Love at its Best (Book2 Part6)

Love at its Best (Book2 Part6)
by: Migs


Sabi ko na nga ba, mali ang naging desisyon ko na iwan si Lorenso sa puder mo eh!” sigaw ng isang babae.


Nakahiga ako sa isang malambot na kama, may makirot sa kaliwang kamay ko at pangmamanhid sa halos buong katawan ko, unti unti kong dinilat ang mata ko, nasisilaw ako. Masakit ang ulo ko. May makirot sa kaliwang bahagi ng mukha ko. Nang masanay ang mata ko sa liwanag nakita ko ang aking nanay, katabi nito ay ang aking kuya, sa kabilang bahagi ng kwarto ay si Dad.


this is all your fault!” sigaw ng aking ina sa aking ama. Inaawat ni kuya si Mom at pilit pinapaupo.


bakit ko to naging kasalanan?” tanong ng tatay ko.


pabaya ka kasing ama! Wala kang inatupag kungdi ang mga pasyente mo!” sigaw ulit ng nanay ko.


kinuwa mo si Enso sa custody ko para saan? Para pabayaan siya?!” sigaw ng nanay ko. Di na siguro nakayanan ng tatay ko at nag walk out na ito, at ang nanay ko naman ay napaupo at umiiyak.



Ma, pahinga ka muna, ako na munang magbabantay kay Enso.” sabi ni kuya. Tumango lang ang nanay ko at lumabas na din ng kwarto.


Ganyan na sila kahit nung magkakasama pa kami sa iisang bahay. Away ng away, sigawan ng sigawan. Ganyan na talaga si Dad, may pusong bato. Si Mom naman bungangera na talaga, at si kuya ang mediator sa lahat ng bagay. Nang maghiwalay sila mom at dad, dahil sa laging pagiging busy ni Dad, kinuwa ni dad ang custody namin. It was like living in hell. Di nakatagal si kuya at lumayas na ito, tinustusan ang sariling pagaaral sa Manila, at dahil maliit pa ako, ako ang naiwan para saluhin lahat ng pagkasama ng ugali ni Dad.


Enso?” napatingin ako kay kuya.


kuya.” sabi ko at napahagulgol na ako. Sinubukan ko siyang abutin para yakapin pero di manlang ako makaupo at ng iabot ko ang kanang kamay ko, nagulat ako dahil may nakalagay na swero dito.



shhhh, pahinga ka lang.” pinahiga ulit ako ni kuya, at naalala ko lahat ng nangyari. Huli kong natatandaan ang pagyakap sakin ni Sam.


kuya si Sam?” tanong ko kay kuya pero iyak na ako ng iyak. Ramdam kong maga parin ang kaliwang bahagi ng mukha ko. Niyakap ako ni kuya.


wala na si Sam.” mahinang sagot sakin ni kuya. Kahit papano ineexpect ko na ang sagot na yun, pero napahagulgol parin ako. Iyak ako ng iyak, kahit isang linggo na ang nakaraan, walang tigil parin ang iyak ko.


00000oooo00000


KRINGGGGGGGGGGG! Napabalikwas ako sa kama, naramdaman ko nanaman ang sakit sa kaliwang kamay ko. Pumunta ako sa banyo at binuksan ang medicine kabinet. Nakita ko ang pain reliever na inireseta ng doktor ko, inilagay ko ito sa loob ng bibig ko at nilulon ito. Isinara ko na ang medicine cabinet, nakita ko ang sarili ko sa salamin. May mga bakas pa ng natuyong luha sa mga mata ko. Naaalala ko nanaman si Sam. Ang mga hirit niya, ang mga pagpapakilig niya sakin ang mga kakesohan. Lahat lahat. Pero may isa ring taong pilit sumisiksik sa utak ko, pero pilit itong ipinaluluwa ng puso ko.


00000oooo00000


haist! Ang galing nung ginawa kanina ni Jon, di ko akalain na yung kulokoy na yun eh capable na gumawa ng ganun.” pagkwekwento ko kay Sam habang papunta kaming mall para maghapunan.


tapos yung project niya for biology eh interesting din, no wonder kung makakalaban ko siya...” di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang kabigin ang manibela papunta sa shoulder ng high way.


ano ka ba Sam! Buti na lang walang sasakyan sa kanan!” sigaw ko sa kaniya, pagtingin ko sa mukha niya madilim ito.


Sam? May problema ba? Kanina naman nung umalis tayo sa school nangiti ka pa.” di siya sumagot. Matagal kaming nanahimik, galit na galit siya, mahigpit ang hawak niya sa manibela, at daretso lang ang tingin niya.



Sam kausapin mo naman ako. Ano bang ikinagaganyan mo? May nasabi ba akong di maganda?” tanong ko.


manhid mo talaga.” nagulat ako sa sinabing yun ni Sam. “you've been talking about Jon for 15 minutes already.” pero imbis na magseryoso ako, tinawanan ko lang siya.


nagseselos ka?!” sigaw ko sabay tawa ng malakas.


bakit? Di ko kasi matatanggap kung don mo ako ipagpapalit, loser kaya yun, ang korny korny manamit, kachupoy ang buhok. Di hamak namang gwapo ako dun!” pagmamaktol ni Sam. Dercho lang ako sa pagtawa.


ano bang nakakatawa?” tanong ni Sam, na medyo natatawa na din.


ang cute mo pala kasing magselos.” sabi ko at pinisil ko ang ilong niya.


00000oooo00000

“Bwisit na traffic!” Sigaw ng isip ko habang binabaybay ang coastal road, napatingin ako sa mga bahayan sa aking kanan. May isang basketball court don. “panahon nanaman pala ng liga.” sabi ko sa sarili ko, nung makita kong nagpipilahan ang iba't ibang team ng bawat barangay.


00000oooo00000


“HAPPY ANNIVERSARY ENSO!” sigaw ng mga cheer leaders na ikinagulat ko. Laro ng school namin laban sa isa pang school, kasalukuyang halftime noon, kaya kesa makipagdaldalan oh kumain ng hotdogs nagbasa na lang ako ng notes ko. Di mapigilan ang ilan na magtanong kung sino ang Enso na isinisigaw ng cheerleaders, at sa ilang nakakakilala sakin, ay napatingin na lang sakin.


got my message?” bati sakin ni Sam nung inintay ko siya pagkatapos ng laro niya.


yup got it.” ngiti kong sabi.


nakalimutan mo no?” pangaasar na tanong ni Sam.


Oo nga eh, bwisit kasing algebra exams yun!” nakita kong nalungkot si kumag. Padabog na binuksan ni kumag ang kotse at ibinato ang bag niya sa backseat. Nagdrive na pauwi si kumag, nakasibanghot nanaman ang mukha. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero hinahawi niya ito. Tinanggal ko ang seatbelt ko at inabot ang bag ko sa back seat.


ano ba yang ginagawa mo? Umayos ka nga ng upo!” utos sakin ni Sam habang nakasibanghot parin ang mukha. Iniabot ko sa kaniya ang isang maliit na box. Nagulat siya dito, dahan dahan niyang binuksan sa may tapat ng manibela. Napangiti na si kumag.


tampo tampo ka pang bwisit ka!” naiirita kong sabi. Napatawa siya. Hinawakan niya ang kamay ko, pero this time hinawi ko ito. Tumingin ako sa may bintana. Tumigil bigla ang kotse sa gitna ng kalsada. Nagulat ako. Nagsisimula ng bumusina ang mga sasakyan sa likod namin. Tumingin ako kay Sam, nagulat ako ng hubarin niya ang seatbelt niya at lumapit sakin. Hinalikan ako sa labi, napatagal yun. Busina na ng busina ang mga sasakyan sa likod.


Ilagay mo naman tong ibinigay mo saking singsing.” sabi ni Sam. Sinuot ko ang singsing at niyakap ulit siya.


Sam, Mahal na Mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit kanino hangga't nabubuhay ako. Promise.” sabi ko kay kumag, sabay titig sa mukha niya at haplos sa pisngi niya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Hinawakan ko ng isang daliri ang kaniyang labi, napakalambot nito, masarap halikan. At nang magsawa na ako sa kakatitig sa kaniya ay hinalikan ko na siya sa labi.


00000oooo00000

Isang sakit sa kaliwang kamay ko ang bumasag sa pagmumunimuni ko. “urghhh! Bwisit na kamay to! Pag di ka tumigil ipapaamputate na kita!” sabi ko sa sarili kong kamay. Pumunta akong quarters, kumuwa ng isang pain reliever sa bag ko. Nagulat ako ng biglang may kumanta sa likod ko.



Naiinis na ako sa iyo

Akala ko biglang nabuhay si Sam, nakikita ko siya ngayon, nakanta. Ang mukha ni Sam nagiging mukha ni Jon. Umiling iling ako para malaman na hindi ako nananaginip.


Bakit mo ba ako ginaganito
Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo
Ano pa bang dapat na gawin pa


Nagpapalakpakan na ang mga doktor na kasma ko sa quarters na yun, kinikilig siguro, tinignan ko ulit si Jon, may pumasok na isa pang nurse na lalaki at kinuwa ang gitara kay Jon. Tuloy parin sa pagkanta si Jon. Tinitigan ko siya. Nakikita ko nanaman sa kaniya si Sam. Umiling ulit ako.


Sa 'king pananamit at pananalita
Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin sa iyo

Wag mo na sana akong pahirapan pa
Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita

Ano pa bang dapat na gawin ko
Upang malaman mo ang nadarama ko
Upang iyong mapagbigyang pansin
Aking paghanga at pagtingin
Sa iyo

Oo na mahal na kung mahal kita


Nang matapos ang kanta, lalo akong napatitig kay Jon, nginitian niya ako ng pagkatamis tamis. Bumalik ako sa oras na babangga samin ang truck. Kinalas ni Sam ang seatbelt niya at yumakap sakin.



Mahal na mahal kita Lorenso Santillan.” muli ko nanamang narinig ang boses ni Sam. Nageecho, mukhang galing sa kalooblooban ko, napabuntong hininga ako.


Sumakit nanaman ang pilat sa kaliwang kamay ko. Tumulo ang mga luha ko. Tinignan ko ang pilat at kinapakapa ito ng kanang kamay ko. Napatingin ako kay Jon, napansin kong nakatingin din pala siya sa pilat ko. Alam na niya marahil ang iniisip ko. Malungkot ang mukha.



Sam, Mahal na Mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit kanino hangga't nabubuhay ako. Promise.” sabi ng aking sariling puso. Tila pinapaalala ang aking pangakong binitiwan.



“I'm sorry Jon, di ko maibibigay ang hinihingi mo.” mahinang sabi ko sa nagiintay na Jon sa harapan ko.




Itutuloy...


Comments

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]