Taking Chances
Taking Chances
Prologue
by: Migs
Pinagsisisihan na ngayon ni Francis ang pagbili niya ng iPhone, di kasi niya magawang i-tap ito at mag-drive ng sabay, kung hindi lang siya nagmamadali ay maaari niya sanang itabi ang sasakyan atsaka doon hanapin ang contact number ng gusto niyang tawagan. Maingat pero mabilis niya paring pinapatakbo ang kaniyang kotse, kada tigil ng dyip na nasa kaniyang unahan para magsakay ng pasahero ay siya rin namang mura niya at suntok sa busina.
“Damn it!” sigaw ni Francis na nagsisimula ng mangamba na baka magkasalisi sila ng kaniyang pakay. Nang sa wakas ay malapit na siya sa airport kung saan doon nagpho-photo shoot ang team nila Chino ay siya namang pag-pula ng traffic light.
“Shit! Shit! Shit!” nagpapanic na sigaw ni Francis pero kinuwa niya rin ang pagkakataon na iyon para halughugin ang kaniyang contacts at i-dial ang number ni Chino. Una ay ngri-ring lang ito, walang duda na nasa bulsa ni Chino ang kaniyang telepono, alam ni Francis na hinding hindi lalayo si Chino sa kaniyang telepono kaya't walang duda rin na hindi niya ito pinapansin.
“Please don't be immature now Chino. Answer the damn phone! We need to talk!” sigaw nanaman ni Francis sa kawalan. Muli niyang tinap ang call button, nagring ulit ito pero agad din itong nag-dial tone, indikasyon na ikinansela ang tawag, pero pursigido si Francis, kailangan niyang makausap si Chino kaya naman tinawagan niya ulit ito.
Tila naman may sumundot sa kaniyang puwit dahil makalipas ang apat na ring ay may sumagot na sa kabilang linya.
“I'm busy, Francis.” sabi ni Chino sa kabilang linya, di man personal na kausap ni Francis si Chino ay basang basa nito ang pinaghalo halong pagod, lungkot, galit at pagaalinlangan sa boses nito.
“Please, Chino, we need to talk.” pagmamakaawa ni Francis.
“I'm working---”
“I'll be there in ten minutes, baby, please, we need to talk.” natahimik sa kabilang linya si Chino, alam ni Francis na nagiisip ito kung pagbibigyan ba siya ng pagkakataon o hindi.
“Text me when you're at the gate, the guards will not let you in unless I give you a pass.” malumanay pero walang buhay na sagot ni Chino, agad namang gumapang sa pagkatao ni Francis ang tuwa dahil binigyan siya ng pagkakataon ni Chino na makausap siya.
“Thank you, bab---” di na natapos ni Francis ang kaniyang sasabihing ito, pero di na niya iyon pinagtuunan ng pansin, nang sa wakas ay nag-green na ang ilaw ay panatag na niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan patawid ng intersection, alam niyang di na niya kailangang magmadali dahil nakausap na niya si Chino.
Sa sobrang galak ni Francis sa pagkakataong ipinaunlak sa kaniya ni Chino ay ni hindi na nakuwa ni Francis na pansinin ang isang malaking truck na muntik ng bumangga sa kanang bahagi ng isang kotse, ang kotse naman dahil sa biglaang pag-lag sa truck ay walang patumanggang tumawid ng kabilang linya, pasalubong sa mga sasakyan mula sa linya ng sasakyan ni Francis.
Hindi pa doon natapos ang insidente sapagkat tumawid ang truck sa intersection, dahil hindi inaasahan ng katawiran na sasakyan ang truck ay bumangga ito sa isang kotse sa gitna mismo ng intersection.
Narinig ni Francis ang malakas na kalabog sa likuran, maingat siyang sumulyap sa kaniyang rear view mirror, nakita niya kung pano paulit ulit na umikot ang isang kotseng inararo ng isang truck si gitna ng intersection, nang ibalik niya ang kaniyang pansin sa kalsada sa kaniyang unahan ay laking gulat niya ng makita ang isang kotse na nakasalubong sa kaniyang sasakyan.
Bago apakan ni Francis ang preno ay nakita niya ang takot na takot at gulat na gulat na mukha ng tatlong tao sa kasalubong na sasakyan, huli na ng kumagat ang preno niya, tila isang malakas na pagsabog ang kaniyang narinig sa kaniyang harapan, ilang nababasag na salamin at ang pagkikiskisan at pagbabangga-an ng mga bakal ang rumindi sa kaniya, agad na lumobo ang air bag na nakatago sa kaniyang manibela para masagip ang kaniyang ulo pero di pa dun natatapos ang lahat dahil may mabilis na kotse sa kaniyang likuran, di nito agad napansin ang biglaang pagpreno ni Francis.
May bubog na tumarak sa kaniyang airbag kaya naman unti unti itong nawalan ng hangin kaya naman nang bumunggo ang kotse sa likod ni Francis ay bayolenteng umuntog ang ulo niya sa manibela kasabay noon ay narinig niyang muli ang malakas na pagsasalpukan ng dalawang mabibigat na bagay na gawa sa bakal sa gawi naman ng kaniyang likuran, itinulak lalo ng kotse sa likod ang kaniyang sasakyan sa kasalubong na kotse, naipit sa ang kotse ni Francis sa gitna.
Sandaling tumahimik ang paligid. Masakit na ulo ang gumising kay Francis, hilong hilo siya dahil sa paguntog ng kaniyang ulo sa manibela, dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, narinig niya ang sigaw ng ilang tao sa kaniyang paligid, naka-amoy siya ng gasolina, alam ni Francis sa kabila ng matinding sakit ng ulo na kaniyang nararamdaman na kailangan na niyang umalis doon. Kailangan na niyang lumabas ng kaniyang sasakyan.
Tila niyuping de-lata ang pinto ng kaniyang sasakyan, inipon niya ang kaniyang lakas at buong pwersang itinulak ang pinto, pero wala itong silbi, ayaw itong bumukas, napansin niyang basag na ang kaniyang bintana kaya naman sinubukan niyang i-angat ang kaniyang sarili sa pagkakaupo para lumusot sa bintana pero matindi talaga ang sakit ng kaniyang ulo kaya naman napaupo ulit siya sa yupi na at maduming upuan ng kaniyang sasakyan.
Sinubukan niyang sumigaw, dahil alam niyang yun na lang ang kaniyang magagawa pero masyado ng masakit ang kaniyang ulo, tila ba lumiliit ang kaniyang bungo at iniipit nito ang kaniyang utak sa loob. Sumisikip narin ang kaniyang dibdib, unti unti siyang nakakaranas ng bahagyang paghirap sa paghinga.
“Tulong---” halos pabulong na usal ni Francis, alam niyang kailangan niyang lakasan ang kaniyang pagtawag kung gusto niya talagang makakuwa ng pansin. Ngayon ay hindi lamang sakit ng ulo ang kaniyang nararamdaman, bumabalot narin sa kaniyang katawan ang takot dahil narin alam niya na base sa kaniyang naaamoy ay mabilis na kumakalat ang gasolina sa paligid niya.
“Tulong!” medyo malakas ng bigkas ni Francis, at laking pasalamat niya ng makaramdam siya ng dalawang malalakas na kamay na humihila sa kaniya palabas ng binatana ng kaniyang sasakyan. Halos parang bulak lamang siyang kinarga ng lalaking tumulong sa kaniya palayo sa kaniyang sasakyan.
“Wag mong ipipikit ang mga mata mo, kahit anong mangyari panatilihin mo ang sarili mo na gising.” bulalas ng lalaking tumulong sa kaniya palabas ng kaniyang sasakyan pero naisip niya na imposibleng hindi siya makatulog dahil sa pananakit ng kaniyang ulo pero pinilit niya paring imulat ang kaniyang mga mata kahit na hirap na hirap siya dahil sa sakit.
“S-sir, yung sasakyan sa unahan--- yu-yung nabangga ko---” nanghihinang bulong ni Francis.
“Hindi mo sila nabangga, nakita ko kung pano nila iniwasan yung truck na nawalan ng preno kaya napunta ang sasakyan nila sa linya mo, nakita ko rin kung pano hindi kumagat agad ang preno mo kaya wag kang magalala, te-testigo ako na aksidente ang nangyari.”
Alam ito ni Francis pero hindi iyon ang kaniyang ibig sabihin kaya't tumango na lang siya.
“L-ligtas po ba s-sila? Nakalabas na po ba s-sila ng sasakyan? Naka amoy po ako ng t-tumatagas na gas, baka--- k-kailangan niyo po silang i-labas.” pautal utal na sabi ni Francis, mataman naman siyang tinignan ng estranghero na tumulong sa kaniya. Magsasalita na sana ulit ito ng makita niya ang dalawang lalaki, duguan ang isa, karamihan sa dugo ay nanggagaling sa mga mata nito ang umaalalay naman dito ay puno ng bubog at dumi ang damit pero mukha namang OK.
“Tulong, tulungan niyo kami, parang awa niyo na!” sigaw ng lalaking umaalalay sa kasamahan niyang duguan. Agad na tumakbo ang lalaking tumulong kay Francis at inalalayan ang duguan patabi dito.
Agad na napahawak si Francis sa kaniyang ulo, ngayon ay tila ba may libo libong mga karayom na tumutusok sa kaniyang utak, nararamdaman niyang tila ba sasabog na ang kaniyang ulo pero pinilit niya paring imulat ang kaniyang mga mata, pilit na sinusunod ang utos ng lalaking tumulong sa kaniya palabas ng sasakyan.
“Jepoy! Si Jana, tulungan mo si Jana!” sigaw ng lalaking dumudugo ang mga mata. Agad na bumalik si Jepoy sa kaniyang sasakyan pero pinigilan ito ng lalaking tumulong kay Francis.
Tila ba isang eksena sa isang pelikula ay sumabog ang kotse ni Francis, kasunod ng kotse ni Jepoy at ng kotse na bumangga sa likod ng sasakyan ni Francis.
Hindi na nakayanan ni Francis ang sakit na nanggagaling sa kaniyang ulo at dahan dahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
“JANAAAAAA!!!” sigaw ni Jepoy.
“JANAAAAAAAA!”
“Sorry, Chino.” ang mga huling katagang naibulalas ni Francis bago siya mawalan ng malay.
Makalipas ang ilang oras ay nagaalalang tinanong ng mga magulang ni Francis ang tungkol sa kanilang anak, malungkot na sinabi ng doktor na nagkaroon ng pagdudugo sa loob ng bungo ni Francis, di parin nila alam ang permanenteng epekto ng pagdudgong iyon kay Francis at ang huling sinabi ng mga doktor ay talaga namang ikinalungkot ng mga magulang ni Francis.
“He's in a coma, we still can't tell when and if Francis is going to wake up from it.” malungkot, puno ng respeto at pabulong na sabi ng duktor sa mga kaanak ni Francis.
“This is our fault.” umiiling na sabi ng ama ni Francis nang makalayo na ang duktor. Tumalikod ang ina ni Francis at tinawagan ang taong alam niyang nagaalala kay Francis.
“Hello, Chino---?”
Another story to look forward to by Kuya Migs! :D
ReplyDeleteThe introduction of the story was a little bit sad due to the turn of events. I wonder what will be the reaction of Chino and what will happen to Francis?
I also love how you linked once again the events and characters which happened in "Breaking Boundaries" with the characters and events here in "Taking Chances".
Another story to look forward to for every update and like all the stories of Kuya Migs, I will be reading this story through and through until the last part. :)
I can't wait for the next update!
Go! lang ng Go! Kuya Migs!
Aways supporting,
- Jay!:)
Another story that will make me excited to go home from work to check for any updates... kaya dalasan mo posting Migs... love you! hehe
ReplyDeleteAt ikaw ay muling nag balik migy boi! :D hindi ko pa xa na basa gusto lang kitang batiin.. hkhkhkhk
ReplyDeletewow!! ang hilig nyo po sa mga connected na story ah :)) hahaha!! pero maganda nga po iyon para nalalaman kung ano ung mga nangyayari sa paligid nila :) can't wait po sa nxy chapter pati na din ung Chasing Pavements :D
ReplyDeleteOMG ang galeng at ang ganda nag storey mo i like it.....
ReplyDeleteWow... nice start, Miggy boy! When will you make a story of me I was also present on that day the accident happens I saw it all. hahaha
ReplyDeleteSeriously, I'm very glad that there's still like you who doesnt do a goody-goody story. I love your writings they're mature and serious. Well done not boring on the narrative part but juicy. Unlike others that even the position of the vase were told, the insects activities around them.
The prologue is very interesting the mystery and suspense that we'll wait on the upcoming chapters. Unleashing the truth in each chapters which we'll really excited. That makes us your stories.
More power...
ganda sir migs...
ReplyDeleteI can somehow imagine the excruciating pain every time you tell about the shattered mirrors in your stories :-O
ReplyDeleteThanks Migs, I will surely read this :-)
wow kuya migs bagong story na naman =)
ReplyDeletegaling mo talaga idol
wala na bang epilogue yung breaking boundaries?
-Mike
you are so talented!!
ReplyDelete--ANDY
kinilabotan naman ako sa flow ng story ayoko talaga ng gnun scene my trauma n kc ako s gnun.
ReplyDeleteakala ko mamims ko sila thanks and2 parin pala sila,
eto un flashback n nirerecquest ko sa author noon sa breaking bounderies s story ni maki,
kaso ndi naman ako malakas sa ating author kya di napansin,
anyway thanks po...
another journey in taking chance.
Isa na namang sobrang gandang istorya. Da best ka Migz.
ReplyDeletetanong ko lang po...pagkatapos po ng LAIB...ano po ang sumunod? kasi diba may kasunod siya na book and ano po ung sumunod kasi naguguluhan po ako..:))
ReplyDeletethanks!
@ Anonymous: after LAIB series is breakeven.
ReplyDeleteSa lahat ng kwento mo kuya Migs, ito lang nasa third person narration. Bakit naiba?
ReplyDeletestart ko na to.
ReplyDeletePrologue palang exciting na
teecee always