Love at its Best (Book2 Part1)
Love at its Best (Book2 Part1)
by: Migs
“Simon Apacible shoots and scores!” nakakairitang sabi ng commentator. “kailangan bang sumigaw ng nakamicrophone?” isip isip ko. Dumadagundong ang buong gymanasium. Nagtitilian ang mga babae at bading at ang mga lalaki naman pumipito at pumpalakpak. Ang iba winawagayway ang mga posters na gawa nila “we just want SAM of that!” sabi nung isang poster “you are the SAM of all things!” sabi nung isang poster. I was never a fan ng sport na to, natalo lang kasi ako sa pustahan, kaya napilitan akong manood. I just don't see the point on wasting precious time watching such non sense and wasting more time in making posters, I'd rather read a 200 page book from cover to cover than watch a game like this.
“Simon Apacible for the WIN!” sigaw nanaman ng commentator, at muli nanamang dumagundong ang gymnasium. Bago ihagis ni Sam ang bola luminga linga muna ito na parang may hinahanap, napa tingin ito sa upper box kung saan ako nakaupo. Kumindat ito at inihagis ang bola papunta sa ring just in time before the shot clock releases its deafening sound. Dumagundong ulit ang buong gymnasium at sabay nito ang pagkahimatay ng babaeng nasa tabi ko. Habang bumababa ako palabas ng gymanasium narinig kong naguusap ang grupo ng mga babae na kanina lang ay katabi ko sa upuan.
“OMG! Did you see that?! Kinindatan ako ni Simon!” tili nito.
“Oo, nga friend nakakahiya ka, hinimatay ka pa ever!” sabi naman ng isa pa nitong kasama.
“tseh! Kahit sino namang kindatan ng isang lalaki na katulad ni Simon na walang kapintasan mahihimatay no!” sabat ulit nung isa.
“I know right?! Its like every orifice in his body shines!” sagot nung isa, habang kinikilig kilig pa na akala mo kinukumbulsyon.
“hokay! Napaka exaherado naman ng pagdedescribe nayun.” sabi ko sa isip ko. Simon Apacible, the campus heart throb, the jock, the central student board vice president, the basketball hero, mabait and active sa lahat ng school activities without slipping out of the College of Medical Technology honor roll. Si Simon Apacible o mas kilala sa tawag na Sam. Ang bestfriend ko.
“BULAGA!” si Sam, sabay akbay sakin at halik sa labi ko.
“Nampucha ka Sam! Papatayin mo ba ako sa takot?! Saka bakit ba ang tagal tagal mo?!” sigaw ko, at sinuntok siya sa balikat.
“oh wag na magalit. Si Coach kasi eh, mineet pa kaming mga players.” sabi ni Sam.
“ah ganun ba? Edi, sige uwi na tayo.” malamig kong sagot.
“hep hep hep! Mag ce-celebrate pa kaya tayo. Nanalo kami oh, saka ang galing galing ko kaya kanina sa laro.” pagmamayabang ni kumag, habang binubuksan ang kotse para makasakay na kami.
Daldal ng daldal si mokong habang nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na mall kung saan namin napagusapang kumain, dahil sa wala naman akong mai-contribute nakikinig na lang ako sa kaniya, sus ka boring kaya ng buhay ko, di katulad ng buhay niya, maraming maikwekwento. Napansin siguro ni kumag ang pananahimik ko kaya't kinalas niya ang seat belt niya at bigla akong hinalikan sa pisngi. Mahilig sa nakaw na halik si Sam, simula pa noong highschool. Napatingin ako sa kaniya at ngumiting aso ito. Naaalala ko kung pano nagsimula lahat. Iniwasan ko siya noon dahil hindi ko alam kung ano talaga ang intensyon niya kung bakit siya sweet sakin, kung bakit siya concerned sakin at kung bakit ako ang lagi niyang napipiling kasama. Di na bago sakin ang kwentong pinagtritripan ng mga taong katulad niya ang mga taong katulad ko. Kahit seven years old pa kami magkakilala di ko maiwasang matakot, matakot masaktan.
Nakikipagusap ako sa mga kagrupo ko sa reporting ng biglang lumapit si Sam at sinandal ako sa locker.
“bakit mo ako iniiwasan?!” nakakunot noo na sabi ni Sam.
“ah... eh...” di pa man natatapos ang sasabihin ko ay hinalikan na niya ako, sa harap ng buong school.
“ayan, napatunayan ko na sayong di ako nagbibiro at di kita pinagtritripan, pwede bang wag mo na akong iwasan?! Nahihirapan na kasi ako eh.” mahinahon niyang sabi, at hinila niya ako palayo sa lahat ng mga mapanghusgang mata ng mga kaklase at schoolmates namin noong highschool. Wala paring nagbago hangga't mag college kami. Maraming nagtaas ng kilay, marami din namang natuwa.
“O bakit ka tulala?” pagbasag ni Sam sa pagmumunimuni ko. At habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
“ah eh wala naman. May naalala lang.” sagot ko sa kaniya.
“teka, bago ko tanungin kung ano ang bumabagabag sayo na yan, nabalitaan ko highest ka raw sa algebra midterm exams ni Santos ah?! Tama palang nagcelebrate tayo ngayon! Sabi pa ikaw daw ang nagtop sa buong college of Physical Therapy at maaaring sa buong rehabilitational department! Congrats!” sigaw nito habang tumatalsik talsik pa ang kanin mula sa bibig niya.
“hindi nga eh, may ka-tie pa ako yung bwisit na si Jon Frederick Dy.” bitter kong sagot sa kaniya.
“haha! Sabi ko na nga ba yun ang bumabagabag sayo eh! Eh ano naman kung may ka tie ka?!” pangungulit ni Sam. Hinuhuli lang pala ako ni kumag.
“ayaw ko nga kasing may nakakahigit ng efforts ko diba?!” sagot ko naman.
“just beat him on the next exam.” sab ni Sam habang sarap na sarap siya sa nginunguyang hipon.
Ako nga pala si Lorenso Santillan, bookwrorm, nerd, not into physical activities, I'm more into mental activities, Perfectionist. Ayaw kong may nakakahigit o nakakatumbas sa mga efforts ko, siguro dahil may gusto akong patunayan sa sarili ko at sa aking ama. Lahat ng medalya, tropeo at plaque na pinamimigay ng school hinahakot ko, dahil gusto ko ipagmalaki ako ng tatay ko at may ipagmalaki ako sa sarili ko. Pero kahit ilang medalya, tropeo at plaque ang maiuwi ko, hindi ito maappreciate ng tatay ko, tuloy ang labas nagiging competitive ako sa academics na kinaiinis ng karamihan at tinotopak ako pag maynakakatumbas ng efforts ko. I always give my 101% pero hindi parin enough un para maappreciate ko ang sarili ko at may maipagmalaki narin sa sarili ko. At yun sa tingin ko ang pilit kong inaabot, ang may ipagmalaki sa sarili ko at maapreciate ako ng tatay ko.
“pwede ba Lorenso! Wala akong panahong tignan ang mga walang kwenta mong mga grades! Kita mong nakasubsob na nga ako dito sa pagtatarbaho at sa sobrang pagod galing sa ospital!”
“Dad all I'm asking is for you to appreciate my hard work and to be proud of me, is that so hard to do? Ano ba naman yung sulyapan mo ang class cards ko at tumango ng konti as a sign that you appreciate my hardwork?! It will just take... what?! 2 minutes?!” sagot ko sa kanya nang di ko mapigilan ang sarili kong galit.
“well I have no time for your petty bullshits! Now please! get the hell away from me!!” walang pakundangang sabi ng tatay ko. Di ako makapaniwala sa pagkakaroon ng pusong bato ng tatay ko na napatitig ako sa kaniya.
“GO!” singhal nito ng mapansing nakatitig ako sa kaniya. Ganyan ang madalas na sagutan namin ng tatay ko, minsan na nga lang kami magkita ganyan pa ang siste, bulyawan.
Marahil napansin ni Sam ang bigla kong pagtahimik, nagulat ako nang bigla siyang magmake face, muntik na akong mabulunan sa ginawa niyang yun, ganyan ang bestfriend ko, di pwedeng hindi ako patawanin tuwing nalulungkot ako, walang sawang nagpapagaang ng loob ko.
“ahahaha! Natalo kita!” sigaw ni mokong habang naglalaro kami ng counter strike nung hapon din na yun pagkatapos namin kumain at magcelebrate ng pagkapanalo nila sa basketball.
“ang gulang mo kasi!” pagmamaktol ko.
“hala! Anong magulang dun ha?! Patayin ka lang talaga! Ahahahaha!”
“ewan ko sayo! Halika na nga umuwi na tayo!” sabi ko.
“hep hep hep hep! Bayad mo dun sa pustahan?!” sabi ni mokong! Nung patayo na ako sa kinauupuan ko.
“hala! Anong pustahan?!”
“yung kiss and hugs pag natalo ka!” pagpapaalala nito sakin.
“ayyy! Imba ka! Imbento amputik!” sabi ko.
“ah basta! May utang ka sakin na kiss at hug” sabi ni mokong sabay ngiting aso.
“ah bahala ka!” sabi ko.
Pero syempre di naman laging holiday sa ganitong relasyon, lalo na at di mawawala ang mga mapanghusgang mata ng mga tao.
“I wonder why Sam hangs out with that loser!” sabi ng isang sosyalerang babae na nakasalubong namin. Habang naglalakad kami sa mall.
“because he's more civilized than you are!” pagtatanggol sakin ni Sam.
Kung nuong mga bata kami sa mga batang bully niya ako pinagtatanggol, ngayon naman sa mga social climbers ng college namin. He's my knight in shining armor, he's the prince charming of my very own fairytale. Pero syempre di ko maiiwasang isipin na bakit nga ba ako ang pinili niyang makasama. “odd couple!” sabi nga nila.
“Bakit tahimik ka nanaman?” kunot noong tanong ni Sam habang nagdradrive pauwi samin. Tahimik lang ako.
“Is this about what that bitch said?!” galit na pahabol tanong sakin ni Sam. Bumuntong hininga siya nang hindi nanaman ako sumagot.
“sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan at naapektuhan tuwing may naririnig akong ganon? Syempre ako din, ikaw kaya na taong mahal ko ang tinutumbok at nilalait nila” mahinang sabi nito habang inilapat ang kanyang kanang kamay sa kamay ko.
“sorry Sam, di ko na kasi makaya yung mga panlalait nila eh...”
“shhhh di ko naman sila hahayaan na lagi ka nilang gagantuhin eh, wag ka nang malungkot ok?!” at hinawakan niya ang pisngi ko. Tahimik lang ako, iniisip ang mga sinabi nung babaeng nakasalubong namin nang...
“AMBAHO!” sigaw ko.
“ah...eh... sorry” sabi ni Sam habang pinapatay ang aircon ng sasakyan at binubuksan lahat ng bintana ng kotse.
“umutot ka ba?!” sigaw ko naman habang pinipigilan ang sarili kong mapatawa.
“sorry ah! Andami ko na kasing nakain kanina eh!” sigaw nitong balik at halatang pinipigilan din ang sarili sa pagtawa habang namumula sa pagkahiya.
“haha! Ikaw talaga!” sabi ko.
“anong ako talaga? Ako talaga...ahmmm... cute?” pagpapacute sakin ni mokong.
“hindi! Ikaw talaga ang mabaho umutot!” sabi ko.
“edi ikaw na! Ikaw na ang mabango umutot!” sabi naman niya na may halong pagmamaktol.
Di talaga ako titigilan nitong si Sam hangga't di niya ako napapatawa, dahil naman sa sobrang pagpapasalamat ko, sa simpleng bagay ko lang din siya pinaramdam, sa simpleng paghawak sa kamay niya. Paghawak ko ng kamay niya ay hinigpitan naman nito ang hawak sakin at nginitian ako. “Its these simple sweet deeds that erases every doubt I have about his feelings for me.” ang nasabi ko sa sarili ko.
“ano? Sunduin ba kita mamya para sa recognition day?” tanong ni Sam sakin.
“hindi na, baka sumama si Daddy.” may pagaalangan kong sagot. Napansin niya sigurong di sigurado ang aking sagot na yun.
“Ok, pero kung b..busy ang Dad mo, don't hesitate to call ok? Ako na ang maghahatid sayo.” sabi niya sakin.
“sige sige. Una na ako, magpreprepare pa ako ng suit eh.” ngiti kong paalam sa kaniya, nang tumigil na ang kotse sa harap ng bahay namin.
“yun lang yun? Wala manlang thank you kiss? O kaya good night kiss?” paglalambing ni kumag sakin. Habang nakanguso na at hinahabol ang mga labi ko.
“saka na!” sabi ko at sinupalpal ko ang nakanguso niyang labi gamit ang kamay ko. Hinila niya ang kamay ko at napalapit ako sa kaniya.
“wag ka na kasing pumalag, wala ka namang magagawa eh saka para makabayad ka nadin dun sa pustahan natin.” at hinalikan niya ako sa labi. Sinsero ang halik na yun, punong puno ng emosyon. Kumalas na ako.
“tama na, baka lalo ka pang mainlove sakin.” pagtulak ko sa kaniya palayo at ngumiti ako ng nakakaloko.
“hindi na kailangan, kasi inlove na inlove na ako sayo.” sagot niya sakin.
“cheesy mo!” sigaw ko pabalik. At bumaba na ako at pumasok sa bahay.
OOOOOOO
“Dad.” nagmano ako sa tatay ko sabay abo't ng invitation para sa recognition day.
“what's this?!” sabi ng tatay ko ng pasinghal. Habang inaasikaso ang mga records ng pasyente niya.
“invitation po para sa... sa Recognition day ng Department namin mamya.” kinakabahan kong sabi.
“are you kidding me?! In eexpect mo akong pumunta sa lintik na recognition day na yan at iwan ang mga asikasuhin para sa mga pasyente ko na nagpapakain at nagpapaaral sayo?!” sabi niya sakin. Tatalikod na sana ako. Pero di papala tapos si Dad.
“think! Lorenso, for once in your life think!!” singhal nanaman nito sakin.
Di ko na nakayanan ang sinabi sakin ng tatay ko at tumakbo ako papunta sa labas ng bahay habang naka coat and tie pa, pumunta ako sa may tindahan sa kanto, nagpaalam sa tindera na gagamitin ang kanyang pay phone. Tinawagan ko ang nagiisang sandalan ko sa buhay, ang bestfriend ko, ang buhay ko, ang tanging taong nagmamahal sakin.
“shhhh... don't cry” sabi ni Sam habang yakap yakap ako.
Niyakap ko siya ng mahigpit, laking pasasalamat ko na andito si Sam sa tabi ko, na meron akong isang bestfriend na katulad niya, na meron akong nayayakap at pinaghuhugutan ng lakas ng loob sa tuwing binibigo ako ng pamilya ko na maramdaman ko ang pagmamahal sa kanila. Laking pasasalamat ko na may nagmamahal sakin na katulad niya.
“halika na? hatid na kita sa recognition day mo?” Tumango na lang ako bilang sagot. At nag make face nanaman si kumag para mapasaya ako.
“ganda ganda ng suot mo eh, iiyak ka ng ganyan. Gwapo, gwapo ng bestfriend ko talaga! Kaya andami daming nagkakagusto sayo eh.” sabi ni Sam sabay kurot sa pisngi ko. At sumakay na kami ng kotse niya.
“weh?! Barbero ka talaga!” sabi ko sa kaniya, habang iniistart niya ang kotse para makaalis na kami.
“Oo noh, lalo na yung Jon na yun! Nakuh! Patay na patay sayo yun eh.” panloloko nanaman sakin ni kumag.
“ahahahaha! Di naman kaya!” sabi ko kay Sam habang nagkwekwentong barbero nanaman para lang mapsaya ako. Sabay suntok ko sa braso niya.
“Oo kaya! Crush na crush ka nun, nahuli ko pa ngang nakatitig siya sayo eh, nung nakalayo ka na, kwinelyuhan ko siya tapos sabi ko sa kaniya BACK OFF DUDE, ENSO'S MINE!” sabi ni Sam habang nagmamaneho at tumatawid ng intersection ang kotseng sinasakyan namin. At dahil napasaya nanaman niya ako kahit na sobrang lungkot ko kanina, hinawakan ko na lang ulit ang kamay niya bilang pasasalamat at nginitian lang niya ako. Pero imbis na ngiti ang isukli ko sa kaniya, takot ang rumehistro sakin habang nakikita ko ang rumaragasang truck at ang ilaw ng headlights nito na papalapit samin at babangga sa parte kung saan nakaupo si Sam. Bago pa man bumunggo ang nawalan ng control na truck sa kotse na sinasakyan namin, kumalas si Sam sa seatbelt niya at niyapos ako.
At napabalikwas ako sa kinahihigaan ko, pawis na pawis at nanginginig pa, napahiga ulit ako sa kama at hinanap ang isang unan para dantayan ito. Nararamdaman ko ang mga mata ko na unti unting napupuno ng luha. Isa... dalawa... at hindi na mabilang na luha ang pumatak sa mga mata ko. Kasabay nito ang lungkot at sakit na nararamdaman ng mga taong nawalan ng pinakamamahal. Sakit na nararamdaman ng isang taong nangungulila.
“SAAAAAMMM!” sigaw ko.
“SAAAAAAAAAAAAAMMMMMMMM!” sigaw ko ulit. Kasabay ng sigaw ay ang pagyakap ko ng mahigpit sa unan at ang walang tigil na buhos ng luha ko.
Pero alam ko kahit ilang beses ko pang isigaw ang panagalan ni Sam alam kong di na niya ako maririnig, alam kong wala sasagot sa mga tawag kong ito at alam kong kahit ilang beses ko pang isigaw ang pangalan niya at kahit ganong kalakas man ang sigaw ko ay di na siya babalik.
Saktong Pitong taon na simula nung mamatay ang isang Simon Apacible. Ang bestfriend ko. Ang buhay ko. Hindi ko alam, ngayon pa lang pala magsisimula ang buhay ko.
Itutuloy...
How sad :(
ReplyDeleteBastos! May ending na agad! Parang Taal volcano.. There's a volcano within volcano..
ReplyDelete-lonely blue..
Ang lungkot. First episode palang, nalungkot agad ako huhu. Naaawa ako kay Enso. Hindi na nga siya naaappreciate ng tatay nya tapos heto, namatay pa ang tanging tao na nasasandalan niya. Parang sobrang lupit naman ng tadhana sa kanya T_T
ReplyDeletewow..nayon ko lang nakita tong blog mo Mr Author..at dumeretso kaagad ako d2 sa book 2 chap 1..
ReplyDeleteI love this book 2..this is one of the best I've ever read sa lahat ng nabasa kong story..maganda ang plot at ang flow ng pgkaka kwento..npka nostalgic..and you really can feel the pain when Enso loses Sam..and also the new love story of Enso and Jon..
I'll never forget this one..and now I will continue to read your other stories 'coz I stopped reading love at its best book 3 in BOL..hnd ko akalain na npka dami mo ng kwentong ngwa at mgkaka dugtong pa..
bharbzz,,,,,,,,,,
nampotek, nagulat aq dun! >_< 1st part plang my dedbol na, nkakagulat tlaga...
ReplyDelete...but i like it! x3