Love at its Best (Book2 Part7)

Love at its Best (Book2 Part7)
by: Migs



Nakita ko na lang ang sarili kong sinusuntok ang punching bag. Sampung minuto? Kinse minutos? O isang oras na akong nagsususuntok dito? Hindi ko na matandaan, ang alam ko, mahapdi na ang mga kamao ko. Basang basa na ng pawis ang scrub suit ko at ang white coat ko ay may mga bahid na ng dumi. Galit na galit ako. Alam kong gusto ko rin si Jon pero may pwersang tumitigil sakin para ituloy ang nararamdaman ko. Nagagalit ako kay Sam, sa sarili ko at sa tadhana.



“Enso?” tawag ni Jon sa likod ko.


“Is this about Sam?” malungkot na tanong ni Jon. Napatigil ako.


“Sam is no longer with us. Why don't you give yourself a chance to be happy.” sabi ni Enso. Itinuloy ko ang pagsuntok sa punching bag. Humahapdi na ng humahapdi ang kamay ko.


Niyakap ako ni Jon para pigilan ako sa pagsuntok sa punching bag, pinapatahan niya rin ako kasi di ko namalayan na naiyak narin pala ako. Kumawala ako sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa kong yun.


“Sam's dead, Enso!” sigaw ni Jon sa likod ko, napahinto ako sa paglalakad. Ang sakit ng sinabi niyang yun.


“I know I can never replace Sam in your heart, pero wala na siya! Andito pa ako, buhay na buhay at handa kang mahalin! Ako na lang ang mahalin mo. Bakit hindi mo tanggapin na wala na si Sam? Bakit hindi mo tanggapin na hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal na hinahanap mo galing sa kaniya?!” pahabol na sigaw ni Jon.


“No one can replace Sam!” sigaw ko sa kaniya sabay harap. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Jon.


“You taught me how to live, but it was Sam who taught me about love and how to love at its best. So yes, YOU can never replace Sam. NEVER!” singhal ko kay Jon sabay lakad palayo sa gym.


Di ko maintindihan ang sarili ko, alam kong gusto ko rin si Jon, sinong hindi magkakagusto sa kaniya, gwapo, mabait, matalino at sweet. Pero hindi ko kayang kalimutan si Sam, parang nagtataksil ako sa kaniya tuwing kasama ko si Jon, ayokong makalimutan ang isang Simon Apacible, ang buhay ko.



“Ano ka ba baks?! Di mo naman kakalimutan si Sam eh. Don't you think it's time for you to be happy naman? Don't you think its time for you to let Sam be a part of your past na?” panenernong sabi sakin ni Cha.



“hindi ko pwedeng i-isang tabi lang si Sam.” mahinahong sabi ko kay Cha.



“Sam is dead.” pagpapaintindi sakin ni Cha.



“I know.”



“Jon likes you.”



“I like him too.” sagot ko. At binatukan ako ni Cha ng ubod ng lakas.



“Ang arte mo talaga! Ganito lang yan eh. Natatakot ka lang kasi na mawala yung konting alaala ni Sam na pinanghahawakan mo kaya hindi ka makagawa ng mga bagong alaala kasama si John.” sabi ni Cha, natameme ako sa sinabi niyang yun. Tama siya, yun nga marahil ang problema ko.


Ilang buwan na ang lumipas, pero hindi parin kami naguusap ni Jon, tuwing magkakasalubong kami, laging may isang iiwas. Inaamin ko kahit papano ay namimiss ko din siya. Yung mga hirit niya, yung mga sweet talks, ang mga pagpapakilig niya. Pero mali kasi kung ipipilit ko pa.


Isang araw habang nagra-rounds ako sa hospital at nagsususlat ng bagong order sa mga metal chart, napansin kong dumadalas ang agkirot ng aking kaliwang kamay. Nung mga nakaraang araw di ko na ito masyadong pinapansin, pero iba ngayon. Napansin kong may nakatingin sakin, lumingon ako at nakita ko si Jon sa likod ko, marahil napansin niyang himas himas ko rin ang aking kaliwang kamay. Malungkot ang mga titig ni Jon sakin.


00000oooo00000


“Baks! Punta tayo Tagaytay!” aya sakin ni Cha, habang inaayos ko ang gamit ko para sa paguwi.


“pagod ako whole week Cha, pwedeng next time na lang?” sabi ko kay Cha.


“Baks naman! Saglit lang, road trip lang tayo.” pagpupumilit ni Cha.


“di ko dala sasakyan ko.” sabi ko.


“bus tayo!” matipid na sagot ni Cha. Wala na akong nagawa, nagpunta kami sa may Pasay at sumakay ng bus papuntang Mendez.


“ay manong! Inatyin niyo ako ah, nakakita kasi ako ng donut oh, wait lang bili lang ako saglit!” excited na sabi ni Cha sa konduktor.


“sure Miss Beautiful.” sagot nung konduktor sabay kindat.


“Cha, dun ka na lang bumili sa Tagaytay!” pagpigil ko sa kaniya.


“ano ba baks! Gutom na gutom na ako!” sigaw ni bruha sakin, sabay lakad sa pasilyo ng bus. Pinabayaan ko na lang ang bruha sa gusto niya, binuksan ko ang ipod ko at isinukbit ang earphones. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito at nagulat, si Jon pala. Biglang umandar ang bus dahandahan palabas ng terminal at napatayo ako, tinanaw ko kung nakasay na pabalik si Cha, walang Cha na naglalakad sa pasilyo ng bus pabalik sa upuan niya. “Nalintikan na.” sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko ang bruha na ngumunguya ng donut at nakangiting pangdemonya.


“umupo ka na, baka biglang magbreak yung bus.” mahinahong sabi ni Jon.


“plinano niyo ba to? Excuse me bababa ako.” sabi ko kay Jon. Pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ulit.


“isipin mo na lang na asa anger management class ka pa ulit namin ni Cha.” mahinahong sabi ni Jon, napatingin ako sa mata niya. Nagmamakaawa ito. Umupo ako at pinabayaan na lang siya sa gusto niya.


“san ba tayo pupunta?” tanong ko kay Jon.


“wag kang magaalala, di PA kita rereypin.” ngumiti ito na pangdemonyo. Ibinalik ko na lang ang earphones sa tenga ko at sumandal, ipinikit ko na ang mga mata ko. Tutal mukhang di naman ako sasagutin ng maayos nitong kumag na to.



Naramdaman ko na lang na bigla akong nilamig. Pagdilat ko nakasandal na pala ako sa balikat ni mokong, “ambango niya” isip ko, tinignan ko siya, tulog din. Di muna ako umalis sa ganoong posisyon. Sa halip mas lalo ko pang idinikit ang ilong ko sa dibdib niya.



“di kaya maubos ang amoy ko niyan?” sabi ni mokong, napadaretso naman ako ng upo bigla. Nagtutulugtulugan lang pala si kumag. Napahiya tuloy ako.


“oh bakit mo inalis ang ulo mo? Sige sandal ka lang. Ok lang.” takang tanong ni Jon, hindi siya nagloloko, seryoso ang mukha niya.


“ah eh, wag na nkakahiya naman sayo.” nahihiya at giniginaw kong sabi. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa Aguinaldo hiway na kami. Iniabot sakin ni Jon ang isang jacket.


“thank you.” mahinang sabi ko. Napatingin ako sa kaniya, seryoso parin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinablot at pilit pinasandal sa balikat niya. Umakbay naman siya sakin, namiss ko ang may yumayakap sakin ng ganon. Aayos sana ako ng upo, pero pinigil ako ni Jon. “dito ka lang.” mahinang sabi niya. Di na ako nakapalag. Di nagtagal nakatulog na ulit ako.


00000oooo00000

I'll be loving you forever
Deep inside my heart
You'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever

You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz 'round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I
Wanna spend forever with you

I'll be loving you forever
Deep inside my heart
you'll leave me never
Even if you took my heart
And tore it apart
I would love you still...forever

Nagising ako sa ingay na ginagawa na yun ni Sam, hindi man maganda ang boses ni kumag, gustong gusto niya paring ginagamit ito.


Ingay mo naman!” saway ko sa kaniya.


aba! Ikaw kasi, tinulugan mo ako! Kita mong limang oras na akong nagdadrive dito oh.” nakasibanghot na sagot sakin ni Sam. Tinignan ko siya, halatang nainis ang kumag. Tinanggal ko ang seat belt ko at lumapit sa kaniya, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at dun pinagpatuloy ang pagtulog.


Antukin!” mahinang sabi ni Sam. Napangiti naman ako.

00000oooo00000


Naramdaman kong may parang mga buhangin na bumabagsak sa mukha ko. Pagdilat ko andun si Jon na kumakain pala ng buko pie. Tumingin ito sakin at ngumiti.


“bababa na tayo mayamaya.” sabi nito. Umupo ako ng maayos at pinagpag ko naman ang mukha ko ng mga mumo mula sa kinakain niyang buko pie, sabay tingin kay Jon ng masama.


“ay sorry, gusto mo ba?” sabay pagpag niya sa mukha ko. Tinignan ko ang lalagyan ng buko pie na inaalok niya, nakita kong may isang slice na lang ng buko pie ang natira. Umiling ako.


“ok, sakin na to ah.” sabay kain ni Jon sa natirang slice, natawa naman ako, antakaw kasi ni mokong. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ito ng matamis. At naalala ko ulit ang napanaginipan ko kanikanina lang. Nang matapos ang kinakain, tumayo na si mokong at inabot ang kamay ko.


“halika na, lapit na tayo dun, malapit na tayong bumaba.” at inalalayan niya akong tumayo.


Pagkababa namin ng bus, tumingin ulit siya sakin. Nakita kong may piraso pa ng buko pie sa labi niya, pinunasan ko ito, nagulat kami pareho sa ginawa ko, bumawi na lang ako ng tingin at ibinaling ang tingin ko sa isang pamilyar na bahay sa kabilang kalye. Napakunot ang noo ko. Bahay iyon ng mga lolo at lola ko. Imposibleng alam ni Jon ang lugar na ito, wala akong nabanggit sa kanila ni Cha tungkol dito. Pilit ko ring inaalala kung may nabanggit nga ba ako. Tumawid kami at nag doorbell sa may gate.



“anong gagawin natin dito Jon?” mahinang tanong ko sa kaniya.



“I've been in touch with your brother.” sagot ni Jon. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, may isang linggo na ang nakakaraan ng tawagan ako ng tita ko, kapatid ni Daddy, meron daw sakit si Dad, at sana daw ay makadalaw ako dito. Tahimik lang ako, hindi ko magawang tumalikod, alam kong panahon na din para makausap muli si Dad.



Di pa man ako nakakapasok sa bahay ay nanlalamig na agad ako, hinawakan ni Jon ang kamay ko, kinakabahan. Ganun parin kaya si Dad? Siya parin kaya ang tatay kong walang puso? Humigpit ang hawak ni Jon sa kamay ko. Sinalubong kami ni kuya.


“kanina ka pa iniintay ni Dad.” sabi ni kuya, sabay yakap sakin ng mahigpit, hindi siguro niya napansin ang paghawak ng kamay ni Jon sa kamay ko.



“ano bang balita?” tanong ko kay kuya.


“its cancer, liver cancer stage 4.” sabi ni kuya na ikinagulat ko. sinamahan niya kami hanggang sa kwarto ni Dad, di ko naman maiwasang magtaka, kung galit ako kay Dad, mas lalo na si kuya, pero eto siya ngayon mas nauna pang magpatawad kay Dad kesa sakin. Habang papalapit ako ng papalapit kay Dad, nararamdaman kong nanginginig ako. At gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko.


“Enso?” mahinang tawag sakin ng aking ama.


“Dad?” sabay lapit sa higaan ni Dad, kitang kita ang pagbagsak ng timbang ni Dad, dumami ang puting buhok, at gumaralgal ang boses.


“musta ka na anak? Balita ko you're doing well sa hospital ah.” at isang ngiti ang ibinigay niya sakin. Tumango lang ako.


“I'm so proud of you, anak.” at naiiyak na ang aking ama. “alam kong di ako naging mabuting ama.”


“shhh Dad ok na yun.” mahinang sabi ko.


“sana mapatawad mo ako.” at nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata ng aking ama. Pinahiran ko ito gamit ang aking kamay, inabot ito ni Daddy at hinawakan.


“salamat anak, salamat. Mahal na mahal kita, kayo ng kuya mo.” tumayo ako at hinalikan si Dad sa noo.


“love you too Dad, saka sorry din sa lahat ng mga nasabi ko dati. Pahinga na kayo Dad, bukas na tayo magusap, importante makapagpahinga kayo. Bukas ipagluluto ka namin ni kuya ng pancakes and waffles.” at isang ngiti ang binigay ko sa kaniya. Ngumiti si Dad at tumango.


“gusto ko iyan anak. Salamat.”



Lumabas ako ng kwarto ni Dad, huminga ng malalim at di ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Kasunod ko si Jon at si kuya, niyakap ako ni Jon. Napayakap narin ako sa kaniya. Nakita ko namang nakatingin samin si kuya.


“magkatabi ba kayong matutulog?” tanong ni kuya na ikinagulat ko naman.


“Opo”... “hindi ah!” sabay naming sabi ni Jon. Napangiti si kuya.


“I mean uuwi kami.” sagot ko kay kuya, at tinignan ng masama si Jon.


“dito na kayo matulog Enso, halatang pagod pa kayo. Saka sabi sakin nitong si Jon may pupuntahan pa daw kayo bukas.” at ngumiti ito.



“eh san mo patutulugin tong si Jon?” tanong ko kay kuya, kasi medyo may kaliitan din yung bahay.


“magtabi na kayo dun sa guest room. Ok lang na mabuntis ka Enso, may tarbaho nanaman kayo eh, kaya nyo nang sustentuhan ang bata pagnagkataon.” at humalakhak si kuya.


“tado!” sabi ko kay Kuya.


“and besides, Jon looks like the marrying type.” pahabol na pangaasar ni kuya.


“Tantanan! Pwede?!” sigaw kong balik kay kuya. Habang si Jon naman ay nangingiti lang sa gilid.


Habang nasa kwarto kami, wala kaming imikan ni Jon. Nanonood lang ako ng TV, habang siya ay nagpapatuyo ng buhok. Mayamaya nangulit nanaman ang mokong.


“palabiro pala kuya mo no?” tanong nito sakin.


“Oo, kumag yun eh.” sagot ko naman sa kaniya, habang nakatutok ang mata ko sa palabas na Rubi.


“at least siya boto sa akin.” mahinang sabi ni Jon. Napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.


“tulog na tayo?” pagiiba ko sa usapan.


“ok sige.” sabi ni Jon, sabay patay ng ilaw.


“ayoko ng nakapatay ang ilaw.” sabi ko. at binuksan ulit ang ilaw sa tabi ng kama.


“eh di ako makakatulog pag nakabukas ang ilaw eh.” sagot ni kumag. At patay ulit ng ilaw.


“eh pano naman ako makakatulog kung papatayin mo yang ilaw?” tanong ko. biglang bumukas ang pinto, at bumulaga si kuya.


“para kayong magasawa!” sabi ni kuya, sabay halakhak at sara ng pinto.


“sige na iiwan na lang na bukas yang ilaw, pero yayakap ka sakin.” kundisyon ni Jon.


“Wag na! Sige patayin mo na lang.” sabi ko.


“ayun naman pala eh, susuko ka rin naman pala eh.” pangaasar ni Jon.


Di pa man nagtatagal ay narinig kong humilik si kumag, at hindi na talaga ako nakatulog.


Itutuloy...

Comments

  1. hahaha..i like the story!kakakilig si Jon!^^

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]