Wednesday, December 21, 2011

Taking Chances 5

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.

Sa ikailang beses sa araw na iyon ay naisailalim nanaman si Chino sa mga mapanuring mata. Matapos paduguin ni Chris ang kaniyang ilong ay agad siyang umuwi at sinubukang patigilin ang pagdudugo nito, pero ilang minuto pa at hindi niya ito mapatigil at mukhang lalo pang dumugo kaya naman nagpasya siyang pumunta na ng ER at doon sa ikailang beses sa araw na iyon ay naisalalim nanaman siya sa ilang pares ng mapanuring mata.



Sabihin mo nga ulit sakin kung anong nangyari sa ilong mo?” tanong ng doktor, di mapigilan ni Chino ang mapa-irap sa pagkairita dahil pang limampung beses na ata siyang tinatanong nito, mapa nurse o duktor.



We're playing basketball, some asshole decided to land his elbow to my face. Is it broken?” nagaalalang anong ni Chino.



No, it's not. Just relax and we'll do something with the bleeding.”



Muling humiga si Chino sa stretcher at nagmunimuni. Hindi niya mapigilang magisip. Di niya kasi lubos akalain na may mga homophobic assholes pa pala sa ganitong kamodernong panahon.



We're already in the age of computers for heavens sake!” naiinis na sabi ni Chino sa kaniyang sarili.



Hindi ito nakatulong sa mababa na niyang self esteem, kung kailan nagiging kumportable na siya sa kaniyang sarili matapos ang success ng kaniyang photo shoot na akala niya ay di niya magagawa ay saka naman pumutok ang issue tungkol sa sekswalidad niya na nauwi sa pagamin niya at ngayon di siya matanggap ng mga katrabaho niya. Sumagi rin sa isip niya na baka kaya siya inaya ni Dom at Ron para maglaro ng basketball ay para ipamukha sa kaniya na wala siyang kwenta noon at lalo siyang nawalan ng pagkakataon magkaroon ng kwenta sa kanilang mga mata dahil sa kaniyang sekswalidad. Pakiramdam niya ay napagkaisahan siya.



Pero sincere si Dom nung ayain niya akong lumabas at para makipagkaibigan at bakit niya pa ako niyakap at hinalikan kung nandidiri siya sakin?” tanong ulit ni Chino sa kaniyang sarili.




Pero naisip niya rin na may mga tao talagang gagawin ang lahat makapang trip lang at kung tutuusin ay mga tipo nga ni Dom at Chris ang may kakayahang gumawa nun, mga kumportable sa kanilang sekswalidad at gagawin ang lahat mapatunayan lang na mas magagaling silang tao kesa sa iba kahit pa ang kapalit noon ay makasakit sila ng kapwa. Tila ba may pumiga sa mga laman loob ni Chino nang maisip ito.



Nagulat si Chino nang mag-ring ang kaniyang telepono. Si Dom, tumatawag, inisip niya kung sasagutin niya ba ito o hindi , pero nung huli ay napagpasyahan niyang sagutin ang kaniyang telepono.



Leave me alone!” sigaw ni Chino sa kabilang linya bago pa man makapag 'hello' si Dom.



0000ooo0000



Di parin makapaniwala si Chris sa kaniyang nagawa, literal na nga niyang sinira ang reputsyon ni Chino sa kanilang mga katrabaho, sinaktan pa niya ito. Sinaktan ng pisikal. Hindi na siya nakapaglaro pagkatapos umalis ni Chino, gusto niya sana itong sundan o kaya puntahan sa bahay para humingi ng sorry pero hindi niya alam kung saan ito nakatira.



Habang nagaayos siya ng gamit para umuwi ay di niya maiwasang mapansin ang masasamang tingin na ibinabato sa kaniya ng grupo nila Dom.



Si Dom.” bulong niya, muli siyang nakaramdam ng galit para dito at nang maglaon ay galit sa kaniyang sarili.



Naguguluhan siya kung bakit nga ba ganun na lang ang naramdaman niyang galit kay Dom at Chino nang magyakap at maghalikan ang dalawa sa gitna ng court. Walang pagkakaiba ang naramdaman niyang iyon nang makita niya si Chino na hinahalikan si Francis sa labi nung gabing sinundan niya ito sa ospital.



Ngayon, dahil sa galit na iyon ni Chino sakin, lalo na akong di kakausapin nun.” malungkot na sabi ni Chris sa sarili niya.



Yun lang naman talaga ang gusto ni Chris, ang pansinin siya ni Chino, hindi man niya ito maipaliwanag ay hindi na niya ito hinanapan ng explanasyon, basta gusto niyang mapalapit si Chino sa kaniya at gusto niyang sa kaniya lang ang atensyon nito.



Pero huli na, galit na galit na sakin si Chino.” bulong ni Chris sa sarili niya sabay iling.



Si Chino ba yun? Ano sabi? Nakausap mo ba?” sunod sunod na tanong ni Ron kay Dom, tumingin sa gawi nila si Chris at nakita pa niyang ibinababa ni Dom ang telepono nito mula sa tapat ng tenga niya.



He wants me to leave him alone. I don't get it, Ron---” nanghihinayang na bulalas ni Dom, alam niya kapag natapos na ang isang pagkakaibigan, sa sitwasyon ngayon ay tapos na ito bago pa magsimula. Umiling naman si Ron.



May problema sa self esteem si Chino at pagkatapos ng nangyari ngayon, di na ako magtataka kung iniisip nun na pinagtripan natin siya or something.” sagot ni Dom na ikinagulat ni Ron at ni Chris sa hindi kalayuan.



We have to talk to him, Ron. Linawin natin na wala tayong kinalaman dun sa nangyari.” sabi ni Dom sabay tingin sa gawi ni Chris, binigyan niya ito ng masamang tingin, bago naman sumagot si Ron ay sinundan nito ang tingin ni Dom at nakita niyang nakikinig si Chris.



Let's give Chino time to chill, di makikinig ngayon yun after ng nangyari.” sagot ni Ron sabay iling at ipinarating kay Chris na dismayado siya sa ginawa nito kay Chino kanina.


Lalong bumigat ang pakiramdam ni Chris pagkatapos marinig ang palitan na iyon ni Ron at Dom.


0000ooo0000


Bago tumuloy sa susunod na photo shoot ay dumaan muna sa opisina ng boss niya si Chino, nakapagdesisyon na siya, tutal nagbigay naman ng palugit ito at kapag daw hindi parin niya nagustuhan mag shoot director sa mga male models ay papayagan siya nito na bumalik sa mga photo shoot ng babaeng models at bitawan ang mga lalaking model.



Oh shit! Chino, what happened to your nose?” tanong ng kaniyang boss, nakalimutan na ang ethics sa pagitan ng employer at employee.



An elbow decided to kiss my nose.” sagot ni Chino sabay kibit balikat. Napansin agad ng boss ni Chino na may kakaiba dito.



And to who's body is this elbow connected to?” tanong ng boss ni Chino, nagkibit balikat ulit si Chino.



I'd rather not talk about it, Sir.” nagulat ang boss ni Chino, ngayon niya lang kasi narinig si Chino na ganung ka lamig magsalita. Mahiyain ito, Oo, pero sa loob ng ilang taong pagtratrabaho nito sa kaniya ay ngayon niya lang ito nakausap na para bang hinigop ang emosyon sa buo nitong pagkatao.



OK then, Why are you here, Chino?”



I'm giving up the photo shoot for male models.” wala ulit na emosyong sagot ni Chino.



May kinalaman ba ang pagbitiw mo sa mga photo shoot na ito sa namamaga mong ilong?” maingat na tanong nito.



Yes.” hindi na nagpaligoy ligoy pa si Chino sa pagsagot. Tumango na lang ang boss ni Chino bilang pag payag sa gusto nito.



0000ooo0000



What do you mean he's not directing our photo shoot anymore?” gulat na gulat na tanong ni Chris sa make up artist na nakikipag tsismisan sa kaniyang kapwa make up artist.



May bago ng shoot director sa labas, hindi na si Chino ang hahawak sainyo, parang ibabalik ata siya sa mga female models.” sagot naman ng makeup artist na nagngangalang Rhoda. Biglang tumayo si Chris at pumunta sa puwesto ni Dom na siyang ikinataka ng husto ng make up artist.



Dom---” simula ni Chris pero hindi na ito pinatapos ni Dom.


Hindi ko alam kung bakit siya nagpalipat, Chris.” walang ganang sagot ni Dom, alam na ni Chris na hindi niya ito makakausap kaya naman iiling iling siyang bumalik para magpa makeup para sa susunod na shoot.


0000ooo0000


Ilang araw na ang nakakalipas pagkatapos bitawan ni Chino ang photo shoot ng mga male models at kahit papano ay OK naman siya sa mga female models, andyan parin ang mga maarteng mga modelo pero hindi na iyon bago kay Chino, at least hindi nito tinitira ang kaniyang self esteem di katulad ng mga lalaking modelo.



Katulad ng dati, kapag hindi maganda ang araw niya sa trabaho ay magsusumbong ito kay Francis, di man nakakasagot si Francis ay gumagaan parin ang loob niya sa tuwing gagawin niya ito. Gabi gabi parin siyang bumibisita dito at gabi gabi siyang nananalangin na magising na ito.



Habang nagaayos si Chino ng kaniyang mga ginamit sa katatapos lang na shoot ay nagulat siya nang makita si Dom na kinakabahang nakatayo sa di kalayuan at mataman siyang pinapanood, napabuntong hininga siya at lumapit dito.


Anong ginagawa mo dito, Dom?”



Pwede ka bang makausap?” tanong nito, napairap naman si Chino.



May magagawa pa ba ako?” sasabihin sana ni Chino pero napigilan niya ang sarili niya.



Tungkol saan?” ang naitanong na lang ni Chino.



Tungkol sana dun sa nangyari nung inaya kitang maglaro---” napairap ulit si Chino at nagsimula nang maglakad palayo kay Dom, walang gana ng pakinggan pa ang paliwanag nito, pero mapilit si Dom at sinundan siya nito.



I swear, Chino, hindi namin alam kung bakit nagkakaganon si Chris, mainitin talaga ang ulo nun pero hindi yun bayolente.”



Natigilan si Chino sa sinabing yun ni Dom, iniisip niya kasi na plinano nila lahat yun para mapahiya siya lalo pa nung inamin niya ang tungkol sa kaniyang sekswalidad. Marahil ay nabasa ni Dom ang pagtataka sa mukha ni Chino.



Hindi planado iyon para mapahiya ako?” pagkaklaro ni Chino, agad namang umiling si Dom nang matignan ni Chino ang mga mata ni dom ay puno ito ng pagmamakaawa at sinseridad.



I'm sorry that Chris is such an asshole right now, but I really want to be friends with you, Chino---”



Why?” natigilan naman si Dom sa tanong na ito ni Chino, yumuko at tila ba sinasaulo ang itsura ng kaniyang mga sapatos.



Ahmmm, I don't know, siguro kasi dahil--- uhmmm--- malapit kayong magkaibigan ni Francis and nakita ko kung gano ka kabuting kaibigan, Chino. Actually, I don't know why. Basta alam ko gusto kitang maging kaibigan.” kinakabahang sagot ni Ron, tinignan naman ito ni Chino ng mabuti.



So you want to be friends? You want us to be close friends?” tanong ni Chino kay Dom, sa totoo lang ay mabait si Dom, di siya magaalangang makipagkaibigan dito, hindi lang iyon, attracted din si Chino dito, matangkad, maputi, gwapo, matalino at mabait. Natigilan saglit si Chino sa naisip na iyon.



Alam niyang mahal niya parin si Francis, walang duda doon, pero sa oras na magising si Francis ay alam ni Chino na hindi na ito babalik sa kaniya dahil asa eksena na si Laura, ikakasal na sila. Tinignan muli ni Chino si Dominic.



Muling narinig ni Chino ang boses ni Francis... “Dont be afraid to take some chances.”



Maybe it's not so bad to be 'close' friends with Dom. Maybe it's time to be friends with other people not just Francis.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.



Yup, I really need a best friend right now and since your best friend is in a coma, I was wondering if I can apply for the position.” nakangiting sabi ni Dom sabay tawa.



Sure, but we should know each other first but I'm really, really, really hungry! So can we talk tomorrow before work? Maybe over coffee?” tanong ni Chino.



Uhmmm-- I was thinking we can eat somewhere nice so I can apologize for Chris' asshole-ish attitude.” nakayukong pahayag ni Dom kay Chino, nagdikit naman ang kilay ni Chino sa pagtataka, napansin ni Dom na nagtataka sa kaniyang kinikilos si Chino kaya naman nagpakawala siya ng nagtatakang tawa.



Mariing tinignan ni Chino si Dom habang tumatawa, naniningkit ang mga mata nito, lumalabas ang mapuputing pantay pantay na ngipin at isang dimple sa kaliwang pisngi, nagbigay tuloy ito ng isang ilusyon na tila ba sa pagtawang iyon ni Dom ay bumata ito ng labing limang taon. Isang totoy na nakarinig ng isang nakatatawang bagay.



Chino?” gising ni Dom sa sa nagmumunimuning si Chino.



Oh. Sorry, I spaced out.” sagot ni Chino, tumawa ulit si Dom kaya't napatitig ulit dito si Chino, pinigilan ni Chino ang sarili na abutin ang mukha ni Dom at halikan ito.



So, is that offer for dinner still open?” nahihiyang tanong ni Chino, agad namang nagliwanag ang mukha ni Dom.



Yes! Of course!” sigaw ni Dom at tila ba di mapakali at di alam ang mga susunod na gagawin. Napangiti si Chino sa kinikilos ni Dom, napansin ni Dom ang ngiting iyon ni Chino at palihim siyang natuwa nang makita iyon.



I'm sorry, I'm new to this best friend thing-y.” pahayag ulit ni Dom.



No need to say sorry, you're cute when you get all fidgety and nervous like that.” natatawang sabi ni Chino dito.


Agad namang namula ang mga pisngi ni Chino. Unang beses palang sa tanang buhay niya siya nagatubiling makipag-flirt at inaamin niyang ang lame ng sinabi niyang iyon at umiling. Nang ibalik niya ang tingin niya kay Dom ay nakita niya itong nakangiti at taas baba ang kilay.


So you think I'm cute, huh? Wait---” agad na naningkit ang mga mata ni Dom. “Are you flirting with me?” nangingiting sabi ni Dom. Napatawa si Chino pero di niya rin napigilan ang mamula, napansin ito ni Dom at napatawa.


Don't be afraid to take some chances.”


It's the hunger that's talking. Kailangan ko ng kumain kasi, pogi na ang tingin ko sayo at I'm having this desire to flirt with you even more.” balik ni Chino, lalong lumaki ang ngiti ni Dom sa kaniyang mukha.


Well, in that case mamya na tayo kumain, gusto ko ang pakikipag-flirt sayo.” biro ni Dom na ikina-blush naman ni Chino, hindi ito nakaligtas kay Dom.


Awww! You're blushing!” tukso nito kay Chino. Napatawa si Chino, sa unang pagkakataon maliban kay Francis ay naging magaang ang loob niya makipagbiruan.



Habang nag kukulitan ang dalawa ay di nila pareho napansin ang isang kotse na nakaparada sa di kalayuan kung saan kitang kita sila Chino at Dom. Di napigilan ni Chris ang sarili sa nakita at wala sa sarili nitong sinuntok ang manibela ng kaniyang sasakyan.


Muling bumalik ang nararamdaman niyang galit, katulad ito ng naramdaman niyang galit nung nakita niyang malapit sa isa't isa si Dom at Chino nung naglalaro sila ng basketball. Natigilan siya ng ma-realize kung ano ang maaaring dahilan sa mga kakaibang pakiramdam na iyon.



Itutuloy...


____________________________
Taking Chances 5
by: Migs

18 comments:

  1. Ayan! Kasi si Chris eh :)) galit Ang piangunguna Hindi muna magisip :))

    ReplyDelete
  2. kuya migs, galing mo talaga. Hindi pwedeng hindi ko bisitahin tong blog mo araw araw.

    Bsta ang galing. Ganda ng mga bitaw ng lines ng mga characters.

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. I think Chris is going nowhere here in this story. I still couldnt get on how and where he shall enter into the picture aside from being an asshole to Chino.

    Wow Migz, you're really a brillant and intelligent writer. You made me hooked on your stories. One of the finest.

    More...

    ReplyDelete
  4. reresbakan ko si chris...haha..wanna join,, masyadong hot-headed...chillax chris!

    >>Down_d'Line

    ReplyDelete
  5. Chris is a ASSHOLE!!!

    Now tell me, how would you win Chino's attention when most of the time you're pestering him? You're only pushing him away from you. Now, with all the shit you have given him, do you still think you have the guts to say sorry? How? Are you going to say "oh im sori id done that cuz i just want some attention frm u. Pansinin m naman ako. And im also jealous." Hahaha me and my imaginations.

    ReplyDelete
  6. You deserved it Chris! Your brain is as little as pea. You arrogant dumb! lol

    ReplyDelete
  7. naku magdusa ka chris... ayan ang napala mo...epal mo kasi.... bat d mo sabihin ang feeling mo kay chino.... ikaw din ang may sala...at tingnan mo malapit na mahulog ang loob ni chino para kay dom,....try to change your attitude towards chino... kausapin mo sya... swallow your pride...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  8. Pero parang Chris/ Chino love story to eh... aabangan ko na lang ang turn of events how Chris will change and win Chino... basta parang nakaka kilig pag sila Chris at Chino... Surprise us Migs...

    ReplyDelete
  9. The story is getting better and better everytime. But knowing Migz. Expected na yan. Super galing kasi ng labs ko na yan eh. Ingatz Migz. merry Christmas...

    ReplyDelete
  10. HOW CUTE! But I prefer Chris better than Dom though1 Thanks for the update!

    ReplyDelete
  11. kilig moment ni chino at dom, haha ... mamatay ka sa inggit chris .. hmmppft!

    ReplyDelete
  12. Oh ayan migy boy natapos ko na ang chapter 5 mag update kana magpapasko nalang wala kapang update LOL.. gift mo na sa akin yon.. ^___^

    ReplyDelete
  13. @Zephiel: EXCUSE ME?! Ano tong nabasa kong comment mo sa taking chances chapter 4 ko na ang mga nurse ay walang ka sport sport sa buhay?! Maaaring hindi ako nabiyayaan ng tangkad pero marunong ankong mag basketball, mataas akong tumalon para sa volleyball, malakas ang forearm shot ko sa badminton at tennis, kontrolado ang sipa ko sa sepak at takraw and soccer, i can dive like shit and do breast strokes and back strokes all day in a pool!


    Ngayon mo sabihin sakin na wala akong kasport sport sa buhay bilang isang nurse?! Alam mo sa sinabi mong yan, andaming maghahanap sayong mga lalaking nurse para sakalin. haha!


    Di ko sigurado kung ikaw rin si Zekie, though lagi mo akong tinatawag na miggy boy, at kung ikaw man si Zekie, humanda ka sakin kapag nakita kitang pakalat kalat sa Manila, hahamunin kitang magbasketball, one on one, WHOLE COURT, rerentahan ko ang aranet kung kinakailangan, tignan ko kung hindi ka hingalin. Bawat talong game, beltok ang kapalit! haha!


    Gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa mga tagapag basa ko. Ang mga nagre-react sa pagiging jerk ni Chris. hehe!


    Salamat sa mga bagong tagasubaybay ko, though namimiss ko ng sobra yung mga dati, like unbreakablejeph, Marc, Rebelation, Sir Josh at marami pang iba. Sana magsipagbalikan na kayo, namimiss ko na ang mga comments and input niyo.

    REBELATION!!! BUMALIK KA NA!!! IMY! si Mark Ryan bumalik na from Africa. xoxo Mark Ryan. Wastedpup: ILY more! Ayiiee!

    SA MGA BAGONG READERS: kung magcocomment po kayo ay magiwan kayo ng name or maski alias, hirap kasi kayong i-address kapag gusto kong sagutin ang mga comments niyo. ^_^v

    NEXT UPDATE: TOMORROW, Friday, Dec 23, 2011

    ReplyDelete
  14. Excuse me Migs! Wala pako sa Pinas, dito pa rin ako hehehe...but I'll be coming home soon, early next year... ano gusto mo pasalubong?

    ReplyDelete
  15. @Mark Ryan: akala ko andito ka na?! diba sabi mo?! hahaha! pasalubong? mapaguusapan natin yan. i-email mo sakin ang iyong YM account at mapaguusapan natin yan. haha! Joke lang. wag ka nang mag-abala, ingat ka lang diyan. :-)

    ReplyDelete
  16. WAHHH. GANDA.

    TEAM CHRINO ako. wahaha.. ngayon lang ako nakapag comment kuya migs kasi naman minarathon ko. haha..

    pero kawawa naman si francis kung magising sya.

    Anyways kuya. Thank you sa stories mo. Ganda talaga.


    uulitin ko ulit.
    GANDA ng STORY.

    haha. PRAYING FOR YOU. WAHIHIHI..
    GOD BLESS KUYA!! :D

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  17. ok, email ko sayo email add ko... ano ka ba, you deserve a pasalubong kasi nabawasan homesick ko sa pagbabasa ng stories mo hehe...

    ReplyDelete
  18. gudluck kay chris...sana sa lambing nya dinaan.

    ReplyDelete