala ng Drei na mananakit sakin kahit wala siyang ginagawa o sinasabi, makita ko lang siya nadudurog na ang puso ko.
Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again
Yeah, baby tonight, the DJ got us falling in love again
So dance, dance, like it's the last, last night of your life, life
Gonna get you right
Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again
Keep downing drinks like this
Not tomorrow that just right now, now, now, now, now, now
Gonna set the roof on fire
Gonna burn this mother f**ker down, down, down, down, down, down
Panandalian akong dinala ng malakas na sounds at ng tapang ng alak sa nangyari noon. Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang ginawang panloloko ni Drei. Masakit parin, pero dahil sa pinangako kong di ko na idadaan sa pagiyak ang kahit ano mang sakit na nararamdaman ko ay parang lalo pang bumibigat ang aking dibdib. Napapikit ako ng bahagya at nakita ulit ang gulat na gulat na mukha ni Drei.
“Dalisay Diaz- Chu..Chua?” mautal utal kong tanong.
“yes, and you are?” nangingiting tanong sakin ng sinasabing asawa ni Drei. Napayuko ako saglit, at napahawak sa kwintas na nakasabit sa aking leeg.
“Ram I can explain.” mahinang sabi ni Drei, napaupo na ulit ito at iniintay marahil ang magiging reaksyon ko. Tinignan ko siya ng masama at tumingin kay Dalisay, nagpakawala ako ng pekeng ngiti.
“Please join us Mrs. Chua.” di naman ako binigo nito at umupo. Agad akong tumawag ng waiter at nagpadagdag pa ng isang plato, napasulyap ako kay Drei at nakita kong nakayuko lang ito.
“I'm Ramon Saavedra, Assistant Branch Manager of the Saavedra group of Companies, Makati branch.” sabay abot ulit sa kamay ni Dalisay, napasulyap ako ulit kay Drei, nakayuko parin ito. Mararamdaman mo ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Wala pang may tapang na linawin ang lahat, natapos na ang aming main course at nag proceed na kami sa desert ng biglang magsalita si Dalisay.
“I'm a doctor, did some graduate studies at the US, somehow against dito si Drei he doesn't like the idea na magkakalayo kami.” inabot ni Dalisay ang kamay ni Drei pero agad itong binawi ni Drei, nagulat si Dalisay sa ginawang yun ng kanyang asawa pero nagpatuloy lang ito, habang ako ay pinagpipilitang ubusin ang kapiranggot na cake na asa harapan ko, tinititigan ko lang ito.
“Nung una pumayag ako sa gusto niya, I stayed, pero di ko rin napagilan dahil masyadong maganda yung oppurtunity for me to pass it out, so without telling him, I left for the states to pursue my dreams. I became a successful neuro surgeon.” napatawa siya saglit.
“As I become the successful neuro surgeon of my dreams...” napatigil saglit si Dalisay, at halatang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.mabilis na nagbago ang expression sa kaniyang mukha.
“...I lost Drei.” mahinang sabi niya at tumulo na ang luha na pilit niyang pinipigil. Napatingin ako kay Dalisay at naramdaman kong nakatingin na sakin si Drei, dahan dahan kong binaling kay Drei ang tingin ko. Nangungusap ang mga mata nito. Ngayon ako naman ang nagpipigil ng luha.
“and now you want your husband back?” mahina kong tanong kay Dalisay, panandaliang rumehistro sa mukha ni Drei ang gulat.
“yes.” matipid na sagot nito. As if something in me shifted, tumayo ako at saglit na tumigil sa tapat ni Dalisay.
“nice meeting you Dalisay.” matipid kong sabi at walang paalam na naglakad palayo.
“hey handsome! What about that drink?” papitikpitik na sabi ng isang foreigner na babae sa harapan ko. kung di ako nagkakamali nag offer ako ng inumin sa kaniya. Agad akong tumalikod sa babae at naglakad palabas ng bar.
Nanginig akong lumabas ng club, “bakit ganito parin ang epekto nito sakin? Mag iisang buwan na ah?!” galit kong turan sa sarili. Agad akong naglakad pabalik sa kotse ko, bago ko ito buksan ay nanginginig kong dinukot ang susi at isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko, sinubukan kong magsindi ng isang stick pero palyado na pala ang lighter ko, naibato ko sa sobrang galit ang lighter at napasandal sa kotse ko at napadausdos at napaupo sa semento ng parking lot, tinakpan ko ng magkabila kong kamay ang aking mukha.
“I told you to know his intentions first.” sabi ng aking kuya, nakatakip ang aking mukha ng magkabila kong kamay.
“spare me the I TOLD YOU speech, kuya. I'm tired of it.”dahan dahan kong inalis ang aking kamay sa aking mukha at tumayo at kinuwa lahat ng gamit ko sa opisina na iyon.
“where are you going?”
“I'm quitting.” singhal ko pabalik kay kuya, di na niya ako pinigilan, dala dala ang isang kahon ng office supplies at mga personal kong gamit sa opisina. Nagdrive ako palayo pinipigilan ko parin ang sarili ko sa pagiyak, naaalala ko na pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak lalo na sa walang kakwenta kwentang rason kagaya ng pagiyak ko kay Migs. Nagdrive ako pabalik sa bahay ni kuya at kinuwa lahat ng damit at gamit ko doon, nang aktong palabas na ako ng bahay dala dala lahat ng gamit ko ay hinarang ako ni manang.
“Sir, may naghahanap po sainyo sa labas.”
“ano daw pangalan?” takang tanong ko sa matanda.
“Drei daw po.” para akong tinanggalan ng hangin sa baga. Tuloy tuloy akong lumabas ng bahay at binuksan ang kotse saka inilagay lahat ng aking gamit sa back seat.
“Ram wait.” mahinang sabi ni Drei. Di ko siya pinansin, habang inilalagay ko lahat ng aking gamit sa back seat ay siya namang pigil ni Drei at hawak sa kamay ko para mapigilan ako sa pagalis.
“where are you going?” malungkot na tanong ni Drei.
“away from you.” natigilan si Drei sa sinabi kong yun at tuluyan ng tumulo ang luha niya.
“wag na tayong maglokohan please? Walang patutunguhan to.” singhal ko kay Drei.
“but I...I love.. you. Maniwala ka, Mahal kita Ram.” parehas kaming natigilan sa sinabi niyang yun.
“sasabihin ko sana sayo nung oras na nakita mo yung picture. Sasabihin ko dapat sayo na para sa akin patay na si Dalisay, pero nung hindi ko naituloy ang sasabihin ko at nung nakita ko na nagiba ang hilatsa ng mukha mo nung sabihin kong patay na si Dalisay, ay di ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko.”
“tatlong buwan Drei, tatlong buwan. Bawat araw sa loob ng tatlong buwan na yun sana sinabi mo na sakin yung totoo. Tapos ngayon, kung kailan... kung kailan mahal na kita at handa na akong makipag commit ulit saka ko makakaharap ang asawa mo at malalaman na di pa pala talaga siya patay.”
“I tried telling you, believe me...”
“I don't know what to believe anymore.” pagkasabi ko noon ay isinara ko na agad ang pinto ng aking kotse at nagpaharurot na palayo sa bahay ni kuya.
Agad kong itinigil sa gitna ng kalye ang aking kotse, mabuti na lang at wala masyadong sasakyan sa kalye, pinindot ko ang hazzard button at tumungo at ipinahinga ang ulo ko sa manibela, napapagod na ako. Kinuwa ko ulit ang isang kaha ng sigarilyo at magsisindi sana ulit ng yosi ng matandaan kong itinapon ko na nga pala ang lighter ko kanina. Binuksan ko ang pinto ng kotse at inilabas ang aking mga paa at itinungkod ang magkabila kong siko dito at itinakip ulit ang aking mga kamay sa aking mukha, inipit ko ang isang stick ng yosi sa pagitan ng aking mga daliri. Naririnig ko ang pagdaan ng mga sasakyan sa aking paligid.
“need a light?” sabi ng isang babae, nakaputi ito, naka uniporme ng pang nurse, medyo pamilyar ito.
“Cha?” pagkukumpirma ko.
“sabi na pamilyar yung kotse mo eh! Bakit naman sa gitna ka nakatigil, bakla?” usisa nito. Luminga linga ako, nasa gitna pa nga ako ng kalye.
“nasiraan ka ba?” tanong ni Cha. Umiling lang ako.
“nakainom ka?”
“konti lang.”
“heartbroken ka?” nangaasar na tanong nito. Matagal bago ako nakasagot.
“hindi ah.”
“asus. Ako pa ang niloko mo. I know a broken hearted fag when I see one, remember I'm the ultimate fag hag.” nangingiting sabi nito sakin. Napatawa naman ako.
“tara nga dun tayo sa may by the bay, iinom natin yan.” aya niya sakin, napa tango na lang ako.
0000oooo0000
“ngayon mo sabihing di ka brokenhearted.” ulok sakin ni Cha nang mapansin niyang naka tatlong baso na agad ako ng vodka sa loob ng limang minuto pa lang naming kararating sa may by the bay. Nginitian ko lang siya.
“Migs is just another guy.” bungad sakin ni Cha.
“this is not about Migs.” matipid kong sagot.
“this is all about Migs.” pagpupumilit ni bruha.
“di kita maintindihan.” tinatamad kong sagot, iniharap ako ni Cha sa kaniya saka ako binigyan ng malutong na sampal.
“AW! What's that for?!” sigaw ko habang hinihimashimas ang pisngi ko at lumingon lingon at nahihiyang ngumiti sa mga tao na nasa paligid namin.
“gumising ka nga! This is all about Migs! Sa kanya nagsimula lahat, tanggapin mo kasi maski yung fact lang na yun! Kaya ka nagiging miserable eh!” nagulat ako sa sinabing ito ni Cha.
“pano ba ang gagawin ko?” nahihiyang tanong ko kay Cha nang maamin ko sa sarili ko na tama ang bruha.
“simple lang. Move on. At kapag nakapagmove on ka na, everything will follow.” sabi ni Cha sabay inom ng inorder niyang Colt 45.
“ha?”
“Are you deaf or just playing stupid?” singhal sakin ni Cha. Sabay buntong hininga.
“ganito lang yan, lahat ng problema ay parang mga hamper ng maruruming damit. Kung hindi ka maglalaba, maiipunan ka, bandang huli, ikaw lang din ang mahihirapan kasi tambak ka na ng labahin. Mababaliw ka sa dami ng hamper. Ganun din sa problema, kung mas pinili mo na i-isang tabi ang unang problema at hindi ito inayos agad, parang labahin lang din na hindi mo nilabhan, maiipunan ka. Think of the first hamper as Migs and the second as Drei. Once you deal with Migs' hamper and got over it, your second hamper will just be a piece of cake for you to handle. O diba? Hindi ka na naipunan ng labahin, natuto ka pa kung pano mapapadali ang paglalaba mo sa pangalawang hamper.” nangingiting sabi ni Cha, di ko naman maiwasang mapahawak sa kwintas sa aking leeg at sa pendant nito.
“Migs is my first hamper, I should deal with it first.” bulong ko sa sarili ko.
“nice pendant.” makahulugan at nangingiting sabi ni Cha. Tumayo ako at yumakap kay Cha.
“thanks.” naibulong ko habang yakap parin ang bruha, ngayon alam ko na kung ano ang gagawin ko.
“kaloka tong baklang to. Ayaw pa ng simpleng “move on”, gusto pa yung mas pinahabang explanation!” nangiinsultong sabi ni Cha. Tumayo ako at nagsimula ng maglakad palayo kay Cha.
“oh san ka pupunta?” takang tanong ni Cha.
“maglalaba.” nangingiti kong sagot. Napangiti naman si Cha at pinabayaan na lang akong maglakad palayo.
0000oooo0000
Im standing somewhere near a cliff overlooking the Taal lake, hinahawakan ko ang singsing na nagsisilbing pendant ng aking kwintas, kasabay ng kabog ng dibdib ko ay ang pagbalik ng iba't ibang alaala.
“And this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.”
Napapikit ako saglit at patuloy na kinakapa ang singsing na hawak hawak ko. At ng maramdaman kong handa na ako ay ibinato ko ito sa bangin, walang nakakita kung saan ito nahulog. “I'm going to deal with these 'hampers' one at a time.” bulong ko sa sarili ko at lihim na napangiti. Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin.
0000oooo0000
“Kuya!” sigaw ko sa aking kapatid. May anim na buwan narin simula nung huli kaming magkita, di ko naman mahindian ang imbitasyon sakin ni Dad na pumunta sa dati kong pinagtatarbahuhan. Marami ng nagbago sakin simula nung gabing nakausap ko si Cha, di na ako gabi gabing lumalabas, itinigil ko na din ang pakikipag one night stand at inayos ko na rin ang buhay ko.
“Meron pa akong isang hamper na dapat labhan, kailangan ko na atang maglaba ulit.” bulong ko sa sarili ko nang ayain na akong pumasok ni kuya sa building. Napatawa naman ako sa naisip kong yun. College Dorm Party ang theme ng pagtitipon na iyon, wala ni isa kang makikitang naka corporate attire, akala mo talaga nasa ollege pa ang mga tao dito, and dating sobrang stiff na mga empleyado ngayon ay nakikipag bunong braso, ang iba naman paunahang makaubos ng beer na nakalagay sa isang plastic cup, bawat sulok ay may iba't ibang flag ng iba't ibang universities dito sa Pilipinas, ang mga chichirya ay nakalagay sa mga plastic bowl na nakalagay sa bawat sulok ng opisina malakas ang sounds na ang pinatutugtog ay ang mga in na dance songs ngayon. Nakikipag usap ako kay Janine na dati kong sekretarya ng makita kong dumaan si Drei sa likod nito, napatigil siya saglit ng mapansing nanduon ako. Nginitian ko lang siya.
0000oooo0000
Masyado na akong nahilo sa kapal ng tao at sa beer na sineserve sa drinking station, pumunta muna ako sa may rooftop ng building at nagpahangin, minata ko ang nagtataasang kalapit na building. Rinig parin ang malakas na music galing sa loob ng building.
“musta?” Nagulat ako at napatingin sa aking tagiliran, nakaupo si Drei sa ibabaw ng isang malaking generator.
“'ok lang, ikaw kamusta?”
“still can't get over you.” matipid na sagot nito.
“how's Dalisay?” tanong ko sa kaniya, napatahimik ito saglit.
“You know, you should give your wife a chance, malay mo this time magwork. I can feel that she loves you and sa nakita ko nung nagkita ulit kayo ganun ka rin sa kaniya.” natahimik ulit siya. Humarap ulit ako sa mga naglalakihang building sa paligid nang yakapin ako ni Drei mula sa likod. Humarap ako sa kaniya at ginantihan ang mahigpit niyang yakap, di ko lang siguro maamin sa sarili ko pero namiss ko ang kumag.
“Naaalala mo yung unang date natin? Yung na-late ako ng isang oras at takot na takot kang magisa sa loob ng resto?” tanong sakin ni Drei habang nakayakap parin sa kaniya.
“Our first and last date.” natatawa kong sabi sabay tango.
“dumating ako ng sakto sa oras ng pinagusapan natin, andun lang ako sa labas, nakatitig sayo na parang tanga, naisip ko kung ganong ka swerte ko na finally nahuhulog na ang loob mo sakin. Naisip ko na sobrang swerte ko na may isang gwapo na katulad mo ang matyagang nagiintay sakin. Isang oras kitang tinitigan nun, andun lang ako sa labas, para kang isda na nasa loob ng aquarium, ang sarap mong panuorin. Kahit mukha akong tanga dun at ilang beses ng sinaway ng gwardya di ko parin maiwasang titigan ka at maisip na napaka swerte ko.” nangingiting sabi sakin ni Drei.
“Sana, tulad ng pagiintay mo sakin nuon sa restaurant, maintay mo parin ako ngayon.” pahabol ni Drei, nagulat naman ako sa sinabi niyang yun. “I will just give me and Dalisay a chance.” habol niya.
“can I kiss you?” tanong niya sakin, tumango lang ako bilang sagot. Naglapat ang labi namin matagal, masuyo at puno ng emosyon, di ko napigilan ang sarili ko at tumulo ang luha ko. humiwalay na ako kay Drei at pinahid ang mga luha ko.
“pano kung... pano kung sa pagiintay sayo may nakita akong iba?” tanong ko.
“tatanggapin ko.” malungkot at mahinang sagot ni Drei.
Inabot ko kay Drei ang kamay ko sabay sabing... “friends?” napatitig ulit sakin si Drei at ngumiti.
“Friends.” pagsangayon ni Drei sa alok ko. Pero imbis na tanggapin niya ang kamay ko at makipagkamay ay sinuntok niya ang aking braso, at ngumiti siya ng nakakaloko.
-wakas-
ganito poh ba talaga ang role ni Cha sa lahat? isang great adviser ng mga beki? :P
ReplyDeleteWala bang lovelife si Cha?
ReplyDeleteMay Cha ka ba sa buhay Migs? Hehehe..
ReplyDelete-smartiescute28@yahoo.com