Friday, December 23, 2011

Taking Chances 6

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Halos isang minuto bago maisara ni Chino ang kaniyang bibig dahil sa sobrang gulat. Natuloy sila ni Dom sa kanilang planong kumain sa labas, nasa isa silang magarang restaurant ngayon. OK ang lahat, romantic ang ambiance ng lugar, presko at higit sa lahat, pakiramdam ni Chino ay nagde-date sila ni Dom pero asa harapan niya ngayon ang isang napakagandang babae, tila isa isang dyosa na bumaba sa lupa at ang malala pa don...



Chino?” pagtawag ulit ni Dom sa kaniyang pansin.



Wha--? Oh, I'm sorry, I spaced out again.” palusot ni Chino sabay pakawala ng isang kinakabahang ngiti. Ngumiti din ang magandang babae sa kaniyang unahan.



Chino, this is Chloe, my girlfriend. She has this one big mighty crush on you.” humahagikgik na sabi ni Dom habang inaalalayan ang kaniyang kasinatahan paupo.



Chloe, I told you I know him! Ha! You owe me two hundred bucks!” baling ni Dom sa kaniyang kasintahan.



Matagal ka ng crush neto, bilib na bilib siya sa mga results ng photo shoot na dinidirek mo, actually dahil sayo kaya kami nagkakilala three years ago, she's at this magazine stand reading our magazine, when I looked at her she's at awe with the shots, I told her that I know the shoot director and she just literally begged me to introduce her to you.” humahagikgik na kwento ni Dom, si Chloe naman ay sinuntok ang braso ng kaniyang kasintahan.



I never thought that this prick actually know you! Whenever I ask him to prove it and introduce me to you he will just say that you're uber busy!” excited na sabi ni Chloe, nun pa lang alam na ni Chino na magiging malapit silang magkaibigan ni Chloe.



I was totally crushin on you for a while now.” bulong ni Chloe pero sapat ang lakas nun para marinig ni Dom sabay kindat.



Hey!” saway ni Dom, kunwari nagseselos pero hindi rin maitago ang ngiti sa mukha nito.



Wow. I'm totally speechless. For a minute there I thought that Dominic here is hitting on me and wants me naked on his bed! Yun pala para masingil niya ang two hundred bucks na pusta niya?!” natatawang sabi ni Chino sabay iling, tumawa ng malakas si Chloe at napatawa narin si Chino nang makita niya ang reaksyon ni Dominic. Gulat na gulat ito sa sinabi ni Chino, nakanga-nga ito pero di rin maikakaila ang tuwa sa mga mata nito.



OMG! That's totally classic!” sigaw ni Chloe na ikinatingin ng ibang tao sa loob ng restaurant habang inaabot ang kamay ni Chino para sa nabiting high five.



I though you're my bestfriend?” natatawa at iiling iling na tanong ni Dom kay Chino.



Well that's before you placed a bet on my head! Now I'm Chloe's best friend. Oh and Chloe---?” sabi ni Chino kay Dom sabay baling kay Chloe.



Yes?” pagpupursigi ni Chloe na ituloy ni Chino ang sasabihin nito.


I'm gay.” amin ni Chino, tumingin naman si Chloe kay Dom para kumpirmahin ang sinabi ni Chino, marahang tumango si Dom.


OMG! I think I'm not just crushing on you now, I think I'm in love with you na, Chino!” humahagalpak paring sabi ni Chloe. Naguluhan saglit si Chino pero agad ding nawala iyon ng tumayo si Chloe at yakapin siya.


I don't care if you're gay or what! You're an amazing person and you have the guts to throw witty comebacks to Dom, that my friend deserves my friendship and respect.” sabi ni Chloe, napangiti naman si Chino.


Great! Nagkaroon pa ng kakampi si Chloe!” natatawang sabi ni Dom.



Natahimik saglit si Chino, pinapanood niya kung pano mag-asaran ang mag-nobyo, nagkamali man siya sa intensyon ni Dom sa kaniya at kahit na napahiya pa siya dito ay di niya naman mapigilang matuwa dahil sa kabila noon ay nagkaroon naman siya ng dalawang bagong kaibigan.



0000ooo0000



You are not going to believe what happened earlier!” sabi ni Chino kay Francis habang inaayos ang kumot nito at habang pinupunasan ang kamay nito. Alam niyang di sasagot si Francis pero tulad nang dti nung hindi pa ito naaksidente at hindi pa sila nagaaway ay gustong gusto niyang magkukuwento dito. Gumagaang ang loob niya sa tuwing magsasabi siya dito.




Well, I though that dude is hitting on me--- I know, I know, he's straight---- I almost had the most embarrassing moment of my life when he introduced his girlfriend, Chloe. Anyways, they're good people, I actually like them, I can see myself opening to them just like I open up to you---”



Napatigil saglit si Chino, naisip niya na nami-miss na niya si Francis, kahit na andyan na si Dom at Chloe nilang kaniyang mga bagong kaibigan ay di niya parin maiwasang ma-miss si Francis, tutal mas matagal na silang magkakilala at alam na ni Francis lahat ng pasikot sikot pagdating kay Chino and vise versa.



I miss you, Francis.” umiiling na bulong ni Chino, pinilit niyang pigilan ang sarili na umiyak.



Please wake up, Francis.” bulong ulit ni Chino.



0000ooo0000



I'm going to what?!” sigaw ni Chino sa kaniyang boss, agad niya itong pinagsisihan dahil malamig na tingin ang ibinalik sa kaniya ng kaniyang boss.



You don't need to shout, Chino.” umiiling na sabi ng kaniyang boss.



I'm sorry.” nahihiyang sabi ni Chino.



We have no other choice, Chino---” saglit na tumigil si Mr. Custodio, umiling at nagbuntong hininga.



---we will be releasing our next issue in two weeks time, the shoot director for male models filed for an emergency leave, his mother died, we have no time to look and hire another shoot director, just this once, Chino, I swear, this will be the last time that I'm going to ask you to direct a shoot for male models.”



Napabuntong hininga si Chino, alam niyang wala na siyang magagawa pa kundi sundin ang kaniyang boss.



0000ooo0000



Tahimik na nakaupo si Chris sa pinaka-likod ng van na maghahatid sa kanila sa isang amusement park, nakasalpak ang kaniyang earphones at malakas ang volume ng kaniyang iPod kaya't di niya naririnig ang usapan ng iba pang kapwa modelo kaya naman laking gulat niya ng makita si Chino na kinakabahang nakikipagusap kay Dominic.



I don't know if I can do this, Dom. I mean, I can't even look Chris in the face without feeling sooo mad!” nanggagalaiting sabi ni Chino kay Dom.



It's going to be OK, Chino.” paniniguro ni Dom para mapagaang ang kalooban ng kaibigan.



Sana nga.” bulong ni Chino, walang sabi sabi ay niyakap ni Dom si Chino na ikinagulat naman nito.



You're too touchy.” sabi ni Chino sabay pabirong tinulak ang kaibigan, di naman mapigilan ni Dom na mapahagalpak sa tawa.



That's why Chloe loves me.” sabi ni Dom sabay taas baba ng kilay, kahit papano ay napagaang ni Dom ang loob niya kaya naman di na niya mapigilang mapatawa.



Sa di kalayuan ay naglabas ng isang malalim na hininga si Chris.



0000ooo0000



Damn! Those are nice shots!” puri ni Chino sa kanilang photographer, kuwang kuwa nito ang kaniyang instructions kaya naman maganda ang naging labas ng shot, naputol ang kaniyang papuri sa photographer nang sumigaw si Dom.



OK guys, have a two hour break!”



Agad na nagbuntong hininga si Chino, ang totoo niyan gutom na gutom na siya at kailangang kailangan niya ang break na ito para kumain ng late lunch at magliwaliw, natatandaan niya ang unang beses na sumakay siya sa ferris wheel sa amusement park na iyon, manghang mangha siya sa taas nito at sa lawak ng kaniyang nakikita sa tuwing nasa pinakatuktok siya nito at gusto na niyang ulitin ang experience na iyon.



Lumapit siya kay Dom para ayain itong kumain at sumakay sa ferris wheel pero nang makalapit siya dito ay narinig niya itong may kausap sa phone, narinig niya na medyo mataas ang boses ni Dominic, indikasyon na nasa mainit silang argumento ng kausap nito.



No, Chloe, that's not what I meant---!” singhal nito, sa kabilang linya.


Di na nagdalawang isip si Chino, ayaw na niyang abalahin pa si Dominic kaya't naisipan niyang kumain at sumakay sa ferris wheel na lang ng magisa. Bumili lang siya ng ilang makakain at maiinom at napagpasyahan niya na na sumakay sa ferris wheel. Nakasakay na siya sa ferris wheel nang may nagtext.



Tinignan niya ang kaniyang telepono at nakita niyang si Dominic ang nagtext.



Where are you? I'm sorry, alam kong nag-promise ako sayo na sabay tayo kakain at sasamahan kitang maglibot, but something came up, Chino. I'm sorry. Talk to you later, OK?”



Saglit na natigilan si Chino, sa saglit na panahon niyang kilala si Dom at Chloe ay napalapit na ang mga ito sa kaniya, ayaw niyang magaway ang dalawa pero ganun paman, di parin matagal ang pagkakakilala niya sa mga ito kaya't di niya alam kung gano kadalas at ka normal sa mga ito magaway, isa lang naman ang ayaw niyang mangyari. Ang maghiwalay ang mag ito, sa kaniyang palagay kasi, bagay na bagay ang dalawa. Habang abala si Chino sa pagreply kay Dom ay hindi niya napansin na may ibang tao nang sumakay sa caoch na sinasakyan niya.



Pinapanood ni Chris si Chino na abalang nagtetext. Di niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Chino, kagat dila si Chino habang nagte-text, tila ba kailangan niyang magconcentrate sa pagrereply, nakasingkit din ang mga mata nito at magkadikit ang kilay, paminsan minsan nitong igingalaw ang kaniyang ilong. Di rin mapigilan ni Chris na tignan ang makinis nitong mukha at light brown na kulay ng mata na nagtatago sa isang horn rimmed glasses na nagbibigay dito ng ere ng pagiging nerd.



Di parin nagsalita si Chris, si Chino naman ay oblivious parin sa nangyayari sa kaniyang paligid at oblivious na ang kaniyang pinakamatalik na kaaway ay katabi na niya. Itinaas ni Chris ang kaniyang SLR at itinapat ito kay Chino, humanap siya saglit ng magandang anggulo at ng makita ito ay pinindot na niya ang shutter.



Ni hindi narinig ni Chino ang isang mahinang 'click' at patuloy lang ito sa pagtap sa kaniyang iPhone.



Lover's quarrel?” tanong ni Chris sa abala paring pagtetext na si Chino.



Wha--” lumingon si Chino, halatang nagulat sa biglaang pagsasalita ni Chris. Napailing naman si Chris sa reaksyon ni Chino, nanlaki ang mga mata nito, masakit na di sinasadyang nakagat ang sariling dila at halos mapatalon sa pagkakaupo.



What the hell are you doing here?!” singhal ni Chino kay Chris at lumingon lingon, tila ba nais nitong umalis sa maliit na espasyong iyon na pinagsasaluhan nila ni Chris sa isang coaster ng ferris wheel na iyon pero huli na dahil nasa ere na ang coaster.



What the---?” naibulalas ni Chino nang makitang nasa ere na ang kaniyang sinasakyan.



Masyado ka kasing abala sa pakikipagtext sa boyfriend mo di mo na napansin na umalis na sa lapag yung coaster.” umiiling na sabi ni Chris, talagang binigyang diin ang salitang 'boyfriend'. Natigilan si Chino sa sinabing iyon ni Chris, lalo na ang sinabing 'boyfriend'



Boyfriend?” naguguluhang tanong ni Chino.



Si Dominic yung ka-text mo diba?” tanong ni Chris, di sumagot si Chino, iniisip niya na kaya siguro siya sinundan ni Chris dun sa ferris wheel ay para awayin siya at sabihing layuan sila.



Dom is not my boyfriend, even if he is, it's non of your business.” singhal ni Chino, agad namang napansin ni Chris na iba ang naging dating ng sinabi niyang iyon kay Chino, di niya ito masisisi dahil inasal niya dito noon.



Saglit na tumahimik ang dalawa, nagtitigan, tila ba kinikilatis ang bawat isa.



Chino, I'd like to apologize, di ko alam kung anong nangyayari sakin, I don't have problem with the third sex---”



Well you could have fooled me!” sarkastikong sigaw ni Chino, napapikit naman si Chris.



Ok I deserved that.” sabi ni Chris sabay buntong hininga. Tinignan maigi ni Chino si Chris, nakita nito ang sinseridad sa paghingi ng tawad nito. Saglit ulit silang nagtitigan at natahimik, iniwas na ni Chino ang kaniyang tingin at ibinaling ito sa magandang view na nakalatag sa harapan nila pero si Chris ay kay Chino lang nakatitig, sa kaniyang palagay ay mas magandang view si Chino kesa sa view na nakikita sa paligid ng mataas na ferris wheel.


Muli niyang inabot ang kaniyang SLR at itinapat ulit sa ngayo'y nakapaling sa kanan na mukha ni Chino at muling pinindot ang shutter, tinignan niya ang maliit na screen sa kaniyang magarang camera, di niya mapigilang mapangiti.



The kid looks great in profile.” bulong ni Chris sa kaniyang sarili.



Why?” wala sa sariling tanong ni Chino kay Chris na siya namang bumasag ng kaniyang iniisip.



I'm sorry?” tanong ulit ni Chino.



Why did you do and say all those things to me?” sa puntong ito ay humarap na ulit si Chino kay Chris, si Chris naman ay tila nakalulon ng bato at dumaretso ito sa kanyang baga.



Di makahinga ng maayos si Chris, di niya inaasahan ito, ang plano niya ay ang humingi ng tawad kay Chino, hindi niya inaasahan na tatanungin ni Chino ang mga dahilan sa likod ng kaniyang mga kinikilos. Siyempre, ngayon, alam na niya kung bakit ganun nalang niya tratuhin si Chino, nung una, hindi niya ito maintindihan pero nung maglaon ay luminaw na sa kaniya ang lahat.



Malinaw na sinagot kanina ni Chino na wala silang relasyon ni Dom at nung isang aaraw nung umamin si Chino tungkol sa sekswalidad niya ay sinabi niyang wala rin silang relasyon ni Francis, naisip ni Chris na kuwanin na ang oportunidad na iyon para sabihin kay Chino ang totoo niyang nararamdaman para dito.



Chino, uhmmm--- I--- I think---”


Pero agad din naputol ang dapat sanang magandang pag-amin na iyon nang biglang umalog ang kanilang sinasakyan na coaster at tumigil sa marahan na pag-ikot ang ferris wheel, agad na binalot ng takot si Chino, wala sa sarili siyang napakapit kay Chris.



Itutuloy...

______________________________
Taking Chances 6
by: Migs

14 comments:

  1. Woah! May gf si dom?!?! Akala Ko pa Naman sya na eh :)) gAling ni Kuya gumawa Ng twist :)) BITIN!! Hahaha! Thanks Kuya Migs sa update!!

    ReplyDelete
  2. go chris,,,,patunayan mo kay chino na nag sisi ka sa mga patutsada kay chino... aminin mo dali para maging malapit na ang nararamdaman mo kay chino... swallow your pride para lang sa kanya...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  3. Bwisit naman na ferris wheel yan oh... umalog pa kasi naudlot tuloy... pero ok na rin, dahil napakapit si Chino kay Chris... ayos ito na ang simula hehehe Kaya mo yan Chris! aY KA SARAP BASAHIN EH.

    ReplyDelete
  4. Bitin as in CAPITAL B-I-T-I-N ! ! !

    HAVE A BLESSED CHRISTMAS !

    ReplyDelete
  5. I was so happy that Dom is straight! That means Chino is all for Chris lang! What an adorable pair! And I've said that a million times na ata.

    ReplyDelete
  6. waaahhh hindi ako maka comment kung mobile phone ginagamit. kaya eto. nag renta ng pc. gusto ko lang kasi sabihin na super galing mo migz. kaya mahal na mahal kita. merry christmas at ingat ka lagi....

    ReplyDelete
  7. Nakerrr! Nakakabitin yun ah!
    Buti tumigil ang pag-ikot ng Ferris Wheel.
    Heto na Chris pagkakataon mo, wag na umarte!
    Update na po kaagad... galing mo Kuya Migs!

    /thokun

    ReplyDelete
  8. this is it!!!! kinikilig na ko :))

    ReplyDelete
  9. alam mo ung definition ng BITIN Kuya Migs...???hehehe as in...

    tnx for sharing ang ganda ng twist...ehhe

    ReplyDelete
  10. hi kuya migs....just want to ask...may kadugtong po ba ang breakeven? :)) and btw...i really loved breaking boundaries and taking chances...sana makapag update na po kayo ulit..:))thanks..

    ReplyDelete
  11. @kim Celeste: yup, may kadugtong ang breakeven, I'm working on it, i might post it after taking chances. Thanks and happy holidays! :-)

    ReplyDelete
  12. hehehehe..hug agad chino kay chris..

    ReplyDelete
  13. Damn it, bakit ang ganda :-))

    ReplyDelete
  14. this is your chance Chris..

    nice..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete