Wednesday, December 28, 2011

Taking Chances 8

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Dahan-dahang iminulat ni Chino ang kaniyang mga mata, hinayaan niyang masanay ang mga iyon pati narin ang kaniyang isip sa paligid, nang makabawi ay agad napagtanto ni Chino na nakayakap na ang dalawang malalaking braso ni Chris sa kaniya at nakasandal na siya sa katawan ni Chris, pinakiramdaman niya ang pagtibok ng puso ni Chris, tila ito marahang kumakatok sa kaniyang likuran.



Naisip niya na ang sarap sa pakiramdam ng pagkakasandal niya kay Chris, kung paano nila pinagsasaluhan ang init ng kanilang mga katawan sa kabila ng malamig na hangin na sumasampal sa kanila, kung paanong pakiramdam niya ay secure na secure siya sa mga brasong iyon ni Chris at ang huli at pinaka importante sa lahat ay ang pakiramdam na ang ginagawa nilang ito ay tama, na ito ang kailang matagal nang hinahanap sa isa't isa. Gumuhit sa mukha ni Chino ang isang ngiti.



Ilang segundo lang lumagi ang ngiting iyon nang may mapansing kakaiba si Chino. Agad siyang kumawala sa mga bisig ni Chris na ikinagising naman ng huli.



What the---?!” usal ni Chris pero agad din niya iyong pinutol nang makita niya si Chino at nang maalala niya ang kanilang magkadikit na katawan kani-kanina lang. Ito ang matagal nang hinihiling ni Chris ang mapalapit kay Chino at ang naisip na iyon ni Chris ay naghatid ng ngiti sa kaniyang mukha.


Kailan pa umandar ulit yung ferris wheel?!” nagpa-panic na tanong ni Chino, nangunot ang noo ni Chris at tinignan ang orasan niya na pumutol sa kaniyang pagmumunimuni.



Half an hour ago.” sagot ni Chris agad na bumakas sa mukha ni Chino ang gulat pagkatapos ay galit.



You douche bag! Kanina pa pala umaandar 'to, hindi mo pa ako ginising! Sana kanina pa tayo bumaba, ngayon iikot nanaman 'tong ride na'to tapos di nanaman tayo makakababa for another fifteen minutes!” sigaw ni Chino sabay hampas sa braso ni Chris.



Chill!” di makapaniwala si Chris na kanikanina lang ay masuyong magkadikit ang katawan at tila lahat ng bagay ay tama, walang maaaring maging mali, tapos ngayon ay nagaaway nanaman sila.




I can't! May photo shoot sa baba! Kanina pa dapat tayo nag pack-up! Anong shots ang ipapasa ko for the magazine?!” nagpapanic na ulit na pahayag ni Chino. Umiling naman si Chris, pinipigilan ang sarili na tumawa.



You're cute when you go into hysterics like that.” natatawang sabi ni Chris sabay ON ng kaniyang SLR at itinapat ito sa nagpapanic parin na si Chino.



How can you say that--- wait, what?” naguguluhang baling ni Chino kay Chris, iniisip na nagkamali siya ng rinig.



Did he just call me CUTE?!” naiirita at naguguluhang tanong ni Chino sa sarili niya.



I said you're cute---” simula ni Chris habang itinatapat ulit kay Chino ang lente ng camera na lalong ikinainis ni Chino.



Stop taking candid pictures of me, you asshole!” singhal ni Chino, lalo namang napatawa si Chris.



I can't believe this, I've been stuck in this coach together with an asshole for more than five hours now! What the hell is wrong with this day?! Arggghhh!” naiinis nang bulong ni Chino, lumayo siya kay Chris na patuloy parin sa pagtawa.



Hey, I know Dom will take care of everything.” alo ni Chris na agad sumeryoso nang makita na papaiyak na si Chino, tila naman naisip ni Chino ang sinabing iyon ni Chris, tama ito, kahit anong mangyari ay hindi pababayaan ng kaniyang kaibigan na si Dom ang shoot.



Habang abala si Chino sa pagiisip ay di niya napansin na tumabi na sa kaniya si Chris. Nang maramdaman ni Chino ang pagtabing yun ni Chris sa kaniya ay agad niya itong nilingon at tinignan ng masama.



What?!” nangingiting tanong ni Chris patungkol sa masamang tingin na iyon ni Chino.



Do you really have sit that close?” tanong ni Chino sabay paniningkit pa lalo ng mga mata.



I'm getting cold!” sagot naman ni Chris, pinipigilan parin ang mapangiti, alam niyang pinipigilan lang ni Chino ang totoo nitong nararamdaman sa kaniya dahil naramdaman niya ang kakaibang koneksyon sa pagitan nilang dalawa.



Here!” sigaw ni Chino sabay hubad at ibinato pabalik kay Chris ang ipinahiram nitong long sleeves kanina.



And besides kung nakababa lang sana tayo sa ride na'to kanina edi sana hindi ka na lalamigin!” singhal ulit ni Chino, umiling nanaman si Chris at inabot ulit kay Chino ang long sleeves.



Why are you being difficult? I mean, we both know we felt something--- I mean--- I know I felt something---” natigilan si Chino sa sinabing iyon ni Chris, nilingon niya ito, kakaibang Chris ang bumungad sa kaniya, nakakunot ang noo nito na tila ba iniisip maigi ang gusto niyang iparating, nagiingat sa mga salitang binibitawan, maski siya ay naguluhan sa ikinikilos ni Chris.



What exactly did you feel, Chris?”



I- I- I l-like you, Chino---” nang bitawan ni Chris ang mga salitang iyon ay agad niyang nalaman na may nasabi siyang mali dahil agad na bumakas sa mukha ni Chino ang pagkalito at galit. Itinaas ni Chino ang kaniyang kanang kamay at dinuro si Chris, itinapat nito ang kaniyang hintuturo sa matipunong dibdib ni Chris saka naglitanya kasabay ng paglilitanya ang pagdut-dot ng hintuturo ni Chino sa dibdib ni Chris.



Wait, let me get this straight. Nitong mga nakalipas na linggo wala kang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko, sigawan ako, laitin ako, paduguin at halos ilamapaso ako sa basketball court tapos ngayon sasabihin mo sakin na gusto mo ako na parang isang pitik lang ng mga daliri mo eh nangyari na agad?!” singhal ni Chino habang tinutusok parin ng kaniyang hintuturo ang dibdib ni Chris na ikinatakot at ikinagulat naman nang huli.



Saglit na pumikit si Chris at inayos ang kaniyang mga sasabihin sa kaniyang utak, nagbuntong hininga at nang masigurong ayos na lahat ng kaniyang dapat sabihin ay muli na niyang idinilat ang kaniyang mga mata at humarap sa kay Chino.




I know, nung una rin litong-lito ako kung bakit ba ako ganun sayo, ang tagal kong inisip kung bakit, maniwala ka kapag sinabi ko sayong kada patutsada ko sayo, kada panlalait at pambabalya ay lagi kong pinagsisisihan may ilang segundo lang matapos kong gawin ang mga iyon---” umpisa ni Chris, hindi nito inaalis ang kaniyang tingin kay Chino na masuyo naman siyang pinapanood at pinakikinggan. “---nito ko na lang naisip kung bakit, Chino, gusto ko lagi mo akong pinapansin, gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo, call me attention hog or whatever you want pero hindi nun mababago yung katotohanan na sa tuwing kausap mo si Dom, naiinis ako, na kada minuto sakin ka lang nakatingin, na kada may sasabihin ka ay lagi mo sakin sasabihin---” hindi parin pinuputol ni Chris ang pakikipagtitigan kay Chino nang putulin nito ang kaniyang sasabihin.



Pwede mo naman ako kaibiganin eh---”



Don't you get it, Chino? I don't want to be just your friend as selfish as it may sound, Chino, I want you all to myself.” halos pabulong ng tapos ni Chris sa kaniyang pagpapaliwanag, hindi niya mawari kung bakit ngayon pa siya nahiya pero sa kabila ng nararamdaman na hiya ay hindi parin niya pinutol ang pakikipagtitigan kay Chino.



Biglang sumakit ang ulo ni Chino, hindi niya ma-absorb lahat ng sinabi ni Chris.



This asshole?! This prick likes me? ME?! Sa dinami dami ng nagwagwapuhan at nag-gagandahang modelo sa paligid niya araw araw sakin pa siya magkakagusto?!” di makapaniwalang sabi ni Chino sa kaniyang sarili, di na niya nakayanan pa at pinutol na niya ang pakikipagtitigan kay Chris.



Ibinaling ni Chino ang kaniyang tingin sa nagkikislapang ilaw ng mga building sa di kalayuan, pinagiisipan lahat ng sinabi ni Chris, alam niyang natatakot siya na paniwalaan si Chris dahil malaki ang posibilidad na katulad ng kaniyang naunang relasyon kay Francis ay masaktan ulit siya. Inisip niyang muli ang sinseridad na nakita niya kanina sa mga mata ni Chris, alam niyang nagsasabi ito ng totoo, pero hindi lang takot ang pumipigil kay Chino, andyan si Francis.



You and Francis are through---” masakit na pagpapaalala ng isip ni Chino sa kaniya. Napapikit siya, naisip niya na siguro ito na ang pagkakataon para makalimutan niya si Francis bilang isang kasintahan at makuntento na lang siya sa pakikipag-kaibigan nito, hindi niya kayang sikmurain na masira ang relasyon ni Francis at Laura at kung hindi man magtagal ang kung anong magiging meron sa kanila ni Chris ay at least binigyan niya ang sarili ng pagkakataong sumaya at umibig.




Don't be afraid to take some chances---” isang boses ag tumakbo sa kaniyang isip, ito ang mga katagang sinasabi sa kaniya madalas ni Francis at naisip ni Chino na sundin muli ang payong ito. Muli siyang humarap kay Chris, nakita niya ang pagaalala sa mga mata nito, tila isang bata na kinakabahan matapos malaman ng magulang niya na may ginawa siyang kalokohan.



Chris” tawag ni Chino, agad na nagtaas ng tingin si Chris, umaasa. Inabot ni Chino ang long sleeves pabalik kay Chris, nang hindi ito tanggapin ng huli ay inabot ni Chino ang kamay nito at marahang isinuot dito ang damit.



Naguguluhan si Chris sa ginagawang ito ni Chino, bigla itong tumahimik matapos niyang sabihin na may gusto siya dito tapos ngayon dinadamitan siya nito, naisip na Chris na ito ang paraan ni Chino ng pagsasabing hindi nito tinatanggap ang kaniyang nararamdaman, pakiramdam ni Chris ay may elepanteng umupo sa kaniyang dibdib ng maisip niya ito.



Nang maisuot na ni Chino ang long sleeves kay Chris ay dahan-dahan siyang tumayo at umupo sa pagitan ng mga paa ni Chris tapos ay inabot niya ang magkabilang kamay nito at ibinalot sa kaniya. Naguluhan bigla si Chris sa ginawang ito ni Chino pero hindi niya maikakaila na gusto niya ang puwesto nilang ito.



Chris?”



hmmm?” bulong ni Chris sabay ipinatong ang kaniyang baba sa kanang balikat ni Chino habang si Chino naman ay isinisiksik pa ang sarili sa mala-batong katawan ni Chris.



I'm not ready for a relationship yet, but I'm willing to take it slow and see if this is going to work.” nahihiyang bulong ni Chino.



We will take it slow, babe, I promise.”



0000oooo000



Where the hell were you?!” sigaw ni Dom sabay yakap kay Chino nang sa wakas matapos ang ilang oras ay sumulpot na ito. Niyakap ito ni Dom na tila ba limampung taon silang di nagkita.



I told you we got stuck in the ferris wheel.” napapagod ng sagot ni Chino. Nagbuntong hininga naman si Dom pero di nito binitiwan si Chino mula sa pagkakayakap na hindi naman nakaligtas kay Chris. Muling naginit ang dugo ni Chris.



Chill, Dom, Chino is not a baby anymore, although I must say he almost cried when the coach stopped---”



What the hell? No I did not!” sagot ni Chino habang pinipigilan ang sarili na ngumiti mula sa birong iyon ni Chris, ngayon tila ba nabawasan ng lebel ng pangiinsulto ang mga biro nito at nakukuwa na ngayon ni Chino na matawa sa mga banat nito. Binitwan na ni Dom si Chino nang magpaalam ito na magupunta lang saglit ng C.R. at tinignan ng masama si Chris.



What?! Why are you looking at me like that?!” baling ni Chris kay Dom.



Kapag nagsumbong sakin si Chino na may sinabi o ginawa ka sa kaniyang masama habang nandun kayo sa ferris wheel humanda ka sakin.” banta ni Dom kay Chris.



Chill! We just talked, OK? Geesh!” awat ni Chris sa pagbibintang sa kaniya ni Dom.



000oooo000



Sakin na sasabay si Chino.” sabi ni Chris sabay buhat sa mga gamit ni Chino nang matapos na sila sa photo shoot.



What?!” sabay na sabi ni Dom at Chino, di makapaniwala si Dom sa kaniyang narinig.



Along the way ang bahay niya---” simula ni Chris.



No.” umiiling na sabi ni Chino sabay agaw ng kaniyang mga gamit mula sa kamay ni Chris na ikinataka naman ni Chris, nagsisimula na siyang mainis.



You'd rather sit in that van full of who-knows-what than in in my car. Comfortably. With me?” nanggagalaiting tanong ni Chris kay Chino, nagsisimula ng magtaka si Dom sa ikinikilos ng dalawa.



Eh baka mamya kung ano ano nanaman ang sabihin mo katulad nung huling beses na nakisakay ako sa kotse mo.”



What the hell?! Didn't I just said I was sorry for that?” balik ni Chris sabay agaw ng mga gamit ni Chino.



How can I be sure that you're being sincere?!” balik ni Chino sabay agaw ulit ng kaniyang mga gamit.



What the hell?! That's it!” balik ni Chris, kitang kita na naiirita na ito sa kinikilos ni Chino sabay buhat kay Chino na miya mo isang sako ng bigas na nakasampa sa balikat ni Chris, tututol na sana si Dom nang magsimula nang maglakad palayo si Chris papunta sa kotse nito at nang makita niyang nagsisisipa na si Chino na parang batang nagtatantrum at pinupukpok ang likod ni Chris, pero pinigilan ni Dom ang kaniyang sarili dahil naunahan siya ng pagtawa.



Put me down you big oaf!” sigaw ni Chino habang patuloy parin sa pagsisipa.



No! I told you I'm sorry, didn't I? And I told you I meant it! So what the hell is your problem being alone in a car with me, huh?! And I thought we're giving 'us' a shot?”



I said we're going to take it slow, and you agreed!” singhal ni Chino habang ibinababa siya ni Chris sa tapat ng passenger seat ng kotse nito.



And we are taking it slow, I mean, isasabay at ihahatid lang kita for Pete's sake! We're not going to have sex in the back seat!” balik ni Chris.



Sa di kalauyan ay di man naririnig ni Dom ang pinaguusapan ng dalawa ay mataman niya parin itong pinapanood, aliw na aliw sa pagpapalitan ng dalawa ng mga salitang hindi man niya naririnig ay alam niyang ikinaiinis ng dalawa, kung siya ang tatanungin ay masasabi niyang parang matandang mag-asawa ang dalawa kung magbangayan. Naguguluhan man siya ay di na niya pinansin ang mga ito at sumakay na ng van at tinapik na ang driver bilang senyas na pwede na silang umuwi.




000oooo000



Why are you being a bitch lately?! Kanina you're being sweet tapos ngayon para kang babaeng nireregla!” balik ni Chris.



Did you just compare me to a---”



Yes I did.” nangingiti ngiting sagot ni Chris, tila naman napikon si Chino kaya napalakas ang tulak nito kay Chris, dinampot na ni Chino ang kaniyang gamit at nagsimula ng maglakad pabalik ng van pero laking gulat niya ng makitang wala na doon ang van.



Nagising na lang siya sa pagtitig sa bakanteng lote na kinalalagyan kanina ng van nang tumigil ang sasakyan ni Chris sa tapat niya.



Need a ride?” nakakalokong tanong ni Chris, napairap naman si Chino pero wala na siyang magagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Chris. Nakangiting aso namang nagmaneho pauwi si Chris.



Itutuloy...

___________________________
Taking Chances 8
by: Migs

17 comments:

  1. slowly but surely... :)

    love takes time ika nga.. wag maxadong madaliin..

    great job Mr. Author.

    i'll wait for the next Chapter..

    ReplyDelete
  2. Nice! Ang sweet nila! Kakakilig! Thanks kuya!

    ReplyDelete
  3. Parang chick flick.. =))

    ReplyDelete
  4. ha ha ha.... ang arte ni chino..... kay chris naman sasakay.... wahhhhhh grabe ang moment nila so sweeeeeeeettttt.... chris reypin mo na kaya si chino para matauhan,,,,,, joke he he he

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. Cute na cute talaga ang kwentong ito. Kaka inlove at kakatawa. Super cute. Ingatz Migz. Love you po. :)

    ReplyDelete
  6. ang galing ng palitan ng linya dito... from the first chapter till this chapter... panalo! hang cute!!! at kakakilig ang bangayan ng dalawa! ano nga uli? parang matandang mag-asawa kung magbangayan hahaha... can't imagine how you manage to come up with all those brutally beautiful lines naturally... ang galing mo Migs! Pa kiss nga!

    here's my YM ID: markryanx5

    ReplyDelete
  7. “And we are taking it slow, I mean, isasabay at ihahatid lang kita for Pete's sake! We're not going to have sex in the back seat!” - HIHIHIHI <3

    Another great chapter Migs! Hope you'll have an awesome 2012! Let the world end basta buhay dapat si Migs!

    ReplyDelete
  8. Ang light ng kwentong ito. ahihihi.
    MASAKIT IPIN ko kuya and DI PAKO NATUTULOG.
    wala lang share kulang po.

    Anyways, ganda ng flow ng story. cguro magkakaconflict palang pag nagising na yung asa coma.galing mong magisip ng playful banter and cute lines ng dalawa. hahaha. CUTE talaga.

    Kuya meme nako. ahaha. BASTA GODBLESS PO LAGI AND INGAT. =D

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  9. i am so loving this story.. super ganda talaga ng takbo and even the exchange of words, i like how your brain and creative talents work author.. keep it up..

    ReplyDelete
  10. nice kuya migs, ang ganda ng story...

    di ako makaget over dun sa prang may elepanteng umupo sa kaniyang dibdib.. haha dami ko tawa

    ReplyDelete
  11. this is really cute, nice, great.. ano pa ba?? lahat na.. hahahaha

    can't help but smile... this will surely brighten up my day..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  12. shit! pinakilig nanaman ako! hahaha nice!

    ReplyDelete
  13. hahahhahah natawa talga ako sa eksena..asot pusa kung magbangayan...

    ReplyDelete
  14. Nice one here. Para akong sira natatawang mag-isa habang binabasa ko to. Migz saan mo nakukuha iyong mga lines mo? Ma-drama o comedy may linya kang iniiwan na matatawa ka o kaya naman mapapaisip ka.

    Migz, you're a good story-teller.

    ReplyDelete
  15. cine po!!! chino-chris !!heheheeh hang cute!ehehe

    nag mamahal,
    facebook.com/applelukas

    ReplyDelete
  16. Weeee.. Bigla akong kinilig. Haha! So love this chapter..
    -icy-

    ReplyDelete
  17. Ang ganda! hahahahah!!! puro katarantaduhan ang alam ni Chris ah.. :)) pero masaya masaya... astig!!

    ReplyDelete