Chasing Pavements 4[14]

DISCLAIMER: This chapter is just the same as the first chapter, so kung naaalala niyo pa ang mga nakasulat sa unang chapter ay mas mabuting i-skip niyo na ang chapter na ito at tumuloy na sa Chapter 15. The story has come to full circle, para hindi maguluhan ang iba ay pinost ko narin ito bilang chapter 14. Kung may tanong o may gusto kayong linawin ay i-daan niyo lang sa comment at magre-reply ako. Promise. hehe! Thanks!

_______________________________________________________________________

Unti-unti nang binabalot ng liwanag ang buong kwarto, halos magdamag akong nakatitig kung hindi sa pader ay sa kisame, mahapdi ang magkabila kong mata, sa kakaiyak o sa puyat di ko na alam. Saktong dalawang linggo na akong ganito, walang maayos na tulog at kain, konti na lang sigurado kong bibigay na ang aking katawan. Sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata, umaasang dadalhin ng tulog ang aking diwa sa isang magandang panaginip, sa isang lugar kung saan walang pasakit at kung saan walang luhang tutulo.



Migs. Please.”



Muli ko nanamang narinig ang boses na siyang dahilan ng aking pagtangis. Muling bumukas ang aking mga mata, naniningkit sa liwanag ng buong bahay at sa nangingilid na luha. Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likod, nanggagaling iyon sa puno ng santol na siyang humihiwalay sa bahay namin at nila Edward. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng aking bintana at ang mahinang yabag ng malalapad na paa ni Edward palapit sakin. Sinipat ko ang orasan sa tabi ng aking kama.



6:00am” Walang mintis, araw araw sa loob ng dalawang linggong nakalipas si Edward ang bumubungad sakin.



Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring mahimbing na natutulog. Naramdaman ko ang paggalaw ng aking higaan, dalawa lang ang ibig sabihin nito, ito ay kung umupo si Edward o tumabi sa akin sa pagkakahiga. Hinihiling ko na sana ay tumabi siya sa aking pagkakahiga. Naramdaman at naamoy ko ang mainit na hininga ni Edward na dumapi sa aking kanang pisngi, tulad ng aking pagkakatanda, amoy mint ito.



Naramdaman ko rin ang pagdampi ng kamay ni Edward sa aking pisngi at sa paghagod ng kamay nito sa aking buhok. Isang bagay sa loob ng ilang taong pagtulog namin noon na magkatabi ay gustong gusto niyang gawin.



You know what I want? I want to wake up every morning for the rest of my life next to you.”



Pilit na bumabalik sakin ang mga alaala ng sinabi ni Edward na iyon, pero hindi na mangyayari ang hiling na iyon. Matagal na kaming tapos.




Migs. Gising na, pinagdalhan kita ng agahan.” bulong ni Edward at muli kong naamoy ang mabangong hininga nito, dahan dahan akong tumihaya at nakita kong nakaupo si Edward sa aking kama, nakadungaw sa akin at may ngiti na nakaplaster sa kaniyang mukha. Napatitig ako doon.



Edward.”



Hmmm?”



Lagi kang ngingiti ah, gwapo mo kasi kapag nakangiti.” nahihiya kong sabi dito sabay iwas ng tingin, di ko man nakikita ang aking sarili ay alam kong namumula ako sa hiya.



Goodmorning, Miggy boy!”



Sana ikaw na lang... Sana hindi ka na lang nagpakasal, sana tumutol ako noon... Sana...” dikta ng aking isip habang nakatitig ako sa maamong mukha ni Edward.



Sinubukan kong ibalik ang ngiting iyon, pero alam kong di ako nagtagumpay.



Damn, Migs! You look like shit!”



Dahan-dahan akong bumangon ng kama at pumunta sa kalapit na banyo. Tama si Edward, napabayaan ko nanaman ang sarili ko.



Alam mo, di kita maintindihan, halos di ka na nga bumabangon sa kama at natutulog magdamag pero ganyan parin ang itsura mo.” pabirong sabi nito pero alam ko sa likod ng mga birong iyon ay ang pagaalala.



Tumitig ako sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksyon.



Hey Handsome.”



Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Narinig ko nanaman ang mga boses na iyon, ang boses na sa loob ng ilang taon ay bumubungad sa aking paggising sa tuwing dito siya sa bahay namin nakikitulog. Di ko napigilan ang aking sarili.



Isang luha ang tumulo.



Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Edward mula sa likod. Ibinalot nito ang kaniyang mga malatrosong kamay sa aking bewang at pilit akong isiniksik sa kaniyang katawan, isinukbit niya ang kaniyang baba sa aking balikat, ramdam ko ang regular na paghinga nito sa aking likuran kung saan magkadikit ang aming mga katawan at ang mainit na pagbugha nito ng hangin sa aking kanang pisngi. Pakiramdam ko walang mananakit sakin hanggang yakap ako ng ganito ni Edward.



Agad akong humiwalay sa yakap na iyon. Matagal na kaming tapos. Pinahiran ko ang mga luha sa aking mga pisngi. Humarap ako dito at sinubukang ngumiti, pero alam kong di ako nagtagumpay doon.



Iahin mo na ang agahan sa baba, pakisabi kay Mae, salamat. Magaayos lang ako ng sarili bago bumaba.” sabi ko dito. Tinitigan lang ako nito at muli akong niyakap. Ngayon magkadikit na ang aming mga dibdib at magkadikit na ang aming mga pisngi. Mahigpit ang yakap na iyon.



Isanag yakap ng nagaalalang kaibigan.



Everything will be OK.”



BOOM! Lie number one!” dikta ng makulit na bahagi ng aking isip.



Bakit ko papaniwalain na magiging OK lahat gayung malayo sa pagiging OK ang aking nararamdaman? Sa pangalawang pagkakataon muli akong humiwalay sa mahigpit na yakap mula kay Edward.



Matagal na kaming tapos.



Ilang minuto pa ay natapos ko na ang simpleng gawain na ayusin ang aking sarili, simple pero halusin abutin ako ng kalahating oras para gawin. Napabuntong hininga ako ng maabutang may kausap sa telepono si Edward. Kilala ko kung sino iyon. Di ako tanga. Nakinig muna ako sa may haligi ng pinto, nagtatago kay Edward para marinig ko ang pinaguusapan nila.



Of course he's not OK!” malutong pero halos pabulong nitong sabi sa kausap.



He's hurting! What do you expect mag cartwheel siya at magsplit sa tuwa?! C'mon!...”



Sinadya kong umubo para malaman niyang papalapit na ako sa hapagkainan.


Gotta go, I'll talk to you later.”


Saktong pagkababa ng telepono ay ang pagpasok ko ng kwarto.



Sino kausap mo?” tanong ko kay Edward.



Ah, wala. Kliyente ko, nangungulit.”



BOOM! Lie number two!” dahil alam kong si JP ang kausap niya.



Ahhh... nagaaway kayo?” tanong ko ulit, natigilan sa paghahalo ng kape si Edward.


K-kain na tayo. Masarap itong niluto ni Mae na---”


Di na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng umupo ako sa harapan ni Edward at nagsimula ng kumain. Napatango ako bilang pagayon sa sinasabi niyang masarap na pagkakaluto ng pagkain.



Dave, Pat and Fhey are going to be here later.” masuyong sabi ni Edward. Tumango lang ako bilang pagsangayon sabay higop ng mainit na kape.



You guys don't have to do that. I'm O-OK. Besides, maglilinis pa ako ng buong bahay oh.”



There goes the third lie.”



Sinubukan kong haluan ng konting humor ang aking sinabi pero maski ako di natuwa sa aking sinabi.



Ano ka ba. Di ka naman namin huhusgahan kapag sinabi mong di ka OK eh.”



Nagkatitigan kami ni Edward, inabot nito ang aking kamay at pinisil iyon.



Migs, do you want to talk about it? I can see you're hurting, di ko kayang nakikita kang ganyan.”


Inalis ko ang kamay ko sa pagkakabalot ng kamay niya.



Wow. Coming from you, that is really an understatement. Considering how you managed to hurt me big time before.” di ko na napigilan ang aking sarili, napasulyap ako kay Edward, nakita ko kung pano ito namutla.



I'm sorry, I shouldn't have said that.”



Fourth lie. I'm NOT sorry to say that.”



Pinilit ni Edward ngumiti, pero may mali na sa mga ngiting iyon.



Di niyo kailangang mag worry. Kaya ko ito.” sabi ko dito sabay ngumiti, kaso di ko alam kung papasa bang ngiti iyon.



So... Do you want to talk about...”



Napapikit ako sa mga sinasabing iyon ni Edward. Isang malakas na tunog ang bumalot sa buong first floor ng bahay.



Saglit lang, tignan ko lang kung sinong asa pinto.”



Ilang beses pang binalot ng tunog ng doorbell ang bahay.



Sino ba 'tong lintik na 'to?! Maka doorbell naman...!”



Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay alam ko ng sira na ang buong araw ko.



Si Edward?! Sabi kasi nung MISIS niya andito daw siya sa inyo.” tanong nito sa isang napakatining na boses.



Migs, sino---” umpisa ni Edward sa aking tabi. Minata ng babae ang suot naming pambahay ni Edward na tila kababangon lang ng higaan.


My gosh! Wag mong sabihing magkatabi parin kayong natutulog maski may asawa na yang si Edward?! C'mon Migs! Di ka pa ba makamove on?”


Something inside me snapped. Muntik ko ng abutin ang mukha ni Essa at bigyan ito ng isang makabasag bungong upper cut. Mabuti nalang at napigilan pa ako ni Edward.



Anong kailangan mo Essa?” malamig na tanong ni Edward. Inabot ni Essa ang isang sobre.


Ikakasal na ako. Invited ka, ikaw lang ah.” sabi ni Essa sabay tingin sakin na kala mo nangiinggit.



Tinignan ko ang lalaking katabi nito. Si Don Viaje, ka-batch din namin noon sa highschool. Napasinghot ako. Isa si Don sa pinaka arogante sa batch namin, kung anong laki ng ulo niya sa pagyayabang ay siya namang liit ng utak niya. Anak mayaman, kaya umabot sa pinakatuktok ng mt. Everest ang yabang, baka lagpas pa.



Tinitignan nito ang bahay namin at kala mo minamata. Oo, maliit ito kumpara sa bahay nila. Kita ko ang panlalait sa mga mata nito na sumasalamin naman sa masamang ugali nito na siya namang umaayon din sa masamang ugali ng mapapangasawa niya.


Pathetic.” bulong ng isip ko.


Di pa pala tapos si Essa. Tinignan ako nito.


Migs, di ka ba nahihiya sa asawa ni Edward? Humahabol ka parin kay Edward? C'mon, Migs. Ganyan ka na ba talaga ka pathetic?!”



I don't know which is more pathetic, you fucking with this air head...” sabay turo kay Don. “...or you not getting over Edward.” balik ko dito. Lumapit ito sakin na kala mo mananampal na habang si Don naman ay pasugod na din.



Tandaan mo, ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Edward. Kung hindi ka nakikipaglaro ng 'fuck my FAGGOT ass' kay Edward di sana kami maghihiwalay. Remember that hugging and kissing scene niyong dalawa ni Edward sa parking lot ng school?” sabi ni Essa sabay ngiti na kala mo kontrabida.


Enough!” sigaw ni Edward. Lumapit ako kay Essa, halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin pinipigilan na ako ni Edward habang si Don naman ay binabantayan si Edward.


Get out of my property before I kill you.”


Mukhang natakot naman si Essa kaya't umatras ito. Pero natigilan ito bago dumating ng gate. Natigilan din ako at si Edward.



Mae...” bulong ni Edward.


Lumingon sakin si Essa at nagbigay ng flying kiss, pero di ko na ito pinansin nakatitig ako kay Mae. Naluluha ito. Mabilis itong naglakad papunta samin ni Edward.


Magusap tayo.” bulong nito. Bigla akong binalot ng takot.



Kailan pa don si Mae? Ano ano ang mga narinig niya?” tanong ko sa sarili ko.


Sakto namang nag-ring ang telepono namin. Di ko na sana ito sasagutin.



Hello, Migs!”


Natigilan ako.


JP, not now.” nagulat ako dahil mahinahon ang pagkakasabi ko nito.



No! We have to talk now! It's Rick---” agad akong nanlambot, namutla at lalo akong natakot pagkarinig sa pangalan ni Rick.



Migs, si Rick... n-nahulog siya sa hagdan---” agad akong napaluhod.


Sa di kalayuan ay naririnig ko ang sigawan ng magasawang si Edward at Mae.



Itutuloy...



_______________________________
Chasing Pavements 4[14]
by: Migs

Comments

  1. kaano-ano mo po si rick? thank you sa posting kahit na nasasaktan ka sa paggawa nito...

    ReplyDelete
  2. kuya nigs,, sabi sa kanta ni jessie j "it's okay not to be okay!"

    >>Down_d'LIne

    ReplyDelete
  3. sorry typo. kuya MIGS..haha

    >>Down_d'Line

    ReplyDelete
  4. diba parang natapos na to? sori kuya, im juat bit confused sa pagkakasunod. hope ok ka na ngaun

    -john el-

    ReplyDelete
  5. Natuwa ako sa chapter na toh.. Kasi pag tinignan ko siya.. Pede talaga xang gawin chapter.. Ngayon lang ako nakabasa ng dalawang chapter na pareho ang kwento.. Duplicate but still make sense..

    -lonely and blue..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]