Tuesday, December 13, 2011

Taking Chances 2

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Di mapigilan ni Chino ang mapayuko, hindi sana siya sasama sa dinner na iyon pero mapilit si Dominic, puro modelo ang kasama nila Chino sa lamesang iyon at isa doon si Chris na walang ginawa buong gabi kundi matahin at paringgan siya, di man ma-gets ng iba na siya ang pinatatamaan ni Chris na iyon ay hindi naman mapigilan ng mga ito na tumawa na lalo namang nakapagpababa ng tingin ni Chino sa sarili niya.



OK ka lang?” tanong ni Dom kay Chino, nang hindi nagtaas ng tingin si Chino ay marahan niya itong siniko sa tagiliran.



O-OK l-lang ako.” mahinang sagot ni Chino, nakita ni Chris ang tahimik na palitan na iyon ni Chino at Dom at hindi nito mapigilan na mainis ulit sa direktor.



Chino, right?” nagulat si Chino sa biglaang tanong na iyon ni Chris sa kaniya, marahan siyang tumango.



Kailan ka pa sa trabaho mo?” nakaismid na tanong ni Chris, tinignan ito ng masama ni Dom.



Chris, shut it!”



Why, Dom? He's very unprofessional kanina, di ba niya alam na ang hirap hirap magpose?” baling ni Chris kay Dom.



Dont be afraid to take some chances.” biglang pumasok sa isip niya ang madalas sabihin sa kaniya ni Francis.



It's OK, Dom.” sabi ni Chino kay Dom sabay bitiw ng matipid na ngiti at bumaling kay Chris.


I've been in this business for nearly five years.”



Really?! How come ngayon lang kita nakita, kung hindi pa ma-aaksidente si Sir Francis di ka pa namin makikita, dahil ba yun sa hindi ka magaling saka sa pagiging unprofessional?”



Saglit na nagbuntong hininga si Chino, sinasagad kasi ni Chris ang pasensya niya at nainis pa ito dahil sa pambabastos na ginawa sa kaniyang matalik na kaibigan, nagsasalita ito patungkol sa aksidente ni Francis na tila ba OK lang ang nangyari. Naramdaman niya ang paghawak ni Dom sa kaniyang mga kamay, nang tignan niya ito ay may bakas ng hiya at paghingi ng tawad niya sa kinikilos ng kaniyang mga kaibigan. Binigyan niya ulit ito ng matipid na ngiti.



No, actually I asked Mr. Custodio to give me the shoot for female models only and give the shoot for male models to Francis, that's the reason why you guys don't see me that much.” saad ni Chino na ikinagulat naman ni Chris at ng iba pang modelo.



Bakit?” tanong ni Dom na halatang nagulat din.



Dont be afraid to take some chances.” muling narinig ni Chino ang boses ni Francis bago sumagot na ikinangiti naman nito.



Dahil ayaw kong makatrabaho ng mga taong sigurado man sa sarili nila ay sadyang arrogante naman.” sagot ni Chino, nagulat si Dom sa sagot na iyon ni Chino, si Chris naman ay napanganga dahil di niya inaasahan na makakasagot ng ganun si Chino dahil akala nito ay hindi ito pala patol at ang iba pang mga modelo naman ay napapangiti dahil sa pagkapahiya ni Chris.



0000ooo0000


I'm sorry but I want to see Francis before going home, kung sasama pa ako sainyo baka tapos na ang visiting hours sa ICU.”



Ah OK. Pero next time dapat kasama ka na ah?” aya ulit ni Dom kay Chino.


Hayaan mo nga siya, Dom, kung ayaw niyang sumama edi wag. Besides di nababagay ang mga nerd sa pupuntahan natin.” pangiinis ulit ni Chris, napa buntong hininga naman si Dom habang si Chino ay di matawaran ang sakit na nararamdaman mula sa mga sinabing panlalait ni Chris. Pilit niyang binura ang sakit na narramdaman sa kaniyang facial expression, di niya hahayaang maging masaya si Chris na makitang nasasaktan siya sa mga pasaring nito.



I'm sorry about Chris, Chino. I swear hindi ganyan si Chris---”


It's OK, Dom.” putol ni Chino sabay para ng taxi.



Di mapigilan ni Dominic na makita sa mga mata ni Chino ang sakit sa mga sinabi ni Chris, kahit anong tago ni Chino sa tunay niyang nararamdaman ay mababasa parin ito sa kaniyang mga mata. Sinundan niya ng tingin ang sinasakyang taxi ni Chino hanggang sa lumiko ito sa may kanto, sinundan niya si Chris sa kotse nito.



What the hell is your problem, Chris?!” singhal ni Dom dito.



I don't know what you're talking about dude.” pagmamaang maangan ni Chris, napailing naman ang tatlo pang modelo na kasama nila sa may back seat.



Asshole!” singhal ni Dom sabay iling.



Natahimik naman si Chris at napaisip. Hindi niya rin alam kung bakit ganun na lang siya kumilos sa tabi ni Chino, hindi niya alam kung bakit inis na inis siya dito, at lalong lumalala ang pagkainis na iyon sa tuwing hindi kumikibo si Chino sa kaniyang mga pasaring.




0000ooo0000



Dahan dahang lumapit si Chino sa tabi ni Francis, nagiingat sa mga tubo at machines kung saan naka hook ang kaniyang kaibigan, di niya mapigilang mapa-iyak at malungkot. Malungkot dahil sa nami-miss na niya ang kaibigan na siyang nagaangat ng kaniyang moral sa tuwing may makakasalamuha siya na katulad ni Chris, agad niyang sinisi ang sarili dahil inuna niya ang sakit kesa sa tanggapin ang pagmamahalan ni Francis at Laura, ngayon dahil sa aksidente, maski ang pagkakaibigan nila ni Francis ay maaaring mawala na rin.



I tried, Francis.” naiiyak nitong saad kay Francis.



...take your chances...” dikta ng isip ni Chino, pinahiran niya ang kaniyang mga luha pagkatapos ay mariing pinisil ang kamay ni Francis.



0000ooo0000



Ilang araw pa ang lumipas at sa tuwing may photo shoot na ginagawa si Chino para sa pinagtatrabahuhang magazine ay wala itong iniisip kundi para sa kaniyang matalik na kaibigan na si Francis ang kaniyang ginagawa, hindi rin tumigil si Chris sa pangungutya dito sa tuwing magsasalubong sila na siya namang iniiyak ni Chino kay Francis sa araw na araw na pagdalaw nito sa hospital.



You want me to do what?!” sigaw ni Chris, di na ito pinakinggan ni Chino at bumalik na sa harapan ng monitor kung saan niya tinitignan ang mga shots.



I just wish the big bosses would change model agencies.” bulong ni Chino na hindi naman nakaligtas kay Dom.



Asa ka naman, agency na nila Chris ang pinakamura---” tinignan ni Chino ng masama si Dom kaya naman hindi na nito naituloy ang kaniyang sasabihin.



---besides, si Chris lang naman ang sakit sa ulo eh.”



Katumbas naman kasi ng limampung modelo yang isang yan eh.” sumusukong sabi ni Chino habang pilit na di pinapansin ang nagrereklamong si Chris sa kanilang likuran.



HELLO! Meron bang nakikinig sakin dito?!” sigaw ni Chris na ikinabuntong hininga naman ni Chino, tumango si Dom at siya na ang humarap kay Chris.



Bakit ikaw? Yung direktor ang gusto kong makausap! You want me to pose under this scorching sun na ito lang ang suot ko? Gusto mo ba akong maging negro, ha, Chino?! Nananadya ka na eh!” sigaw ni Chris.



Di na pinakinggan ni Chino pa ang galit na paglilitanya ni Chris at pumunta na ito ng CR at duon umiyak, hinihiling na kasama niya ngayon si Francis at pinapagaang ang loob niya ngayon kahit hindi bilang isang boyfriend, kahit bilang isang kaibigan lang, taga suporta.



I don't know what I'm doing wrong, Francis.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.



Nang lumabas ng CR si Chino ay napansin niyang naka break ang buong team niya, tinawag siguro ni Dom ang break nang pumasok siya ng CR. Sa oras na bumalik siya sa harapan ng monitor at tinignan ang shots ni Chris ay di niya mapigilang mapansin na sa kaniya nakatingin lahat ng tao doon, mula sa lighting crew hanggang sa mga modelo. Laking pasasalamat niya sa sarili na sinuot niya ang kaniyang shades.



Want some sandwich?” alok ni Dom kay Chino, tinanggihan ito ni Chino at nagbigay ng matipid na ngiti kay Dom.



He's just one guy, Chino. Don't let him get under your skin.”



It's kinda hard to ignore him when he's always shouting at me, I mean, what's his problem, Dom?”



I don't know, Chino, but you know what? I'm sure matatameme yan kapag lumabas na yung bagong issue, sabi sa publishing dept, nagpadagdag pa raw ang mga boss ng extra 500 copies dahil maganda talaga yung mga shots mo ng model at dahil daw dun ginanahan ang mga writers kaya magaganda dain ang mga articles.” sabi ni Dom habang ngumunguya, tila naman ginanahan si Chino sa narinig niyang iyon kay Dom kaya naman kahit ano pang pagsisigaw ang ginawa ni Chris ay nagawa na niya itong hindi pansinin.



Nung gabi pagkatapos ng photo shoot ay dumaan siya sa ospital para bisitahin si Francis, wala paring nagbabago sa lagay nito na talaga namang ikinalulungkot ni Chino, hindi rin kasi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Francis at kahit papano ay sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dito.



I miss you, Francis.” bulong ni Chino dito.



0000ooo0000



Nang pumunta siya sa susunod na photo shoot ay napansin niyang excited na excited ang kaniyang team, lalong lalo na ang production staff, may ilang mga modelo din na nakangiti sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kinauupuan nila Dom.



I'm not in trouble, am I?” tanong nito, lalong lumiwanag ang mukha ni Dom at lalong lumaki ang ngiti nito.



Congrats, Chino!” sigaw nito sabay bato ng pinakabagong issue ng magazine nila. Napatanga si Chino sa nakita niya, di niya ine-expect na maganda ang kalalabasan ng mga kuha sa magazine, lalong lalo na sa cover na si Chris ang tampok.



Pati yung pinadagdag na ilang copies paubos na rin, Chino.”



Dont be afraid to take some chances.” tila naman pagpapaalala ni Francis sa kaniya habang tinitignan ang magazine.



Napatango siya nang marinig ang mantra na iyon ni Francis sa kaniya. Binuksan niya ang magazine at tila ba siya mismo ay na engganyo sa issue na iyon, di niya mapigilang magbasa ng mgaarticles, tama si Dom, kung magaganda ang mga litrato ay gaganahan ang mga writers na gumawa ng magandang article.



Di niya rin napigilang tignan ang center fold, si Chris sa iba't ibang pose ang tampok noon, di niya lubos na ma-isip na yung mismong shoot na iyon ang unang beses na inaway siya ni Chris, di niya parin lubos na maisip kung bakit nga ang init ng dugo nito sa kaniya. Pero hindi na niya ito pinansin, ng mahalaga ay bumabalik ang kumpiyansa nya sa sarili pagdating sa kaniyang trabaho.



Sa kabilang banda ng kwartong iyon ay si Chris, di niya maialis ang kaniyang tingin kay Chino, inaamin niya, maganda ang kinalabasan ng huling shoot nila at natutuwa siya sa kinalabasan niyon, hanggang ngayon di niya parin maintindihan kung bakit nga ba ganun na lang siya nagalit noong araw na iyon kay Chino, kung tutuusin nga mas naging un-professional pa ang ibang shoot director dahil sa ilang beses na paulit ulit na sequence ng shoot pero hindi siya nagalit sa mga iyon. Kay Chino lang talaga na ilang frame lang naman ang inulit.



Bakit nga ba ako galit na galit sayo Chino?” nagtatakang tanong ni Chris sa kaniyang sarili habang mataman niya paring tinitignan ito.



0000ooo0000



I have an idea! Let's celebrate!” bulalas ni Dom habang abala si Chino sa pagiisip ng bagong sequence para sa susunod na shoot.



Err---” nagaalangang simula ni Chino.



Oh c'mon! Loosen up a little! Live a little!” sigaw ni Dom na narinig naman ng grupo ng mga modelo sa hindi kalayuan, di nagtagal ay kinanchawan na ng mga ito si Chino.



But I have to go to the hospital---”



Ihahatid kita don.” sabat ulit ni Dom, nagisip saglit si Chino.



Anong pinagkakaabalahan niyo dito?” tanong ni Chris na kararating lang.



We're going to celebrate wanna come with?” sabat ng isa pang modelo bago pa man sumagot si Dom.



Great! Tara na! Ano pang iniintay natin?” excited na sabi ni Chris, nagkatinginan si Chino at Dom.


0000ooo0000



Naisipan nilang kumain sa isang pizza parlor, di parin mapigilan ni Chino ang mailang, paminsan minsan kinakausap siya ng ilang modelo na nandun, pinupuri ang mga ideya ni Chino sa nakaraang issue ng magazine na nalathala doon, si Dom naman ay abala sa pagbibigay ng input sa mga susunod na issue pa na maaari nilang gawin. Di nila napansin ang tila ba nagmumukmok na si Chris sa isang tabi, sa totoo lang ay natutuwa ng palihim si Chino dahil hindi ito kumikibo pero hindi niya rin mapigilang mapaisip.



Tila naman nakalimutan na ng mga kausap kanina ni Chino ang tungkol sa paghatid sa kaniya sa ospital nang matapos na silang kumain at nagkayakagan nang umuwi. Masayang naguusap ang apat pang mga modelo habang si Dom naman ay abala sa pagtetext. Di na ito pinansin pa ni Chino at nagpasya na lang ito na mag-commute na lang papuntang ospital.



Sorry, Chino, kailangan kong pumunta ulit sa office eh, may pinapatapos sakin si Sir Jeff para bukas. Teka, Ron, pwede mo bang i-hatid si Chino sa ospital?” tawag ni Dom sa isa sa mga modelo.



Oops, sorry, Chino hindi ako don dadaan eh.” tumingin si Chino sa tatlo pang modelo na andun pero alam niyng wala siyang mapapala sa mga ito dahil mukha namang wala itong pakielam sa kaniya at hindi naman siya makikisuyo sa mga ito.



OK lang, Ron, magco-commute na lang ako.” saad ni Chino.



Naku hindi ah, nag promise kami na ihahatid ka namin, teka lang, Chris, pwede mo bang i-daan si Chino sa ospital, diba dun naman ang daan mo? Sige na dude.” sabi ni Ron dito, tila naman nagalangan si Chris at hindi ito nakaligtas kay Chino.



OK lang, Ron magco-comm---”



Sige OK lang.” putol ni Chris sa pagtanggi sana ni Chino. Tumingin si Chino kay Dom, para sana humingi ng tulong nagkibit balikat lang ang huli.



Nagsimula ng kabahan si Chino at sa kabilang banda naman, si Chris ay nagsisimula naring kabahan at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ma-excite din habang magkasunod silang naglalakad ni Chino papunta sa kaniyang sasakyan.



Itutuloy...

____________________________
Taking Chances 2
by: Migs

8 comments:

  1. unang comment? :O
    hahaha
    walang kupas pa din kuya migs... XD

    ReplyDelete
  2. mukhang in love si chris kay chino...trouble naman.. yan

    ReplyDelete
  3. next chapter please. :)

    ReplyDelete
  4. The plot is different from the others. It gives a sense of being clueless - not being able to come up with our own conclusion.

    Being formal aside. The Chris-Chino thing is so adorable I want to squish my pillow hanggat may juice na lumabas! Right now, I'm all up for Chris and Chino. Sue me, I'm a sucker for those. But Dom and Francis are still in the way. So I don't really know what will happen in the end.

    Great job again Migs! Idol talaga. Plus, the more I read this book, the more I see reflections from my own life, which is a definite plus. I guess everyone of us has one of those ugly days and seeing good-looking guys, floating through life with everyone's heads turned towards them, would only make us feel worse about ourselves.

    Pero sabi nga ni Spongebob: I AM UGLY AND I'M PROUD

    *bow

    hopefully the next one won't take a week to be posted. But take your time Migs! Especially since it's the holidays :) take care!

    ReplyDelete
  5. The more you hate, the more you love! Ito ba ang drama ni Chris? Abangan... hehehe

    Merry Christmas in Advance Migs!

    ReplyDelete
  6. Excited and kinakabahan at the same time... Mukhang in love lang... Ingatz Migz. Labz you.

    ReplyDelete
  7. wooooohh..!!!

    kinakabahan ba talaga Chris?? hihihi

    super excited na ako sa next chapter...

    kiligness is on its way na kaya?? sana...

    God bless.. -- Roan ^^,

    HAPPY HOLIDAYS EVERYONE..!!!!

    ReplyDelete
  8. nice!huli ako sa pagba2sa pcnxa na migx boy. Hehehe


    Maganda ang plot at xmpre maganda ang takbo ng storya.merry christmas sau.

    ReplyDelete