Love at its Best (Book3 Part5)

Love at its Best “Deceit”
(Book3 Part5)
by: Migs




Shots shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
everybody


Umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa loob ng aking kwarto. “shit naman! Ang aga aga!” isip isip ko at habang kinakapa ang buong kama ko ng nakapikit.



Hello!” nakapikit ko paring sagot sa telepono ko.



Aba Ramon! Alas otso na! Asan ka na ba?! The meeting is going to start in an hour!” sunod sunod na sigaw sakin ni kuya. Inimulat ko na ang mga mata ko at tinignan ang bedside table ko at sinipat ang orasan na nakapatong dito.



Anak ng tipaklong! Sige kuya I'll be there in...” di ko pa naman na tapos ang sasabihin ko ay binabaan na ako ni kuya ng telepono. Nagmadali na ako sa pagligo, pagbihis at pagaayos sa sarili.



Ram, di ka na ba magaagahan?” sigaw sakin ng aming kasambahay.



next time manang, late na ako!” sigaw ko dito habang patakbong pumunta sa garahe, sa likod ko ay narinig kong nagmamadali narin si manang para sa pagbukas ng kotse ko. pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng kotse ko ay initsa ko na lahat ng folders ng reports at signed proposals. Pagkaupong pagkaupo ko sa drivers seat ay pinihit ko na ang susi sa ignition at sandaling pinainit ang makina sabay sukbit ng bluetooth earpiece sabay pindot sa telepono ko para tawagan si Janine.



Janine, I'm running a bit late...”



how late Sir?” kinakabahang tanong sakin ni Janine, marahil kinakabahan siya na pumalpak ako sa pagpresent ng pinaghirapan NAMIN na monthly report at proposals.


About half an hour late...”



but Sir...” mangiyakngiyak na pagputol ni Janine sakin.



Will you let me finish first?!”



I'm sorry Sir.”



Now, I want you to stay calm. And if you're already calm and your brain is already functioning properly, go to my office, open my laptop then search for the file for todays presentation, set up the conference room and i'll be there in a bit. Don't worry, I got this.” paninigurado ko kay Janine.



Ok, Sir.”


5minutes after nine na ako dumating sa conference room at laking tuwa ko ng nagawan ng paraan ni Janine na ma-cover up ang aking pagiging late, nagsingit siya ng opening credits sa presentatin ko which shows a short clip about different proposals na pinasa ng mga tao ko at ang ilan na inaprobahan ko.



Thank me later.” bulong sakin ni Janine ng matapos na ang short clip.



Good morning every one.” napatingin ako kay Drei at magiliw akong nginitian nito at kumaway pa nga si mokong. “parang bata talaga ang kumag.” isipisip ko, napangiti ako at napatingin kay kuya, hindi naman nakaligtas ang panandaliang pagkatuwa ko kay Drei sa mga mata nito, agad itong nagtaas ng kilay at tumingin kay Drei at sakin ulit.



As you have seen...” panimula ko. Nang matapos na ang aking presentation agad namang nagpalakpakan ang buong conference room, tanda nang pagiging successful nito. Agad akong naglakad palayo ng podium at umupo sa bakanteng silya sa tabi ni kuya. Uminom ng malamig na tubig at nagbuntong hininga.



That was quite impressive for a tardy assisstant branch manager.” mangitingiting sabi sakin ni kuya, sinuklian ko lang siya ng isang pilit na ngiti at nagbukas na ng laptop at nag log-in sa facebook. Tumingin ako kay Janine at naka thumbs up ito, nginitian ko lang din ito. Nang maboryo na ako sa susunod na nagrereport na taga ibang branch nagsimula ng bumagsak ang aking mga mata at inaantok na ako, bigtime! Siniko ako ni kuya at napadilat ulit. Pinindot ko ang tab ng aking laptop para maalis ito sa hybernation. Nakita kong may nag private message pala sa akin sa FB.



your tie is crooked.” tinignan ko kung kanino ito galing at laking gulat ko na galing ito kay Drei. Agad ko namang nakita na may nadagdag nanaman sa daandaang pending friend request ko, nang I click ko ang icon para dito ay lumabas ang pangalan na Adreian Chua. Napatingin ako kay kumag at nangingiti ako ng makita ko itong parang si kuya na titig na titig sa projector, pinagisipan ko kung i-aaccept ko ang invite niya o hindi. Ilang minuto ring nagpabalikbalik ang cursor mula sa accept button at home button tapos sa pending friend request ulit. Napatingin ulit ako kay kumag at nakita kong may kinakalikot ito sa laptop. Napagpasyahan kong i-accept na si mokong. Nagulat ako ng biglang may nag pop up na window. Si Drei sa Fb chat.



-drei-: bored?


Me: who's this? :-)

Alam ko naman na si Drei nga yung ka chat ko, gusto ko lang talaga siyang kulitin.


-Drei-: Mr. Adreian Chua, Branch Manager, Saavedra Group of Companies, Makati Branch.


Pinipigilan ko paring mapangiti kasi baka mapansin ni kuya, tumingin ulit ako sa dulo ng table at nakita parin si Drei na nakatingin sa overhead projector, nagdikit ang kilay ko, sinulyapan niya ako ngumiti tapos kumindat sabay tingin ulit sa overhead projector. Napangiti ako.


Me: pano naman naging Drei?
Ano ba ang pronunciation ng buong pangalan mo?
LOL!

Alam ko naman ang pronunciation ng pangalan niya, inaasar ko lang ang kumag.


-Drei-: A-drei-yan
hahahahaha
Waaaaaaaaaa!




Me: totoo?! Hahahahaha
ay sorry
pero
bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahaha


Tumingin ako sa kinauupuan niya. Tumingin ito sa screen ng laptop niya at kumunot ang noo.


-Drei-: waaaaaaaaaaaa

9:45am
Drei is offline
9:46am
Drei is online

Me: napikon??? nag offline??? hahahahahaha!


-Drei-: hindi ah, panget lang talaga connection ng office.


Me: ahhhh... tuloy natin.
Ganito ba?
A-drey-an?
Ganyan? LOL!


-Drei-: hindi nga! :-P
ganito...
Ey-drei-yan
amp!
Amp!
LOL!


Napatingin ako ulit sa kaniya at napakamot na siya sa ulo, frustrated na frustrated na si kumag, di ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na ako. Napatingin ako kay kuya at ang sama na ng tingin nito sakin. Nginitian ko siya at batok lang ang sagot niya sakin. Isinara ko na ang aking laptop dahil sa pinandidilatan na ako ni kuya ng mata. Napatingin uli ako kay Drei at dinidilaan niya ako, malamang nakita niya ang pasimpleng pagbatok sakin ni kuya.



Sir.” tawag sakin ni Janine mula sa likod ko sabay abot ng isang supot na alam na alam ko kung saan galing at kung ano ang laman noon.



“breakfast. ^_^v ” sabi ng note na nasa loob ng plastik. Napatingin naman si kuya sa note at nagtaas nanaman ng kilay sabay tanggal ng salamin niya at punas sa neck tie nito.


Nang matapos na ang meeting, nagsimula nang magtayuan ang mga tao sa conference room at magdiscuss ng kanikanilang mga opinyon, may ibang nagkakamayan at nagbibigayan ng mga kanya kanyang calling card.



you've made quite an impression there.” sabi ni Drei sa tabi ko na masuyo ding pinapanood ang mga tao sa silid.



Thanks.” matipid kong sagot. Napansin kong unti unti nang naglalabasan ang mga tao sa conference room.



your tie is still crooked.” pagkasabi niya nito ay hinawakan niya ang aking necktie at inayos ito mula sa buhol. Napatingin ako sa mga mata niya at ganun din siya, sandali kaming natigilan pareho.



ahem! Excuse me, but I have to talk to you, Ram. In private.” sabay tango ni kuya kay Drei. Nakuha naman ni Drei kung ano ang gustong iparating ni kuya sa kaniya. Pagkalabas na pagkalabas nito ng pinto ay isinara niya ito.



what?!” tanong ko kay kuya ng bigyan niya ako ng isang malisyosong tingin.



gusto kitang balaan sa kung ano mang yang namamagitan sainyo ni Drei.” panimula ni kuya.



ay. Paranoid much?” pagbibiro ko.



I wouldn't want another Miguel Salvador on a disguise ruining your life, Ramon.” depensa ni kuya.



Relax, OA mo naman kuya. He's just fixing my tie, that's all. ” sagot ko sa kaniya.



fixing your tie while staring at your eyes. It doesn't look anything like fixing a tie scene, it was more of a pre- kissing scene to me.” sabi ni kuya.



haha! You're joking right?”



no I'm not.” sabi ni kuya sabay talikod at labas ng conference room.


Naguguluhan ako habang pabalik ng aking opisina. “bakit kailangan sabihin ni kuya yon? Anong ibig niyang sabihin na kilalanin ko muna si Drei?” tanong ko sa sarili ko. Kargakarga ko ang isang damakmak na proposed designs at illustration boards na ginamit ko kanina sa presentation. “Anak ng tipaklong! Asan na ba yang lintik na si Janine!” sigaw ng utak ko. pagkababangpagkababa ko ng mga dala ko sa table ni Janine ay bumulaga sakin ang mukha ni Drei.



lunch?” tanong niya sakin.



nah, madami pa akong gagawin eh.” sagot ko naman.



tulungan kita.” alok ni Drei sakin.



may trabaho ka naman diba? Edi yun ang asikasuhin mo.”



sungit naman nito!” sagot ni Drei sabay talikod, naguilty naman ako sa pagtataboy sa kaniya.



Wait.” sigaw ko sa kaniya.



alam kong magbabago ang isip mo.” sabay harap niya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Bumalik siya sa kinatatayuan ko at inakbayan ako papunta sa may elevator. Agad kong kinalas ang pagkakaakbay ni mokong sakin, baka kung ano nanaman kasi ang isipin ni kuya pag nakita niya kami.



Sasakyan mo yan?!” napasigaw ako sa nakita kong motor na tumigil sa harap ko limang minuto ng iwan ako ni Drei at nagpaalam na kukuwanin niya raw saglit ang sasakyan niya.



sa kapatid ko.” sabay ngiti ni mokong. Lumapit ako at hinimas himas ang salitang Ducati sa gilid ng motor, kulay pula ito.



hey look, it matches your crooked tie.” sabi ni mokong sabay tingin ko sa necktie ko at napangiti.



you can drive it if you want.” alok sakin ni mokong na ikinagulat ko.



really?” pakunwaring may pagaaalangan na tanong ko pero ang totoo excited na excited na ako sabay tupi ng light pink long sleeves ko papuntang siko para mas malaya ang paggalaw ng mga kamay ko sa manibela ng motor.



heres your helmet.” abot niya sakin nito, pati ang helmet ay pamatay sa itsura.



nice!” excited kong sabi.



I didn't know you're a fanatic of nice motorcycles.”



nah. I just love everything that can travel upto 200 miles per hour or more.” paliwanag ko sa kaniya. Kinuwa ko ang inaabot niyang helmet at sinuot ito sabay paandar ng motor, naramdaman ko na umangkas si Drei sa likod ko at kinatok ang helmet na suot suot ko.



be careful. Kung hindi man tayo maaksidente, malamang papatayin ako ng kapatid ko kapag ginasgasan mo ito.”



trust me.” matipid kong sabi.



the last time I did, I ended up sleeping on a jail cell.” sabi ni mokong sabay tapik sa balikat ko.



kapit ka.” sabi ko, hindi ko pa man nararamdaman ang kapit niya sa balikat ko ay pinaharurot ko na ang motor.



Tawa ng tawa si mokong pagtigil namin sa harapan ng Manila Ocean Park, hinubad ko ang mabigat na astiging helmet sabay tingin sa kaniya, nakakalokong tumawa si mokong, parang bata na hawak hawak pa ang tiyan.



anong nakakatawa?” takang tanong ko sa kaniya.



mabagal ka palang magdrive?!” sabi ni mokong sabay punas ng luha na resulta ng kaniyang katatawa. Tinignan ko ang orasan ko.



it took us only 30mins.” pagdedepensa ko at napipikon na rin sa pangiinsulto ni mokong.



with this baby...” sabay tapik niya sa motor. “kung ako yan? 15 minutes andito na tayo kahit galing pa tayong office.” pagmamayabang ni mokong.



edi ikaw na! Saka natatakot ako na baka mahulog ka.” pagdedepensa ko. Napatigil si mokong sa pangaasar at napatingin sa mata ko, parang tinitignan niya kung nagbibiro ako at parang nasiguro niyang sakin nga naggaling ang mga salitang yun at nasiguro niyang hindi rin ako nagbibiro ay parang kinilig ito na napangiti.



anong ningingiti ngiti mo dyan?!” takang tanong ko.



wala nagugutom na kasi ako.” sabi ni mokong at parang bata na niya akong hinila papunta malapit sa Manila Ocean Park.


may makakain ba tayo sa loob nyan?” at umiling lang siya sa tanong kong yun.


di naman tayo dyan kakain eh...” mangitingiting sabi ni mokong.



Itutuloy...

Comments

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]