Chasing Pavements 4[17]

Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit namin ni Rick sa ilang mga kahon, parang anino parin na sunod ng sunod sakin si Pat, Dave at Fhey. Si Pat na mukhang kabibiyernes santo lang ng mukha, si Dave na blangko ang mukha pero halatang malalim ang iniisip at si Fhey na may hawak hawak nanaman na galon ng ice cream.



Do you really have to go?” tanong ni Pat sakin. Umiling naman ako, may limampung libong beses na ata nitong tanong sakin iyon.



Pat, I told you, nahihirapan akong i-balance ang pagaalaga kay Rick ang pag-commute pauwi at ang trabaho sa ospital, kung meron akong ibang choice, ginawa ko na.” sagot ko dito, halata nitong naiirita na ako kaya naman yumuko ito, pabiro ko itong sinuntok sa braso na nagsasabing OK lang ang pagiging makulit niya, tumingala ito at nasalubong ang aming mga mata, gumuhit ulit sa mukha nito ang ngiti.



This is not about the Mae and Edward thing is it?” pabulong na tanong ni Dave, tinignan ko ito.



Ang totoo niyan, nahihirapan talaga ako sa bago kong trabaho, dalawang linggo na ako sa trabahong iyon at talaga namang pinapatay nito ang katawan ko lalo na sa mini refresher course na ibinibigay sakin ng ever flirt na si Erwin, hindi pa kasama dun ang hirap sa pagco-commute (kasi kung dadalin ko ang kotse ko malamang dun lang mapupunta ang sweldo ko.), kasama na rin ang pagaalalaga kay Rick, kung lilipat ako sa apartment nila kuya Marc at least andun yung girlfriend niya na pwedeng magbantay rin kay Rick habang asa tarbaho ako at ang huling rason ay ang pag-iwas ko kila Mae at Edward.



Alam mong walang nangyayaring maganda kapag tinatakbuhan mo ang problema diba?” sabi ni Fhey habang naglalati ang paligid ng bibig nito ng tunaw na ice cream. Alam ko na pareho kami ng iniisip nito.



What other choice do I have?” tanong ko sa mga ito at nang walang nakasagot ay isa isa ko nalang ang mga itong niyakap.




Tumingin ako sa gawi ng bahay nila Edward at wala sa sariling napabuntong hininga. Di ko napansing nakita pala ako ni Pat na nakatingin dun, umiling ito at hinila ulit ako payakap sa kaniya.



Everything will be OK.” bulong nito.


So tuloy tayo bukas?” tanong ni Fhey.


Bukas?” sabay sabay na tanong namin nila Pat at Dave. Umiling naman si Fhey.


Men and their memory problems.” bulong ni Fhey sabay iling ulit.



0000ooo0000


Habang abala ako sa pagco-compute ng dosage and solutions problem sa practice test na ibinigay sakin ni Erwin ay tinitignan naman ako ng pailalim ng isa pang nurse na ayon kay Erwin ay nagngangalang Divo pero ang tawag ng mga tao sa kaniya ay Diva dahil daw sa ugali nitong parang pang diva.


Divo, leave him alone.” saway ni Erwin dito nang mapansin nitong hindi ako mapakali dahil sa kakatingin ni Divo.



I'm just thinking what theory best to use in our study.” sagot ni Divo sabay kibit balikat, napairap naman si Erwin.



Migs' face is not a theory chart, Divo, besides, pinagaaralan niyo kung ano ang effect ng surgical antiseptic solution na ginagamit sa surgical handwashing sa OR, bakit kailangan mo pang gawing kumplikado lahat? Kahit anong theory pwede mong gamitin.” pambabalewala ni Erwin sa problema ni Divo.



I want the best theory there is.” pasinghal ni Divo.


Why not use Nightingale? I'm sure her theory can sum all your hypotheses and it's not that complicated to discuss in your defense.” sagot ko, agad akong pumailalim sa mapanuring mata ng dalawang senior ko. agad akong napako sa kinauupuan ko, nagsisisi na kung bakit pa ako nagsalita, hiniling ko nun na kainin na ako ng lupa. Napangiti si Erwin habang si Divo naman ay patuloy lang sa pagtingin sakin ng pailalim.



Me and my big mouth.” bulong ko sa sarili ko.



0000ooo0000



Ma'am pinatawag niyo daw po ako?” tanong ko sa chief nurse namin nang papasukin na ako nito sa kaniyang opisina.



Ah, yes, Migs, may paguusapan lang tayo, halika, upo ka muna.” aya nito sakin.



Errrr--- tungkol po ba 'to dun sa pangingielam ko kanina sa study ni Divo?” kinakabahan kong tanong dito, nginitian lang ako nito na lalong nagpatibay sa ikinatatakot ko.



No it's not about that—-” napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ni chief nurse.



---gusto kitang makausap dahil may nag recommend na i-enroll ka ng hospital sa isang graduate school---”



Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Correction. Nahulog na ako sa kinauupuan ko, sakto lang na nakahawak ako sa lamesa ng chief nurse namin.



Fifty percent of our head nurses and supervisors are leaving next year, I will be leaving next year, si Erwin ang napipisil nila to be the next chief nurse, Divo will be his Assistant chief nurse, Anthony will be the next Infection Control nurse at ikaw ang napipisil to be one of the three supervisors sa ER or kung gusto mo sa ICU.”



Sa mga oras na ito ay umiikot na ang paningin ko sa hilo.



Ma'am wala pa po akong isang buwan dito---”



It's the ER chief resident doctor who recommended you, besides, kung matuloy ang mga promotion isa ka na sa mga senior nurses na matitira, considering your past experiences sa ibang ospital and the recommendations with it ay ikaw na talaga ang dapat na maging susunod na isa sa mga itatalagang supervisor sa ER.”



Hindi na ako nakasagot. Masyado na akong malulunod sa mga gawain kung nagkataon. Masteral, Work tapos mga gawain pa sa bahay at pagalaga kay Rick, pero naisip ko rin na para sa akin ito at ang maganda pa dun, malilihis na ng todo ang aking pansin sa mas productive na mga bagay kesa sa mag self pity.



When will I start, Ma'am?” napangiti ang chief nurse, kinamayan ako nito at sinabi ang instructions. Pinsalamatan ko ulit ito, at patayo na sana para lumabas nang pigilan ako nito.



Meron pang isa tayong paguusapan. Tungkol 'to sa research department ng ospital. Sinabi sakin ni Divo ang nangyari kanina sa conference room and I'm giving you your first assignment---”



At lalo pa nga akong natambakan ng trabaho. Katulad ng pakielamero at echuserang si Divo the divine nurse diva ay kailangan ko na ngayong gumawa ng study, theory, hoypothesis, statistical computation, defense and all. Para narin nilang sinabi na wala na akong karapatang magkaroon ng social life.



0000ooo0000



Bakit nga ulit tayo a-attend sa halloween party ng nakaganito?” tanong ko kay Fhey habang pinaplancha nito ang blonde kong buhok. (Opo, blonde.)


Muli kong sinuot ang costume na nirenta ni kuya Ron para sakin nung birthday niya. (di ako marunong magsaoli ng mga pinahiram sakin. Hehe.) Si Dave ay bilang si Gandalf, si Pat ay si Aragorn, si Fhey ay si Arwen at ako ay bilang si Legolas.



Kasi pa-contest to. Pwede tayong manalo ng limpak limpak na salapi.” bulalas ng bruha, napailing lang kaming tatlo nila Pat.



0000ooo0000


At hindi ako nagkamali, basta event na naisipang attend-an ni Fhey, hindi pwedeng hindi epic fail. Ang halloween party pala na sinasabi nito ay sa resort ng kaklase namin nung high school, malamang, lahat din ng andun mga kaklase namin nung high school, kasama na si Essa, si Don na mapapangasawa nito, si Edward at si Mae.



Agad akong umatras palabas ng resort, para sakin ay drama nanaman kasi iyon pero bago ako makalabas ay alam kong nakita ako ni Mae at Edward at sa hindi kalayuan ay ni Don. Nakahinga lang ako ng maayos nang makabalik ako ng aking sasakyan at habang nagmamaneho na pabalik ng bahay.


Run Legolas, Run!” tila ba nangiinis na sabi ng utak ko. napabuntong hininga ako at umiling.



0000ooo0000



Narinig kong bumukas ang gate at ang front door, nagensayo na ako ng pagsinghal kay Fhey dahil sa kagagahan nito at sa pagiging makakalimutin nito nang makalimutan niyang sabihin na sa halloween part na iyon pala kami pupunta.



Bitch! You did that on purpose! I'm going to skin you alive---!” agad akong natigilan nang hindi si Fhey, Pat at Dave ang bumulaga sakin kundi si Edward. Humahangos ito at kitang kita ko na nagpapawis ito sa costume niyang nung una ay hindi ko naintindihan kung sino.



Edward, what are you doing here?”



Is it true?” pabulong nitong tanong sakin, alam ko kung ano ang ibig sabihin nito at iniiwasan ko itong sabihin sa kaniya dahil natatakot nga ako na mangyari na kapag nalaman nito ay awayin nito si Mae at ipagpilitang makausap ako.



Did you run from Ace's place---?” pero di ko na natapos ang aking sasabihin dahil pinutol na iyon ni Edward.



Dammit, Migs! Answer me!” sigaw nito na ikinagulat ko.



Calm down, wala tayong mapaguusapan ng maayos kung magsisisigaw ka diyan.” usal ko dito, naglakad ito papalapit sakin at umupo sa sofa.



What do you want, coffee, coke---?”



I want to talk.” sagot nito, nakatupi ang mga kamay sa dibdib at nakanguso. Nagbuntong hininga ako, umiling at umupo na din sa sofa. Nung una ay wala samin ang gustong magsalita, naglakas loob na ako.



Where's Mae?” tanong ko dito.


Nandun pa kila Ace, wag kang magalala nagpaalam ako at pumayag siyang mag-usap tayo.” naiirita nitong sagot sakin, umiling ako, napansin ito ni Edward at tinignan ako nito ng masama.



What?! Akala mo di ko napapansin na iniiwasan mo ako? Na umiiwas ka sa amin? Maski si Al napapansin niya! Tuwing mag-ja-jogging ka tuwing umaga sa kabilang direksyon ka pupunta, palayo sa normal na ruta niyo ni Mae! Ni hindi mo binigyan ng pagkakataon si Mae na mag-sorry sayo, Migs, hindi niya sinasadya ang sinabi niya nun, ayaw ka niyang mawala sa buhay namin---”



Enough!” putol ko sa litanya nito.


Alam kong di sinasadya ni Mae yun, alam kong galit lang siya kaya niya iyon nasabi. Edward, umiiwas ako dahil pinuprutektahan ko kayo, tayo. Naisip ko nung araw na yun na baka pinaguusapan na tayo ng mga tao kaya iyon nasabi ni Essa---”



Since when did you care about what other people think?”


I don't. Pero may pakielam ako sa magiging epekto nito sa mga bata. Kilala mo si Essa, hindi yun titigil at kilala mo rin ang mga kapitbahay---”



But you promised.” bulong ni Edward, nangingilid na ang luha nito.


Yes I did. Edward, babalik naman ako eh, every weekend uuwi ako or kada off ko.”


Yan din ang sinabi mo noon pero hindi ka na bumalik.” balik ni Edward.


Pero iba na ngayon, noon akala ko wala na akong babalikan dito.” umiling ako saglit at nagbuntong hininga. “Edward, lumalaki na ang mga bata, di magtatagal may maririnig na yang mga yan sa school tungkol sa mga nangyari noon, kung magste-stay ako dito hindi titigil ang mga cronies ni Essa, nakita mo kung pano nito naapektuhan si Mae, isipin mo na lang kung ano ang mangyayari sa mga bata kapag narinig nila 'to.”


But I need you here.”


I need you also, Edward, but this is for the best.”


You promised---” umiiling na sabi ni edward, di ko na natiis at nilapitan ko na ito at niyakap.


Sabi mo, di ka na aalis, sabi mo dito ka lang.” bulong ulit ni Edward parang hindi na nito pinapakinggan ang mga paliwanag ko, wala na lang akong nagawa kundi ang yakapin pa ito ng mahigpit.


I'm sorry.” bulong ko.


Alam kong masasaktan si Edward at ang mga kiabigan ko per alam ko ring tama ang gagawin ko-- para sa amin lahat ng ito.


0000ooo0000



Who are you supposed to be anyway?” tanong ko kay Edward, may tatlong oras na kaming kumakalma matapos ang mini drama marathon namin kanina, sa wakas ay naintindihan na ni Edward ang gutso kong sabihin at naisip narin niya na tama ang aming gagawin.


I'm Thor.” sagot nito sabay lobo ng kaniyang dibdib (stomach in chest out). Napatawa ako. Sa totoo lang bagay ang costume kay Edward pero hindi bagay sa isang 'Thor' ang itim na semi kalbong buhok, makapal na kilay at naniningkit na mata.


Will you stop laughing!” sigaw nito, pinipigilan narin niya ang sarili na mapatawa. Saglit kaming natahimik, nagkatitigan, tila may tahimik na paguusap ang aming mga mata habang may tigisa kaming tasa ng kape at bumabalanse sa makapal na sangha ng puno ng santol. Napangiti ako gayun din siya.


We're going to laugh at this shit five years from now.” bulalas ni Edward, sabay kaming napahagikgik.



I don't know, sa tingin ko mas matatawa ako pag naalala ko kung pano ka umiyak kanina.” pangiinis ko dito sabay hagikgik, pabiro ako nitong sinuntok ang aking braso at saka inakbayan.


Nung oras na iyon akala ko umatras ang oras kung saan pareho kaming mga seven years old, humahagikgik sa mga simple at mabababaw na dahilan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada di kalayuan sa punong aming kinauupuan, kumakain ng macaroons, nagpapalakasan ng utot at naiiputan ng ibon na nasa mga matatas na sangha ng punong iyon.


Nun din hiniling ko na pareho na lang kaming mga seven years old, walang problema, hindi pa alam ang salitang 'kumplikado' , walang pakielam kung sino ang napiling mahalin, hindi pa nalalason ng mga matatanda at lipunan ang pagiisip.



Naramadaman kong lalo akong isniksik ni Edward sa kaniyang tagiliran. Ilang saglit pa ay muli itong nagsalita.


I love you, Migs.” bulong ni Edward habang prenteng prente parin kaming nakaupo sa sangha na iyon at habang nakaakbay siya sakin at umiinom ng kape.



I know.”



Itutuloy...


____________________________________
Chasing Pavements 4[17]
by: Migs

Comments

  1. this part really touch my soul...:) parang may sariling buhay ang part na ito, and somehow it uplift my mood...:)

    Thanks Kuya Migs sa agshare ng kwento mo..:) wohoo ako unang nagbasa...hehe

    ReplyDelete
  2. Two Words: "The Best!". basta yan lang ang masasabi ko kuya Migs :)
    congrats pala sa trabaho mo kuya Migs and goodluck nadin.

    ReplyDelete
  3. adulteryyyyyyyyyyyyyy :-)))

    Thanks Migs!

    ReplyDelete
  4. nakakalunkot isipin... na ang taong mahal mo ay may asawa na....kay sakit isipin...wala ka nang magagawa na kasi nangyari na....tanggapin ng maluwang kahit masakit....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. "I Know" has the same meaning as "I love you too" at least in my opinion sa chapter na to hehehe... admit it Migs!

    ReplyDelete
  6. haissst... Ano ba talaga kayo ni Edward ha?! May asawa na sia!!!

    ReplyDelete
  7. How can it be Migz and Edward? Malapit na ba ma-annull kasal nia kay Mae?

    ReplyDelete
  8. Ugh. I salute you Migs! You are brave and anyone, mapa-babae o lalaki man, will be lucky to have you.

    “Men and their memory problems.” - Brilliant, I know it's so simple but it came out of nowhere and made me laugh!


    Good luck on your future endeavors! Keep up the good work!

    ReplyDelete
  9. time to move on and be a man.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  10. i just don't know why i can relate too much with you mr.author........though i'm not a nurse like you and i don't have friends as of the moment....heheheh...however, so far a i love reading chasing pavements...

    ReplyDelete
  11. Nabasa ko na po LAHAT ng blogs ninyo. And srsly, I really enjoyed reading them. :)) (*good job Migs. ;)

    ReplyDelete
  12. Ako gusto ko rin yung taking chances (pussies don't play balls). Haha! Saka 'tong chasing pavements. Congrats sa new job!
    -icy-

    ReplyDelete
  13. Kuya. SALUDONG SALUDO NAKO SAYO.

    sana okey ka ngayon. Like I've said I'm a fan.
    I really enjoy reading your stories, and this one I'll be keeping next to my heart. Andaming lessons na nabibigay mo sa readers.

    IDOL. hehe. AGAIN ALL I WISH FOR YOU now isa a MERRY CHRISTMAS and a HAPPY NEW YEAR.

    SANA MAHANAP MUNA ANG THE ONE MO. hehe.
    in GOD's time nga. I'll always be praying and rooting for you.


    GOD SPEED AND GOD BLESS!!

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  14. Kuya Migs! kelan mo ipopost po ang next chapter? excited na po kasi ako..:)) By the way...I'm your new follower! :)

    ReplyDelete
  15. Kuya Migs! kelan mo ipopost po ang next chapter? excited na po kasi ako..:)) By the way...I'm your new follower! :)

    ReplyDelete
  16. bat ganun parang diko n enjoy itong part na ito, para kc more on rewind it happens in the past,
    migs i agree to then try to move on....
    remember & imagine how rick smile when he play.
    thanks migs cnxa wala me masabi eh.....

    ReplyDelete
  17. Migs.. itutuloy mo pa ba ito?
    -smartiescute28@yahoo.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]