Monday, December 26, 2011

Taking Chances 7

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



What the heck!

Sabay na usal ni Chino at Chris nang muling bayolenteng umalog ang kanilang coach, lalong napakapit sa takot si Chino, nang mapansin ito ni Chris ay wala sa sarili siyang napangiti, may kakaibang sensasyon siyang nararamdaman sa mga hawak na iyon ni Chino, miya miya pa ay naramdaman niyang nanginginig na si Chino.



Hey, wag ka ng matakot, I'm sure everything is going to be OK.” bulong ni Chris kay Chino, tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Chino at agad niyang binitiwan ang braso ni Chris.



What the hell are you thinking, Chino?! It's Chris, the enemy, the jerk, the asshole, the guy who made your life these past few weeks miserable!” sigaw ng utak ni Chino sa kaniyang sarili, inayos niya ang sarili sa katapat na upuan ni Chris, nalungkot naman si Chris sa ginawang iyon ni Chino, tila ba tinanggalan siya ng karapatang huminga nung bumitiw sa kaniya si ito.



Sabagay, di ko siya masisisi, I literally made his life these past few weeks miserable.” bulong ni Chris sa sarili niya.



Di ako natatakot!” pasinghal na tanggi ni Chino na ikinangiti naman ni Chris.



You could've fooled me.” balik dito ni Chris, binigyan siya ng masamang tingin ni Chino.



God, please let them fix this damn thing! I don't want to be stuck with this asshole forever!” bulong ni Chino sa sarili niya na hindi naman nakaligtas kay Chris na ikinairita naman nito.



Sinong asshole?! What the hell! I'm trying to be nice here!” balik ni Chris kay Chino pero hindi ito pinansin ni Chino, tinalikuran lamang siya nito.



Fine! Be that way! Five minutes from now may stiff neck ka na!” dugtong pa ni Chris.



At least I'm not facing you!” balik ni Chino, napanganga naman sa gulat si Chris sa sinabing iyon ni Chino.



Un-fucking believable---!” simula ni Chris pero agad itong pinutol ni Chino.



What the hell are you playing at, Chris?! I'm mean, you've been nothing but a fucking major asshole this past few weeks, why change now?”



I just apologized, didn't I?!”



I can't remember accepting your apology!” balik ni Chino, saglit na natigilan si Chris.



You know what?!--- fuck you! Nagpapakababa na nga ako para sayo, Chino, inamin ko na lahat ng pagkakamali ko---!”



You know why I don't believe you even just for a fucking second?! Kasi natatakot ako na baka kapag pinatawad kita at naisipan mo nanaman na i-bully ako mas masasakit pa ang gawin mo, so why bother forgiving you now when I know that you're going to be the pain in my ass for the rest my life?!”



You're a fucking paranoid then.” balik ni Chino.



Well, I think I have the right to be one, want to know why?--- let's see, I'm nothing but kind to you and what? Naisipan mong sigawan ako and make me feel that I'm an epic fail in what I do which is by the way the only thing I know I'm good at, pero ano? What did you do? You say that I'm incompetent, unprofessional and a fucking retard! And you didn't just say it, you rubbed it in my friggin face! And then just when I'm trying to ignore you, you have the decency to spread rumors about me! I ignored you again and tried to have the little self esteem back and then what did you do?! You elbowed my fucking nose! And now you have the fucking ass to call me paranoid?!” sigaw ni Chino na walang ideya na naririnig na ng buong amusement park ang kaniyang mga sinasabi.



Sa unang pagkakataon ay nawalan ng sasabihin si Chris sa mga sinabing iyon ni Chino, aminado siyang hindi maganda ang mga ginawa niya kay Chino pero hindi niya alam na sobrang naapektuhan si Chino sa mga iyon. Tila naman nagiinaty ng isasagot ni Chris si Chino dahil hindi niya inalis ang tingin niya dito. Matapos ang ilang saglit na pananahimik ay wala ng iba pang nasabi si Chris kundi ang...



I'm sorry, Chino.”



Hindi inaasahan ni Chris ang reaksyon ni Chino sa paghingi niya ng tawad na iyon. Tumawa si Chino, pero wala ni isang kurot ng humor sa tawa na iyon, ito yung tipo ng tawa na ginagawa ng mga kontrabida sa pelikula. Muling binalot ng pagkainis si Chris.



Fuck you! Fuck you and your self pity oh-I-have-a-low-esteem personality! I'm being sincere here and if you have a problem accepting my sorry, then I don't care anymore! At least I apologized! At hindi lang yun, until you get that self pity and paranoia out of your system, lalo kang di magkakaroon ng kaibigan and you might lose those few you have!” singhal ni Chris, si Chino naman ngayon ang natameme. Si Chris naman ngayon ang tumalikod sa kaniya at sumimangot.



The nerve!” naiinis na sigaw ng utak ni Chino pero di niya rin maalis sa sarili niya na amining may punto si Chris.



0000ooo0000



Matapos ang isang oras ay binabalot na ulit ng takot si Chino, katumbas ng sampung palapag na building ang taas ng ferris wheel na iyon at nasa pinakatuktok ang coach nila, paminsan minsan niyang sinusulyapan si Chris, tila ba balewala dito ang mga nangyayari, nakalagay ang dalawang kamay nito sa likod ng kaniyang ulo at naka stretch pa ang mga paa, tila ba walang mali na nangyayari sa paligid nito at nakuwa pang mag relax.



Alam ni Chris na sumusulyap sulyap sa kaniya si Chino pero hindi niya ito pinapansin, minsan kapag di nakatingin si Chino at alam niyang di siya nito nakikita ay pinapanood niya itong balisang nagta-type sa kaniyang telepono o kaya naman tinatawagan ang mga staff sa baba para humingi ng tulong.



Nakikita ni Chris kung pano kabahan si Chino, kinakagat nito ang lower lip niya at pababa ang turo ng magkabilang sulok ng mga mata nito. Di niya mapigilang mapangiti sa sarili dahil kahit matapos ang kanilang sigawan kanina na sigurado niyang narinig ng buong amusement park ay di niya parin maiwasang ma-cute-an dito, gusto sana niya itong aluhin at sabihan na magiging OK ang lahat, pero pinigilan niya ang kaniyang sarili, alam niyang mainit ang dugo sa kaniya ni Chino at hindi ito magpapaalo sa kaniya.



Kinuwa niya ang kaniyang SLR at kinalikot ito, kumuwa ng ilang shots ng magandang view pati narin ng kabuuan ng amusement park.



0000ooo0000



Iminulat ni Chris ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang nagpa-panic na boses ni Chino, tinignan niya ang kaniyang relos at nakita niyang magtatatlong oras na silang nakatigil sa coach na iyon at alam niyang hindi natutuwa si Chino sa mga nangyayari.



I know, Dom, but I'm stuck here.” bulong ni Chino, ngayon lang napansin ni Chris na nakikipagusap pala ito kay Dom sa kabilang linya ng kaniyang telepono. Nakatalikod si Chino kaya naman hindi niya alam na gising na si Chris at pinagmamasdan na siya nito.



I told you, I'm with Chris--- I don't know how he ended up sharing the coach with me--- of course not! ---well I think we had some shouting match earlier---”



Naniningkit ang mga mata ni Chris nang biglang tumingin sa kaniya si Chino, natigilan si Chino nang makita niyang gising na si Chris at mataman siya nitong pinapanood.



Listen, Dom, I need to go, OK? Please, please, please talk to the management and tell them that I'm stuck here---” di na maiaalis ang pagmamakaawa ni Chino sa kaniyang boses, tumalikod saglit si Chino at bumulong.



Yes the monster is awake.” pabulong na sinabi ni Chino ang mga huling kataga pero hindi iyon nakaligtas kay Chris. Napailing na lang ang huli sa pangiinis na iyon ni Chino.



Ibinalik na lang niya ang kaniyang tuon sa SLR at tinignan ang iba't ibang litrato na kinunan niya at nanahimik na lang kesa magsalita pa at inisin ulit si Chino. Napangiti siya nang makita ang kinunan niyang litrato ni Chino kanina, kahit sa litrato ay kitang kita ang magandang hugis ng mukha ni Chino, tamang tama ang bawat kanto nito at walang masabing hindi maganda dito si Chris, ibinaling niya ulit ang kaniyang tingin sa mukha ni Chino upang pagkumparahin ang nasa litrato at ang personal. Napangiwi si Chris nang makitang nanginginig si Chino, manipis na t-shirt lang kasi ang suot nito.



Chino, are you OK?” tanong ni Chris, alam niyang nilalamig na ito dahil sa may isang oras narin ang nakakaraan nang lumubog ang araw at malamig na ang dinadala ng hangin sa coach nila, pero kailangan paring tanungin ni Chris dahil di siya nakakasiguro na dahil lamang sa lamig kaya ito nanginginig, pwede rin kasing dahil sa takot.



Naaalala niya kung pano kumapit sa kaniya kanina si Chino nang bayolenteng umalog ang coach nila kanina nang magka-problema ang ferris wheel. Binigyan ni Chino si Chris ng nanunukat na tingin.



Kanina I'm a paranoid-self pitying prick, tapos ngayon concern ka?!” sasabihin sana ni Chino pero pinigilan niya ang sarili niya at sa halip ay sinagot niya ito ng maayos.



I'm OK, I'm just cold.” may pagaalinlangang sagot ni Chino, di parin kasi ito makapaniwala na chummy chummy na sila ngayon ni Chris.



Here take this.” alok ni Chris sabay hubad ng light blue na long sleeves niya at natira ang isang puting wife beater na hapit na hapit sa katawang modelo ni Chris.



Napatulala si Chino, alam niyang maganda ang katawan ni Chris, after all ito ang puhunan niya sa trabaho niya, pero ngayon niya lang ito nakita ng malapitan, yung tipong isang dipa lang ang layo, bakat sa putting wife beater ang magandang hubog ng pectorals at abs nito, hindi rin papahuli ang namumutok na biceps at triceps, bago pa man dilaan ni Chino ang kaniyang mga labi bilang indikasyon na nagugustuhan niya ang kaniyang nakikita ay pinigilan niya ito.



It's Chris the asshole for pete's sake!” banat ng utak ni Chino sa sarili niya kaya naman agad niyang iniwas niya ang kaniyang tingin sa magandang katawan ni Chris pero bago iyon ay nakita niyang nahuli na siya ni Chris na tinititigan ang modelong katawan nito.



No, I'm OK, s-saka p-pano ikaw, ikaw naman ang g-giginawin.” nauutal na sagot ni Chino at sa puntong iyon ay nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Tinignan niya si Chris. Nakangiting aso ito na tila ba nagsasabing 'nahuli kita! Aminin mo, pinagpapatasyahan mo ako no?' na ikinairap naman ni Chino.



What's with the smirk?!” singhal ni Chino kay Chris, agad namang lumaki ang ngiti ni Chris at umiling.



If you find my body hot, you can say so, I will not be mad or something.” pangiinis ni Chris.



Self assured prick!” singhal ni Chino sabay hablot ng long sleeves ni Chris at walang patumangga itong isinuot sa sarili, narinig niyang humagikgik si Chris pero di nalang niya ito pinansin, ang totoo nun ay pinipigilan niya ang sarili na ngumiti. Inaamin ni Chino na may kakaiba silang kuneksyon ni Chris, hindi niya maisip kung ano ito kaya naman ikinibit balikat niya na lang muna ito.


Muling ibinalik ni Chino ang kaniyang pansin sa kaniyang telepono pero ang totoo nun ay palusot niya lang yun para may matignan siyang iba pwera lang kay Chris na hindi parin naaalis ang ngiting aso sa mukha, kunwari ay naglalaro siya ng apps sa kaniyang iPhone nang maamoy niya ang pabango sa long sleeves ni Chris, lalaking lalaki ang amoy nito, napangiti si Chino at inilapit niya ang kaniyang mukha sa isa sa mga sleeves ng damit ni Chris, pasimple niya itong inamoy at lalong napangiti, nasa ganito siyang tagpo ng makarinig siya ng isang mahinang click at makakita ng nakakasilaw na flash.


Nangunot ang noo niya at ibinaling niya ang tingin niya kay Chris, tinitignan ni Chris ang maliit na screen sa kaniyang SLR, di na niya ito pinagtuunan ng pansin, iniisip niya na may nakita si Chris na magandang view at kinunan niya ito.



My after shave smells good, doesn't it?” tanong ni Chris na ikinabigla ni Chino, agad itong nagisip ng palusot.



What the hell are you tal---?!”



Hey, nakuwanan kita, wag ka ng magpalusot, inaamoy mo ang shirt ko tapos ngumiti ka na para kang nakaraos---” pangiinis ulit ni Chris, agad namang namula si Chino.



---Awww! You're blushing, you look cute---”



Let me see that!” sigaw ni Chino sabay punta sa tabi ni Chris at inagaw ang camera, tama si Chris, huling huli sa camera ang ginagawa niyang pagsinghot sa shirt nito at ang ngiti na talaga namang mapapaisip ka kung ano ang ibig sabihin.



Busted?!” sigaw ni Chris sabay tawa, agad na binura ni Chino ang litratong iyon.



Hey! What'd you do that for?!” reklamo ni Chris, aagawin na sana niya ang camera ulit nang matigilan si Chino at biglang nanahimik. Tinitignan ni Chino ang litratong kinunan kanina ni Chris, siya ang tampok sa litrato na iyon, nakatagilid siya at nakatingin sa kawalan, maganda ang pagkakakuwa noon.



Gusto ko yang picture mo na yan. You look so sad and vulnerable, a far cry from what you let other people see.” bulong ni Chris kay Chino, nun lang nila pareho napansin na masyadong magkalapit ang mga katawan nila, halos nakasandal na si Chino sa malaking braso ni Chris pero wala ni isa sa kanila ang gustong gumalaw o lumayo sa katabi. Pareho nilang nararamdaman ang kakaibang kuneksyon sa pagkakadikit nilang iyon at ayaw nilang tumigil ito.



I don't know what you're talking about.” bulong ni Chino sabay abot ng camera kay Chris, napabuntong hininga si Chris.



Tama nga sila, pictures don't lie. I wish I could take a picture of your heart, para sa ganon malaman ko if you're lying or not." bulong ni Chris na ikinagulat ni Chino, lilipat na sana ulit si Chino nang pigilan ito ni Chris.



Please, stay, it's getting really cold, Chino.” pakiusap ni Chris, saglit na natigilan si Chino, tinignan nito si Chris, wala siyang nakita sa mga mata nito kundi ang pakikiusap, walang halong panloloko o pangiinis. Muling sumandal si Chino, pero ngayon hindi lang siya sa braso ni Chris nakasandal kundi hanggang sa malapad na dibdib na ni Chris, sa parte kung saan andun ang puso nito.



Aayos na sana ng upo si Chino at uusod ng kaunti palayo kay Chris ng pigilan siya ng huli. Muli niyang tinignan ang mukha ni Chris, ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.



Please?” bulong ni Chris, puno ng pagtangis ang mga mata nito na sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Chino ay hindi niya mahindi-an, tumango siya bilang sagot at muling sumandal kay Chris.



Ramdam na ramdam ni Chino ang mabilis na pagtibok ng puso ni Chris, kapareho at halos kasabay iyon ng sariling pagtibok ng kaniyang puso, di niya mapigilang lalong isiksik ang sarili sa mainit na katawan ni Chris, sa parte naman ni Chris ay nagugustuhan niya ang paglalapat ng katawan nilang yun ni Chino kaya naman wala sa sarili niyang iniakbay ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat ni Chino.



Sabay silang napabuntong hininga, tila ba ang ginagawa nilang iyon ang matagal na nilang iniintay na gawin sa isa't isa. Ilang minuto pa ay naramdaman na ni Chris ang mabagal na paghinga ni Chino, sa unang pagkakataon simula nung tumigil ang ferris wheel ay kumalma si Chino, sinulyapan niya ito, mahimbing na itong natutulog, dahan dahang itinaas ni Chris ang kaniyang SLR gamit ang kaniyang kanang kamay at kinuwanan niya silang dalawa ni Chino sa ganoong pusisyon ng litrato, tinignan niya ang maliit na screen at napangiti nang ma-amin sa sarili na ito ang kaniyang pinakaiinatay.



Marahang umalog ang coach, bumalik ang kuryente sa buong ferris wheel at banayad na muli itong umikot pero hindi umalis sa ganoong pusisyon si Chino na masuyo paring nakasandal kay Chris habang natutulog at si Chris naman ay sinusulit ang paglalapit ng mga katawan nilang iyon habang pinapanood matulog ang lalaking may ilang linggo na rin niyang gusto.




Itutuloy...


__________________________________
Taking Chances 7
by: Migs

20 comments:

  1. To all my readers: Happy Holidays!


    Thanks sa patuloy na pagsubaybay! :-)

    ReplyDelete
  2. Happy holidays din Migs!

    Most amusing chapter so far. You had at "Yes, the monster is awake" and "Awww! You're blushing, you look cute" but most of all that cocky line "If you find my body hot, you can say so".

    Hope you have a good 2012 Migs! Thanks for taking time to write and share these wonderful pieces of work with us! Here's hoping to more inspirations for more stories! I've learned a lot from you and on behalf of everyone here, Thank you!!!!

    ReplyDelete
  3. HAPPY CHRISTMAS AND MERRY NEW YEAR, KUYA MIGS.

    just like the previous chapter, maganda ang pagkakaputol ng kwento, in short BITIN..hehe adnun na eh..pero sana nde muna gumalaw ung Ferris Wheel heheh

    ReplyDelete
  4. Is the last post this year? Anyway, i like the dog and cat theme. Is this one of the many feel good story or a mellow drama? Nevertheless, its nice story to read.

    Wishing you PEACE and PROSPERITY this coming New Year!

    ReplyDelete
  5. Kuya mIgz!! haha kinilig ako dun ah! XD MERRY MERRY CHRISTMAS PO (kahit tapos na.haha!) and a PROSPEROUS NEW YEAR ahead! :))

    At kakapalan ko na po mukha ko, haha, chasing pavements po ha! gusto ko mabasa mga kasunod.hehe.. Nga po pala balita ko po magmemed daw po sana kau. saan niyo po ba balak sana magmed noon? Magmemedicine po kasi ako by next school year, naghahanap lang ng second opinion. hehe

    -->nIx

    ReplyDelete
  6. i am beginning to like this story.. i have been following it for a while kaya lang it is only in this part wherein i had the urge to comment.. i like the flow of the story here, at least feel good ang latter part.. hope the succeeding chapters will have the same flow as this one.. very nice chapter migz.. btw, happy holidays to you and to all your readers..

    ReplyDelete
  7. gusto ko yung mga ganitong eksena hehehehe

    may kilig factor.... thanks po otor for the update.

    from Jubail, KSA

    ReplyDelete
  8. spell KILIG?

    C-H-A-P-T-E-R 7. CHAPTER 7.

    --ANDY

    ReplyDelete
  9. wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh....... ikaw na!!!!!!!!

    kakakilig naman to. hihihi.
    BITIN MUCH???
    sana di muna gumalaw yung ferris wheel, yung nakataulog muna cla pareho. tapos nadatnan nalang clang natutulog. :D

    kuya migs!!!!!!! HAPPY NEWYEAR PO! BLEATED MERRYCHRSITMAS NARIN!! GODBLESS and INGAT LAGI!!


    -ichigoXD

    ReplyDelete
  10. This is what I've been waiting for!! This chapter is so awesome kilig! After the fight, the loving-loving...awww! This is like the fight between Angelina Jollie and Brad Pit sa movie na Mr. & Mrs Smith, where in they end up in a steamy love making! But! There's a but, because I'm going to wait for that to happen between Chino & Chris! Tama ako, this is what this story is all about... kakaiba! Migs!!! Happy New Year!

    ReplyDelete
  11. I can't be anything but speechless :O

    :-)

    ReplyDelete
  12. i like this story. yong climax ng bawat chapter andoong mabibitin ka talag. magaling ang author. noon pa man gusto ko na ang mga story nya. congratulations.
    ---------------isaac---------------

    ReplyDelete
  13. “Tama nga sila, pictures don't lie. I wish I could take a picture of your heart, para sa ganon malaman ko if you're lying or not." bulong ni Chris na ikinagulat ni Chino, lilipat na sana ulit si Chino nang pigilan ito ni Chris.


    ^_^ love these lines mr. author...feels so epic...heheheh

    ReplyDelete
  14. true loves never lies talaga....simula na ng pag babago sa buhay ni chris.... ang sweet naman nila....halikan mo kasi chris si chino.... nakawan mo ng halik.... para maparamdam mo sa kanya ang pag mamahal mo.....


    ramy from qatar

    ReplyDelete
  15. Super galing mo mahal kung Migz. Keep it up po. Galing ng batuhan ng linya ni Chris at Chino. Paanu na lang kaya pag nagising na si Francis...

    ReplyDelete
  16. wow! so much kilig nman..

    cant wait for the next chapter sna mas madaming twist ang story..


    thanks po sa pagpost :)

    ReplyDelete
  17. oh no! amp! kinikilig ako ng sobra,hahah XD

    ReplyDelete
  18. Ang ganda nang chapter na ito... Kinilig ako't naihi lol. Merry Christmas Migy boy and happy new year! :D Apir!

    ReplyDelete
  19. wahahaha sweet now this is what I call a fantastic.

    ReplyDelete