Posts

Showing posts from March, 2011

Love at its Best (Book4 Part9)

Love at its Best (Book4 Part9) by: Migs W ala akong ganang pumasok sa tarbaho at wala rin akong ganang makipagkulitan kay Panfi, pero sadyang matigas ang bunbunan nito at pinipilit akong bumangon sa higaan ko. Sinong gaganahang tumayo at magpatuloy sa buhay kung yung taong mahal mo at akala mong walang pakielam sayo ay kahit papano ay maynararamdaman din pala sayo at sa huli may ginawa kang kapalpakan na ikinalayo ng loob niya sayo bago mo pa naman maamin ang tunay mong nararamdaman sa kaniya. Pilit ko paring itinatago ang mukha ko sa ilalim ng unan at pinabibigat ang sarili para hindi ako maibangon ni Panfi. May dalawang linggo na ang nakakaraan noong huli kaming nagusap ni Kiko, maski kay Panfi di ko ikinikwento ang nangyari. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba kay Kiko? Dahil ba naging cold siya sayo? Dahil akala niya boyfriend mo ako?” bigla akong napabangon sa sinabing yun ni Panfi. “I knew it.” lumapit sakin si Panfi at umupo sa higaan malapit sa aking tabi

Love at its Best (Book4 Part8)

Love at its Best (Book4 Part8) by: Migs “Bakit parang di siya masaya na makita ulit ako?” T anong ko sa sarili ko. Nagbuntong hininga saka inayos ang sarili sa harap ng salamin. Di ko kinaya ang naramdaman ko kaya't nagpaalam ako kila Panfi na mag c-CR muna. Di ko paman nakaka usap si Kiko ay naramdaman kong malaki na ang pinagbago nito, wala na ang ere ng pagiging arrogante sa mga kilos nito, wala na ang magiliw na ngiti na nakaplaster sa kaniyang mukha, wala na rin ang pambatang tema na mga t-shirt na kaniyang madalas na sinusuot. “Wala na ang mga power rangers, doraemon at star wars na damit?” tanong ko sa sarili ko nang mapansing magara na ang pananamit ni Kiko. Striped long sleeves na nakatupi hanggang sa kaniyang siko na lalo namang nakapag pa emphasize ng kaniyang malatrosong mga braso at magandang katawan. Magarang belt at black slacks. “Pati ang chucks na mahal na mahal mo, Kiko, kinalimutan mo narin?” bulong ko nanaman sa sarili ko habang naka harap parin

Love at its best (Book4 Part7)

Love at its best (Book4 Part7) by: Migs D i ko na naabutan pa si Kiko sa labas ng coffee shop. “ Tignan mo yung gagong yun! Para saan pa na inintay niya ako ng matagal kung iiwan niya din pala ako. Humanda ka sakin, may pasalubong kang haklit.” bulong ko sa sarili ko. mabilis kong pinatakbo ang motor. Madilim parin ang bahay nang dumating ako doon. “ Hala. Asan na yung kumag na yun?” tanong ko sa sarili ko at naglabas ng cellphone, tinext ko si kumag at di ito nagreply. Tatawagan ko sana nang maalala kong wala nga pala akong load, napa buntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob. Inintay ko si Kiko na makauwi, nanuod muna ako ng TV sa may sala, di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. 0000oooo0000 “ Pol.” tawag sakin ng isang pamilyar na boses, idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang maamong mukha ni kuya. “ Oh, kuya napasugod ka?” bati ko sa kaniya sabay yakap. Bumangon ako sa sofa at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape