Taking Chances 1


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.

Nagsisimula nang sumakit ang ulo ni Chino, hindi niya malaman kung bakit hindi makuwa ng mga modelo ang kaniyang instructions. Magaala-una na ng madaling araw at nasa run way parin sila ng airport, hindi rin nakakatulong sa mood niya ang parito't paroon ng mga eroplano sa runway na siya namang nakakadagdag sa sakit ng ulo niya.



I'll be there in ten minutes, baby, please, we need to talk.” paulit-ulit na umaandar ang sinabing iyon ni Francis sa kaniya, di niya alam kung anong ibig sabihin nun, ang tangi niyang alam ay lalo itong nakakapagpasakit sa ulo niya, gusto na niyang tapusin agad ang trabaho niya at umuwi at hindi na siya umaasa sa panibagong drama bago pa matapos ang araw.



Isang Photo shoot Director si Chino sa isang kilalang magazine sa buong Pilipinas, maglilimang taon na siya sa larangan na iyon at ang trabaho niya lang din na iyon ang tangi niyang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Hindi naman pangit si Chino, ang totoo ay maari rin itong maging modelo pero dahil sa baba ng kumpiyansa nito sa kaniyang sarili ay tanging trabaho niya lang ang tangi niyang nkikita sa sarili na pwedeng maipagmalaki.



Lalong bumaba ang kumpiyansa nito sa sarili nang lokohin siya ng taong tanging nagpakita sa kaniya ng pagmamahal at nagturo sa kaniya ng pagpapahalaga sa sarili. May isang buwan na ang nakakaraan nang talikuran niya ang relasyon na iyon at wala itong naitulong sa kaniyang mababang self esteem, ngayon sa tingin niya ay lahat ng taong nakikipaglapit sa kaniya ay sasaktan lang din siya sa huli. Kaya naman hindi na siya nagaaksaya pa ng panahon na makipaglapit din sa mga ito.



Abala siya sa pagtuturo ng magandang pose at tamang ekspresyon ng mukha nang tumunog nanaman ang kaniyang telepono, napairap siya, iniisip niyang si Francis nanaman ito, nagsasabing asa labas na siya at kung pwede ay magusap na sila, pero mali ang kaniyang akala, hindi naka rehistro sa kaniyang telepono ang number na iyon kaya naman di na siya nagatubili pa at sinagot na niya ito.



Nanlambot siya at wala sa sariling nabitawan ang kaniyang telepono. Napansin niyang tila ba tumigil ang oras, literal dahil tumigil lahat ng tao sa paligid niya, nun niya lang napansin na nasa telebisyon malapit sa tent ang pansin ng lahat ng tao sa paligid niya at nanonood ng flash report.



Isang aksidente ang nangyari sa kahabaan ng Sucat road--- isang truck ang nawalan ng kuntrol na siyang dahilan upang magbanggaan ang ilang sasakyan--- sa ngayon ay wala pang report kung meron bang nasawi at kung ilan ang nasugatan sa aksidenteng ito---”



Nasawi? Oh God, please, not Francis---” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.



Si Francis Cardasto. Best friend niya ito simula nung elementarya pa lamang, ang taong ito ang nagturo sa kaniya ng maraming bagay, ang taong ito ang siyang nagpaalam sa kaniya na may kuwenta siya, na may karapatan siyang mahalin pero ito rin ang nanakit sa kaniya, ang tanging tao na pinagkatiwalaan niya ng kaniyang buong puso at siya ring nanakit dito.



Magiisang buwan na ang nakakaraan ng sabihin mismo ng ina ni Francis kay Chino ang balak na pagpapakasal ni Francis kay Laura, si Laura na ang pakilala sa kaniya ni Francis ay kinakapatid lang daw nito, huli na ng malaman niyang di lang pala kinakapatid si Laura para dito.



Dito na niya muling naramdamang di siya karapat dapat mahalin, na wala siyang kuwenta at nagsisimula narin nyang matanggap sa sarili niya na tatanda siyang magisa at miserable. Sa kabila ng mga nagawa sa kaniya ni Francis ay di parin niya matiis sa sarili na wag magalala para sa kaniyang dating kasintahan. Maaga niyang itinigil ang shoot at nagtungo na sa ospital.



Tita.” tawag niya sa ina ni Francis. Nilingon siya ng matandang babae, kitang kita sa mukha nito ang pagtangis. Binigyan siya nito ng matipid na ngiti, alam na niya agad na may kakaiba sa ikinikilos nito. Agad napawi ang ngiting iyon nang umiling ang matanda at nagpatuloy sa pagiyak.



He's in a coma. Nobody knows when or if he will get out of it.” pabulong na sabi ng ina ni Francis. Nanlambot si Chino. Aaluin na niya sana ang matanda ng lumabas ang isang magandang babae at ang ama ni Francis mula sa ICU. Agad naglakad ang babaeng nagngangalang Laura papunta sa ina ni Francis at inalo niya ito. Tinignan siya ng masama ni Laura na ikinataka naman niya.



Kanina pa niya napapansin na para bang may mali. Saglit na nagtama ang tingin ng ama ni Francis at ni Chino, agad na nagbawi ng tingin ang ama ni Francis, tila ba humihingi ng tawad ang tingin na iyon, puno ng pagsisisi, may gustong ipahiwatig, naglakad ito palayo, naisipang sundan ni Chino ang matanda. Umupo ito sa may hagdan ng fire exit, umupo si Chino sa tabi ng matandang lalaki.



This is our fault.” sabi ng matanda sa kaniya, tulad ng sawa ay umiiling din ito habang umiiyak.



Tito, aksidente po ang nangya---”



Hindi mo naiintindihan, Hijo. Kasalanan namin ito ng Tita mo.” hindi na napigilan ng matanda ang kaniyang sarili sa pagiyak at wala sa sarili itong sumandal sa matipunong balikat ni Chino.



Ang totoo niyan, sinisisi ni Chino ang kaniyang sarili, kanina nang malaman niya ang tungkol sa aksidente ay di niya maiwasang isipin na kung tinanggap niya lang sana na mas mahal ni Francis si Laura, kung nagkausap lang sana sila ni Francis ng maayos noon ay di sana ito magpupumilit na makipagusap sa kaniya ngayong gabi at hindi sana ito maaaksidente. Sasabihin na sana niya ito sa matanda upang mabawasan ang paninisi nito sa sarili nang bumukas ang pinto sa kanilang likuran. Si Laura nanaman.



Tito, kakausapin daw po kayo ng duktor.” sabi ni Laura. Walang sabi sabing tumayo ang matanda at nilagpasan si Laura pabalik sa harapan ng ICU.



This is all your fault!” singhal ni Laura na ikinagulat naman ni Chino, di na siya nakasagot dahil alam niyang may puntong tinutumbok ang kasinatahan ni Francis.



Ikaw ang pupuntahan ni Francis kaya siya naaksidente. Kasalanan mo 'to.” bago pa man ito makasagot kay Laura ay tumalikod na ang magandang babae at naglakad pabalik sa gawi ng ICU.



Di na siya bumalik pa sa tabi ng mga magulang ni Francis. Tuluyan nang sumama ang kaniyang pakiramdam at nagpasiya na lang na umuwi na.



0000ooo0000



Nagpagulong gulong si Chino sa kaniyang kama. Tumatakbo sa kaniyang panaginip ang maamong mukha ng kaniyang dating kasintahan. Napapanaginipan nito ang masasayang sandali nila ni Francis at ang malungkot na mukha at humihingi ng tulong na Francis ang siyang dahilan upang magising siya mula sa pagkakatulog na iyon.



Nanlalambot siyang pumasok sa opisina nung araw na iyon. Inaasahan na niya na ilang sandali lang pagkatapos niyang mag IN sa opisina ay ipapatawag na siya ng kaniyang boss para sermunan dahil sa pagpapatigil niya sa photoshoot kagabi. Hindi nga siya nagkamali, hindi pa siya nakakaupo sa likod ng kaniyang lamesa nang ipatawag siya ng mga ito.



Pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri habang nakaupo sa harapan ng lamesa ng kaniyang boss, madalas niya itong gawin sa tuwing kinakabahan siya.



Will you relax, Mr. Rodriquez! We are not certainly pleased about the photo shoot last night but the photographers said that they have enough photos for this month's issue so you're off the hook. The reason why you are here is because we want to give you the projects that, Francis left behind.” napatingala si Chino sa sinabi ng boss niyang iyon.



I don't do male models, Sir, and besides, Francis is not dead, he's just in a coma---” naiiling na sabi ni Chino sa kaniyang boss, kumunot naman ang noo ng kaniyang boss.



We know that, Chino, but the doctors are not certain when or if Francis is going to wake up from coma. You're the next best thing to a Mr. Francis Cardasto, you both have the same ideas and styles when directing a shoot.” sagot ng kaniyang boss.



It's not that I don't want to accept this job, Sir, but I have my own personal issues about directing male models.” nagaalinlangang sagot ni Chino., mataman siyang tinignan ng kaniyang boss, tila ba lumalangoy ito sa isang malalim na pagiisip, nang sa pakiramdam ni Chino ay lumipas na ang oras ay nagsalita ulit ito.



I see, uhmmm, listen, why don't you just try it for--- let's say a month, if you still have problems about doing a male shoot then we will have to look for a shoot director for male models.” alok ng kaniyang boss. Wala na rin siyang nagawa at tinanggap na ang alok na ito.



0000ooo0000



Ilang araw pa ang lumipas at hindi parin niya mapigilang magalala, ayon sa mga duktor ay walang pagbabago ang lagay ni Francis. Alam ni Chino na mahal parin niya ang dating kasintahan dahil sa matagal narin nilang pagsasama pero sinabi niya sa kaniyang sarili na kung panahon na talaga ni Francis para umalis ay wala na siyang magagawa pa dito.



Nakasilip siya sa bintana ng ICU para masilayan manlang niya kahit saglit si Francis nang biglang magsalita ang ina ni Francis sa kaniyang likuran.




I don't know what else to do.” nanlalambot na sabi ng ina ni Francis na ikinatalon naman sa gulat ni Chino.



Everything will be OK, Tita.” paniniguro ni Chino sa matandang babae, inakbayan niya ito at binigyan ng isang matipid na pisil. Sinuklian lang siya ng isang matipid na ngiti ng matanda.



Di na kita nakikita sa bahay nitong mga nakaraang araw?” tanong ng matanda. Natahimik saglit si Chino, kahit naman hindi maganda ang paghihiwalay nila ni Francis bilang magkasintahan ay alam niyang mahal na mahal parin nila ang isa't isa, hindi man bilang magkasintahan ay matalik naman na kaibigan at naapektuhan din ang kanilang pagkakaibigan sa nangyari sa kanilang dalawa, kaya naman hindi niya alam ang kaniyang isasagot sa tanong na iyon ng ina ni Francis.



Nagkaroon lang po ng konting misunderstanding.” sagot na lang ni Chino, agad naman siyang tinignan ng matanda, tila ba nanunuri ang tingin na iyon pero may iba pang laman ang tingin na iyon, tila ba may itinatago rin ang matanda sa kaniya.



Is this about his wedding with Laura?” tanong ulit ng matanda, gusto ng matunaw ni Chino sa kaniyang kinatatayuan.



Yes, Tita. But we're passed that, I'm passed that.” makahulugng sagot ni Chino, makahulugan kasi alam niyang nagsasabi siya ng totoo, nitong nakaraang mga linggo matapos niyang malaman na ikakasal na si Francis ay natanggap na niya na hanggang pagiging matalik na kaibigan na lang ang kaniyang papel para sa kaibigan, tanging ang nararamdaman na sakit lang naman talaga ang humahadalang para magusap at magharap muli sila ni Francis, muli siyang sumailalim sa mapanuring mata ng matanda. Di na muli pang nagsalita ang ina ni Francis kaya naman nagpaalam na si Chino dito para umuwi.



0000ooo0000



Dont be afraid to take some chances.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili, inuulit ang mga salitang paulit ulit na pinapaalala sa kaniya ni Francis noon sa tuwing nakakaramdam siya ng self doubt. Habang papasok sa venue ng photoshoot ay hindi niya maiwasang kabahan.



May dahilan kung bakit ayaw niyang hawakan ang photoshoot ng mga male model, hindi kasi nakakatulong ang makakita ng halos perpektong mga lalaki na halos kasing edaran niya lang sa kaniyang napaka babang self esteem. Sa tuwing nakakakita siya ng mga taong siguradong sigurado sa kanilang sarili ay di niya mapigilang kaawaan ang sarili. Lalong ipinapamukha ng mga ito kung saan siya nababagay at kung gaano siya kawalang kwenta.



Chino!” sigaw ng isang matangkad at gwapong lalaki sa di kalayuan, isa ito sa mga matalik na kaibigan ni Francis sa trabaho, minsan na siyang ipinakilala ni Francis dito pero matagal na niya itong di nakikita.



Dom, musta na?” nagaalangang tanong ni Chino, hindi na sumagot ang matangkad na lalaki at bigla na lang siya nitong niyakap na ikinagulat naman niya ng husto, dahil sa pagkakaiba ng kanilang schedule ni Francis ay di naman sila naging close talaga ni Dom.



Nagulat ako sa nangyari kay Francis.” bulong nito. Tumango lang bilang sagot si Chino, napansin nitong nangingilid na ang luha ni Dom nang maghiwalay sila sa kanilang pagyayakapan.



Anyways, I'm sure that sonavabitch will wake up soon. For the meantiiiiimmmme--- you'll be my boss, a very cute one at that. I'm sure everyone will be ecstatic to work with you!” taas babang kilay na sabi ni Dom.



Don't get your hopes up.” umiiling na bulong dito ni Chino.



0000ooo0000



Do you even know what you're doing?! Geez, man!” sigaw ng isang modelo sa mukha ni Chino. Nagkamali siya tungkol sa sequence ng posing, naiintindihan niyang pagod na ang modelo kaya naman ng ipaulit niya dito ang mga pose na naaayon sa sequence na gusto niyang mangyari ay nairita ito at sinigawan siya.



Great, the last thing I need is an asshole to make me doubt my work, this is the only damn thing in my whole life that I'm good and I'm sure at, for heavens sake!” bulong ni Chino sa kaniyang sarili at umiling. Di na niya pinansin ang modelo at ipinagpatuloy na lang niya ang kaniyang trabaho.



Geez, what's with Chris?” bulong ni Dom sa tabi ni Chino sabay iling.



Di ba siya karaniwang ganyan?” tanong ni Chino.



Oh, he's an asshole alright, pero di naman yan usually nagrereklamo kapag nagpapaulit ang ibang directors. Ngayon lang.”



Siguro nakita niya na loser ako kaya naman di na siya nag abala pang maging mabait sakin.”



Francis told me about that.” lumingon si Chino sa sinabing iyon ni Dom at nahuli itong umiiling.



What do you mean?”



About your low self esteem problem. I mean, di ko ma-gets kung bakit mababa ang self esteem mo, gwapo ka naman, matalino and all, kung tutuusin nga pwede ka pang maging model kesa sa mga ugok na kung pumose ay mas gugustuhin ko pang tignan si King kong eh.” saad ni Dom nagkibit balikat naman si Chino saka ngumiti, si Dom ang kauna unahang tao na pumuri sa kaniyang pagkatao maliban kay Francis.



And with that smile? C'mon, Chino! Matatalo mo pa si Sam Milby sa pagendorse ng toothpaste sa ngiting yan eh!” pagpapatuloy ni Dom, naramdaman ni Chino ang pamumula ng kaniyang mga pisngi kaya naman ibinalik niya ang kaniyang tingin sa monitor kung saan nakikita niya ang mga shot ni Chris.



Now I know what Francis saw in you.” bulong ni Dom na ikinagulat naman ni Chino.



I'm sorry?”



Ah eh--- wala sabi ko tapos na si Chris.” palusot ni Dom, di nalang ito pinansin ni Chino at nagkibit balikat na lang.



0000ooo0000



Nagaayos na ng gamit si Chino nang sumulpot sa likod niya si Dom.



Hey, want to join us for a late dinner?” nagisip saglit si Chino.



Dominic! Bilis nagugutom na ako!” napairap naman si Dom sa sinabing iyon ni Chris.



Wag na lang baka nakakaistorbo lang ako.” sagot ni Chino sa paanyaya ni Dom, tinignan siya ni Chris simula ulo hanggang paa na tila ba nangingilatis.



Isasama mo yan?!” napatingin naman ng sabay si Dom at Chino dito.



Kung hindi ka sasama, Chino hindi na lang ako sasama kila Chris.” mungkahi ni Dom sabay tingin ng masama kay Chris, umirap na lang si Chris at wala nang nagawa pa.



I have a feeling that Chris doesn't like me.” bulong ni Chino kay Dom.



No shit, Sherlock!” sarkastikong balik ni Dom kay Chino at sabay tumawa ang dalawa.



Itutuloy...

____________________________
Taking Chances
by: Migs

Comments

  1. aba! Una ako ngayon mag comments hehehe... gusto ko tong plot mo ngayon migs... na iimagine ko mga magaganda at hunk na models na mai involve sa kwento na to... ayos! hilig ko pa naman photography... and low self steem din ako... nakaka relate ako dyan hehehe... go na sa next Migs!

    ReplyDelete
  2. cant wait 4 the next chapter!! Galing!

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. Great job! I have a feeling that this series would have a special effect on me kasi ngayon pa lang I already have a connection to it. Keep up the good work!

    hopefully the next one wouldn't take a long time to post :)

    ReplyDelete
  4. Hmmmm.. wala ako masabi maganda lagi naman eh.. :D update ka nalang agad para naman ma enjoy ko ang nalalabing araw ng buhay ko :)) good luck!

    ReplyDelete
  5. hamback..alexis po kuya migs


    ang cute ng story mo ngayon.nga pala kuya, may something na hinahanap parin ako sa breaking boundaries. May kulang talaga, as in, ang bilis matapos. hhuuh T_T

    sana mabilis po ang update.naging silent reader lang po ako for the past few weeks pero nagbabsa parin ako sa blog niyo po.

    keep up the good job.

    ReplyDelete
  6. i know this is anothewr good story,kso s part n ito wala po ako masabi....
    anu po b yan picture logo ng taking chances?

    ReplyDelete
  7. another story to look forward to..

    excited and ecstatic.. hehehe

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  8. Hmmmm. Andami ko tanong. Hahaha. As usual, ang galing mo Migz. Mahal na mahal talaga kita. :)

    ReplyDelete
  9. Youг post ρroviԁеs рrοven hеlpful to us.
    It’s quіtе helpful and you're simply clearly quite knowledgeable in this region. You have opened up my sight to varying opinion of this particular subject matter together with interesting and solid content material.

    Also visit my web page klonopin

    ReplyDelete
  10. dear Migs,

    while reading this now, I still can't get over with what you did to Ivan
    gusto ko lang sabihin na ang Lupit mo sa character ni Ivan, napaiyak ako super.
    hindi mo man lang binigyan ng chance si Ivan to feel Maki's love for him in return.

    sensya nadala lang... ^_^V

    xoxo, A

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]