Love at its Best (Book2 Part4)
Love at its Best (Book2 Part4)
by: Migs
“you're kidding, right?!”
Yan ang saktong mga salitang sinabi sakin ng aking ama pagkatapos na pagkatapos kong ilahad sa kanya ang balak kong pagtake ng medicine. Ito ang pangarap ni Sam, at ito ang ipinangako ko sa sarili ko, ako ang magtutuloy sa pangarap niyang maging doktor. Di ko magawang kainin ang nakahain sa harapan ko. Masyado akong nadadala ng pagkakaroon ng pusong bato ng tatay ko.
“if you don't want to finance it, its fine.” maanghang kong sagot.
“I have no problems in financing it, hijo. I'm rich and I can finance anything. It's just that... I don't support you.” pasinghal na sabi sakin ng aking ama, habang sinusubo ang kaniyang salad.
“it's ok, you were never that supportive anyways.” singhal ko sa tatay ko. Tumayo ako at tumalikod sa kaniya.
“kung iniisip mo na magiging magaling kang doktor katulad ko, nagkakamali ka. You were never good at anything, except for being gay!” pahabol na panlalait sakin ng tatay ko. Humarap ako at sinugod siya, kwinelyuhan siya. Sa unang pagkakataon, rumehistro sa mukha niya ang gulat at takot.
“I never wanted to be like you.” singhal ko habang pinipigilan ang sarili na suntukin ang mukha ng tatay ko. Binitawan ko ang kwelyo ng polo niya, sabay talikod at hindi na siya muli pang nilingon.
00000oooo00000
“So you think, naging mas magaling kang doktor kesa sa ama mo?” tanong sakin ni Cha na bumasag naman sa pagmumunimuni ko. Hindi ako agad na nakasagot.
“don't you think you were trying too hard Baks? Trying too hard to be better than your father, na minsan hindi na maganda ang kinakalabasan nito?” sabi ni Cha, na siya namang ikinagulat ko. Sapul, tumutusok sa dibdib ang tanong na yon. Hindi ko nga siguro napansin, masyado akong nabulag ng aking kagustuhan na may patunayan sa tatay ko at sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko nahigitan ang aking ama, katulad niya, nagkaroon din ako ng pusong bato.
“Sige, kahit sa next session na natin pagusapan iyan, tutal five minutes nalang naman ang natitira sa ating one hour eh. Kwentuhan mo na lang ako about sa session niyo ni Jon.” ang ngumiting nakakaloko si bruha. Di ko naman namalayan na nakangiti din ako.
“ayieeee! Kinilig?!” sigaw ni bruha with matchig turo pa sakin.
“wha...?!” di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang tumayo at nagtititili si bruha!
“I knew it! Nung sa elevator pa lang, kitang kita ko na kung pano kayo magtitigan eh!” sabi ni bruha.
“hindi no!” pagdedeny ko. “shit bakit ko ba naman kasi pinahalata dito sa bruhang to eh!” isip isip ko. Tumayo ako at tumalikod na kay Cha.
“o where are you going?” tanong ni Cha.
“our five minutes is over.” sabi ko kay Cha.
“tignan mo to nahuli ko lang na kinilig siya kay Jon... ikwento mo sakin ang ginawa nyo nung araw na yun!” pangungulit ni Cha. Tumalikod ako at nagmadaling lumabas ng HR office, sabay pasok naman ni Jon, na hindi rin siguro ako napansin.
“Arekup...!” “Aray!” sabay sabi namin ni Jon. Nagkauntugan pa kami, napahawak ako sa braso niya. Pumalakpak si Cha sa likod ko.
“excuse me ha, gorabels lang kayo sa pagmomoment dyan, disappear muna ako.” sabi ni Cha at tumawa nanaman ng pang demonaya. Nagkatinginan kami ni Jon, napatingin ako sa bandang noo niya, namumula ito, magkakabukol pa ata ang mokong.
““ok ka lang ba?”” magkasabay naming tanong, at sabay din kaming napangiti.
“Ayyyiiieee! Sabay, at pareho pa ang iniisip! Kalerkey ito!!!” sigaw ni Cha galing sa dulo ng hallway.
““sorry ah”” sabay nanaman naming sabi ulit ni Jon.
“waaaaaahhhh! Sabay nanaman! Grabeh na itey!” sigaw nanaman ni Cha. Sabay naman kaming napatawa ni Jon.
“So?” panimula ni Jon, na nagpataas ng kilay ko.
“kinilig ka raw?” tanong ni Jon.
“masamang makinig sa pribadong usapan.” sabi ko kay Jon.
“di ko napigilan, lalo na nung tinanong ka na ni Cha about sa session natin.” pagpapaliwanag ni Jon. “so kinilig ka ba talaga?” tanong niya ulit, sabay ngiti ng matamis.
“hindi ah.” hindi ako makatingin ng derecho sa kaniya.
“ahhh, kaya pala namumula ka ngayon.” pangaasar ni Jon sakin. Tumalikod na ako at naglakad na palayo.
“told you, wag ka masyadong dumikit sakin kasi baka mainlove ka eh.” habol sabi ni Jon. “kapal ng mukha!” sabi ng utak ko. Pero nangingiti parin ako. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Jon sa harapan ko ulit, humahangos, hinabol pala ako ni mokong.
“paalala ko ang session natin para bukas ah?” sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Nagulat naman ako at hindi kaagad nakapagreact, tumalikod si Jon na humahagikgik. Biglang sumakit ang pilat sa aking kaliwang kamay. Biglang nag flashback ang mukha ni Sam, at ang kanyang paboritong gawin sakin, ang pagnakaw ng halik.
Halos di ako makapagtarbaho ng maayos nung araw na yun, laging sumasagi sa isip ko ang ginawa ni Jon, at panakanakang pagsingit ng alaala ni Sam at ang pagsakit ng kaliwang kamay ko. Bwisit kasing Jon yan eh.
00000oooo00000
“anak ng! Antagal mo Simon Apacible!” sigaw ng isip ko habang naghihintay sa tapat ng kotse niya sa may parking lot ng school namin nung college. “Papatayin na ako ng tatay ko Sam.” mangiyakngiyak kong sabi. Nagpractice kasi si kumag ng Basketball, baka sinesermonan nanaman ni coach.
“uso pa ba ang harana?” nagulat ako ng biglang may kumanta sa likod ko. Si Sam pala, may hawak na gitara. Naka jersey pa ito at pawis na pawis, halatang galing pa sa practice.
marahil ikaw ay nagtataka”
sino ba 'tong mukhang gago?
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba
meron pang dalang mga rosas suot nama'y
maong na kupas
at nariyan pa ang barkada
nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along
Natawa ako dahil nagsulputan ang mga ka teamates niya sa basketball. Mga naka jersey pa pero may mga nakasukbit na necktie sa kanilang leeg. Isa isang nagbigay ng rose ang mga kumag.
Puno ang langit ng bituin
at kay lamig pa ng hangin
sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana para sayo
Medyo nahihiya na ako, nagtitinginan na lahat ng nadaan sa may parking lot kung saan ako nakatayo. Hindi naman kasi kagandahan ang boses ni kumag, at sintunado pa nga ang gitara na pinapatugtog niya, pero hindi ko na lang yun pinansin.
Hindi ba't parang isang sine
isang pelikulang romantiko
hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas
Puno ang langit ng bituin
at kay lamig pa ng hangin
sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana para sayo
Pagkatapos na pagkatapos niyang kumanta, kasing bilis ng pagsulpot ng teamates niya ang paglaho ng mga ito. Niyakap niya ako. Tinulak ko siya.
“wag ka ng magalit, bumawi naman ako diba?” pagmamakaawa ni Sam.
“di naman ako nagagalit kasi pinagintay mo ako eh.” sabi ko.
“eh bakit mo ako tinulak?” takang tanong ni Sam.
“magshower ka muna.” at tinalikuran siya.
“ah ganun?!” yun na ang huli kong narinig at niyakap na niya ako mula sa likod. Kahit na nagpupumiglas ako, di parin ako nakawala.
“mahal na mahal kita Lorenso Santillan.” bulong niya sakin.
“mahal na mahal din kita.” bulong ko rin sa kaniya.
00000oooo00000
“doc?” paggising sakin ng isang nurse. Nakatulog na pala ako sa may couch ng doctor's quarters.
“ano yun?” mahinahon kong tanong. Simula nung nagunder go na ako ng anger management classes, nabawasan na ang pagsusungit ko at triny kong maging friendly naman.
“ay doc, magpapaasses lang po sa patient, nahihirapan daw po kasing huminga.” nahihiyang sabi ng nurse.
“ah o sige sunod na ako.” sabi ko. “ahmm Amy?” pahabol ko.
“y..yes doc?” nauutal na sabi ng nurse.
“paki dala rin yung metal chart nung patient ah. Thank you.” at nagulat si Amy sa sinabi kong yun. Ang sarap pala sa pakiramdam na nagpapasalamat. “Malaking pagbabago nanaman to sa aking ugali.” Nangingiti kong sabi sa sarili.
Pagkatapos kong magasses sa pasyente at mag order ng bagong gamot napatingin ako sa relos ko “5pm”, “nasaan na kaya ang kumag?” tanong ng isip ko. Minsan inis na inis ako pag nagse-session kami, ngayon naman parang excited na akong makita si Jon. Pagtalikod ko may isang mamang nagabot sakin ng isang sulat.
“punta ka sa hospital gym, dun tayo mag se-session.” sabi ng sulat, na inabot ako ng sampung minuto ata para i-decipher, sobrang pangit ng sulat.
“ancient runes ba ito?” tanong ko sa sarili ko.
Agad akong pumunta sa Gym, nagulat ako dahil isang tao lang ang nandon at sinusuntok niya ang punching bag na animoy galit na galit dito. Nung humarap ito at ngumiti dun ko lang napagtantong si Jon pala iyon. Ang ganda ng katawan, naka tanktop lang na kulay itim at boardshorts na puti ang mokong, ang ganda ng arms, maputi at makinis na balat na may butil butil na pawis.
“doki! Halika dito lapit ka.” magiliw niyang aya sakin.
“ah eh, hi.” bati ko sa kaniya.
“halika dito, I'm sure nasabi na sayo ni monster Cha ang about sa expressing what you feel, venting out all the pent up emotions blah..blah..blah..” pagpapaliwanag nito sakin.
“ah, Oo nasabi niya nga sakin ang about dun.” sabi ko.
“and now, parang return demonstration sa school noon, gagawin natin yung mga sinabi ni monster na yun.” sabi sakin ni Jon.
“ako, whenever I feel yung sobrang galit, dito ko lahat binubuhos, kay pareng punching bag.” At tinapik tapik niya ang punching bag sa tabi niya. Napatitig naman ako sa sinasabi niyang punching bag.
“ah eh, parang di naman ata appropriate yung suot ko ngayon para magpunching bag, Jon.” pagpapaintindi ko kay Jon.
“di yan! Ako nga dati nung nagbre... nung masamang masama ang loob ko kay Mi.. nung masama ang loob ko, kahit naka scrubsuit pa ako binibisita ko itong si pareng punching bag eh, try mo lang, effective siya promise.” sabi ni Jon.
“ah eh, next time na lang kaya.” sabi ko kay Jon.
“naku, ngayon na, ganito lang yan oh.” minuwestra ni Jon ang magkabila kong kamay at sinuntok ang punching bag. Di ko naman maiwasang kilabutan sa pagdikit ng balat naming dalawa. Ang ganda ng bisceps ni mokong.
“di ganyan, para ka namang babae kung sumuntok niyan eh, tas sabayan mo ng pag imagine sa mga taong nakasakit sayo. Tignan mo effective yan, kasi kahit wala ka ng chance na sabihin yung mga bagay na gusto mong iparating dun sa taong ikinasasama ng loob mo, parang nasabi mo na din, parang naiparating mo na din.” pagpapaliwanag sakin ni Jon.
Siguro ito rin yung ginawa niya noong masama yung loob niya kay Migs dati. Tinignan ko ulit ang punching bag. Nakita ko ang mukha ni Dad. Bumalik sakin lahat ng pagiging unfair niya, lahat ng sama ng loob ko. Napansin ko na lang na sinusuntok ko na ang punching bag na parang wala ng bukas. At ng tignan ko ulit ang punching bag, nakita ko na ang mukha ni Sam.
“ang daya mo!” sigaw ng isip ko.
“alam mo namang kailangan kita, alam mong ikaw lang ang nakakaintindi sakin, iniwan mo parin ako.” sigaw na naman ng isip ko, kasabay ng pagtulo ng pawis ko ang pagpatak ng luha ko.
“iniwan mo ako sa ere.” at binigay ko ang isa sa pinakamalakas na suntok ko, kasabay nito ang wala ng humpay na tulo ng luha ko.
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jon. Di ko rin napansin pero napayakap na din ako sa kaniya. Effective nga ang exercise na ito, kasi kahit hindi ko maamin sa sarili ko, may naitatago din akong sama ng loob kay Sam, kahit na pilit itong itanggi ng puso't isipan ko, at tinulungan ako ng exercise na ito na ilabas yun, hindi lang pala ang tatay ko ang dahilan ng pagiging ganito ko, may iba pa, at isa na si Sam sa mga yon.
“iyakin ka pala.” pabirong sabi sakin ni Jon, habang nakayakap parin siya sakin.
“ahmmm Jon?” tanong ko sa kaniya.
“oh bakit?” tanong din ni Jon.
“ahhh, pwede mo na siguro akong pakawalan. Ok na ako.” sabi ko, at napatawa naman siya. Kumawala siya sakin. Tinignan ko ang relos ko. “ambilis naman ata ng oras?” sabi ko sa sarili ko. Tumalikod na ako sa kaniya, tapos na ang session namin.
“Sarap mo kasing yakapin eh.” sabi niya sakin, habang naglalakad ako palayo, di ko nanaman napigilang mapangiti.
Itutuloy...
kilig yung harana na part..
ReplyDeleteGrabe, sana d nalang nawala si sam. Haayz buhay nga naman!
ReplyDelete