Chasing Pavements 4[15]
Patakbo at nanginginig kong tinungo ang ospital na sinabi ni JP na pinagdalhan daw kay Rick, hindi mapakali ang isip ko sa maaaring nangyari sa bata at sa lahat ng mga naisip kong posibleng nangyari dito ay alam kong hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kalmado kong kinausap ang nurse sa entrada ng E.R. at tinanong kung saan maaaring andun si Rick, sinabi nitong ako na nga lang daw ang iniintay ng doktor.
Lalo akong kinabahan.
Pinapakalma ko ang sarili ko habang sinusundan ang nurse. Nakita ko si Rick na paharap na nakakandong kay JP, agad kong napansin ang maliit na gauze sa itaas ng kanang kilay ni Rick, agad na binalot ng galit ang aking buong katawan pero nawala din iyon ng may ibulong si JP kay Rick na ikinahagikgik naman nito. Nalusaw lahat ng aking galit at takot nang makita si ko si Rick na tumawa. Tinakpan ni Rick ang kaniyang mga mata at nang alisin niya iyon ay siya namang sabay nilang sigaw na 'bulaga!', muli nanamang nabalot ng mahinang tawanan ang dalawa.
Nagulat ako ng biglang humarang sa aking harapan ang isang lalaki na nakaputing lab gown. Tinawag nito ang atensyon ko at kinausap. Muling bumalik ang galit sa buo kong katawan. Di ko na napansin nang magpaalam sakin ang duktor, muli kong ibinaling ang aking tingin kay Rick at JP, nakita ko kung gaanong kakumportable ng bata dito.
Nabasag ang aking pagmumunimuni nang marinig ko ang matining na boses ni Rick na tinatawag ako, halos mapaluha ako nang makita ko itong nagmamadaling nagpababa kay JP mula sa kandungan nito at patakbong lumapit sakin, lumuhod ako sa harapan nito at niyakap ng mahigpit.
“Hulog hagdan dugo...dugo...dugo.” paulit ulit na bulong ni Rick sa pagitan ng kaniyang mga hikbi habang isinisiksik ang kaniyang mukha na basang basa ng luha sa aking leeg. Inalo ko ang bata, kinarga at lumapit kay JP di ko pa man ito tinatanong ay agad na itong nagsalita.
“I was in school, tita called, nahulog nga daw sa hagdan si Rick, pumunta na ako agad dito--- Migs, nahihiya silang humarap sayo.” pabulong na sabi ni JP, muling nabalot ng galit ang buo kong katawan, hindi dahil kay JP at sa nakaraan namin, kundi dahil sa lolo at lola ni Rick.
0000ooo0000
“Migs, wag na nating palakihin 'to.”
Pero huli na ang lahat, nasa harapan na kami ng bahay nila Anne.
“I have to do this.” sagot ko dito, nilingon ko ito, nakaunan ang ulo ni Rick sa hita ni JP at mahimbing na natutulog.
Kumatok ako sa front door, nang bumukas ang pinto ay bumungad sakin ang mukha ng ina ni Anne, agad itong namutla nang makita ako, di ko na inintay na papasukin ako nito, masyado na akong nababalot ng galit at hindi ko na inintindi pa ang paggalang sa nakatatanda at sa may ari ng bahay. Naabutan ko ang asawa nito na may kausap sa telepono, nagulat ito nang makita ako.
“Is that Anne?” tanong ko dito, tumango ang lalaki.
“I want to talk to her.”
“Teka lang, nasa bahay kita---”
“Shut up and give me the phone.” kalmado kong singhal dito, walang nagawa ang matanda at ibinigay na sakin ang telepono.
“Hello Anne, si Migs 'to, sinabi ba sayo ng tatay mo kung ano nangyari?” saglit akong tumahimik para pabayaang sumagot si Anne.
“...Good... I want you to know that I will not let Rick stay with them again...” narinig kong ang pagtutol ni Anne sa kabilang linya pero hindi ko ito pinansin. “---don't tell me what I can and cannot do, you give up your rights when you decided to just dump Rick to my parents house and run to middle east as if you didn't give birth... yes I'm angry, Anne, no, scratch that, I'm furious! Your parents are hitting Rick! The doctors saw bruises in his buttocks, kung hindi pa mahuhulog si Rick ng hagdan at ipadadala sa ospital for stitches ay di namin malalaman na ginugulpi ng mga magulang mo si Rick! So there, if you don't want your parents having a restraining order against Rick you may want to talk to them about what I want...” di ko na hinayaan pang makasagot si Anne sa kabilang linya at binigay na ang telepono sa matandang babae, para sakin ay wala ng negosasyon, buo na ang pasya ko. Nakita kong tumango tango pa ng ilang beses ang babae at ibinaba na ang telepono.
“Sinabi na ho sainyo ni Anne ang gusto kong mangyari?” tanong ko sa matanda. Tumango ito.
“Teka lang, di naman pwedeng di namin makikita ang apo ko.” sabi ng matandang lalaki.
“Swerte niyo di ko kayo kinasuhan ng child abuse nung kausapin ako ng duktor about dito.”
“Aksidente ang nangyari!” sigaw ng matandang lalaki, di ako nagpasindak dito.
“Hindi yun ang ibig kong sabihin! Nakita ng mga duktor ang mga pasa sa puwitan ni Rick, ipinakita niya mismo ito sakin bago kami pumunta dito at hindi maipagkakaila na dahil yun sa mga palo, malalakas na palo. Swerte niyo di ko kayo pina-bantay bata.”
“Bullshit! Every kid needs to be disciplined!”
“Say that again and I'll sue your ass!” singhal ko dito, natigilan ang matanda.
“You can't sue us, we're his grandparents!”
“The doctor's documented every bruise in Rick's body, they photographed every single scratch there is in his body, one nasty word from your sorry ass of a mouth and I will not hesitate to show it to the authorities and sue your sorry ass!” namumutla na ang dalawang matanda. Saglit kaming nagtitigan at binalot ng katahimikan ang buong bahay.
“Ngayon, Rick will not be staying here for the weekends, he will not be staying here ever again, kung gusto niyo siyang makita pumunta kayo sa Cavite, I'll welcome you to our house as if this never happened.” sabi ko sa mga ito, di ko na ito inintay pang sumagot at lumabas na ako ng bahay na iyon.
Nang sumakay ako ng kotse ay nakita kong tulog parin si Rick sa kandungan ni JP sa back seat habang si JP naman ay nagaalalang nakatingin sakin pero di ito nag abalang kausapin ako dahil alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon para kausapin ako, alam niyang kailangan ko munang magpalipas ng sama ng loob. Iniunan ko ang aking ulo sa manibela at nagsimula ng umiyak. Naramdaman kong inabot ni JP ang aking balikat at marahang pinisil iyon pero agad ko itong hinawi at pinaandar na ang kotse.
“May isa pang drama akong haharapin sa bahay.” bulong ko sa sarili ko pero tiyak kong narinig iyon ni JP.
0000ooo0000
Nang makarating kami sa bahay ay naabutan kong nakaupo sa sala si Edward at Mae, namumugto ang mga mata ni Mae habang si Edward naman ay namumula, sa galit? Sa pagkahiya? Di ko alam. Tinignan ko si JP habang karga karga ko si Rick, tila naman naintindihan nito ang aking ibig sabihin at tumango, kinuwa nito si Rick mula sa aking mga kamay at dinala ito sa aking kwarto.
“Migs, we need to talk.” bulong pero puno ng galit na sabi ni Mae, tumango ako at umupo sa may sofa katapat ng inuupuan nila Mae.
“Totoo ba yung sinabi ni Essa?” tanong ni Mae.
“Let me explain, Mae---”
“Answer me dammit!” mahina pero puno ng galit ulit na sabat ni Mae. Nagbuntong hininga ako.
“Yes it's true---” narinig kong pinuno ni Mae ng hangin ang kaniyang mga baga, di makapaniwala sa aking pagamin na iyon. Napatayo ito at naglakad lakad sa paligid ng sofa.
“Ako ang dahilan ng break-up nila ni Essa noon---”
“Migs---” putol ni Edward.
“No, Edward, Mae has to know this now! We owe her the truth.” baling ko kay Edward sabay buntong hininga.
“I was in-love with Edward---” bulong ko pero agad din akong natigilan, di makapaniwala na mapaguusapan namin ito after 3 years.
“---he was my best friend we do everything together, we know love each other pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa kaniya ang ibinibigay sakin ni Edward---” saglit kong tinignan si Edward, alam kong pareho ang tumatakbo sa isip namin.
“I was confused, akala ko may pag-asa kami ni Edward pero laging sumisingit si Essa, naging sila and I was forced to take a step back. I was hurt, nakita ni Edward na lumalayo ako sa kaniya, kinumpronta niya ako, I told him how I feel and kung di niya maibabalik iyon ay OK lang, nilinaw ko kung ano ba talaga ang namamagitan samin pero hindi siya makasagot, I knew that, that silence meant rejection--- and I guess nakita ni Edward na nasasaktan ako kaya niyakap niya ako that's when Essa saw us and that eventually ended their relationship.”
“Edward?” baling ni Mae kay Edward.
“What Migs and I have is special, Mae, we are more than best friends but there's a limit to that, I have you now, I have you and the twins now.” sa sinabing ito ni Edward ay napaupo si Mae sa isa sa pinakamalapit na upuan. Marahil ay di makapaniwala sa mga sinasabi namin sa kaniya.
“Why didn't you tell me this before?” naiiyak na tanong ni Mae, nakita kong nasasaktan si Edward ng nakikita si Mae na nagkakaganito.
“I'm afraid that I will lose you--- That I will lose both of you.” sagot ni Edward, tumingin si Mae sa akin, alam ko ang iniisip nito, malapit na kaming magkaibigan at inaasahan nitong dapat man lang ay may nabanggit ako sa kaniya.
“It's not my business to tell.” bulong ko kay Mae.
“Bullshit!” sigaw nito.
“Mae---” awat naman ni Edward.
“All this time, nakikitulog dito si Edward, tumatawid sa puno ng santol at naiiwan kayo dito magisa at hindi alam ng buong mundo kung ano ginagawa niyo---!”
“Mae! Wala kaming ginagawang masama, magkaibigan kami ni Migs! Kaya ako madalas dito is because kailangan ako ngayon ni Migs, kailangan tayo ni Migs, hindi lang naman din ako ang nagpupunta dito, sila Dave, Pat at Fhey, nagpupunta rin sila dito!” paliwanag ulit ni Edward, nangingilid na ang luha ko at malapit ng mag emotional overdrive, alam kong wala kaming ginagawang masama ni Edward pero hindi iyon ang nakikita ngayon ni Mae, nabulag siya sa mga sinabi ni Essa kanina, nabulag siya ng galit sa ginaw naming pagtratraydor.
Nabulag siya ng sakit.
“Mae, Edward loves you, what we have now is nothing other than friendship, please, Mae--- please understand.” pagmamakaawa ko, nagsisimula na akong mapagod, everything around me is crumbling down into pieces and I'm to tired to do anything about it. I just stood there, to tired to say and do anything else.
Tila naman nahimasmasan si Mae sa pagmamakaawa kong iyon dahil tumayo ito, tumapat sakin, nagtama ang aming mga mata, kitang kita ko sa mga mata nito ang hinanakit.
“I--” simula ni Mae pero tila ba may pumipigil sa gusto nitong sabihin.
“---please stay away from my family.” pabulong niya lang itong binanggit pero tila ba tinapatan niya ako ng mega phone sa mukha at buong lakas na sumigaw dito.
“Mae!” sigaw ni Edward, rinig na rinig ko ang takot at galit sa boses ni Edward.
“I'm going to make you choose. Me or Migs.” baling ni Mae kay Edward, sa puntong ito ay tila ba nawala na ako sa katinuan, alam ko ang nangyayari sa paligid ko pero tila ba may switch na pinatay sa aking utak at wala na akong magawa at masabi pa sa gustong mangyari ni Mae.
Nawalan ako ng lakas para tumanggi. Muli, pinigilan nanaman ng aking puso na ipaglaban si Edward, tila ba bumalik kami sa panahon nuong highschool palang kami kung saan lahat ng nangyayari sa paligid namin ay hinahamon kami na ipagaban ang aming pagkakaibigan. Ipaglaban kung ano ang meron kami.
“You can't do this, Mae---”
0000ooo0000
Di ko na alam ang aking gagawin, napako ako sa aking kinatatayuan, walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Nang papiliin ni Mae si Edward ay di na nag dalawang isip pa si Edward na piliin ang kaniyang asawa, sa totoo lang ay di sumagi sa isip ko ang posibilidad na ako ang piliin ni Edward, matagal na kaming tapos, tanging pagkakaibigan na lang ang meron kami, matagal na akong panatag sa kung ano ang meron kami pero hindi parin nito nababago ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pakiramdam ko ay namatay ang isang bahagi ng pagkatao ko.
“Migs.” tawag sakin ni JP na hindi ko napansin na nasa unahan ko na pala, bakas sa mukha nito ang pagaalala.
“Migs, are you OK?” tanong ni JP sabay abot ng aking pisngi, pinahiran ng kaniyang mga daliri ang mga luha na dumadaloy dun.
“I'm sorry for the stupid question, obviously you're not OK.” bulong ni JP, di ko alam kung para sakin ba ang sinabi niyang yun o para sa kaniya. Inalalayan ako nito paupo.
“I'm going to be fine, I- I j-just need time, I'll be fine.” sabi ko sa kabila ng pagtulo parin ng mga luha ko, di na nagsalita si JP, nakita kong umisod ito papalapit sakin at i-aakbay na sana ang kaniyang braso sakin para aluhin ako pero agad niya itong ibinaba at nakuntento na lang sa espasyo, sa layo ng aming pagkakaupo.
“Nagka-patong patong lang, pero magiging OK din ako.” pangungumbinsi ko sa sarili ko. tumayo ako at nagtungo na sa aking kwarto, nang makarating ako sa tapat ng aking pinto ay nakita ko si Rick na mahimbing na natutulog, tinitigan ko ito.
“What the hell did I do to deserve this?” tanong ko sa sarili ko kasabay nun ay naisip ko bigla ang tungkol sa nangyari sa pagitan namin ni JP at ni Donna, si JP na sa loob ng ilang taon ay naging sandigan ko na, lalo na nung mga panahong wala si Edward at iba ko pang mga kaibigan, si Donna na napalapit na sakin lalo na nung tinulungan ako nito nung mga panahong nagkaproblema ako kay Anne.
“Anne.” bulong ko sa sarili ko sabay iling, di ko alam kung anong ginawa kong mali para ganunin niya kami ni Rick at nagyon si Edward at si Mae.
“Makakaya ko pa ba na wala si Edward?” tanong ko sa sarili ko sabay sulyap sa bintana kung saan madalas lumusot si Edward. Simula nung umuwi ako sa Cavite ay nabuo ulit ang aming pagkakaibigan, kapag kailangan namin ng kausap andayan lagi ang isa't isa pero ngayon, matapos malaman ni Mae ang nangyari noong high school sa tingin ko ay imposible ng magkaroon pa ulit kami ng oras na magkasama at magusap ni Edward. Si Mae, di ko naisip noon na kung gaano namin masasaktan ito kung sakaling malaman nito ang totoo at eto na nga, pumutok na sa mukha namin ang mga consequences ng aming mga lihim.
Di ko alam kung pano nangyaring nakahiga na ako sa kama ko, di ko na namalayan na hinubad ko na ang aking mga sapatos at humiga na sa tabi ni Rick, wala parin akong tigil sa pag-iyak na sa totoo lang ay ikinaiirita ko na, alam ko namang walang mangyayari sa kakaiyak ko pero tuloy parin ako sa pagiyak, ipinikit ko ang aking mga mata, umaasa na kapag ginawa ko iyon ay titigil na ang mga luha pero hindi, nagmamatigas ang mga luha ko dahil patuloy parin ito sa paglabas mula sa mga nakasara ko ng mata.
Naramadaman ko ang pagdampi ng isang kamay sa aking kamay na nakabalot sa maliit na katawan ni Rick, iminulat ko ang aking mga mata, walang pakielam kung tila ba dam ang aking mga mata na nagpakawala ng maraming tubig nang lumakas ang pagpatak ng aking mga luha, nakita ko si JP na nakahiga sa kabilang gilid ni Rick, ibinalot din nito ang kaniyang kamay dito at banayad na ipinatong ito sa aking kamay.
Di na ako nagsalita masyado na akong napapagod para tumanggi at humindi sa kaniyang ginagawa. Hinayaan ko na lang na tignan ako ng nagaalalang magandang mga mata ni JP, hinayaan ko na lang na kaawaan ako nito, hinayaan ko na lang na maramdaman niya kahit kakaunti ang tindi ng sakit na nararamdaman ko.
Hinayaan ko na lang ulit ang sarili ko na saluhin ang sakit.
Itutuloy...
____________________________
Chasing Pavements 4[15]
by: Migs
Speechless, Dumbfound, I don't know what to say or to comment. Somehow I can relate, but everything is just too much even for Superman, haaayst if I were "MIgs" I will have a rest, a space, I know it cannot solve all teh commotions but at least he will have a peace of mind and a clear mind. Thus, he can have all teh courage to solve all of what is happening. Good Luck to "migs", Kung sakali man na nababasa nya ito, I am here.:)
ReplyDeletealexis po..
ReplyDeleteall is well.merong mga taong mas miserable pa po kesa sa inyo kaya okay lang po iyan kuya migs.
thank you din po sa pagpost atleast hindi lang entertaiment nakukuha namin kundi pati lessons. iba parin talaga ang katotohanan sa papel kaysa imahinasyon na inilathala sa papel.
i hope you're okay now
Heavy...kailan to author migs? mag chri-Christmas pa naman. ang hirap talaga pag dumating sa point na sunod sunod kang tinatamaan ng challenges sa buhay tss..atleast you someone to rely on. wag sana isipin as if no one's there caring for you:D
ReplyDeletesabi nga ng quote na nabasa ko, kung may solusyon ang problema, wag problemahin, kung wala, wag din problemahin sasakit lang ulo mo kakaksisip sa dapat gawin:D
@aR: this happened, I think, last week of october or early september.
ReplyDelete@MERVIN & alexis: thanks sa pagbabasa! thanks din sa mga --errr-- comforting words. :-)
Super heavy ng drama Migz. Kelangan mo ng madasandalan... Andito lang ako palagi Migz. Mahal na Mahal kita. Pakakatandaan mo sana yan lagi. God bless po!
ReplyDeleteAfter this, musta ka na Migs? Are you ok? That stupid questions again... we all know what you have been through, but the fact na naisulat mo ito, well I believe everything is fine... everythings going to be fine if not now... in time. andito lang kami mga readers mo! Ingat!
ReplyDeletegrabe :'( nakakaawa naman :(( can't stop crying right now...
ReplyDeleteSir Migs, grabe! Ang bigat ng nangyayari. It's too much, kahit ako na nagbabasa lang eh ramdam na ramdam ko ang sakit. After ko basahin ang bigat sa dibdib.
ReplyDeleteNandito lang kaming mga readers para sayo lagi sumusuporta. Kahit na hindi ka namin personal o lubos na kilala, we know that you're a good person, a strong one I believe. I hope that everything's okay, and if not, I hope that things will work out and you'll be okay soon.
-RP
hayaan mo na lang na umiyak ka muna... ang sabi nga ng ibang tao na pagkatapos ng unos sisikat din ang araw para s u.... all what u ned is to face the reality... dont give up... u have to stand and start all over again...everything will be ok... lahat ng mga pangyayari sa buhay mo ay may reasons kung bakit.... magtiwala lang sa sarili...
ReplyDeleteramy from qatar
Migz, nandito lang ako pangako di kita iiwan, kundi mamahalin kita at aalagaan natin si Rick hanggang pagtanda. lol. Wala ako masabi ang galing ng drama.
ReplyDeleteEdward. No. </3
ReplyDeletekawawa naman pala si rick buti pala kinuha u nlang xa migs para d kna mag aalala,
ReplyDelete& for me about edward hindi ako mamimili kc iisipin ko un tama n hindi lamang para sa sarili ko bagkus un para sa ikabubuti ng lahat,
ipapaunawa ko k mae un sitwasyon,kun mahal nya ko mauunawaan nya ko db...
migs sure ako anak k ng diyos kc dami u problema, sb nga nila sinusubok talaga un mga anak nya,
so be proud po....just pray.
thanks po kuya migs...........
huhu super relate ako sa chapter na ito sir migs... haist..ito na naman ako.. affected na naman maxado..
ReplyDelete-neph
i really feel sorry for you kuya, hard to do but the best thing is for you to let them go and move without hesitation, without even having second thoughts of going back. enuf is enuf! don't be a masuchist, stop hurting yourself!! the fact na di mo sila binibitawan will definitely kill you slowly. i'm sorry for the word but stupidity is a choice, and i hope you'll choose and decide wisely. i hope i'll read that you are already ok in the next chapter
ReplyDelete-john el-
neph, yung nangyari sa iyo is long overdue, nasabi ko na sa iyo ang possibilities at ito kayong 2 ni migs ay nasa isang page. kayo talaga ang kukulay ng buhay nyo,
ReplyDeleteanyway migs, mending will take time, dont know what is your current situation right now kailangan sigurong idrain mo lahat ng excess angst mo, it still clings parin, mahirap magcomfort ng taong nagkikipit parin ng saloobin, before ang encouragement empty yourself of the past.
anyway, nice narration nakakadepress pero kasama sa story ng buhay mo yan wala ng fast forward at skip sa teleserye ng buhay (",)
Grabe ang sarap lang umiyak/\..
ReplyDelete