Taking Chances 3
Agad na nagsisi si Chino kung bakit ba hindi siya tumanggi sa alok ni Chris na i-hatid siya hanggang sa ospital, sa palagay kasi ni Chino ay napilitan lang si Chris lalo na kapag bumubulong ito ng:
“Sino naman kasing matinong adult ang walang kotse! Successful shoot director, walang kotse!? C'mon.”
Pabulong ito pero hindi ito ganung kahina para hindi marinig ni Chino. Iniisip na nga nito na bumaba na lang at maglakad kesa marinig ang pasarin sa kaniya ni Chris.
“Puro bisyo kasi kaya siguro di nakaka-ipon.” bulong nanaman ni Chris, pilit na nagbibingi-bingihan si Chino sa mga pasaring ni Chris at itinutuon na lang nito ang kaniyang pansin sa mga nadadaanang lugar, sasakyan at tao sa labas ng umaandar na sasakyan.
“Kung hindi lang sinabi ni Ron at kung hindi lang ako nahihiyang tumanggi---”
“You know what?! Fuck you! Itabi mo yung sasakyan! Maglalakad na lang ako kesa naman makasama pa kita ng ilang minuto dito na bulong ng bulong! Damn it!” sigaw ni Chino na ikinagulat naman ni Chris.
Bihira kasi na sumigaw si Chino, bihira ito magalit sa kaniyang mga pasaring, madalas lumalayo ito pero hindi ito nagpapakita ng inis. Kung pwede lang sana na sipain ni Chris ang sarili niya sa ulo ay ginawa na niya ito, di parin niya malaman kung bakit siya inis na inis kay Chino, wala naman itong ginagawa sa kaniyang masama, ngayon nagu-guilty na siya sa mga pasaring na sinabi niya dito.
“LET ME OUT!” sigaw ulit ni Chino, kitang kita ni Chris kung pano mamula ang mukha ni Chino at ang pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito sa kabila ng kadiliman sa loob ng sasakyan. Ngayon naiinis na si Chris sa sarili niya, gustong gusto niyang abutin ang mukha nito at pahiran ang mga namumuong luha.
“What the fuck is my problem?” bulong ni Chris sa sarili niya habang itinatabi ang sasakyan.
Hindi pa man tuluyang naitatabi ni Chris ang sasakyan ay halos tumalon na palabas ng si Chino, hindi na ito nagatubili pang dahan dahanin ang pagsara ng pinto ng sasakyan ni Chris. Naguguluhan parin si Chris sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Chino at wala sa sarili niyang pinanood sumakay ng taxi si Chino. Nang medyo nakalayo na ang taxi ay napag desisyunan ni Chris na sundan si Chino para humingi narin ng tawad dito.
0000ooo0000
“Ano bang problema nung sira ulong yun sakin? Pwede naman siyang tumanggi sa mungkahi kanina ni Ron, pero hindi, siniguro niya na maririnig ko ang mga palagay niya tungkol sa pagkatao ko! Tangina! Sino ba siya para husgahan ako ng ganun?!” galit na galit na sabi ni Chino sa sarili niya.
“AAARRRRRGGGGHHHH!” wala sa sariling sigaw ni Chino na agad namang ikinatigil ng sasakyan, nagulat din siya sa biglaang pagtigil ng taxi at iminulat niya ang kaniyang mga mata, nun niya nakita na nagaalalang nakatingin sa kaniya ang driver.
“Boss may problema ba?” tanong ng kawawang driver.
“Ah eh may ipis--- tama--- may ipis! Manong, sana linisin niyo naman itong taxi niyo.” palusot ni Chino, agad siyang tinignan ng driver, nangunot ang noo nito at umiling sabay patuloy na sa na-unsyameng pagmamaneho.
0000ooo0000
Habang si Chris naman ay maingat na sinusundan ang sinasakyang taxi ni Chino, pilit na nagbubuo ng mga sasabihin kay Chino kapag nakaharap na niya ito, di rin kasi niya ma-explain sa sarili niya kung bakit ganun niya na lang tratuhin si Chino kaya naman nahihirapan siyang mag-buo ng mga sasabihin pag humingi siya ng tawad sa harapan ni Chino.
“Chino, pasensya ka na--- Mali...mali...mali.” nagisip muli si Chris ng magandang sasabihin kay Chino.
“Chino, kasi di maganda ang simula ng araw ko kaya ganun na kita tratuhin, pasensya na.” page-ensayo ulit ni Chris pero agad niya ring naisip na hindi ito ang unang araw na ginanun niya si Chino at hindi iya alam kung pano maipapaliwanag ang ibang mga araw na iyon. Umiling ulit si Chris at nagisip pa ng ibang sasabihin.
“Oo nga pala... ah ganito na lang... Chino, pasensya ka na, di ko rin alam kung bakit mainit ang dugo ko sayo, pasensya ka na talaga...”
Napangiti si Chris sa nabuo niyang paghingi ng tawad kay Chino kasabay nun ay nakita niyang tumigil ang taxi sa harapan ng ospital, agad siyang pumasok sa parking lot. Inayos niya ang kaniyang sarili sa rear view mirror ng kaniyang sasakyan, di niya lubos maisip kung bakit niya iyon ginawa gayong hihingi lang naman siya ng sorry kay Chino, pagkatapos noon ay agad siyang lumabas ng sasakyan, sinara ito at patakbong pumasok ng ospital.
0000ooo0000
Masama parin ang loob ni Chino at niinis parin kay Chris habang umaakyat ng hagdan. Nang makarating siya sa pinto ICU ay agad niyang napansin na may kakaiba sa gabing iyon kesa sa mga nauna niyang pagbisita doon. Wala ang mga magulang ni Francis na matyagang nagiintay sa labas ng ICU. Agad siyang nakaramdam ng kaba.
Dalawa lang ang ibig sabihin nito, it's either nagising na si Francis o...
“Please God no...” tahimik na dasal ni Chino sa kaniyang sarili.
Samantala si Chris naman ay paikot ikot sa buong ospital, hindi niya matanong sa receptionist kung sinong pasyente ang kaniyang pupuntahan dahil di naman sinabi ni Chino sa kanila kung sino ang kaniyang bibisitahin doon kaya naman minabuti nalang niyang isa-isahin ang bawat palapag ng ospital.
“Bakit ko nga ulit ginagawa 'to?” tanong ni Chris sa sarili niya habang palingon lingon, umaasang makita niya si Chino.
Naguguluhan parin siya kung bakit nga ba siya nagaabala, Oo, nagu-guilty siya sa pagtrato niya kay Chino pero pwede naman niyang ipagpabukas ang paghingi ng tawad pero tila ba may nagsasabi sa kaniya na kailangan niya itong gawin ngayon kahit na naguguluhan pa siya sa lahat ng nangyayari sa pagitan nila ni Chino.
Una, hindi niya alam kung bakit ganun na lang siya makitungo dito. Nagisip siya ng maaaring mga dahilan...
“Parang di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya iniinis.” sabi ni Chris sa sarili niya pero parang may iba pang dahilan.
“Parang di ako matatahimik kapag di ko ito napatutsadahan.” sabi ulit nito sa sarili. May kakaiba kasi kay Chino, parang kahit anong patutsada ang gawin mo dito ay balewala lang sa kaniya at dahil doon ay tila ba lalong ginaganahan si Chris na inisin pa lalo ito pero hindi lang din yun ang dahilan.
Muli itong nag-isip.
0000ooo0000
Sa 8th floor ng ospital na iyon ay ang namumutlang si Chino, napaupo na siya sa mga upuan sa tapat ng nakasarang pinto ng ICU.
“Alam ko tatawagan ako nila Tita kung may masama mang mangyari.” pagkukumbinsi ni Chino sa kaniyang sarili.
Malalim paring nagiisip si Chino at hindi niya napansin ang isang taong papalapit sa kaniya.
“Can I help you, Sir?” tanong ng isang babaeng nakaputi.
“Oh, I was actually going to visit a friend---”
“Ah OK, ano pong panagalan ng patient?” tanong ulit ng nurse.
“Francis Cardasto.” sagot ni Chino, kinakabahan niyang inintay ang sagot ng nurse.
0000ooo0000
“Asan ka na ba, Chino!” naiinis ng sabi ni Chris sa sarili niya. Tila naman may anghel sa langit na duminig ng dasal niya na malaman kung nasaan si Chino dahil nung lumingon siya sa kaniyang kaliwa ay nakita niya si Chino na naglalakad sa isang mahabang hallway ilang dipa lang ang layo sa kaniya.
Di maipaliwanag ni Chris ang nararamdaman niya, masaya siya at nakita niyang muli si Chino at sa wakas ay makakahingi na siya ng tawad dito. Pero yun nga lang ba ang dahilan niya?
0000ooo0000
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Chino nang mapagalamang inilabas na ng ICU si Francis, inilipat na ito sa isang private room, nang makita na niya ang kwarto kung saan inilipat si Francis ay sumilip muna siya sa pinto at nang makitang walang ibang tao doon ay agad siyang pumasok.
“Hey handsome.” bulong niya malapit sa tenga ni Francis. Napangiti siya ng mapansing gumagaling na ang ilang sugat na natamo nito mula sa aksidente, nandun parin ang iba't ibang tubo na naka konekta sa katawan nito at sa mechancal ventilator na tumutulong ditong huminga pero sa kabila ng lahat ng iyon ay masaya parin siya at inilabas na ng ICU si Francis kasi ngayon kahit anong oras ay maaari na niya itong bisitahin. Inabot ni Chino ang buhok ni Francis at marahang pinadaanan ng kaniyang mga daliri ang buhok nito.
“Guess what happened. The jerk that I was talking about, well I kinda snapped at him.” naiiling na sabi ni Chino sa wala paring malay na Francis.
“Di ko na lang mapigilan ang sarili ko.” bulong ulit nito. Sa loob ng ilang araw kasi na pangungutya sa kaniya ni Chris ay natutunan na niyang tanggapin na wala siyang mapapala kung lagi niya lang itong iiyakan, pinilit niya na wag na lang itong pansinin at hayaan na lang ito.
“Iba kasi yung kanina, unang una, asa loob kami ng sasakyan niya at walang ibang tao doon kundi kami lang dalawa. Ewan ko nga ba kung bakit ako pumayag na magpahatid sa lokong yon basta ang alam ko gusto kita agad makita kahit ibig sabihin pa nun magtitiis akong kasama yung jerk na yun sa loob ng isang sasakyan. Nakuh! Di ka maniniwala sa mga sinabi niya sakin!” naiiling ulit na sabi ni Chino.
“Sabi niya, bakit daw ako walang kotse, siguro dahil isinusugal ko lang lahat ng pera ko, can you believe that asshole?! Ni hindi niya nga ako kilala, ni hindi nga kami naguusap pwera na lang kung nagaaway kami tapos anlakas pa ng loob niyang husgahan ako.” namumula ng sabi ni Chino kay Francis, alam niyang hindi ito sasagot pero gumagaang ang loob niya sa tuwing magsasabi siya dito.
“Pwede naman siyang tumanggi sa sinabi ni Ron, pwede naman niyang sabihin na ayaw niya akong kasama, pero hindi, pumayag pa siya na ihatid ako yun pala para sumbatan at husgahan ako. What a nutcase, right?”
Habang naglalabas ng sama ng loob si Chino sa harapan ni Francis ay hindi naman mapakali si Chris sa may hallway, sa labas ng pinto ni Francis, nagpa-practice parin ng sasabihin niya kay Chino, hindi na lang siya ngayon masaya at nakita niya ulit si Chino na kanina pa niya hinahanap, nakakaramdam narin siya ngayon ng kaba at excitement. Muli niyang inayos sa pangalawang pagkakataon ang sarili.
“Chino, pasensya ka na, di ko rin alam kung bakit mainit ang dugo ko sayo, pasensya ka na talaga...” sabi ulit ni Chris na medyo may kalakasan kaya naman nawi-wirduhan ang mag nurse na dumadaan malapit sa kaniya na nakakarinig ng kaniyang speech.
Muling inulit ni Chris ang kaniyang sasabihin kay Chino nang makarinig siya ng taong nagsasalita sa loob ng kwarto, hindi naisara ng maayos ni Chino ang pinto kaya naman rinig na rinig ni Chris ang paglalabas ng loob ni Chino.
“Gwapo sana yung Chris na yun eh, maganda katawan, tipikal na modelo, Francis---”
Napangiti si Chris sa compliment na binitawan na iyon ni Chino tungkol sa kaniya.
“---pero ubod ng sama ng ugali!” nanggagalaiting tuloy ni Chino. Natigilan si Chris sa sinabing iyon ni Chino.
“Naaalala mo kung pano ako umiyak nung unang photoshoot ko kung san kabilang yung asshole na yon? I mean, Oo nga di niya alam na may issue ako sa self esteem ko at hindi niya rin alam na sa trabaho ko lang ako panatag at self assured pero hindi naman siguro dahilan yung para lait laitin niya ako ng ganun.” agad na nakaramdam ng guilt si Chris sa mga narinig niyang iyon mula kay Chino, di niya alam na ganun pala niya naapektuahan si Chino, gusto na sana niyang suntukin ang sarili sa mga ginawa niya.
“Well, enough with that asshole. Alam mo bang kinabahan ako kanina nung malaman kong wala ka na sa ICU, halos maiyak ako, akala ko---” putol ni Chino sabay buntong hininga, nagdikit ang kilay ni Chris sa pagtataka sa mga sinabing iyon ni Chino, bahagyang lumayo sa pinto si Chris upang makita ang pangalan na nakalagay sa may pinto, indikasyon ng panagalan ng pasyente at ng duktor nito.
“Francis Cardasto? Sir Francis?” tanong niya sa sarili niya. Nang bago palang si Chris sa pagmomodelo ay shoot director na si Francis, may mga di magandang balita tungkol sa sexwalidad nito at sinasabi ng marami na karelsayon nito ang isang kapwa shoot director na pawang lalaki rin.
“Si Chino kaya ang napapabalitang karelasyon ni Francis noon?” tanong ni Chris sa kaniyang sarili. Di pa niya kasi noon kilala at nakikita si Chino at hindi rin naman nagtagal ang mga malisyosong balitang iyon dahil di naman ito pinansin ni Francis, hindi niya kinumpirma at hindi niya rin naman idineny, nung maglaon ay nagsawa narin ang mga tsismosa at nabaon na ang tsismis na iyon sa limot.
“--- nakalimutan na siguro nila Tita na sabihan ako, alam ko masaya sila at inilabas ka na sa ICU. I swear, that place smells like death! Sa tuwing bibisitahin kita dun, feeling ko lagi sa katabing cubicle mo may namamatay.” naiiling na saad ni Chino.
Saglit na tumahimik ang pligid, dahan dahang ibinukas ni Chris ang pinto, nkita niyang nakatayo si Chino sa tabi ng kama ni Francis, nakatalikod ito sa pinto at hindi siya nito nakikita.
“Francis, sana gumising ka na---” bulong ni Chino.
Mahina man ay narinig ni Chris ang bulong na iyon ni Chino, dinig na dinig niya ang lungkot sa boses ni Chino at hindi niya mapigilang maki simpatya kay dito. Di niya alam at hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman nito sa lalaking kaniyang kanina pa pinapanood, at tila ba may isang bumbilya na umilaw sa kaniyang ulo ay agad siyang nagkaroon ng ideya sa kanina pa niya gustong malaman kung bakit ganun na lang niya tratuhin si Chino...
“Hindi lang parang hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko siya iniinis o kaya napatututsadahan, malungkot ako kapag di ko siya nakikita para bang may mali sa araw ko, iniinis ko siya para mapansin ako at pinatututsadahan ko siya dahil gusto kong kausapin niya ako.”
Natigilan si Chris sa kaniyang naisip. Napatingin ulit siya kay Chino.
“Oh sige, Francis balik na lang ulit ako bukas. I miss you, Francis.” bulong ni Chino sabay wala sa sariling naglapat siya ng halik sa mga labi ni Francis, nakalimutan na ngayon ay hanggang pagkakaibigan na lang ang meron sila.
Natigilan si Chris sa kaniyang nasaksihan. Naisip niya na lahat ng tsismis noon ay totoo, di niya mawari kung ano ang kaniyang dapat maramdaman, naiinis siya, nagagalit pero may iba pa siyang nararamdaman at hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.
“Selos?” bulong ng isip ni Chris.
“Sir? Tapos na po ang oras ng pagdalaw.” sabi ng isang nurse kay Chris, agad namang humarap sa gawi ng pinto si Chino kung saan niya narinig ang boses ng nurse laking gulat niya nang makita dun si Chris. Nagtama ang kanilang mga tingin.
Di maipaliwanag ni Chino ang kaniyang nararamdaman lalo pa nang makita niya ang mukha ni Chino. Di niya malaman kung anong tumatakbo sa isip ni Chris ang tangi niya lang masasabi na maaaring nagagalit ito o kaya naman ay nandidiri sa nasaksihan niyang paghalik ni Chino kay Francis base narin sa reaksyon ni Chris.
Nanlambot siya at agad na tinawag si Chris pero mabilis na itong naglakad palayo.
Itutuloy...
__________________________
Taking Chances 3
by: Migs
Next na po PLEASEEE! hehe
ReplyDeleteKakathrill ng mga mangyayari. :))
-->Nix
Another update? Wow! Keep up the good work Migs! :) Chris is cute beyond words!
ReplyDeleteselos selos selos...na maaring tayong kainin nito..kung di natin kaya dalhin
ReplyDeletegalit galitan... tapos selos naman drama ngayon... ay ka cute lang hehehe... Thank you for the fast update Migs.
ReplyDeletenaku kiligness naman to..
ReplyDeleterunaway ang drama ni Chris.. hahaha
super excited sa next update...
God bless.. -- Roan ^^,
chino... don't afraid to take chances... kasing magtatake ka nman ng chances for sure, kay chris :)
ReplyDeleteNag seselos nga ba si chris sa nasaksihan niya kay chino at francis? Hmmm. Super galing mo talaga Migz. Love you po. :)$
ReplyDeletenice one author!
ReplyDeleteI'm guilty being one of those na hindi nagcocomment sa posts mo. Sa sobrang ganda, basa agad kasi ng next chapter :-)
ReplyDeleteThanks Migs and happy holidays.
P.S. I heard you had issues with BOL pero why not consider posting there again? Sobrang onti na lang ng nagpopost ng quality stories dun. Your stories deserve to be read by many :-)
hahaha nagpapansin lang pala c cris kay chino.
ReplyDeletewow ang galing namn hehehe can't wait to read the next chapter
ReplyDelete