Love at its Best (Book4 Part4)

Love at its Best (Book4 Part4)
by: Migs



Napadouble take ako.


Madilim na sa buong paligid, pero nung dumating si Panfi ay akala mo nagliwanag ulit ang kalangitan. Sa loob ng dalawang linggo kong pagstay dito sa Tagaytay ay ngayon ko lang nakitang ganito si Panfi. Kung sa coffee shop ay akala mo uugok ugok ito, ngayong sa harapan namin ni Kiko ay poging pogi ito. May itsura naman talaga si Panfi maski nung asa coffee shop pa kami, pero ngayon parang may nadagdag. Parang lalong naging confident si mokong.



Si Panfi ba talaga tong asa harap ko?” bulong ko sa sarili ko, napatingin ako kay Kiko at mabilisan niyang kinain ang kaniyang natitirang dirty Ice cream.



Bakit ka nandito?” maang na sabi ni Kiko kay Panfi.



Susunduin ko si Pol, may usapan kaming lalabas kami ngayong gabi.” pagkasabi nayun ni Panfi ay humakbang itong palapit sakin. Maagap namang humarang si Kiko sa pagitan namin ni Panfi. Napaikot na lang ulit ang aking mga mata.



Sinong may sabi sayo na papayagan ko siyang sumama sayo?” naningkit ang mga mata ni Kiko.



Sasama ako.” mahina kong sabi pero nakapagpatigil yun sa ismidan nilang dalawa. Yumuko na lang si Kiko, marahil ay tinanggap na ang kaniyang pagkatalo. Inabot na ni Panfi ang kaniyang kamay papunta sakin at inaaya na akong sumama sa kaniya. Lumapit na ako kay Panfi, pero sumulyap parin ako kay Kiko, nakayuko parin ito at madilim ang mukha. Nagsimula na akong akayin ni Panfi palayo ng magsalita ulit si Kiko.



Saglit lang... sasama ako.”



0000oooo0000



Nakakahiya naman sa syota mo.” naiinis na sabi ni Panfi. Nilingon ko si kiko at mukhang mas nagsasaya pa ito kesa samin ni Panfi. Sumasayaw ito sa dance floor at pinalilibutan ng ilang magagandang babae. Halatang nagpapaimress si kumag, kung kanino? Di ko alam. At mukhang iyon ang ikinaiinis ni Panfi. Walang effort maka magnet ng babae si Kiko.



yaan mo na, ngayon lang nakawala sa kura...” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Panfi ang kamay ko.



Ano ba talaga kayo ni Kiko?” seryosong tanong nito.



Magkaibigan.” sagot ko.



kung ganon pwede ba akong...?” di na naituloy ni Panfi ang sasabihin niya dahil biglang nagbagsak ng isang bucket na beer si Kiko sa pagitan namin ni Panfi at sinadya pa nitong daganan ang kamay ni Panfi.



Areku tangina!” bulalas ni Panfi, pero di to pinansin ni Kiko.



Treat ko.” pangaasar na sabi nito.



0000oooo0000


May pasok ako bukas Kiko.” matabang kong sabi kay Kiko. Pero bukas parin siya ng bukas ng beer para sakin. Tinignan ko si Panfi, nahihilo na ata ito, dahil gegewang gewang na ito sa kaniyang silya. Tinignan ko si Kiko at magiliw itong ngumiti sakin.



Alis na tayo Kiko. Di na kaya ni Panfi.” sabi ko kay Kiko.



0000oooo0000


Hina niyo namang uminom dalawa!” habang manemaneho ni Kiko ang sasakyan ni Panfi, tinignan ko si Panfi sa back seat at tulog na tulog ito.



Hala! di ko alam kung san nakatira yan.” kabadong sabi ni Kiko saka itinabi yung sasakyan.



Iuwi na lang natin sa bahay mo. Kahit ngay...”



HINDI!” pananabla sakin ni Kiko.



San mo patutulugin si Panfi? Nakakaawa naman!” balik kong sigaw kay Kiko, nagisip ito saglit.



0000oooo0000



Potah kabigat naman nitong kumag nato! Idea mo to diba?! Ikaw kaya ang magbuhat?!” at ipinasa sakin ni Kiko si Panfi. May kabigatan nga si Panfi kaya naman halos paluhod ko ng binuhat si Panfi. Humigpit ang yakap sakin ni Panfi na di naman nakaligtas kay Kiko. Tinampal ni Kiko ang kamay ni Panfi, pero di ito gumalaw. Ibinagsak ko si Panfi sa may kama, pero imbis na si Panfi lang ang maihiga sa kama ay napahiga din ako dahil sa sobrang higpit ng yakap nito sakin.



Hoy! At bakit diyan nakahiga sa kama ko yang ugok na yan?!” naiiritang tanong ni Kiko. Tas biglang naningkit ang mata nito ng makitang lalong hinigpitan ni Panfi ang yakap nito sakin.



At bakit ganyan makyakap yan?!” sigaw ulit nito. Bigla niya akong hinatak tas tinulak si Panfi, nahulog ito sa kama with matching malutong na tunog ng magtama ang katawan nito at ang sahig. Napadikit ako kay Kiko, masyadong napadikit na, ang ulo ko ay nasa dibdib niya, di niya ito napansin agad, pero ako sobrang namula na ako. Naramdaman kong gumalaw ang dibdib ni mokong na kala mo natawa. Tumunghay ako at nakita kong nakanguso na si kumag at nanloloko na manghahalik, muli ko itong sinupalpal ng palad ko.



Pero iba ngayon, imbis na maglapat ang palad ko at ang mukha ni Kiko, maagap niyang hinawakan ang aking kamay at marahang ipinatong sa kaniyang dibdib, nagulat ako. Unti unting lumalapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Unti unti ring nagbebend ang aking likod, na kala mo si Pilita Corales na nakanta ng matataas na kanta, sinusuportahan ng malatrosong braso ni Kiko ang aking likod at idinikit ang kaniyang katawan sakin.





NASUSUKA AKO!” sigaw ni Panfi sa sahig. Biglang kumalas si Kiko sa akin na siya naman ikinahulog ko sa sahig.




Wag ka dyan susuka ugok ka!” sigaw ni Kiko, habang hinihimas himas ko ang aking balakang na napuruhan sa pagbagsak ko.



0000oooo0000


Nagising ako sa ingay ng sigawan ni Kiko at Panfi, kinusot ko ang aking mata at nagsimula ng maginat ng lumanding sa mukha ko ang isang bagay na gawa sa bakal.



Areku!” sigaw ko at pinandilatan ang dalawa. Nagturuan naman ang dalawa. Umiling ako at tinignan ang bagay na tumama sa mukha ko.



Sorry Pol, ako talaga yung bumato. Gagantihan ko lang sana si Panfi kasi binato niya ako niyan kanina kaya ako nagising.” pagdedepensa ni Kiko.



pano para kang makina ng generator kung humilik!” sigaw ni Panfi.



Buti nga pinatulog pa kita dito sa bahay ko eh!” sigaw ni Kiko.



baho baho ng bahay mo! Akala mo naman gustong gusto ko dito matulog! Wala lang akong choice!” sigaw ni Panfi, nagulat ako ng biglang sugudin ni Kiko si Panfi at sinakal, inabot naman ni Panfi ang leeg ni Kiko at sinakal din ito.



Bahala na nga kayo diyan.” mahina kong sabi sabay iling.



Nagsimula na akong magstretch sa may terrace at nakaharap ulit sa Taal Volcano ng marinig ko ang sigawan at batuhan ng dalawa.



What a lovely way to start the morning.” labas ugat sa sentido kong sabi, habang pinipigilan ang sarili na pumasok ulit at beltukan ang dalawa. Dinampot ko na lamang ang iPod saka isinukbit ito sa aking braso.



Pol.” tawag sakin ni Kiko sabay kulbit.



oh?” tanong ko.



kape oh.” sabay abot sakin ni Kiko ng isang tasa ng kape, kitang kita sa noo ni Kiko ang latay ng alarm clock na ibinato kanina ni Panfi at ang marka sa leeg ng kamay ni Panfi parin.



dun ka ba ulit magjojogging?” tanong ni Kiko. Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si Panfi.



Wow! Jogging! Sama ako!” excited na sabi nito.



Akala ko uuwi ka na?!” matabang na sabi ni Kiko.



0000oooo0000



Aray.” bulalas ni Panfi habang nagja-jogging kami paakyat ng burol na madalas naming inaakyat ni kiko.



Oh, sabi ko kasi sayo mag stretching ka ng maayos eh, patignan nga.” sabi ko kay Panfi habang inaalalayan siyang umupo sa isang malaking bato.




Arte lang yan!” bulyaw ni Kiko sa likod namin.



Napaka isip bata mo talaga! Kita mong di na nga maipinta ang mukha ni Panfi sa sobrang sakit eh!” singhal ko kay Kiko. Napayuko naman ito at madilim ang mukhang pinagpatuloy ang pagja-jogging papunta sa tuktok ng burol.



0000oooo0000



Hinahanap ko si Kiko para ayain ng umuwi ng makita ko itong nakaluhod sa harapan ng isang estatwa.



Ako ang nagtanim! Iba ang aani! Unfair Mama Mary! Unfair!” sigaw nito, agad akong lumingon at tinignan kung maraming nakakasaksi sa kahihiyan na ginagawa ni mokong. Kinalabit ko si kumag. Hindi ako nito pinansin. Kinalabit ko ulit, hindi parin ako pinansin, isa pang kalabit...



Ano ba!? Kita mong nagdadasal ako eh!” singhal ni Kiko sakin.



Mukhang napuruhan si Panfi. Kailangan na nating bumalik.” palinga linga kong sabi kay Kiko sabay hingi ng paumanhin sa bawat taong nakakakita sa amin.



Edi umuwi kayo! Tutal parang wala naman ako sa paligid niyo pag naguusap kayo eh! Hala! Uwi! Magdadasal na lang ako dito.” pagtataboy sakin ni Kiko. Di ko na napigilan ang sarili ko at hinaklit ko na ang batok ni kumag.



Unang una, tumayo ka diyan at nakakahiya! Pangalawa, hindi si Mama mary yan si buddha yan, si budhha! Pangatlo, kailan ka pa natutong maginarte?! Ha?!” sigaw ko sa kaniya habang pingot pingot ang tenga nito, marami sa nakakakita ay natatawa, sinong hindi. Laki ng katawan ni Kiko tas kakaladkarin ko lang siya na parang six year old.



Naabutan namin si Panfi na di na alam kung panong pilipit ang gagawin dahil sa sobrang sakit ng paa nito. Agad na tumawag ng masasakyan si Kiko at dumaretso na kami sa Ospital.



0000oooo0000



Pano yan di pa tayo magkakasama sa tarbaho, Pol.” matamlay na sabi ni Panfi, tinignan ko si Kiko at parang tanga itong nagmumukmok sa isang sulok.



Excuse me.” sabi ng doktor at pinakita nito sakin ang x-ray ng paa ni Panfi.



Mukha namang walang bali, pero I would suggest na huwag niya munang masyadong ilakad ng ilakad yung paa na yun.” tinatamad na sabi sakin ng doktor, magaang ang loob kong bumalik sa cubicle ni Panfi, nagulat naman ako ng makitang nakasara ang kurtina papasok doon.



Napilayan ka na ngang hayop ka puro kamanyakan pa kay Pol ang iniisip mong hunghang ka!” may panggigigil na sabi ni Kiko kay Panfi saka may naririnig akong parang sinasampal saka umiingit na aso, binuksan ko bigla ang kurtina at nahuli si Kiko na sinasampal ang walang kalabanlabang paa ni Panfi.




Tarantado ka talagang isip bata ka!” sabay habol ko kay Kiko na may padila dila pa.



0000oooo0000


Pano ba yan boss, wala kang magagawa kundi isabay parin sa shift ko si Pol. Injured si Panfi eh!” may ibang ngiting sabi ni Kiko sa tatay niya.



Dalawang araw lang naman mawawala si Panfi.” tinatamad na sagot ng kaniyang ama. Nandilim naman ang mukha ni Kiko at pabulong bulong na bumalik sa tarbaho.



0000oooo0000


Eto nanaman ako, boryong boryo na sa propesor kong walang ginawa kundi patulugin kaming mga estudyante niya. Sinadya ko ulit na sa may bintana umupo.



Ayan para pag dumating na si Kiko... WTF?! Am I actually waiting for Kiko?!” pagrerebulusyon ng utak ko.



ERASE! ERASE! ERASE!” sabi ko ulit sa sarili ko sabay alog ng ulo ko, napatingin nanaman ako sa aking katabi at kinakabahan akong tinignan nito.



Pagsilip ko sa may bintana ay nandun na si Kiko, nagtama ang aming mga mata at kumaway ito sakin saka magiliw na ngumiti. Umupo na ito sa bench sa tapat ng aking bintana na lagi nitong inuupuan. Magiliw na nagiintay sakin, tatayo lang yan pag iihi o kaya ay may dumaan na dirty ice cream, o kaya may insekto o hayop man na lumapit sa kaniya. Panandalian akong nag take down ng notes, pagsilip ko ulit sa labas ay nakita ko si Kiko na siksik na siksik sa isang dulo ng bench. Yun pala may nakadapong ibon sa kabilang dulo. Napansin kong namumutla na si Kiko, pero ayaw niya paring umalis. Nagtaka naman ako kung bakit. Kadalasan kasi tatayo na yan at magtatatakbo, pero iba ngayon.



0000oooo0000


Nakatakas na ako sa nakakantok na klase namin, halos patakbo kong nilisan ang aming classroom, kung bakit? Di ko rin alam. Naabutan ko si kumag na nakain ng dirty icecream ang isa ay nakapasak sa bibig niya at ang isa ay hawak niya sa kaliwang kamay, nakita ko itong may sinusulat sa isang notebook.


Huy! Anong ginagawa mo ah?! Pambihira dalawa dalawa nanaman yang hawak mong Ice cream.” agad niyang isinara ang notebook na sinusulatan niya at kinuwa ang ice cream na nakapasak sa kaniyang bibig.


Wala to!” sabi niya, sinilip ko naman ang notebook at nakita ang cover nito, natatawa ako kasi ang cover ay si Novita at Doraemon. Napailing na lang ako.


Isip bata talaga.” bulong ko sa sarili ko. Tumayo si kumag at inaabot sakin ang isang ice cream na nakita kong natutunaw na at tumulo na sa kaniyang kamay. Napangiti ako sa damit ni kumag, Power rangers ang tatak nito. Kinuwa ko ang inaabot niyang ice cream at umupo sa bench, tumabi naman sakin si mokong at iniakbay nanaman ang kaniyang kaliwang kamay saking sandalan. Parehas naming pinanood ang lumulubog na araw sa aming kinauupuan.



Itutuloy....

Comments

  1. wahahahah love it!!

    "Ako ang nagtanim! Iba ang aani! Unfair Mama Mary! Unfair!" XD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]