Love at its Best (Book4 Part9)
Love at its Best (Book4 Part9) by: Migs W ala akong ganang pumasok sa tarbaho at wala rin akong ganang makipagkulitan kay Panfi, pero sadyang matigas ang bunbunan nito at pinipilit akong bumangon sa higaan ko. Sinong gaganahang tumayo at magpatuloy sa buhay kung yung taong mahal mo at akala mong walang pakielam sayo ay kahit papano ay maynararamdaman din pala sayo at sa huli may ginawa kang kapalpakan na ikinalayo ng loob niya sayo bago mo pa naman maamin ang tunay mong nararamdaman sa kaniya. Pilit ko paring itinatago ang mukha ko sa ilalim ng unan at pinabibigat ang sarili para hindi ako maibangon ni Panfi. May dalawang linggo na ang nakakaraan noong huli kaming nagusap ni Kiko, maski kay Panfi di ko ikinikwento ang nangyari. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba kay Kiko? Dahil ba naging cold siya sayo? Dahil akala niya boyfriend mo ako?” bigla akong napabangon sa sinabing yun ni Panfi. “I knew it.” lumapit sakin si Panfi at umupo sa higaan malapit sa aking tabi...