Love at its Best (Book3 Bonus Chapter)
Love at its Best
( Book3 bonus chapter)
by: Migs
I can't believe that I'm staring at our annulment papers.
“What Drei?! What do you want me to do?! Pinagpalit ko ang karera ko bilang doktor so we can work things out between us! And now you're going to walk away from me?!” nanggagalaiting sigaw sakin ng asawa ko.
It was Ram's idea to give our marriage a chance. A chance to work things out, pero wala na kay Dalisay ang puso ko. matagal na itong hindi tumitibok para sa kaniya. After Dalisay lefft me for the states, everything just felt numb, bumalik lang lahat ng emosyon sakin nung nakilala ko si Ram. Nung magkakilala kami pareho pa kaming may dinadala. Siya, fresh from break up ako naman iniwan ng asawa.
Wala pang isang taon noon nung iwan ako ni Dalisay. Mas pinili niya ang kaniyang kagustuhang maging sikat na Neuro Surgeon sa U.S. Nagpasya akong lumipat ng mapagtatarbahuhan at nagpalipat sa Makati branch ng isang sikat na kumpaniya para narin kahit papano makalimot narin ako sa mga ginawa ni Dalisay sakin.
I was waiting to be admitted at a club nung dumating si Ram. Semi kalbo, maamong mukha, magandang katawan at pamatay na sex appeal. Lahat ng tao napatingin sa kaniya, yung iba madapa dapa pa sa kakatitig sa kaniya. Pati ata mga bouncers ng club hanga sa tindig ng taong ito. At ganun ganun na lamang ay agad siyang nakapasok sa club. Madami ang nagngitngit lalo na yung mga matatagal nang nagiintay.
Nakapasok na kami ng aking mga kasama sa loob ng club at palinga linga akong naglakad lakad sa loob ng club, parang may hinahanap na kung sino, hindi ko naman malaman kung sino. At ng tumama ang mata ko sa lalaking naka white v neck na shirt, black leather jeans at fine kicks from nike, saka ko na realize na ito palang lalaking ito ang kanina ko pa hinahanap.
Ang tagal kong tinignan si Ram sa harapan ko, di ko alam kung napapansin niya ako, basta't masaya siya sa iniinom niyang tequilla, ramdam ko ang lungkot sa bawat lagok at bawat bntong hininga na pinapakawala niya. Tas bigla siyang humarap sakin. Namula ako at parang estatwang nakatayo sa may harapan niya, tinitigan niya ako at nagpakawala ng isang matamlay na ngiti.
Parang bumagal ang buong mundo, bumagal ang galaw ng bawat tao sa dance floor, pati na rin ang likot ng iba't ibang ilaw sa dance floor. Ilang segundo, ilang minuto o ilang oras kaming nagtitigan, di ko na namalayan.
Inabot ko ang aking kamay sa kaniya para magpakilala pero imbis na iabot niya sakin ang kaniyang kamay ay hinila niya ako sa aking braso at dinala sa dance floor. Nagsimula siyang sumayaw at ganun din ako, inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tenga at binulong ang aking pangalan pero bigla siyang humarap sakin at nagtagpo ang aming mga bibig. Wala ni isa sa mga sumasayaw sa dance floor ang naka pansin na may dalawang lalaki na naghahalikan sa kanilang tabi.
“that was nice.” bulong sakin ni Ram. Parang may pinindot na button sa aking sistema at biglang nagwala ang kanina pang naghihimutok kong puso. Isang papuri pa lang iyon pero iba na ang dating sakin.
“kuwa lang ako ng drinks.” paalam ni Ram sakin. Pero hinawakan ko ang kaniyang braso parang may nagsasabi sakin na dapat ko siyang pigilan. Nagulat ito sa ginawa ko, agad naman akong nagbaba ng tingin dahil sa pagkapahiya sa ginawa ko. Iniangat ni Ram ang aking mukha gamit ang kaniyang kanang kamay. Para kaming kalahok sa larong stop dance, magkaharap lang kami, hawak niya ang aking mukha at nagtititigan lang kami, habang ang mga tao sa paligid namin ay abalang abala sa pagsasayaw at pakikipaghuntahan.
Napa buntong hininga na lang ako ng matapos ko ng basahin ang nilalaman ng divorce papers na dapat ayon sa aking lawer ay basahin ko raw maigi. Kumuwa ako ng isang malamig na beer sa loob ng ref humarap ako sa may verranda ng condo unit ko at ninamnam ang magandang view.
“ganda dito ah.” sabi ko kay Ram, habang inihinto niya ang kotse pa harap sa isang bangin na kitang kita ang buong ciudad. Malalim na ang gabi kaya naman kitang kita ang nagkikinangang ilaw ng lungsod.
Lumabas si Ram at umupo sa hood ng kotse, naglabas ako ng beer na binili namin bago pa kami umalis ng bayan. Halatang malalim ang iniisip nito. Nagpasiya akong tabihan siya, pero parang di niya napansin na tumabi ako sa kaniya, tahimik lang kami pareho at parehong nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng ciudad.
Tinapos niya ang isang bote ng beer at ibinato ito sa pinakamalapit na puno, nararamdaman kong dito niya lang pinoproject ang galit niya, inabot niya ang kaniyang kuwitas at nilaro ito sa kaniyang palad. Tumayo siya bigla sa hood ng kotse. Hinatak niya ang kuwintas at umakmang ibabato ito sa may bangin, nakita kong may mga luha ng tumutulo mula sa kaniyang mga mata. Nagalangan siya at itinago na ang kuwintas sa kaniyang bulsa.
Humarap siya bigla sakin, nagpahid ng luha na parang bata, umupo sa tabi ko at sumandal sa aking balikat. Hindi na siya umimik pa. Mahinang tumutugtog ang radyo sa loob ng sasakyan, patuloy parin ang pagpatak ng luha niya, idinaretso ko na lang ang tingin ko at pinagmasdan ang makikinang na ilaw.
Itinago ko ang aking mukha sa likod ng aking mga kamay matapos buksan ang iPod na nakapatong sa dock nito.
Binuksan ni Ram ang pinto ng kaniyang kwarto, inintay niya akong makapasok saka isinara ito sa aking likod, marahan niya akong isinandal dito at inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Saktong nadampian ng sinag ng ilaw sa labas ang mukha ni Ram, kitang kita ko ang kaniyang naniningkit na mata, matangos na ilong kayumanggi at pantay na kutis sa mukha at manipis na bigote at balbas.
“he's perfect.” sabi ng aking isip.
Kasabay nito ay napansin kong may lungkot sa kaniyang mga mata. Parang lagi siyang maiiyak. Tahimik lang kami pareho, pareho lang din kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Hanggang nagsimula ng lumapit ang kaniyang labi sa aking mga labi, hindi mapakali ang aking puso sa loob ng aking dibdib, parang paulit ulit itong kinukueyente at sa bawat dampi ng kuyente dito ay mas bumibilis ang tibok nito.
Sinimulan na niyang tanggalin ang aking t-shirt, saglit na tumigil ang aming paghahalikan, kala mo kami parehong tumakbo sa 50km run for a cause, dahil sa bilis ng aming paghinga, napansin kong lalong namula ang kaniyang mga labi. Napansin niya marahil na naka titig lamang ako sa kaniyang mga labi kaya't nagpamalas siya ng isang pamatay na ngiti. Marami na akong nakitang ganoong ngiti, “Crooked smile” ang tawag ng mga babae dito. Pero iba ang kay Ram, walang halong pilit ang kaniya, hindi niya iyon ginagawa para magpa cute lamang. Natural na ito sa kaniya. Lalo namang kumabog ang dibdib ko sa ginawa niyang yon.
Sinimulan niya ulit akong halikan, maalab, mapusok puno ng emosyon. Parang gusto ko ng matunaw noong panahon na iyon. Wala pang humalik saakin ng ganoon. Maski ang asawa ko.
“Asawa ko!” sigaw ng isang bahagi ng aking isipan, bahagya kong naitulak si Ram.
“What's the matter sweetie?” mahinang bulong sakin ni Ram saka sabay na dinilaan ang lambi ng aking tenga.
Hinubad na ni Ram ang kaniyang pang itaas at bahagya akong napahiya sa ganda ng kaniyang katawan. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniyang katawan ay itinaas niya ang aking mukha at pinaharap ako sa kaniya. Muli ko nanamang nasilayan ang kaniyang “crooked smile”. Ako naman ngayon ang hindi nakapagpigil at sinibasib na siya ng halik.
Agad niyang ibinaba ang kaniyang halik papunta sa aking leeg sunod naman sa aking dibdib, inakay ko siya pabalik at muling nagtama ang aming mga labi.
Tumapat ako sa ilalim ng maligamgam na tubig mula sa shower head, di parin ako makapaniwala na hahantong ang lahat ng ito sa ganito.
“Annulment.” bulong ko sa sarili ko.
Tumutugtog parin ang iPod sa dock nito ng matapos akong maligo, nagsuot ako ng isang damit na normal ko ng sinusuot tuwing papasok ako. Kinuwa ko ang susi ng bahay pati ng aking kotse, katabi nito ang susi ng Ducati na pinahiram sakin ng aking kapatid. Imbis na susi ng aking sasakyan ang kuwanin ay ito ang aking dinampot. Nagpalit ako ng damit, isang long sleeve na kulay pink ang aking pinalit. Palabas ng condo ko ay dinampot ko ang helmet at nagtungo na sa parking area.
“Mahilig din pala sa mabibilis si mokong! Ayos makukuwa ko na ang loob niya.” bulong ko sa sarili ko habang nakaangkas kay Ram patungo sa napili kong lugar kung saan kami maglulunch. Di ko mapigilang yapusin si Ram habang nagmamaneho ito. Hinayaan niya lang ako.
Para kaming nakaupo sa isang hapagkainan, ang pinagkaiba lang ay hindi pagkain ang nakahain sa harapan namin ni Dalisay kundi tambak ng papeles tungkol sa aming paghihiwalay. Binabasa ng abogado lahat mga kundisyon at kung ano ano pang bagay na hindi ko naman maintindihan, habang sa tapat ko ay ang aking asawa na si Dalisay. Di ko ito matignan, alam ko by now mamasa masa na ngayon ang kaniyang mga mata. Para makatakas mula sa nalalapit na emotional breakdown ni Dalisay ay inikot ko ang aking upuan paharap sa bintana ng conference room na iyon sa loob ng lawfirm na pinuntahan ko para ayusin ang paghihiwalay namin.
Minulat ko ang aking mata. “Isang napakagandang gabi.” bulong ko sa sarili ko kasabay nito ang pagadjust ng mga mata ko sa liwanag noong umagang iyon. Saglit akong napayuko at lihim na napangiti. “may nangyari ulit samin.” bulong ko nanaman sa sarili ko. Bigla akong napatayo sa aking higaan ng makarinig ng isang ingay. Parang isang salamin na nabasag.
Agad kong dinampot ang isang T-shirt at lumabas sa may salas ng aking unit, nakita ko doon ang wedding picture namin ni Dalisay, nasa sahig ito at nabasag. Saktong nakita ko si Ram na palabas ng pinto.
Sinubukan ko siyang pigilan, isinara na niya ang pinto ng taxi, parang nagdadalawang isip pa ang driver kung papaandarin na niya ang kanyang sasakyan. Muli akong napatingin kay Ram. Mamasamasa ang paligid ng kaniyang mata. Kitang kita ko ang itsura ng isang taong trinaydor.
Kahit kailan di ko makakalimutan ang itsurang iyon.
Nabasag ang aking pagmumunimuni ng isang hikbi, hikbi na galing kay Dalisay. Nakatalikod parin ako sa kaniya at nakaharap parin sa bintana, tinanaw ang naglalakihang gusali sa tabi ng gusali na kinabibilangan namin.
“Please, Drei.” mahinang sabi ni Dalisay. Panandaliang tumigil ang abogado sa kaniyang pagbabasa at paglilitanya. Pero di ako umimik, tanging mga hikbi lang ni Dalisay ang maririnig sa buong kwarto. Nagsimula ulit magsalita ang abogado.
“Drei!” sigaw ni Dalisay. Natigilan ang abogado sa ginawang pagtawag na yun ni Dalisay sa aking atensyon.
“I'll leave you guys alone for a minute to settle all of this first.” naeskandalong pahayag ng abugado at lumabas saglit ng kwarto. Sa Bintana parin ako nakaharap nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Dalisay at lumuhod malapit sa aking kanang paa.
“I tried telling you, believe me...” maang sabi ko kay Ram para mapigilan siya sa paglayo sakin
“I don't know what to believe anymore.” matipid niyang sagot. Pinaharurot na niya ang sasakyan, sinubukan ko itong habulin pero masyado itong mabilis magpatakbo. Napaluhod na lamang ako sa gitna ng kalye itinakip ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha at wala nang nagawa kundi umiyak at paulit ulit na sabihn ang pangalan ni Ram.
Inakay ko patayo si Dalisay at iniangat ang mukha nito paharap sakin, pinahid ko ng aking kamay ang kaniyang mga luha. Nagpakawala ako ng isang matamlay na ngiti dito.
“give us another chance. Please, Drei.” bulong sakin ni Dalisay sabay nito ang pagyakap niya sakin.
“I already gave us a chance, Dalisay. Wala na saiyo ang pagmamahal ko, alam kong nararamdaman mo iyan. Di na tayo tulad ng dati. Sinubukan kong ipilit pero hanggang dito na lang talaga eh. Magiging unfair lang ako sayo kung ipipilit pa natin ang hindi na dapat.” mahinahon kong sabi kay Dalisay sabay hinalikan ang noo niya.
“I'm so...” paghingi ko sana ng paumanhin pero bigla kong naalala si Ram.
“I'm really getting tired of that word.”
Mahigpit na yumakap sakin si Dalisay.
Mabilis kong pinaharurot ang sinasakyan kong motor papunta sa bahay ng kua ni Ram. May isang taon narin ang nakalipas simula nung huli kaming nagkita. Ngayon ipaglalaban ko na si Ram, pwede na akming magsama.
“Drei!” gulat na bati sakin ng kuya ni Ram.
“gusto ko sanang malaman kung san na ngayon si Ram.” panimula ko, halatang nagulat siya sa gusto kong mangyari. Nagtaas ito ng isang kilay saka medyo nagalangan.
“saglit lang kukuwa lang ako ng papel.” matipid na sagot nito.
Masaya akong naghihintay sa labas ng isang gusali sa Ortigas. Nakasandal ako sa malaking motor ng aking kapatid at mayabang na dinisplay ito. Nagsimula ng maglabasan ang mga tao sa kani kanilang opisina. Tumingala ako at tinignan kung gaano katayog ang gusali na asa harapan ko.
Mula sa aking kinauupuan ay kitang kita ang kabuuan ng buwan. Parang ilang milya lang ang lapit nito sakin, maliwanag na maliwanag ito, pero nasasapawan ito ng nagkikinangang ilaw ng mga nakapalibot na gusali. Mula rin sa aking kinauupuan ay maririnig ang lakas ng sounds mula sa party ng aming opisina sa baba. Dorm party ang theme kaya naman ang ilan sa mga nagtatandaang parte ng opisina ay masaya na muli nilang nararanasan ang pagiging kolehiyala at pagiging konyo.
Kung anong saya nila ay siya namang lungkot ko. Nakita ko kanina si Ram. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung umalis siya matapos malaman ang tungkol samin ni Dalisay at sa pagsisinungaling ko tungkol sa pagkamatay nito. Gusto ko man siyang kausapin ay talagang di ko magawa sa sobrang hiya. Sinong di mahihiya? Trinaydor ko siya. Nagsinungaling ako sa kaniya. Sinaktan ko siya.
Biglang bumukas ang pinto patungo sa rooftop na kinalalagyan ko, nagbuntong hininga si Ram. Nakita ko muli ang kaniyang maamong mukha.
Biglang bumagal ang oras nang makita ko ang aking iniintay na lumabas sa pinto ng gusaling kanina ko pa minamanmanan. Nagtama ang aming mga mata. Nagpakawala nanaman siya ng isang ngiti. Ang ngiting gustong gusto ko sa kaniya. Lumapit siya sakin at sinalubong ko naman siya. Ilang minuto lang kaming nagtititigan pero parang isang buong taon na yun.
“Ram?” tanong ng isang lalaki sa likod niya.
“Martin, this is Drei an old friend. Drei, this is Martin my boyfriend.” nagulat ako sa sinabi niyang yun, inabot ni Martin ang aking kamay at nakipag shake hands ito sakin.
“Nice meeting you.” naibulalas ko sa kabila ng sobrang sakit na aking nararamdaman. Pansamantalang lumayo si Martin, marahil ay para kumuwa ng masasakyan nila ni Ram.
“musta?” panimula nito sakin.
“ok lang. Annuled na” matipid kong sagot.
“Mart's a good guy.”
“I can see that.” nagpakawala ako ng isang malungkot na ngiti.
“Ram.” aya ni Marti kay ram nang maka tyempo ito ng isang taxi, panadaliang sumenyas si Ram na magintay at humarap ulit ito sakin.
“Do you love him?” mahina kong tanong.
“Yes.” matipid na sagot ni Ram. Tumalikod na ako at isinuot ang Helmet.
“Drei.” tawag ni Ram pero di na ako kumibo pa.
“see you around Ram.” matamlay kong sabi at pinaharurot na ang Ducati, tinignan ko ang side mirror at nakita ang malungkot na habol tingin sakin ni Ram.
Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.
-WAKAS-
ARAY...haaayst I never thought that it will end like this..haayats
ReplyDeletemigs, nagagalit cla sau sa page, hahahaha...it only proves na napukaw mo ang emosyon nila d2 sa story na to, congrats! (",)
ReplyDeleteAng sad naman :(
ReplyDeletebaket naman ganito ung ending! naiyak ako dun...
ReplyDeleteHaist. Marathon reading since last night. :P Next series na. Haha.
ReplyDeleteIt would be great to have faghag like cha. :P
haist what a shocking and heartbreaking ending it is. it didn't end that way i thought it will. :C ang sad naman nun. naawa ako kay drie pero di ko din masisi si ram but still .. :CCC huhuhu
ReplyDeleteso nice.... cant wait for another love story of ram and martin hahahaha
ReplyDeletebest book series ng love at its best. love it!
ReplyDeleteganyan tlaga ang buhay, hindi lahat may happy ending...ang isang bagay kahit gaano mo kagusto kung hindi para sau hindi tlaga para sau:(....
ReplyDelete