Chasing Pavements 4[16]
DISCLAIMER: the author/ owner of this blog does not support nor recommend drug addiction or any kind of substance abuse to it's readers.
Inabot sakin ng isa sa mga kaibigan ni kuya Ron ang isang gamot na kailanman ay di ko inakalang iinumin ko. saglit ko itong pinagmasdan, isang maliit at bilog na bagay sa gitna ng aking palad, di na ako nagdalawang isip pa at inilagay na ito sa loob ng aking bibig, inabot ko ang bote ng beer at uminom sabay lunok sa maliit na gamot.
0000ooo0000
“You're here!” sigaw ko sa mukha ni JP nang buksan nito ang pinto ng bahay namin, kita ko ang pagtataka nito sa kaniyang mga mukha, sunod na sumulpot sa likod ni JP ay si Pat, naka guhit sa mukha nito ang pagaalala gayun din sa mukha ni Dave at Fhey.
“What the hell is wrong with him?” tanong ni Fhey habang lumapit ako sa radyo at pinatugtog ito at katulad sa pinanggalingan kong club kasama sila kuya Ron kanina ay wala akong kapaguran na nasayaw sa harapan ng aking mga kaibigan.
Tila naman may pumitik sa loob ng aking utak, nawalan ng lakas ang aking mga tuhod at bumagsak ako sa sahig, ang sigaw ni Fhey ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
0000ooo0000
Nagsing ako na sumasakit ng sobra ang aking ulo, pilit na inaalala ang mga nangyari nung nakaraang gabi, agad akong nakaramdam ng hiya sa sarili, galit at panliliit, iginala ko ang aking mata sa aking buong kwarto, wala na si Rick sa kaniyang maliit na kama na inilipat ko sa aking kwarto may ilang gabi lang ang nakakaraan. Andun din si Pat, Dave at Fhey, tulog na tulog sa banig na nakalatag sa paanan ng aking kama.
Dahan dahan akong tumayo, lumabas ng kwarto, pumunta sa CR para mag-ayos ng sarili at bumaba ng hagdan, bago pa man ako makalapit sa kusina ay narinig ko ang hagikgikan ni Rick at JP, agad akong kinabahan, nahiya sa sarili at muling nanliit. Nang bumungad ako sa pinto ng kusina ay agad na tumigil si JP sa pagtawa habang si Rick naman na walang pakielam sa paligid ay tuloy parin sa paghagikgik.
“Hey little buddy, I'm just going to talk to Migs for a while, OK? I want you to finish those pancakes and when I come back we'll play at the coy pond.” tumahimik saglit si Rick pagkatapos ay humarap sakin at magiliw na kumaway, dun pa lang ay muntik na akong mapahagulgol.
0000ooo0000
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni JP, basang basa ko sa mukha niya ang galit habang nakatanaw sa kalsada kung saan nakaharap ang aming terrace.
“What did you take?” mahina pero puno ng galit na tanong ni JP, tila ba ang tanong lang na iyon ang iniintay ng aking mga luha at nagbagsakan na ang mga ito pagkatapos magsalita ni JP. Umiling ako, tinignan ako ng masama ni JP at narinig ko itong magbuntong hininga saka muling nagsalita.
“What did you take?!” pasinghal ng ulit ni JP.
“I-I don't k-know, JP, di ko nabasa yung label, binigay lang siya sakin ng kaibigan ni kuya Ron.” umiiling ko lang ulit na sagot.
“Dammit Migs! You're better than this!” di ako nakasagot sa patutsadang iyon ni JP.
“What the hell are you thinking! Parang hindi ka nurse! Alam mo kung anong pwedeng nangyari sayo, Migs!” singhal ulit ni JP, nakasarado na ang mga kamay nito na miya mo mananapak, agad na binalot ng galit ang aking buong pagkatao.
“You don't need anti-depressants to stay strong, alam naming nasasaktan ka and OK lang na makita ka naming nasasaktan, heck you can cry and roll all you want in front of us, we don't care! Wag mo lang inisiksik diyan sa loob niyan lahat ng nararamdaman mo! Alam mo kung anong mangyayari once you keep all those emotions bottled up! Alam mong hindi magiging maganda ang mangyayari kapag sumabog lahat ng yan, pero ang tigas ng ulo mo, Migs!” halos pasigaw ng sumbat sakin ni JP, nakatitig ako sa mga mata nito habang siya ay nakatanaw parin sa malayo, nangingilid na ang mga luha nito at lumalalim na ang kaniyang paghinga. Napatawa ako, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, marahil sa residual effect ng gamot, hindi ko alam, pero walang bahid ang humor ng tawa na iyon, tinignan ako ng masama ni JP.
“Natatawa lang ako kasi para sakin ang lakas lang ng loob mo na lecture-an ako when lahat ng 'to sayo nagsimula, lahat ng 'to, kasalanan mo.”
“Then smack me, shout at me, heck, I will even let you stab me, wag ka lang magre-resort sa mga ganung bagay. Isipin mo na lang si Rick, isipin mo na lang kung pano siya pag may nangyari sayo.”
Saglit kaming natahimik. Di ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo doon ni JP pero siya ang unang gumalaw at nagsalita.
“You're stronger than this, Migs.” bulong ni JP, nun ko lang napansin na umiiyak nadin ito.
0000ooo0000
THREE WEEKS AFTER
Tatlong linggo na ang nakakaraan at nakita ko nanaman ang sarili ko na umiiyak, umiiyak sa loob ng bus, umiiyak sa loob ng bus na puno ng tao, umiiyak sa loob ng bus na puno ng taong hindi ko kilala na paminsan minsang sumusulyap sakin at tumitingin na kala mo may baliw silang kasama sa loob ng bus.
Hindi ako umiiyak dahil niloko ako ni JP, hindi ako umiiyak dahil nahulog si Rick at napagalaman kong pinapalo ito ng mga lolo niya, hindi ako umiiyak dahil nagaway kami nila Mae at Edward at lalong hindi ako umiiyak dahil sa hiya ng uminom ako ng anti depressant at nagpakabangag sa harapan ng mga kaibigan ko. Umiiyak ako kasi makalipas ang tatlong taon ay muli kong nakita ang sarili ko na may suot suot na leather shoes habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala Ave.
“Gawd I hate leather shoes!” singhal ko sa aking sarili habang ipinapahinga ang aking mga paa sa loob ng bus at hinihimas ito.
Limang beses lang akong nagsuot ng leather shoes. Iisipin mo na graduate ako ng private school simula kinder hanggang college kaya't aakalain mong sanay akong mag leather shoes, don ka nagkakamali. Sa tanang buhay ko ay Limang beses lang akong nagsuot ng leather shoes at ikaanim na ang pagkakataon na ito. Graduation nung kinder, grade six, high school, college at kasal ng kapatid ko, at sa lahat ng pagkakataon na ito ay umiiyak ako habang hinuhubad ang mga ito pagkatapos ng event.
Bakit ako nag leather shoes? Kasi kailangan ko ng trabaho. Naisip ko na ang kakulangan ng ginagawa ang nagtri-trigger ng pagiging depressed ko. pero ang dalawang taon kong pagiging nurse ay hindi nakatulong sa aking gustong pasukan na trabaho. Sinubukan kong mag-apply sa mga institution sa labas ng ospital, sinubukan ko sa mga health card agencies, medical trascription at madami pang iba pero dahil lahat na ata ng health card agencies ay inaway ko noon (dahil ito sa pagtanggi nila sa pagcover ng aming mga pasyente na nasasaklaw nila) ay tila ba kinagat ako ng karma sa puwet, kahit pa may bakante sila ay hindi ako tinanggap ng mga ito. Ganun din sa ibang kumpanya kaya dagdag sa pananakit ng aking paa ang pakiramdam ng... Epic fail.
“Dude, are you OK?” tanong ng katabi kong lalaki.
“Yeah, blisters, stings like a bitch.” napangiti ito sa aking sinabi saka sinilip ang aking paa na kasalukuyan ko parin hinahaplos.
“Applying for a job, huh?” tanong nito habang minamata ang aking transaparent folder na puno ng credentials ko. Tumango ako at minata ang aking kausap.
“Yup, kailangang magtrabaho ulit.” sabi ko sabay ngiti.
“Ulit?” tumango ako.
“Two years akong naging ICU and ER nurse, kailangan ko ng less stressful at less hour na work dahil may inaasikaso at inaalagaan ako sa bahay kaya nag resign ako noon, ngayon kailangan ko na ulit magtrabaho.” sagot ko dito sabay kibit balikat.
“Nurse ka?” tanong nito sabay biglag liwanag ng mukha.
“Ay kuya naman eh, kasasabi ko lang---” naiinis kong sabi sa sarili ko. tumango lang ako.
“Anong batch mo?”
“2008.” awtomatiko kong sagot dito.
“Ako din! June or November?”
“November.” sagot ko ulit.
“Wow. Kung wala lang akong boyfriend, iisipin ko na we're meant for each other.” may pagka masayang sabi ng katabi ko.
“TING!”
“Did I just hear him say that he's in a relationship, gay relationship?” sabi ng isip ko.
“Ehe- what?” balik ko dito, tumawa si kuya ng malakas na ikinatingin ng ibang tao.
“We're two nurses short. Sama ka sakin sa ospi, tamang tama papasok na ako ngayon, kung hindi traffic maaabutan natin yung chief nurse and HR.”
Nagsimula na akong tumanggi, sasabihin ko sana na ayaw ko ng magnurse sa ospital, sasabihin ko sana na gusto kong puro papel muna ang trabahuhin ko at hindi katawan ng tao pero may kung ano sa pagkatao nito na hindi ko mahindi-an. Taena, hindi ko nga siya kilala pero sasama na ako sa kaniya na kala mo ligaw na tuta.
0000ooo0000
Sabay na tumatango-tango ang Chief nurse at ang taga HR habang binabasa ang credentials ko, di ko malaman kung magandang pangitain ba iyon o hindi pero nang humarap sakin si Erwin (si kuyang hindi ko mahindi-an na katabi ko kanina sa bus.) at nang mag-thumbs up ito ay di ko mapagilang kumalma.
Ilang minuto pa ay ininterview na ako ng mga ito kasama ang bagong dating na chirf resident doctor ng E.R. Sunod kong nakita ang sarili ko ay kinakamayan ang tatlo at nagpapasalamat sa mga ito.
“You are to report tomorrow sa ER, look for Anthony, 6am sharp, wear your whites muna and then we will give you your uniform later. OK?” tanong ng chief nurse, hindi na ako nakahindi.
0000ooo0000
Habang parang tanga akong nakangiti na ngayon habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus ay naramdaman kong nagvibrate ang aking telepono.
“Hey, di ka na nagpaalam sakin? :-(” sabi sa text ng hindi ko kilalang texter.
“Ah ehe, sorry? Sino 'to?” reply ko.
“Si Erwin! :-) congrats nga pala, magkakatrabaho na tayo! :-)” reply nito. Natigilan ako saglit.
“Stalker's syndrome ba ito?” tanong ko sa sarili ko habang nagco-compose ng reply.
“Uy thanks nga pala, Erwin. :-) yup, bukas na ako magsta-start. Thanks ulit.”
“No prob. I think you will be a great addition to the team! I'll look for you tomorrow! :-)”
Di na ako nagreply, masyado na akong nawirduhan. Ako lang ba o masyadong exited ang isang iyon, iniisip ko tuloy kung umiinom siya ng anti depressants.
0000ooo0000
“Hi good morning! Is Sir Anthony in?” tanong ko sa nakatalikod na mama na nasa may nurse's station ng ER. Nang humarap ito ay tila nakalimutan ng aking mga buto ang function nito, nun lang ako na star struck ng ganon, well hindi naman siya artista pero pwede siyang maging artista.
“You must be the new guy, Erwin has been talking about you, non stop! I'm Anthony by the way, I'm in-charge sa orientation mo, hehe, malas mo dahil sa training mo every after duty si Erwin naman ang kasama mo.”
Nun pa lang naisip ko na na hindi ako malulungkot sa bagong trabaho na iyon.
0000ooo0000
“Damn! The new guy moves fast! I think I'm going to call him flash from now on.” sabi ng isang tsinitong duktor na ilang paligo lang naman ang lamang kay Richard Poon (I swear kada magkakapasyente siya iniisip ko na kakanta siya mala Michel Buble or something.)
“And I'm going to call you, Pong pagong. Mabagal ka lang talaga, Doc.” napatawa ang bawat taong nakaduty doon sa sinabi kong iyon. Simula sa orderly hanggang sa chief resident doctor.
“And he have guts!” singit ni Anthony na ayaw ko mang aminin ay ikinakilig ko ng todo. (I might have blushed kasi siniko ako ni Dr. Richard Poon este Ching at binigyan ako nito ng isang knowing look na tila ba nagsasabi ng... I-know-you-have-a-crush-on-Anthony-look.”) magde-deny na sana ako nang makarinig kami ng nagmamadaling kotse na walang tigil sa kakabusina.
0000ooo0000
“How was your first day?”
“Stressful, stressful and stressful and oh, did I say stressful?” nonsense kong sagot dito, napailing ito at binigyan ako ng one million dollar smile.
“So ang gagawin nating ngayon ay i-re-review natin ang skills mo and i-i-incorporate natin ang SOP ng hospital na 'to---”
At iyon na nga ang ginawa namin, miya mo ako bumalik sa pagiging estudyante, ang kaibahan lang ay kasing tanda ko ang teacher ko. Matapos ang nakakahilong refresher course ay biglang bumukas ang pinto ng conference room, pumasok si Anthony, lumapit kay Erwin at hinalikan nito si Erwin sa labi. Napanganga ako sa gulat, hindi ito nakaligtas kay Erwin.
“Anthony--” saway nito sa kasintahan, di rin naman siya pinansin ni Anthony at tinuloy lang nila ang paglalampungan na parang wala ako sa likod nila.
0000ooo0000
Umuwi akong nanlalambot pero masaya, naisip ko ang mga bago kong nakilala, ang mga taong makukulit, suplado at balasubas na aking nakausap nung araw na iyon, di ko mapigilang mapangiti. Nang buksan ko ang front door ay nagulat ako nang maramdaman ko ang pagbalot ni Rick ng kaniyang maiigsing mga kamay sa aking kanang paa.
“I missed you too, little buddy. I hope you didn't give Aunt Margareth a hard time.” umiling lang ang bata saka kumawala sa aking kanang paa sabay takbo pabalik sa harapan ng TV kung saan nakasalang ang recorded episode ng Spongebob Square pants.
Kinamusta ko ang aking nakatatandang kapatid na nakababad sa harapan ng kaniyang laptop habang niyuyugyog ang duyan ng anak na nakasabit sa magkabilang poste ng dining room, tumango lang ito sakin habang mataman paring nakatitig sa kaniyang laptop.
Umakyat ako papunta sa aking kwarto, pagod na pagod na umupo sa maliit na sofa na nakaharap sa bintanang madalas akyatin ni Edward, tinanaw ko ang kalapit na bahay nila at nagbuntong hininga.
“I wish I could talk to you now, 'ward. Madami akong ikukuwento sayo.”
Nagbuntong hininga ulit ako, inabot ang aking laptop, isinuksok ang aking USB, inupdate ang aking blog (Against All Odds pa ang naka-post.) at ginawa ang teaser ng Chasing Pavements 4.
“I'm ready to move on.” nangingiti kong sabi sa sarili ko.
Itutuloy...
________________________________
Chasing Pavements 4[16]
by: Migs
Hey guys! Happy Holidays! :-)
ReplyDeleteMagsipag Comment kayo! haha! hindi niyo ba type ang Taking Chances? napapansin kong kakaunti lang ang nagco-comment doon, at ang aking mga taga comment simula nung nagsimula itong blog na ito ay unti unti nanamang nagha-hiatus! haha namimiss ko na kayo! magsipagbalikan na kayo at magcomment! :-)
Hello po :) hahaha!! Hindi Naman po. Baka naging busy lng :P maganda Naman po ung taking chances. I like the flow Nga eh :) Sana po ma-update Nyo ung both :D thank you po!!
ReplyDeletethats a good action ang ginawa mo.... at least maibsan ang mga dalahin mo....i know what you feel....at simula ng pag babago ng takbo ng life mo migz...same pala tayo ng specialization ng work.... he he he surgical icu area ko....na hooked kasi ako dito sa chasing pavements... hayaan mo marathon reading ako ng taking chances...d ko pa nabasa sa simula....
ReplyDeleteramy from qatar
Enlightening. I feel like I'm also moving on after reading this chapter, which is ridiculous because I have nothing and no one to "move on" to. Hahaha.
ReplyDeleteMaganda kaya yung Taking Chances! I'm sure they have a reason why they're not commenting. But hopefully they eventually would.
that's the spirit! Go out you dont know you might find the real guy for you. Leave all you baggages behind set them aside. Maybe one day, if you happen to reopen it you'll see the smile in your face remembering those happy and sad monents of yesterday. The people who in many ways have been part of your life that made you a person.
ReplyDeleteGOD BLESS...
hi migs :)
ReplyDeletei like to read this more kesa dun sa taking chances..
ewan ko kung bakit ako nawala at naligaw dun. ndi na siguro ako naka relate after kanila jepoy..hahaha..
anyway.. im waiting for more and everyday ko tong sinisilip hihi..
thanks! :)
^^
ReplyDelete“I'm ready to move on.”
I like this line. Gumaan ang pakiramadam ko nung nabasa ko to. I'm happy na ang ating bida na no other than ikaw Sir Migs, ay nakapag move on na ngayon.
Gustong-gusto ko rin yung Taking Chances mo. I really like the flow of the story. Ang dami pang kailangan abangan at malaman kaya naman siguro halos hindi makapagcomment ang mga readers.
Your stories and posts affect your readers sir Migs. Kahit ako nagbabago ang mood depende sa story na nababasa ko. Nalulungkot, naiinis, nagagalit, sumasaya sa kung ano pino-post mo ^^.
Thanks.
-RP
Ready? Let's go Migs! I'm ready to move on also... Sasabayan kita, dadamayan, sasamahan, hanggang maging ayos na lahat at mawala na ang sakit na nararamdaman ng lintek na puso mong yan! I'm happy to hear that you're ready... but it takes real courage to make it happen...
ReplyDeleteHi Migs!
ReplyDeleteGusto ko pala magpasalamat sa mga kwento mo..
Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako nalulumbay sa pansamantalang pagpirmi dito..
Nailabas ko minsan ang pagiging ako..
Aaminin ko, may bagong ugali na nabuo sa akin dahil sa pagbabasa ko ng mga kwento mo..
Minsan naglulungkot ako kasi alam kong hindi pede mangyari sa buhay ko ang mga kwento mo..
Kahit hinihiling ko na sana magkatotoo pero parang malabo din..
Pagbalik ko sa Pinas sigurado akong maiiba na ulit..
Magtatago at babalik na sa normal..
At ititgil ko na rin ang pagbabasa.. Kaya kung may comment(d ako aasa :p) ay baka di ko na mabasa pa.. Sayang di ko naabutan ang katapusan nito..
Di ko na din nabasa ang Taking Chances ay totoong nasasaktan ako pag hindi tapos ang nababasa ko.. Parang ngayon..
Pag nakatakas ulit ako sa mundong babalikan ko ay babalikan kita.. :)
Salamat at pakisabi kay Sir Juha na salamat dahil kung hindi dahil sa kanya ay di kita makikilala.. :)
Ingat at God Bless..
-lonely and blue..
pamilyar lang sakin ung bus event,.. haha
ReplyDeleteAs always, two thumbs up sa pinakamamahal ko.... :)
ReplyDeleteA+ ang Chasing pavements 4!! :))
ReplyDelete>>Down_d'Line
thanks migs
ReplyDeleteand goodluck at bumalik n ang dati sigla ni rick as you discribe of his gesture, d ko man xa nakikita eh parang sarap nya kalaro.
and hoping you have a good peace of mind so that you can make a good story.
GODBLESS & HAPPY NEW YEAR...
“Wow. Kung wala lang akong boyfriend, iisipin ko na we're meant for each other.” may pagka masayang sabi ng katabi ko.
ReplyDeleteSino? Si JP?
after 6 months..
ReplyDeleteKamusta Migs..? What happened for the last 6 months?
Happy Father's Day..
I'm so happy and blessed that I read the work of this author..
ingat lagi..
God Bless..
-lonely and blue..