Monday, December 19, 2011

Taking Chances 4

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Kinakabahang sumipot si Chino sa kanilang photo shoot kinabukasan. Alam niyang nakita ni Chris ang paghalik niya sa labi ni Chris at base sa reaksyon nito ay hindi ito natutuwa sa kaniyang nasaksihan. Nang makarating siya sa venue ng photo shoot ay napansin niya ang mga mapanuring tingin ng bawat tao na nandun.



Napa-paranoid lang ako.” sabi ni Chino sa kaniyang sarili at itinuloy na ang paglalakad papunta sa tent kung saan andun ang kaniyang mga gamit at karamihan sa staff niya, bago pa man siya makapasok ng tent ay narinig niya ang ilan sa mga staff niya na naguusap usap.



I knew it! Makikita mo naman sa pagtitinginan nila eh.” sabi ng isang babae.


Oo nga! I mean, bakit pa nila kailangang itago. Edi in-love sila sa isa't isa. Big deal! Uso naman yan eh”


Di naman nila tinago eh, remember nung pumutok yung issue na yan, di naman nila kinunfirm at hindi rin nila dineny. Naaalala mo nun, parang walang pakielam si sir Francis non---”



Natigilan si Chino, di siya makapaniwala na may panibago nanamang issue na tampok silang dalawa ni Francis, ngayon alam niyang hindi siya napa-paranoid, pinagtitinginan talaga siya ng mga tao at ngayon pinaguusapan ulit. Inisip niya kung bakit muling pumutok ang issue na iyon.



Chris.bulong ni Chino sa kaniyang sarili nang maalala ang nangyari kagabi. Napuno ng galit ang kaniyang dibdib. Di niya lubos maisip kung bakit ganun na lang siya gustong gusto sirain ni Chris.


Ano bang ginawa ko sa kaniya?”


Nabasag ang pagmumunimuning iyon ni Chino nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses.



Wala ba kayong ibang gagawin kundi magtsismisan?” singhal ni Dom.



Papasok na sana ng tent si Chino nang magsalita ulit si Dom.



See?! Bakit kasi di mo mapigilan yang bibig mo?!” singhal ulit ni Dom.



I swear, di ko alam na ipagsasabi ni Ron---”



Sabihin mo yan kay Chino! Di mo alam kung anong ginawa mo Chris, di mo alam kung anong pinagdadaanan ngayon ni Chino---”



I swear, I didn't mean for this to happen.”



Naisipan na ni Chino na pumasok ng tent. Parehong nagulat si Dom at si Chris sa biglaan niyang pagsulpot. Tinignan niya ng masama si Chris, di niya napansing may ilang luha ang kumawala mula sa kaniyang mga mata. Agad na nakaramdam ng guilt si Chris.



Chino---” simula ni Dom.



Di ko alam kung anong ginawa kong masama sayo, Chris. What you witnessed last night was personal and you have no right spreading rumors about me and Francis!” di makapasalita si Chris.



So is it true?!” sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan, namukhaan ni Chino kung sino ang nagsalitang iyon, si Ron.



Ron---”


No Dom, I will not stop, I want to know if our beloved director is gay---” natigilan sila sa sinabing iyon ni Ron at tinignan si Chino.


Dont be afraid to take some chances.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.


Yes, Ron, I'm gay. Do you have a problem with it? I can still direct and produce good shots even if I'm gay, so kung meron mang isa sainyo ang may problema dun, sabihin niyo lang and I will walk out of this tent.” nagulat lahat ng tao sa loob ng tent sa pagamin ni Chino na iyon. Kinilatis niya ang bawat reaksyon na nakaplaster sa mga mukha ng bawat taong andun, nagtagal ang kaniyang tingin sa reaksyon ni Chris, blangko ito, sa palagay ni Chino ay si Chris ang may pinaka mahirap kilatisin na reaksyon. Mariin niya ito tinignan atsaka sinabi ang mga sumusunod...


Oh, and please don't drag Francis to this mess, the guy is in a friggin coma! At least respect him while he's not here! The love is unrequited, he doesn't love me like the way I love him and if anyone still wonders about the kiss I gave Francis last night that triggers for this issue to explode, then sue me, this is the only chance I got in kissing him and I took it, so sue me!”


Nang walang umimik sa loob ng ilang sandali ay nagsalitang muli ito.


Since wala namang nagsalita about sa pagkakaroon ng problema sa mga sinabi ko, siguro naman pwede na tayong magsimula sa pagtratrabaho.”



Yes sir!” nakangiting sabi ni Dom habang si Ron naman ay nakangiti paring nakatingin kay Chino at kay Chris, tila ba isang bata na binigyan ng pagkakataon na makita si Santa Clause ang reaksyon ng mukha nito. May hinala siya kung bakit interesadong interesado si Chris at kung bakit halos wala itong reaksyon nang umamin si Chino.


0000ooo0000



Nang magsimula nang magtrabaho sila Chino ay hindi rin ito makapag concentrate ng maayos, iniisip niya ang balibalitang kumalat, kapag nagising si Francis mula sa coma ay malamang tuklawin siya sa mukha ng mga issue na iyon at baka maapektuhan ang pagsasama nila ni Laura.

Di nakaligtas ang pagtahimik na iyon ni Chino kay Dom, pinagmasdan niya itong mabuti, alam niyang marami itong iniisip lalo na ngayong alam na ng lahat ang matagal na nitong itinatago, di niya ito masisisi pero hindi niya rin ito hahayaan na maging miserable.



You OK?” tanong ni Dom kay Chino, tumango lang ito.



Look, Chino, I know this is hard for you, but I don't want to see you like this. Para kang zombie.”



Well you can't blame me, can't you?” tanong ni Chino kay Dom.



I guess not--- but I can always put a pinch of life to my zombie of a boss.” taas babang kilay na sabi ni Dom, napangiti si Chino at napailing.



It's just that, when Francis wakes up---”



And I know he will.” dugtong ni Dom na ikinangiti naman ni Chino.



---if he wakes up, natatakot ako na baka dahil sa issue na 'to masira ang relasyon nila ni Laura, and if that happens I know di ako mapapatawad ni Francis at tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan namin.” malungkot na pagtutuloy ni Chino, nakita ni Dom kung pano nasasaktan si Chino sa mga nangyayari at wala siyang maisip na magandang sabihin.



I'm sure Francis wouldn't mind, Chino, pumutok na ang balitang ito dati---”



Before, wala kayong proof, now, somebody saw me kissing Francis and it's Chris of all people---!”



And you saved Francis' ass sa pagamin mo sa lahat ng 'to. Unrequited love? Believe me, Chino, Francis wouldn't mind.” saglit na natahimik ang dalawa, tila ba iniisip at hinihimay himay ang mga nangyayari.



Natatakot lang ako, Dom.” naiiyak na sabi ni Chino.



Hey, whatever happens I'm still here, OK? You still got me.” nakangiting sabi ni Dom, tinignan ni Chino ang mukha nito para malaman kung nagsasabi ito ng totoo pero ang tangi niyang nakita ay ang pagkindat nito. Napahagikgik siya sa ginawang iyon ni Dom.



Di nakaligtas ang palitan na ito sa pagitan ni Dom at Chino kay Chris, di niya maiwasang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam nung nakita niya si Chino na hinahalikan si Francis sa labi. Muling bumalot sa pagkatao ni Chris ang galit at---



Selos.” bulong ni Chris sa kaniyang sarili saka umiling.



0000ooo0000



Wala ng naging aberya pa hanggang sa matapos nila ang photo shoot. Wala ng naging usapan pa tungkol sa sekswalidad ni Chino pero may kakaiba ring napansin si Chino sa paligid niya matapos ang kaniyang pag-amin. Ilan sa mga lalaking modelo ay tila ba nagpakita sa kaniya ng bagong interes, naging sweet ang mga babaeng staff at tila ba lalo siyang nirespeto ibang mga staff ng production.



Kabaliktaran sa kaniyang ine-expect.



Inaayos na Chino ang kaniyang mga gamit nang lumapit sa kaniya si Dom. Di na ito binigyan pa ng pansin ni Chino dahil akala nito ay magaayos lang din ito ng sariling gamit katulad ng mga nakarang shoot.



uhmm--- Chino, uuwi ka na?” kinakabahang tanong ni Dom.



Yup.”



Ahhh... uhmmm---Chino---”



Cut the crap, Dom. What is it?” naiirita ng sabi ni Chino. Gusto niya si Dom, mabait ito at walang pakielam sa kaniyang pagkatao pero di talaga ka-aya aya ang ugali nito na tila ba laging nagaalangan.



Ah kasi eh--- may laro kasi kami ng basketball---”


I'm not interested.”


Pero sabi ni Francis naglalaro ka raw ng basketball---”


Oo naglalaro ako ng basketball pero depende sa mga makakalaro ko.” saglit na natahimik si Dom sa sagot na iyon ni Chino, napayuko ito at tila ba napahiya sa pagsusupladong iyon ni Chino. Alam kasi ni Chino kung sino ang maaari niyang makalaro sa paanyayang iyon ni Dom, at di niya pinangarap na makaharap pa si Chris sa labas ng kaniyang trabaho.



I will not let him near you, Chino. Besides, malay mo, magkaayos na kayo ni Chris sa pamamagitan nito.” pangungumbinsi ni Dom kay Chino na may kasamang taas baba ng kilay na ikinatawa muli ni Chino.



0000ooo0000



Di parin alam ni Chino kung tama ba ang kaniyang naging pasya na pasinayahan ang alok ni Dom, alam niyang hindi lang ang paglalaro ng basketball ang maglalapit sa kanila ni Chris, alam niyang sagad sa buto ang galit sa kaniya ni Chris gayong di niya alam kung bakit, pero hindi niya rin ma-hindi-an si Dom, may kakaiba sa personalidad nito na mahirap tanggihan.



Nang makalapit na sila sa court ay tumigil sa pagste-stretch ang mga kaibigan ni Dom. Iginala ni Chino ang kaniyang mga mata at napagtanto niyang kilala niya ang mga andun, ang ilan ay mga modelo, may mga prod staff at ilang mga lights and props, nakita niya rin doon si Ron at sa kaniyang pagka dismaya ay si Chris.



Nang magtama ang mga mata nila ni Chris ay agad niyang iniwas ang kaniyang tingin. Nang sumulyap siya ulit dito ay nagpapalit-palit ang tingin nito sa kaniya at kay Dom, tila ba nagtataka kung bakit magkasama ang mga ito at tila ba may nanginsulto dito dahil biglang bumakas sa mukha nito ang galit.



Bakit mo kasama si Chino?” pasinghal na tanong ni Chris. Nagulat naman ang iba pang andun sa pakikitungong iyon ni Chris. Inilagay ni Chino ang kamay niya sa balikat ni Dom para makuwa ang atensyon nito.



I'll wait in the car. It's obvious that I'm not wanted here.” bulong ni Chino kay Dom nang humarap ito sa kaniya.



Chino! Halika sali ka samin. Tamang tama kulang kami ng isang player!” sabi ni Ron sabay hila kay Chino. Biglang tumawa si Chris at binigyan ng masamang tingin ang paghawak ng kamay ni Ron sa braso ni Chino. Muling umakyat sa nakakaalarmang lebel ang inis dahil sa pambabale-wala sa kaniya ni Chino, galit at selos nito, kaya't ginawa niya ang matagal na niyang ginagawa sa tuwing nakakaramdam ng ganito...



C'mon, Ron. Pussies can't play ball!” nangiinsultong sabi ni Chris habang daretsong nakatingin kay Chino.


Dont be afraid to take some chances.” bulong ng makulit na tinig ni Francis sa bahagi ng isip ni Chino.


Sure, Ron. Sino may extra jersey?” tanong ni Chino, natigilan si Chris sa sagot na iyon ni Chino habang si Dom naman at Ron ay nagpalitan ng ngiti.



Ilang minuto pa ng pagste-stretch at napagalaman ni Chino na maglalaro siya laban sa kuponan ni Chris, di naman siya masyadong kinakabahan dahil alam naman niya ang kakayahan niya sa paglalaro ng basketball, di naman siya papahuli sa tangkad ng mga andun at hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Chris na ipamukha sa kaniya na ang paglalaro ng basketball ay sa mga tunay na lalaki lamang.



Sa kuponan nila Chino napunta ang bola pagkatapos mag jump ball, agad itong nakuha ng isang lalaki sa kaniyang kuponan at iningatan ito laban sa mga nangaagaw mula sa kabilang kuponan. Dahil sa taglay na bilis ni Chino ay nakarating agad siya sa loob ng three point shot spot kaya naman agad niyang sinenyasan ang kaniyang kakampi na ipasa sa kaniya ang bola, di naman siya binigo nito at ipinasa sa kaniya ang bola, nang masalo niya ang bola ay di na siya nagabala pang saglit itong i-dribol at i-shoot ito.



Agad siyang nilapitan ng pinakamalapit sa kaniyang mga kakoponan at nakipag apir sa kaniya. Ilang segundo pay bumalik sila sa paglalaro, dahil naman sa kaniyang bilis ay naagaw niya ang bola sa kaniyang binabantayan at mabilis na tumakbo pabalik sa kanilang court, nang makakita siya ng isang kakoponan na libre ay ipapasa na sana niya ang bola kaso naharang siya ng isang malaking lalaki. Si Chris. Agad niyang iniwas ang bola sa pangaagaw ni Chris, mabilis pero maingat siyang umiwas dito sa pamamagitan ng pagikot patalikod at dahil nga sa angking bilis ay di nakasabay sa kaniya si Chris na halos doble ng laki ni Chino at ipinasa na niya ang bola sa kakampi.



Gulat na gulat na tumingin sa kaniya si Chris, di makapaniwala sa bilis ng kaniyang mga galaw, nginitian lang ito ni Chino sabay kibit balikat, lalong sumama ang mukha ni Chris na halatang inis na inis na, nang ibalik ni Chris ang kaniyang focus sa laro ay nakita niya si Chino na lumulundag at marahang pinakawalan ang bola sa kaniyang mga kamay para sa isa nanamang three points. Matatambakan na sila Chris at ang katotohanang iyon ang siyang lalong ikinainis nito at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay lalo pa siyang nainis nang lumapit si Dom sa tabi ni Chino at walang patumanggang niyakap ito at hinalikan sa pisngi.



Nagulat si Chino sa ginawang iyon ni Dom, halos makalimutan na nito na naglalaro sila, nginitian lang siya ni Dom at kinindatan nang maibalik na niya ang sarili sa laro ay mabilis niyang naagaw ang bola sa isang manlalaro sa kabilang koponan, di niya napansin na mabilis din siyang sinusundan ni Chris, iniwasan ni Chino ang pangaagaw ni Chris pero nang umikot siya para umiwas ulit ay siya namang tisod sa kaniya ni Chris at siko sa tagiliran pero agad na umiwas si Chino kaya naman sa ilong ito napuruhan na ikinabagsak nito sa sahig.



Aw! Shit!” sigaw ni Chino, napaluhod si Chino, nahihilo, ibinuka niya ang kaniyang mga mata at nakita niya ang makinis na sahig ng court, malapit sa kaniyang tuhod ay ilang malalaking patak ng dugo, agad na lumapit si Dom at iba pa, nang tumihaya si Chino ay nakita ni Chris ang pagdugo ng ilong nito. Agad siyang lumapit kay Chino at katulad ni Ron ay inalalayan itong tumayo pero hinawi yun ni Chino.


Don't fucking touch me!” singhal ni Chino sa mga gustong tumulong sa kaniya.


I'm sorry, Chino.” kinakabahang bulong ni Chris. Binigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Chino.


Fuck you!” natigilan si Chris sa sinabing iyon ni Chino. Nakita niya itong naglalakad palabas ng gym, hawak hawak ang ilong na patuloy parin sa pagdudugo.


Chino you're bleeding—-” habol dito ni Dom pero mabilis na lumbas si Chino.


What the fuck did you do that for, Chris?!” iilingiling na sigaw ni Dom sabay tulak kay Chris.




Itutuloy...

______________________________
Taking Chances 4
by: Migs

15 comments:

  1. wahhhhh ang galing pala ni chino sa basketball. Malabanan nga ng 1on1.

    Seriously, I can relate to Cris. Sometimes you tend to do some desperate measures just to get the attentions of the person.

    ReplyDelete
  2. Katatapos ko lang mag basa-marathon. Cant help but to smile. Ang cute ng story kahit matured na mga karakters. Ewan bkit gustong-gusto ko ung mga confrontations ni Chino at Chris. Bitin...

    Next pls...

    ReplyDelete
  3. Award! Mr. Author? If you dont mind? Yung emotions sa stories mo saan mo hinuhugot? masyadong nakakadala... hehe
    Panalo...
    clap! clap!

    - jemyro

    ReplyDelete
  4. jealous might drive us crazy...poor chris..express your feelings na lang sanan.

    ReplyDelete
  5. magpakatotoo na sana si chris at kausapin na si chino at umamin.

    More...

    ReplyDelete
  6. Chino and Chris all the way! They are so adorable even though there is blood involved. Next one please! :)

    ReplyDelete
  7. Wow Migs..may bago na naman ako susundan.hehehe..

    Ngayon lang ako nakapagkoment. abangan ko next update mo!

    ReplyDelete
  8. Wa! Ang galing sir Migs. Ang ganda ng pacing ng kwento at nakaka excite yung mga scenes. Pumitik adrenaline ko habang binabasa ko yung part sa basketball. Matutulog na sana ko pero ginising mo diwa ko. Can't wait for the next chapter =)

    -RP

    ReplyDelete
  9. chris umamin ka na kay chino kasi.

    ReplyDelete
  10. This is it! I read this twice today... grabe na to.... di ka talaga nauubusan ng pasabog Migs... kakaibang kilig naman tong kay Chris at Chino... ibang klase... worth reading talaga.

    ReplyDelete
  11. ang kulit ni chris umamin na kc dapat sya kay chino, haha ... ang ganda ng flow ng story :))

    ReplyDelete
  12. Ang sama ng ugali mo chris. Ayan chino. Matuto ka lumaban. Da best ka Migz. Love u po...

    ReplyDelete
  13. Cge Dom, sapakin mo yang papansing Chris na yan. Di nia alam kung papaano nia sinasaktan si Chino. Awww... I'm mad at Chris for being insensitive.

    ReplyDelete
  14. tama lang na sigawan mo si chris.... para matauhan na sya...d sa marunong tumanggap ng pagkatalo kahit sa laro ng basketball... inis lang un... he he he bilib talaga ako sa u chino at nasabi mo ang katotohanan sa kanila kung ano ka.the truth will set you free... wala ng agamagam...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  15. wlang kupas ka tlaga migy boy ang galing hahaha may alam ka pala sa basketball? No offense ha sanay kasi ako na pag nurse walang ka sport sport sa buhay...hkhkhk

    ReplyDelete