Love at its Best5
Love at its Best5
by: Migs
“Putaragis na buhay to oh! Now I'm stuck with Ed!” sabi ko sa sarili ko.
“katakaw mo kasi, di mo manlang napansin na may kakaiba dun sa lasa ng pagkain mo...” si Ed pinapamukha sakin ang katangahan ko...
“gago ka talaga! Pano kung na overdose ako dun sa ginawa mo?! Pano kung may harmful effects yun?! Maliban sa pagtatae!” sabi ko nang may pagkainis sa kaniya.
“it pays to check the label!” saby ngiti sakin ng nakakagago nanaman at habang pinapakita ang lalagyan ng gamot.
“sige na kainin mo na yang saging” at ngumiti nanaman si loko.
“ayoko! Malay ko bang kung ano meron diyan!” at tumawa siya ng malakas.
Nagulat ako sa susunod na ginawa niya, nagbukas siya ng isang saging kumain at kumuwa ng isa pang saging at isinubo sakin.
“mahilig ka pala talaga sa mahahaba at mabibilog na...” di ko na siya pintatapos sa sasabihin niya at binatukan ko na siya.
Habang nilalantakan ko ang isang piling na saging, naaasiwa naman ako sa pagtitig ni Ed , nang mapatingin ako sa kaniya, parang binabasa niya ang nasa utak ko... parang hinuhulaan niya ang dahilan ng pagiging aloof ko sa kanila... parang kinakabisa niya ang bawat pag nguya ko... seryoso ang mukha... malapit ng magdikit ang kilay niya... ako naman nalulusaw at di mapakali.
“So, Cha told me to check up on you” sabi ni Ed.
“I'm not sick, I don't need someone to check up on me, and besides bakit pa kailangang sabihin ni Cha yun sayo, e madalas naman kaming magkausap sa phone...” sabi ko ng medyo naiirita parin at nagtataka.
Parang isang bata naman siya na nahuli sa pagsisinungaling, di alam na nagusap kami ni Cha nito lang, saka di naman ako pinakakamusta ni Cha, siya mismo ang nangungumusta ng personal... inayos ni Ed ang sarili at ibinalik ang composure na nawala ng mapahiya sa kasinungalingang ginawa niya.
“ok fine! Andito ako cos I miss you!” sabi niya at napayuko. “after that incident nung birthday ni Cha, di ka na nakikipagusap sakin, di na kita nakikita madalas, nahihiya naman akong itext ka, baka kasi di mo lang ako pansinin... san ka punta Migs?” naputol siya sa kaniyang paglilitanya nung tumayo ako sa aking pagkakaupo at naglakad palayo, pumasok ako ng kwarto.
“damn! I hate drama!” isip isip ko.
Di ko inexpect na kay Ed pa manggagaling yun... malaking mama... lalaking lalaki... tas magdradrama ng ganon?!Nagulat ako ng biglang magbukas yung pinto ng kwarto ko.
“If you don't want to talk to me its fine...” at umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan niya ang kanang balikat ko.
“bakit ba parang wala ka nang energy makipausap sakin?” paglalambing niyang tanong.
“araykupo!” napasigaw niyang sabi pagkatapos ko siyang haklitin sa batok.
“Tarantado ka pala eh! Pano ako magkakaenergy kung itinae ko na lahat!” at isang batok nanaman ang iginawad ko sa kanya... di naman siya tumigil sa kaka tawa nung mapatakbo nanaman ako ng CR...
“ano ba naman tong mga DVD mo dito Migs! Puro romantic movies! Wala ka bang bomba films dito?!” at ngumiti nanaman ng nakakagago si kumag... “aha eto maganda!” at sinalang nya yung DVD ng One more Chance... at tumabi sakin si kumag... di ko naman maiwasang mainis lalo
“puta naman talaga! One more Chance pa sa dinami dami ng pelikula Ed! One More Chance pa!!!” pasigaw kong sabi sa kaniya.
“di ko pa napapanood yan eh!” sigaw naman niyang ganti...
Habang nagkakaiyakan na, di ko rin mapigilang mapasinghap at mapaluha para akong tanga, alam ko pero anong magagawa ko eh naluluha ako eh... tas naramdaman ko na lang na umakbay sakin si Ed... lalayo sana ako.
“dyan ka lang” sabi niya ng mahinahon pero di parin ako nagpatinag tumayo ako pero hinila niya ang kamay ko at napaupo ulit.
“sabing dyan ka lang!” pagalit na niyang sinabi... wala na akong nagawa...
“luwag luwag naman kasi ng sofa Ed, bakit kailangan mo pang umakbay at sumiksik sakin!” pagtataray ko.
“wag ka nang mataray! Gusto ko may sandalan... inaantok ulit ako” di ko naman mapigilang mapangiti.
Pero syempre di ko pinahalata yun... non stop na yung luha ko nung dumating na sa part na umiiyak na si Maja Salvador... nung sinabi niyang pumikit si John Loyd para di niya makita na nasasaktan si Maja. At nang matapos na nga yung pelikula, napatingin ako sa katabi ko... akala ko natutulog nanaman ang kumag yun pala pinapanood ako... nakangiting gago nanaman... bigla naman akong nagpunas ng luha at uhog.
“para kang bata umiyak... naaalala ko si Cha nung inagawan ko ng candy... talaga namang kumukulot pa yung labi mo pababa tapos namumula pa yung ilong mo” at tumawa siya ng malakas at nakakaloko.
“Eh ano naman sayo kung para akong bata umiyak?!”
“bakit ba ang sungit sungit mo sakin ha?!” sabat na naman niya
“ikaw na lagyan ng pampatae pagkain mo makukuwa mo pa bang matuwa?!” sabi ko na pinapantayan ang pasigaw niyang boses.
“eh bakit ikaw?! Tama bang pagsarhan ako ng pinto ng kwarto nang alam na alam mo naman na wala akong matutulugan dito sa labas at nasa loob pa ang mga damit ko huh?!” pareho na kaming nakatayo at magkaharap, habang nagtititigan kami bigla niyang kinuwa ang baba ko tas inalog ang mukha ko kaliwa't kanan.
“ang cute cute mo talaga!” sabi ng may panggigigil.
Pero bumalik nanaman sakin yung itsura nila ni Lei at ang pagpapaalam sakin ni Jon... nalungkot nanaman ako.
“baliw ka na ba? Bakit kanina nagtataray ka, tas mukha kang kinikilig tapos ngayon naiiyak ka nanaman...” pagtatanong ni Ed.
At inirapan ko siya... tumalikod sa kaniya... bigla naman niya akong niyakap mula sa likod... pareho nanaman kaming napaupo sa sofa.
“ano ba kasing problema? Bakit ayaw mong sabihin? Di mo ba ako pinagkakatiwalaan?” sinabi niya with that effin bedroom voice! Gusto kong matunaw
“dahil ba kay Jon kaya ka nagkakaganyan?” tanong niya ulit.
Dahil nga ayoko ng drama sukang suka ako tuwing kokomprontahin ako, ay nagdahilan na lang ako.
“hindi, wala lang talaga akong energy dahil sa kagaguhan mo!” at humarap ako sa kaniya at ngumiti ng pilit... tumayo ako at nararamdaman kong sakin parin nakatingin si Ed...
Nagkwekwentuhan kami ni Ed habang nakain ng lunch.
“teka di ka a ba hinahanap ni Lei?” tanong ko habang kunwari ay busyng busy ako sa pagkain.
matagal siyang sumagot at ng tumingin ako sa kaniya, nagulat ako dahil ansama ng tingin niya...
“oh, bakit may nasabi ba akong di maganda?” tanong ko.
“wala naman, sabihin mo nga sakin Migs, nagseselos ka ba kay Lei?” at nasamid naman ako sa sinabing yun ni Ed.
“sus, ito naman masama bang mangamusta? Saka b..bakit naman ako magseselos” at tumawa ako pero mukhang napa OA ata kaya mukhang di kumbinsido si mokong.
“bakit mo ginagawang katatawanan to Migs? Ano ba ako para sayo?” at napatahimik ako sa tanong na yun ni mokong.
“aahhhmmm kuya ni Cha?” at nginitian ko siya nagdikit nanaman ang kilay ni mokong at hihiritan sana ako ng isa pang panabla pero nagring ang cell phone niya.
“Lei?”
Yun lang at tumayo siya palayo sa lamesa... sus may tumusok nanaman sa puso ko... pero di ko nagpahalata... tanginang pride to... pero alam ko kasi pag sinabi ko sa kaniyang nasasaktan ako at nagseselos kay Lei wala rin akong mapapala... natatakot akong masaktan... ma reject... di ako mahal ni Ed ang mahal niya si Lei... baka nga tawanan pa ako ni mokong! tinapos ko na ang pagkain ko... di ko na siya inintay... kinuwa ko ang twalya sa likod ng pinto ko sa kwarto at sumenyas sa kaniya na maliligo lang ako...
Humarap ako sa salamin... dati rati kasama kong tumitingin dito si Jon pag sabay kaming naliligo... dati rati sabay kaming nagto-toothbrush sa harap ng salamin na to ni Jon... dati rati yun... ngayon ako na lang mag isa dahil sa pagtraydor ko sa kaniya... pota ka bobo ko kasi... umasa ako na baka mahal ako ni Ed kaya hinanda ko ang sarili ko na pakawalan si Jon... kabobohon ko nga naman... ngayon eto... si Ed may girlfriend... ako, akala ko handa nang mawala at pakawalan si Jon, at si Jon... nasaktan ko ng todo...
Tumulo nanaman ang luha ko... “ano ba?! Di ka pa ba nagsasawang umiyak?!” sabi ng utak ko... naligo muna ako... nagrelax... at nagmuni muni... iniisip ko kung ano ang pinaguusapan nila Ed at Lei. “bakit ba papaapekto ka sa kanila?!” sabi nanaman ng utak ko... “madami namang iba dyan...” sabi ulit ng utak ko at pinatay ko na ang shower at tinuyo ang sarili...
Paglabas ko ng banyo... akala ko may makulit na Ed na susuyo at mangungulit sakin... pero wala pala. “tangna umasa ka nanaman ulit...” sa sobrang inis... tinawagan ko lahat ng bi friends ko at nagayang magclub.
“gurl ano ba lunes na lunes???” sabi ng isa kong kaibigan.
“cut the crap Migs! May pasok ako bukas” sabi naman ng isa... tinext ko si Cha, walang reply...
“VERY GOOD!” bulalas ko nanaman sa sarili ko... “me and my EPIC fail!” sabi nanaman ng utak ko... maski ako lang magisa pumanta akong MOA, madami namang bar sa likod nun pwede akong maginom kahit ako lang.
isa, dalawa, tatlo, pitong bote... groggy na ako... pero higit sa lahat natatae nanaman ako “putanginang gamot yan oh!” pinangako ko sa sarili ko na kapag sumabog ang tae ko dito hinding hindi ko mapapatawad si Ed...
Nagbayad na ako, may poise parin naman ako kahit groggy na ako... sumakay ako ng elevator papuntang parking.
“bobo! Bakit pa naman kasi ako sa level parking nag park” sabi ko nanaman sa sarili ko malamang mahihilo nanaman ako pababa pa lang ng level parking dedo na ako sa hilo. hinanap ko ang sasakyan ko... “peste! San nga pala ako nag park!?” At nakita ko na ang kotse ko, may mamang nakatayo...
“Migs ano ba yang ginagawa mo?! Bakit ka ba nagpapakalasing!?” tsk! Si Ed pala
“ahhh wala haha! Tangina kasi... dami kong problema ngayon pro wala to Ed” sabay ngiti...
“tignan mo nga sarili mo Migs...” at pinaharap niya ako sa bintana ng kotse ko. Tangina napaka wasted ko... para akong tanga... di naman ako ganito dati.
“halika na doon ang kotse ko...” sabi niya.
“wag na, kaya ko pa!” pagtanggi ko naman.
“wag ka ngang tanga!” at hinaklit niya ang batok ko.
“pano mo ba ako nasundan dito?!” tanong ko.
“nagtext sakin si Cha... sinabi niya rin na lagi ka sa south parking nagpapark... lakas pa ng loob mo na mag level parking ah?!” at tumawa siya pero di na ako tumawa... nahihilo na ako...
Habang nasa sasakyan andami daming tanong ni Ed, pero na sense ko na sa kadramahan nanaman matatapos lahat.
“sorry kanina, bigla akong umalis” sabi niya.
“sanay na ako” sagot ko naman.
“Migs ano bang ikinagaganyan mo? Sabihin mo naman sakin please oh!” pagmamakaawa niya at may galit sa boses.
“tulog muna ako Ed, please? Nahihilo pa ako eh...” pag iwas ko sa tanong niya, pero infairness nakakatulog na talaga ako.
“oi wag mo naman akong tulugan! Timo tong taong to matapos magpakalasing tutulugn ako!” at napangiti naman ako sa sinabi niyang yun...
“Migs! Migs!” inaalog nanaman ako ni kumag.
“Napaka antukin mo talaga! Andito na tayo sa bahay mo!” ngiting sabi niya sakin... malapit nanaman ang mukha ko sa mukha niya.
Napakagwapo talaga nitong mokong nato... di ko mapigilang humanga... pero mali kasi may Lei na naka harang sakin papunta kay Ed... binuksan ko ang pinto at naglakad palayo.
“Migs bakit ka ba nagkakaganyan?” habang tumatagal naiinis ako sa tanong na yun.
“dahil... dahil nasasaktan ako Ed” at nagulat siya sa sagot ko... bumaba narin siya ng sasakyan...
“Migs?” tanong niya.
“di mo ba nakikita Ed? Iniwan ako ni Jon! Iniwan niya ako dahil wala akong maisagot sa kaniya nung pinapili niya ako between you two!” dahil narin siguro sa alak kaya naging matapang ako ngumiti ako saglit.
“pathetic no?” at pagkasabi ko nun tumulo na ang luha ko.
“di ako agad sumagot na siya ang gusto ko kasi akala... akala... AKALA KO! Merong namamagitan satin... na pwedeng maging tayo... na..na... na mahal mo rin ako” at pinakita nanaman ng mga labi ko ang pekeng ngiti.
Nagulat ako kasi kahit papano akala ko papakalmahin ako ni Ed, kahit papano umasa nanaman ako! UMASA na sasabihin ni Ed na mahal niya rin ako akala ko yayakapin niya ako pero mali! Katangahan nanaman ang umiral sakin sa pagasang may nararamdaman siya nagulat ako kasi tumalikod siya at humarap sa sasakyan para umalis at lalo akong nawalan ng pagasa na sasabihin niyang mahal niya rin ako tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.
“gusto kong sabihin mo Ed” wala nanamang puknat ang pag daloy ng mga luha ko.
“gusto ko sayo mismo mag galing” nababasa na yung tshirt niya sa likod dahil sa mga luha ko.
“sabihin mo na mahal mo ako... na... na hindi si Lei ang mahal mo... sabihin mo na mahal mo ako!! na ako lang ang nasa puso mo!!” at naramdaman kong bumibilis ang paghinga niya, inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at humarap sakin.
“Sorry Migs... but I Love Lei”...
ITUTULOY...
So nostalgic.. Migs!!!
ReplyDelete-smartiescute28@yahoo.com