Thursday, March 24, 2011

Love at its Best (Book2 Part8)

Love at its Best (Book2 Part8)
by: Migs



Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kalapit na kusina, Naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor, pumunta muna ako saglit sa kalapit na banyo. “Oo nga pala, nangako ako ng isang masarap na almusal para kay Dad” sabi ko sa sarili ko, nagmadali akong naghilamos at nagsipilyo. Paglabas ko ng kwarto, nakita kong nakaawang ang pinto ni Dad, sinilip ko ito, nagbabasa ng isang medical book at mukhang aliw na aliw, lumapit ako sa kaniya at binati ng goodmorning. Hinalikan ko ito sa noo at pinabayaan nang bumalik sa pagbabasa.


Naglakad ako palayo sa aking ama at pupunta sana sa kusina ng marinig ko si Jon at si kuya na nagtatalo sa pagluto ng pancakes at waffles. May mga bahid ng harina sa pisngi ang dalawa at ang kalat kalat na ng work table, may mga egg shells na nagkalat, nagkalat na rin ang mga bag ng harina at boxes ng mga ready mix. Napatitig ako kay Jon, habang binabasa ang instructions sa likod ng isang ready mix box. Naguguluhan parin ako sa aking nararamdaman, ginagawa ito lahat sakin ni Jon, inaayos niya ang gulo na naiwan ni Sam, he's been helping me with my personal issues, at higit sa lahat mahal niya ako at hindi siya nahihiyang iparamdam ito sakin.


“Alam mo anak, wag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa kaniya.” sabi ni Dad na hindi ko namalayan na asa likod ko rin at tinitignan din ang dalwang kulokoy sa pinaggagagawang kalokohan sa may kusina.


“Kahit ano pa man ang dahilan mo sa pagipit ng nararamdaman mo sa kaniya, hindi yun sapat na dahilan para i-deprive ang sarili mo sa pagmamahal na maaari mong matanggap. Everyone deserves to be happy.” mahabang sabi ng aking mahinang ama. Lumabas siya sa pinagtataguan namin.


“Matt, Matt, Matt. You are not born to stay at the kitchen for more than 5 minutes. Hayaan mo na samin ni Enso yan.” pagawat ni Dad kay kuya sa paghahalo ng ingredients. Napatingin ako kay Dad, alam kong nararamdaman niya ang pagaalinlangan ko, at alam niya ang maaring dahilan.


Naging masaya ang agahan na iyon, sa wakas after a long long time, our Dad actually became a Dad. Nagtimpla ng kape si kuya at Jon. Belgian waffle, pancakes and a coffee made my day.


“so Jon, seryoso ka ba dito sa anak ko.” nasamid naman ako bigla dun sa tanong ng tatay ko na yun, biglang bumalik ang pagiging strikto nito.


“opo Sir, though di pa ako sinasagot ng anak niyo.” sa pangalawang pagkakataon nasamid nanaman ako.


“well, you have my blessing, hijo. Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang isang to.” sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ko.


“Dad, I think I know kung bakit natatagalan tong si Enso na sagutin si Jon.” sabat ng kuya ko.


“shut up kuya.” singhal ko kay kuya. Pero si Jon na ang nagtuloy sa ikinatatakot kong sagot.


“he's still in love with Sam.” malungkot na sabi ni Jon.


“I wouldn't blame him...” sabay tingin sakin ni Dad. “Sam was his strength, nung mga panahong dina-down ko si Enso, it was Sam who's always by his side. So I wouldnt blame him for loving Sam, even after Sam died.” naluluhang sabi sakin ni Dad. Napayakap na lang ako sa aking Ama. At napaluha na din.


“So make sure that you are worth Enso's love.” pahabol na sabi ng aking ama kay Jon. At napansin ko si kuya na tumatango tango na lang.


“don't worry Mr. Santillan, I'm willing to show Enso here, how serious I am about my feelings for him.” at sa pangatlong pagkakataon nasamid nanaman ako, at sa pagkakataong ito kailangan na akong dagukan ni kuya para lang makahinga ng maayos.


Pagkatapos ng masayang almusal na iyon ay pinagpahinga na muna namin sa kanyang kwarto si Dad. Kinausap saglit ni Jon si Dad sa loob ng kwarto, parang nagpapaalam, lalapit sana ako ng bigla akong hatakin ni kuya sa isang tabi.


“Jon's a keeper, don't mess up this time.” seryosong bulong sakin ni kuya. Lalo tuloy akong napaisip sa sinabi niyang yon.


00000oooo00000


“San ba tayo pupunta Jon?” tanong ko sa kaniya habang mane-maneho niya ang kotse ni Kuya.


“basta.” matipid na sagot ni Jon. Nagulat ako nang tumigil kami sa tapat ng simbahan.


“dito ka na lang muna. Punta lang akong CR.” paalam sakin ni Jon.


“Iwan ba ako dito?” sigaw ko kay Jon, pero hindi ko na siya napigilan pa.

Mula sa sasakyan ay tinanaw ko ang simbahan, nakagayak ito, “meron sigurong ikakasal.” isip isip ko. dahil sa pagkainip ay lumabas narin ako sa sasakyan, naglakad konti at nilanghap ang sariwang hangin. Nakita ko sa karatula na malapit sa simbahan ang pangalan ng simbahan. “Our Lady of Lourdes Parish church.” di ko mawari pero kinabahan ako. At sa baba ng karatulang yun ang “donated by Mr. and Mrs Apacible.” lalo akong kinabahan at may kasama na ngayong pangingilabot.


“BAKS!” sigaw ng isang pamilyar na boses, na bumasag saking pagiisip.


“Cha?! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya at ng makalapit sakin si bruha at isang malutong na batok ang binigay ko sa kaniya.


“ARAY! Baks naman kagalang galang ako ngayon oh, can't you see?! I'm wearing a dress made by Gelai Agustin! Kaloka ka! Tas babatukan mo lang ako ng bongga!” sabi ng bruha. Napatingin ako sa kaniya at dun ko lang nakita na nakagown nga ang bruha.


“bakit ka nga andito?! At bakit mo ako iniwan sa terminal ng bus?!” sunod sunod na tanong ko sa kaniya.


“kasal ni kuya Ed. Ok na yun Baks para magkatuluyan na kayo ni Jon! Nasan nga pala si Jon?” sagot sakin ni Cha na ikinataka ko naman.


“si Ed? Ikakasal? Akala ko ba sila ni Migs?!” tanong ko ulit kay Cha.


“aba't naginarte pa pareho, ayun nauwi tuloy sa kasalan sila Lei at kuya. Pero alam ko si Migs ang mahal ni kuya at si Migs naman ay mahal na mahal si kuya Ed.” mahabang sagot ni Cha.


“ha?! E bakit di mo pinigilan?” tanong ko sa kaniya.


“tama ba ang narinig ko, hija?” tanong ng isang magandang babae sa likod ko.


“ah eh, Mama, this is Doc Enso, doc si Mama.” pagpapakilala ni Cha sakin at sa Mama niya na nauutal utal pa.


“I thought Migs is your boyfriend, hija?” tanong ulit ng Mama ni Cha.


“It was all for a show, Mama. Sorry kung nagsinungaling kami.” paghingi ng patawad ni Cha sa Mama niya.


“tama ba ang narinig ko? Si Migs ang mahal ng kuya mo?” tanong ulit ng Mama ni Cha.


“yes Mama.”


“then your kuya is making a big mistake. Asan siya?! Kakausapin ko. hindi pwedeng magpapakasal siya then magsisisi lang siya at the end. I text mo si Migs, tanong mo kung asan siya.” utos ng Mama ni Cha sa kaniya. Tumango lang si bruha.


Umalis sila ng sabay na animo'y wala ako sa tabi nila, “ay iwan ako bigla?” sabi ko sa sarili ko. naglakad lakad ulit ako, at napunta ako sa side chapel, nag antanda at naupo saglit sa mga mahahabang upuan na andun. Naririnig ko ang wedding bells at ang tugtog na hudyat na andyan na ang bride. “napigilan kaya nila Cha si Ed?” tanong ko sa sarili ko, pero hindi ko narin nagawa pang sagutin ang mga katanungan na iyon.


May napansin akong isang parihabang hugis sa pader ng simbahan, napapalibutan ito ng ilang magagandang bulaklak at ilang naka halerang kandila. Nilapitan ko ito. Naninikip ang aking dibdib, bawat apak papunta sa puntod na aking nakita ay pabigat ng pabigat, bawat tibok ng puso ko ay rinig na rinig at damang dama ng katawan ko, kasabay ng mga ito ang patulo ng mga luha ko.


I Love You Lorenso Santillian.”


uso pa ba ang harana...”


hep hep hep! Mag ce-celebrate pa kaya tayo. Nanalo kami oh, saka ang galing galing ko kaya kanina sa laro.”


Tuloy tuloy lang ang mga alaala na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, hindi ako makapaniwala, ang katotohanang pilit iniluluwa ng isip ko simula nang maganap ang aksidente ay naririto ngayon sa harap ko, napaluhod ako, di alintana ang tigas ng sahig, di alintana ang dumi nito, wala paring tigil ang pagpatak ng mga luha ko, habang kinakapa ang pangalan na nakaukit sa lapida. “Simon Apacible.”


kuya, please I need to get out of this hospital! I need to see Sam!” sigaw ko kay kuya nang maalimpungatan ako.


Sam is dead, Enso.” sagot ni kuya na ikinatahimik ko.


kailan ang li..libing?” nauutal kong tanong kay kuya.


tomorrow.” pagkasabi niyang yun, animo'y hinigop ang lakas sa buong katawan ko, nanlumo sa katotohanang narinig, nanlumo sa ideyang hindi ko na makikita ang pinakamamahal ko. napahagulgol ako. Wala narin akong pagkakataong makadalo pa sa libing, bali ang aking kaliwang paa, at maga parin ang aking kaliwang mukha. Lalo akong nanlumo, maski sa huling pagkakataon di ko na siya makikita.


Sam, With you is where I'd rather be. But we're stuck where we are and it's so hard, you're so far.


Sa gitna ng aking pagiyak na realize ko na maaring ito na ang iniintay ng puso ko, ang pagtanggap ng utak ko sa katotohanang hindi ko na makikita pa at mahahawakan si Sam, na hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal niya, na isa na lamang siyang alaala. Sa puntong yon natanggap na ng sabay ng puso ko at ng aking utak ang realisasyon, na wala kay Sam ang aking kasiyahan, maari noon naging masaya ako sa kaniya, pero ngayon, kailangan ko na ngang tanggapin sa sarili ko na hanggang alaala na lang ang lahat, at kailangan ko ng bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging masaya sa iba. Binasag ng isang ingay ang pagmumunimuni kong yon, tumayo na ako at inayos ang sarili. Ngayon alam ko na ang gagawin ko. biglang may yumakap sakin galing sa likod, at alam ko na kung sino yon.


“I'm here, I'm alive, I still breathe, my blood is still circulating, my heart is still pumping, and I'm in love with you.” pinaharap ako ni Jon sa kaniya at kinuwa ang kanang kamay ko at inilapat sa dibdib niya.


“nararamdaman mo ba yun?” tanong ni Jon sakin. Tumango lang ako bilang sagot.


“ikaw ang tinitibok niyan.” inilapat niya ang kamay niya sa dibdib ko.


“I can feel your heartbeat, I know that some part of your heart still beats for Sam and I can't do anything about it, it frustrates me, yes, but I'm willing to take chances, I'm willing to sacrifice and I'm willing to show you not just love but love at its best everyday, if that will make the rest of your heart mine.” mahabang pahayag ni Jon, natameme ako, tuloy parin ang pagtulo ng luha ko, this time not because of Sam this time, its because of Jon. Napatitig ako sa mukha ni Jon, pinahid ng kanyang isa pang kamay ang nadaloy na luha sa aking pisngi, inabot ang aking baba at inilapit ang aking mukha sa mukha niya. Naglapat ang aming mga labi. Alam kong si Jon na talaga, kahapon pa lang nung dinala niya ako kay Dad, at ngayon, tinulungan niya akong tanggapin ang katotohanan tungkol samin ni Sam, alam ko na na siya na nga ang iniintay ko. Siya ang aking lakas sa tuwing naduduwag ako, siya ang nagtuturo sakin kung pano mabuhay ulit, siya ang bagong buhay ko. lumaban na din ako sa halikan naming yun.


“Wow. That was weak.” mahinang sabi ni Jon pagkatapos namin maghalikan, na may halong pagkadismaya.


“what?!” singhal ko kay Jon sa sinabi niyang insulto. “I lack seven years of practice! Be considerate!” pagtatanggol ko sa sarili ko sa sinabi niyang insulto.


“then kiss me again, you can have me as a guinea pig to practice on.” mangitingiting sinabi ni Jon, naglapat ulit ang mga labi namin, this time ako ang nag initiate.


Biglang bumukas ang pinto sa may side chapel, iniluwa nito ang isang babaeng nakagown na puti, kasunod nito ang sabay sabay na pagbitaw ng pagkagulat ng mga tao sa loob ng simbahan at hindi nagtagal ay kasunod na nito ang groom.


“I can't do this Ed. Nararamdaman kong unti unti ka ng dumudulas sakin, ayokong pagsisihan mo itong gagawin natin sa huli.” pagkasabi nito ng bride ay nagsulputan naman ang ina ni Ed at ang parents ng bride.


“the wedding is off.” matapang na sabi ng babae, sa mga nakapalibot na tao sa kanila.


“Ivy...” mahinang tawag ni Ed sa bride.


“di na ikaw yung dating Ed, hindi na tayo yung dating tayo, marami nang nagbago. Di mo man sabihin, nararamdaman ko lahat ng iyon Ed.” lalong nagulat ang ama't ina ng taong tinatawag na Ivy, ang bride.


“thank you, Ivy.” mahinang sabi ni Ed.


“no problem, Ed.” at ngumiti ang bride.


“ganun lang yun?!” sigaw naman ng ama ng bride.


“Dad its ok, ayaw kong ipilit ang hindi talaga pwede.” mahinahong sabi ni Ivy, at nagwalk out ang pamilya ni Ivy, halatang mabigat ang loob sa kahihiyang naganap. Tinignan ni Ivy si Ed, nagtitigan sila.


“ingatan mo si Migs, wag mo siyang sasaktan.” sabi ni Ivy. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Ed.


“pano mo...?”


“hindi ako manhid, Ed” mangiti ngiting sabi ni Ivy, at tumalikod na ito.


Natahimik lahat di makapaniwala sa nangyari, dun ko lang napansin na nakatingin sakin si Cha, at ngiting ngiti ito, magkayakap pa kasi kami ni Jon, dun ko lang din naman napansin, at bigla akong bumitaw.


“may utang ka pa sakin ah.” bulong ni Jon sakin.


“Si Migs!” biglang sigaw ni Ed, at kala mo isa lamang ang iniisip nila at sabay sabay silang naglabas ng telepono at nagt-txt, si Cha ay tumawag na, pero walang sagot.


“malamang naka silent ang phone nun, di rin naman nag lalagay ng vibrating alert yun.” paliwanag ni Jon.


“Sige na kuya, hanapin mo na siya, kami na ang tatawag kay Migs, pag nakontak na namin siya saka ka namin itetext kung asan siya.” sabi ni Cha.


“wala akong dalang sasakyan.” sabi ni Ed. Napatahimik lahat.


“Ed,” tawag ni Jon, sabay hagis ng susi ng sasakyan ni kuya, na nasalo naman ni Ed.


“don't mess up this time.” pahabol na sabi ni Jon, sabay pakawala ng ngiti. Nagtaka si Ed, marahil iniisip kung bakit nandun si Jon.


“thanks, Jon. I owe you, big time!” sabi ni Ed at tumakbo na papuntang parking lot.


“yung kulay green na honda civic yan! FBS 120!” sigaw ko kay Ed.


“at talaga namang ibinigay mo pa kay Kuya ang ride mo, Papa Jon ha? Does this mean na ok ka na para kay Migs at kuya? Ready ka nang maging past ni Migs? At maging present naman ni Migs si kuya?” pangiinis ni Cha.


“Oo, naman andito na si Enso para maging present and future ko eh.” sabi ni kumag, at yumakap ulit ito sakin.


“ayieeee! Tseh! Kayo na ang masaya!” bitter na sabi ni Cha saming dalawa ni Jon. Napatawa naman kami ni Jon ng sabay.


“pano tayo uuwi niyan?” tanong ko kay Jon.


“bus.” sagot nito.


“pano yung kotse ni kuya?” tanong ko ulit.


“ako na ang bahala doon.” paniniguro niya sakin.


“teka text ko muna sila Dad, magpapaalam na muna ako na uuwi na tayo ng Manila.”


“nasabi ko na yun, bago tayo umalis, pumayag na sila na sakin ka na tumira.”


“aba at sigurado ka na talaga na tatanggapin ko ang panliligaw mo ah, pinaalam mo na agad ako kila Dad, pano pala kung hindi ako pumayag at si Sam parin ang pinili ko.” pasinhal kong tanong.


“imposible! Pipiliin mo ang patay laban sa akin na ubod ng gwapo.” pagbibiro nito.


“aba't tarantad...” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na ulit ako ni Jon.


“alam kong papayag ka na, ipinagpaalam na kita sa lahat. Kay Sam, sa kuya mo, sa dad mo at huli, nagpaalam na ako sayo. Naramdaman mo naman na ang tibok ng puso ko. alam mong ikaw lang ang tinitibok nito.” mahabang pagpapaliwanag sakin ni Jon nung naghiwalay ang mga labi namin. Wala na akong nagawa. Mahal ko na nga ang isang to. Nagpunta kaming MOA at tumambay sa may by the bay. Nagulat ako ng biglang kuwanin ni Jon ang telepono niya at may tinext tapos nagpaalam sakin na may kakausapin lang siya saglit.


Napatingin ako sa lumulubog na araw. Ngayon ko lang naappreciate ito, masyado akong nabulag ng mga masasamang kaganapan sa buhay ko sa loob ng pitong taon, na ang mga simpleng bagay na katulad nito ay hindi ko na magawang maappreciate. Madami ng nagbago, alam kong nasa puso ko parin si Sam, pero may puwang din ito para kay Jon. Alam kong hindi magagawang kalimutan ng puso ko si Sam, dahil ito ang nagturo sakin magmahal at si Jon naman ang nagturo sa aking mabuhay at magmahal ulit, kahit na puno ng pasakit ang ibato sakin ng buhay, alam ko andyan na si Jon na magtuturo sa akin para kayanin lahat ng iyon. Iginala ko ang mata ko, nakita ko si Jon na nakaupo sa bench at kausap si Migs. Lumapit ako.


“Jon?” tawag ko. lumingon si Migs, nakita kong nagulat siya sa bigla kong pagsulpot, pero napaltan din yun ng ngiti.


“Migs! Fancy meeting you here.” bati ko sa kaniya. Di ko kailangan makipagplastikan, di ko pa man siya lubusang gusto, pero kung susumahin, kung hindi niya ako inaway noon sa ER, hindi kami magkakalapit ni Jon ng ganito at hindi ko mababago ang pagiging pusong bato ko.


“ano Enso, alis na tayo?” tanong sakin ni Jon. Nagpaalaam na kami kay Migs. Naglalakad na kami palayo ng maisipan kong alaskahin si kumag.


“ikaw ah, baka may feelings ka pa sa isang yun.” sabi ko sa kaniya, sumeryoso ang mukha nito, akala ko nagalit, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.


“itong kamay na ito na ang gusto kong hawakan.” sagot ni kumag na ikinakilig ko naman.


“teka, pano kung biglang umalis si Migs, baka hindi sila magpang abot ni Ed. Sinabi mo bang hindi natuloy ang kasal?” tanong ko kay Jon.


“hindi ko sinabi, hayaan mong masurprise si kulokoy. Teka balik lang ako at para maipaalala na tignan niya ang telepono niya.” bumalik si Jon at kinausap ulit si Migs. Nakita kong nilabas ni Migs ang telepono niya, bumalik papunta sakin si Jon. Nakita kong naglakad palayo si Migs, animo'y pupunta na sa main mall nang biglang sumulpot si Ed na naka barong pa at slacks na itim. Sinigaw nito ang pangalan ni Migs. Inaya na akong umalis ni Jon.


“so pano, iuuwi na kita?” tanong sakin ni Jon, sabay ngiti ng nakakaloko ni kumag. Hindi na ako sumagot pa at hindi narin siya nakapagtanong pa dahil hinalikan ko siya sa labi, hinalikan na parang wala nang bukas.



-wakas-


6 comments:

  1. minsan tama tlga naglet go ng minamahal khit masakit kc my nkalaan n karapat dpat i like the character of JON even @ the book 1 of this story.
    Migs tnx again for posting tamad lng tlga q magcomments ive prefer a silent readermas cool...GOODLUCK PO.

    ReplyDelete
  2. a reli reli reli reli love Cha, this story continues to mesmerize me. :P

    ReplyDelete
  3. start ng kwento heavy drama...tpos nging nkakainis...sa mga huling parts andaming comedy, naaliw tlaga aq ky cha, lalu na sa bus scene na my mumo na nhulog sa muka ni enzo, npahagalpak tlaga aq xD

    gnda ng kwento, gling ng pgkakadugtong sa mga pangyayari, at puno ng nkakakilig na tagpo... excited nq bsahn book 3, peo d pa ngaun, 2:07am na at mbgat na mata q,bukas q nlang bbsahn :))

    thanks 4 sharing pla, galing mo! :))

    ReplyDelete
  4. after reading book one and two. ang sarap basahin. kaloka! yung pagkatagpi2x ng mga pangyayari ang gand. sang ngayon isa na toh sa mga gusto kung stories.:))
    tnx sire migs for this.love it. superb.! Godbless.. !!

    -marc

    ReplyDelete
  5. cant wait to read more story of upcoming characters..... :)

    ReplyDelete