Different Similarities 1[20]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Masakit ang ulo na bumangon si Alvin mula sa kama ni Eric, hindi niya alam kung bakit pero lumingon lingon siya na miya mo may inaasahan siyang makita pagkagising, ikinibit balikat niya na lang iyon at nagtungo na sa banyo para maghilamos at mag mumog. Nang makarating siya sa kusina ay naabutan niyang nagkakape si Mike, Ardi at Ted. Agad nagdikit ang kaniyang mga kilay nang hindi niya nakita si Eric.



Naalala niya nang magkausap sila nito nung party, nang makita niyang nagdududgo ang tuhod nito at ng magharutan sila kaya't nagtataka siya kung bakit wala doon si Eric gayong alam niyang andun si Eric nung nakaraang gabi.



Hey guys!” bati ni Alvin sa mga kaibigang nagaagahan.


Dude! Not so loud!” singhal ni Mike sabay takip ng kaniyang mga tenga, hindi makarekober si Mike sa kaniyang hang-over.







Whatever.” naiiritang sabi ni Alvin sabay punta sa coffee maker at nagsalin ng kaniyang iinumin.


Hey, where's Eric?” tanong ni Alvin sabay inom ng kape. Agad na natigilan si Ardi sa paglantak ng kaniyang agahan si Ted naman ay nagtaas ng tingin habang si Mike ay abala parin sa pag-hilot ng kaniyang ulo.


What do you mean where's Eric? Isn't he in his room---with you?” tanong ni Ardi, natigilan naman si Alvin, wala na siyang maalalang iba pagkatapos ng paghaharutan nila nung nakaraang gabi. Hindi niya maalala kung may napagusapan pa ba silang iba o kung magkatabi ba silang natulog.


Nope, he's not there when I woke up this morning.” balik ni Alvin.


I'm sure he's fine---”


Hey guys! Are you guys ready to clean this place?” tanong ni Eric pagkapasok ng front door na ikinagulat ng apat.



Simula nang umalis si Eric sa condo nung nakaraang gabi ay hindi manlang niya ipinikit kahit ilang minuto ang kaniyang mga mata para matulog. Pinagisipan niyang mabuti ang nangyari sa pagitan nila ni Alvin, kung anong paliwanag ang kaniyang gagawin kung sakaling magtanong ito tungkol sa nangyaring halikan nung nakaraang gabi sa kwarto niya.



Natigilan saglit si Eric nang tumama ang kaniyang tingin kay Alvin na umiinom ng kape.



I can do this.” alo ni Eric sa sarili.


Can we just clean the place after lunch?” tanong ni Mike habang sapo sapo prin ang ulo.


You can lay for a while, I'm going to help Eric.” sabi ni Ardi na binigyan naman ng isang nagpapasalamat na ngiti ni Eric.


I'll help.” sabat ni Alvin.


Well, good luck guys.” balik ni Ted bilang sabi na hindi siya tutulong.



0000ooo0000



Habang nililigpit ni Eric ang mga bote ng beer sa sala ay hindi niya napansin ang lumalapit na si Alvin. Halos mabitawan niya ang tatlong bote ng beer nang magsalita si Alvin sa likod niya.



Where have you been this morning?” tanong ni Alvin sabay humagikgik nang makitang halos mapatalon sa gulat si Eric.


Uhmmm just went out for a drive.” kinakabahang sagot ni Eric, agad na napansin ni Alvin na parang may mali dahil ngayon niya lang nakitang ganun ka kabado si Eric, agad niyang naisip na baka nagalit ito dahil sa paghaharutan nila nung nakaraang gabi.


Look, Eric, I would just like to apologize for what happened last night---” sabi ni Alvin na ikinatigil ni Eric sa paglilinis at biglang ikinabilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib kasabay nun ay ang pagliit ng daluyan ng kaniyang hangin kaya't nahirapan siyang huminga at lahat ng dugo mula sa kaniyang mukha ay tila ba nagpuntahan sa ibang lugar.


I was drunk, alam kong hindi reason yun para harutin kita ng ganun. Kung nasaktan ka kagabi I swear I didn't mean it, kung medyo napalakas ang pagkiliti ko sayo or something---” hindi pa man natatapos ni Alvin ang kaniyang sasabihin ay tila ba nabunutan na ng tinik si Eric o nadismaya, hindi niya alam. Siguro ay pinaghalong tuwa at pagkadismaya ang nararamdaman niya ngayon.


Hindi niya natatandaan.” alo ni Eric sa sarili pero kahit papano ay nasaktan din siya. Kahit papano kasi ay umasa din siya na sinsero ang halik na iyon ni Alvin sa kaniya, yun pala dulot lang iyon ng alak.


Hey, no harm done.” balik ni Eric sabay ngiti pero hindi kumbinsido si Alvin sa sinabing iyon ni Eric, pati sa ngiting pinakawalan nito ay hindi kumbinsido si Alvin.


Are you sure? I swear I didn't mean to hurt you, Eric.” nagaalangang sabi ni Alvin.


Yup. Hey I'm almost done here, can you take care of the rest while I go and clean the balcony?” iwas ni Eric, lalong hindi napalagay si Alvin, hindi normal ang kinikilos ni Eric, pakiramdam niya ay may nangyaring hindi maganda kagabi at may tinatago si Eric sa kaniya pero tumango na lang siya bilang sagot sa tanong nito, ayaw pagkatiwalaan ang sarili na magsalita sa takot na may masabi pa siyang hindi maganda.


You hurt me in a different way. Alvin.” sabi ni Eric sa sarili habang naglalakad papunta sa balcony ng unit nila, habang binubuksan niya ang pinto palabas dun ay hindi niya mapigilan ang mapaluha. Siguro kasi sa kasuluksulukan ng puso niya ay hinihiling niya na may naalala si Alvin tungkol sa halik at umasa siya na sabihin sa kaniya ni Alvin na pareho sila ng nararamdaman.



0000ooo0000



Hindi parin mapakali si Alvin, panay ang tingin niya sa lu-lugo-lugong si Eric na naglilinis sa may balkonahe, may kung anong bumabagabag sa kaniya sa mga kinikilos ni Eric. Nang mai-ayos na niy ang buong sala ay siya namang labas ni Mike na masuyong nakangiti sa kaniya.



Hey, the place is looking good. Di ko alam na magaling ka rin pala maglinis.” sabi ni Mike sabay hagikgik, napangiti na lang si Alvin at pabirong sinuntok si Eric.



Nitong nakalipas na buwan, simula ng dumating si Mike sa opisina ay hindi niya napigilang mapalapit dito, tulad nila ni Eric ay nagkakasundo rin sila sa maraming bagay. Nung una ay na-intriga lang si Alvin tungkol sa kung anong naging papel ni Mike sa buhay ni Eric, kung ito ba ang nanakit kay Eric noon o kung magkaibigan lang ba sila, nito lang nalaman ni Alvin na hindi si Mike ang nanakit noon kay Eric, Oo, nag-date sila pero hindi si Mike ang tinutukoy ni Eric na nanakit sa kaniya. Simula noong magkalinawan na sila ay tila ba lalo silang napalapit, mabuti ring kaibigan si Mike.



Pero hindi lang pala pagkakaibigan ang hanap ni Mike. Dahil sa kakaibang bait ni Alvin ay hindi naiwasan ni Mike na mahulog ang loob niya dito, inaya niya itong mag-date na pinaunlakan naman ni Alvin. Si Alvin, bilang iniisip na wala nang mangyayari pa sa kanila ni Eric kundi bilang matalik na magkaibigan katulad nang ipinahiwatig nito sa kaniya nung asa bahay sila nila Henry at pinaguusapan ang pagiimbento ni Eric sa isang mystery guy ay nagpasyang subukang makipag-date kay Mike. Pero ramdam ni Mike wala sa pagde-date ang puso ni Alvin, na hindi man alam ni Alvin ay may iba nang nagmamay-ari ng sarili nitong puso, kaya't wala nang nagawa pa si Mike kundi ang makuntento na lang sa pakikipagkaibigan kay Alvin.



Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya pwedeng makipag-flirt dito.



Since you're almost done here, how about we go on a date later, I'm thinking of watching this movie---” simula ni Mike saktong pumasok naman si Eric mula sa balcony at si Ted naman ay umupo sa noo'y kapapagpag lang na kutyon ng sofa ni Ardi. Natigilan si Ardi pagpagpag ng mga throw pillow sa tanong na iyon ni Mike at agad siyang tumingin sa gawi ni Eric.



Kitang kita ni Ardi kung pano lamunin ng sakit na nararamdaman si Eric, kung pano bumakas sa mukha nito ang sakit, kung pano nangintab ang mga mata nito dahil sa pangingilid ng luha at kung pano biglang lumalim ang paghinga nito. Hindi niya mapigilang maawa sa kaibigan, hindi niya ma-imagine kung ano marahil ang nararamdaman nito, gusto niya itong abutin ng mahigpit sanang yakapin.


I didn't know you guys were dating.” singit ni Ted na gumising sa pagtitig at pagka-awa kay Eric ni Ardi. Napatingin na rin kay Eric si Ted at tinanong ito.


Did you know they're dating?” umiling na lang si Eric sa tanong na ito. Tama ang kaniyang hinala na may namamagitan na nga kay Alvin at kay Mike at ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Alvin ay dulot lamang ng pagkalasing nito. Inasahan na ni Eric ito, binigyan na niya ang sarili ng ideya na walang nararamdaman sa kaniya si Alvin pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya masasaktan sa oras na mapatunayan niya ito.



Pakiramdam ni Eric ay sinapak siya ng ilang beses ni Alvin kahit pa alam niyang walang alam ito sa kaniyang tunay na nararamdaman, kahit pa alam niyang hindi nito kasalanan kung tanging pagkakaibigan lang ang tingin nito sa kaniya pero kahit man nagkaganun ay ibayong sakit parin ang nararamdaman ni Eric.



We---” simula ni Alvin para pabulaanan ang sinasabi ni Mike at para linawin ang mga sinabi nito pero agad na sumingit si Eric.


Oh hey, look at the time! I have to meet dad and Shelly at the mansion.” nagmamadaling sabi ni Eric dahil pakiramdam niya ay tutulo na ang nangingilid niyang mga luha. Agad na nagtaka ang tatlo sa kinikilos ni Eric, lalong lalo na si Mike.


Oh shit!” tanong ni Mike sa kaniyang sarili nang maisip kung ano ang marahil na gumugulo sa kaibigan. Kailangan niya itong makausap upang malaman kung tama ba ang kaniyang iniisip.


Eric---” tawag ni Mike pero huli na dahil nakalabas na ito ng pinto.



0000ooo0000



Hey Dad!” bati ni Eric, sinubukan niyang takpan ang tunay na nararamdaman, akala niya ay nagtagumpay siya dahil masuyo siyang binati ng kaniyang ama pero nang dumating ang kaniyang madrasta ay agad siyang nabasa nito sa kabila ng kaniyang ipinapakitang maskara.


Honey, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Shelly na ikinagulat ni Henry, muli niyang tinignan ang anak at nun niya napansin ang mga nangingilid nitong luha.



0000ooo0000



Son, you can't always run from your problems.” payo ni Henry sa anak matapos ikuwento ni Eric ang mga nangyari at ang planong layuan na si Alvin.


B-but I can't take it anymore. It's like being with Pat. I don't want to go through that again, I don't want to hurt Mike like I hurt Jake before, I don't want to hurt Alvin like what I did with Pat, I- I just want---”


You are not going to hurt other people, Eric.” alo ulit ni Henry.


Believe me, dad, it's only a matter of time---” simula ni Eric. Sinabi ito ni Eric dahil agad niyang naalala ang sinabi sa sarili noon na hindi na siya mamamagitan kila Pat at Jake pero hindi niya rin napigilan ang sarili. At yun ang ikinatatakot niya ngayon, baka hindi niya ulit mapigilan ang sarili at katulad ng ginawa niya kay Pat at Jake ay masaktan niya rin ang mga ito. Gustong lumayo ni Eric kila Alvin dahil hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili, hindi siya makasisiguro na mapipigilan niya ang sarili na pumagitna kay Alvin at Mike katulad ng ginawa niya kay Pat at Jake noon kaya't bago pa man iyon mangyari ay iiwas na siya.



OK, I'll see what I can do, but I still think that this is all a mistake, a misunderstanding.” saad ni Henry sabay punta sa kaniyang opisina sa loob ng mansyon para gumawa ng isang tawag.



0000ooo0000



Hey Ardi, want to have lunch with us?” tanong ni Alvin nang makatapat sa lamesa ni Ardi saka sumulyap sa lamesa ni Eric na napansin niyang walang laman, napabuntong hininga na lang si Alvin.



Dalawang araw pagkatapos ng party ay halos di na niya nakikita si Eric, hindi parin sila nagkakausap nito ng maayos, malakas parin ang pakiramdam niyang may nagawa siyang masama nung gabi ng party pero kahit anong halughog ang gawin niya sa kaniyang utak ay wala talaga siyang maalala.



Where's Eric?” tanong ni Alvin sabay harap kay Ardi, nagulat siya ng makitang may pagkairita siya nitong tinignan, marahil rumehistro sa mukha ni Alvin ang gulat kaya't agad na nagbuntong hininga si Ardi at inalis ang pagkairita sa boses ng sumagot kay Alvin.


He said he's going to Jacobson in Ortigas.” malungkot na sagot ni Ardi.


What? Why?” gulat na tanong ni Alvin. Alam ni Ardi na malilintikan siya kay Eric dahil nangako siyang hindi niya sasabihin kay Alvin ang binabalak niyang paglipat.


He's going there for a job interview.” sagot ni Ardi, hindi nakaligtas sa kaniya ang sabay sabay na pagrehistro ng gulat, pagkalungkot at galit sa mukha ni Alvin.


Kaaalis niya lang?” medyo may pagkamatigas na tanong ni Alvin, agad na kinabahan si Ardi, napaisip tuloy siya kung tama ba o mali ang kaniyang ginawang pange-ngeelam.


Ardi?!” singhal ni Alvin.


Kaaalis lang, mga five minutes ago.”


Magdadala ba raw siya ng sasakyan?!” umiling bilang sagot si Ardi sa tanong na ito ni Alvin.


Hindi---” hindi pa man natatapos ni Ardi ang sasabihin ay patakbo ng umalis si Alvin.


Oh shit.” bulong ni Ardi sa sarili.


Why is he running?” tanong ng kararating lang na si Mike, agad na sumimangot si Ardi hindi mapigilang ilabas ang pagkainis kay Mike.


He's going after Eric.” singhal ni Ardi.


Why?”


What's with the questions? Are you going after Alvin and ruin everything for Eric again?” singhal ni Ardi na ikinagulat ni Mike.


What the hell is your problem?!” balik ni Mike.


You! You are my problem! What kind of friend are you?! Di mo ba napansin kung pano tignan ni Eric si Alvin? Kung pano siya magsalita kapag nandiyan si Alvin, ha? Kahit sino sa opisinang 'to ang tanungin mo, they will give you the obvious answer! Mike, Eric is in-love with Alvin! Ikaw lang ang tanging bulag dito na hindi nakita iyon!”


I-I didn't know!” balik ni Mike. Matapos umalis ni Eric nung umaga pagkatapos ng party ay naisip na rin ni Mike na baka may gusto si Eric kay Alvin pero hindi niya inaasahan na ganun na pala kalalim ang nararamdaman ni Eric para kay Alvin. Gusto niyang kausapin ang kaibigan pero magdadalawang araw na niya itong hindi nakikita.


Yeah, I guess you didn't, because you were busy drooling over Alvin.” ilang beses na bumukas at sumara ang bibig ni Mike para sumagot sa sinabing ito ni Ardi.


And that stunt you did the morning after the party---?” umiiling na sabi ni Ardi, tinutukoy ang insidente kung saan naisipan ni Mike na landiin si Alvin.


---That stunt shows how blind you really were. You should've seen Eric's face that morning.” umiiling na sabi ni Ardi, nangingilid narin ang mga luha, hindi mapigilang maawa kay Eric. Matapos Agad na tumayo si Ardi at lumakad papuntang C.R., palayo kay Mike.



Napako sa kinatatayuan si Mike. Hindi narin mapigilang mangilid ang luha at sisihin ang sarili sa mga nangyayari. Oo, nasaktan siya noon ni Eric dahil pakiramdam niya ay ginamit siya nito, pero pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila Pat at Jake ay hindi niya alam kung paano pa makakayanan ng kaibigan ang sakit at hindi niya pinangarap na dagdagan pa ang sakit na iyon. Sinimulan niyang sisihin ang sarili sa mga nangyayari at pinagduldulan sa sarili kung pano siya kasama bilang kaibigan.



0000ooo0000



Nagmamadaling umakyat ng stasyong ng MRT si Alvin, tinatalasan ang paningin sa mga nakapalibot na tao, umaasa na makikita si Eric na naglalakad kasabay ng mga iyon. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bkit pero tila ba may nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang habulin ngayon si Eric at huwag ng iisang tabi ang pakikipagusap dito kung hindi ay tuluyan na itong mawawala sa kaniya.



Hawak ang ticket at ang walang tigil na pagkabog ng kaniyang dibdib ay nakita niya si Eric na panay ang tingin sa kaniyang relo at dumungaw sa platform ng stasyon na miya mo pinagmamadali ang tren.



Eric!” tawag ni Alvin.


Agad na nanlambot si Eric pagkarinig ng boses na iyon ni Alvin, dumulas ang kaniyang sapatos sa platform ng stasyon na iyon. Nakita ni Alvin na nadulas si Eric at pahiga itong nahuhulog papunta sa riles ng tren. Tinakbo ni Alvin ang ilang hakbang na naghihiwalay sa kanila ni Eric.



Umaasa na masasalo niya ito bago pa ito tuluyang mahulos sa riles ng tren.



Itutuloy...





_________________________________________
Different Similarities 1[20]
by: Migs

Comments

  1. Naagapan kaya ni Alvin ang pagkakahulog ni Eric sa riles? Hmmmm wag naman sanang may accident.

    Anyway, salamat Migs for the update. I've been checking this site along with the others several times a day, libangan na kasi away from someone and from the loveones...

    ReplyDelete
  2. waaaah!!! Sabi na ih!! Alvin-Eric to!!!! Mahihina kasi pareho ang loob ni alvin at eric kaya umabot sila sa ganito. Parang gusto ko pa pahabain ni kuya migs ang story na to, ayoko pa sila magkalapit, konting thrill pa. Lol.

    Ang galing mo talaga kuya migs! Lahat maganda ang gawa mo!

    Thanks sa update. :)

    ReplyDelete
  3. BOOM. sapul si mike kay ardi hahahaha next chapter na sir migs =)

    naaawa ako kay eric. dati maka ERIC-TED ako ngayon ERIC-MIKE na. joke. ERIC-ALVIN pala hahahaha

    -Mike

    ReplyDelete
  4. maaksyon na ang next na eksina. hehehe. go author

    taga_cebu

    ReplyDelete
  5. Aw! ang creepy kung matuloy yung accident. *chillz

    kuya migs! thank you. :)

    ReplyDelete
  6. nawala yung comment ko =(

    ulitin ko na lang =)

    BOOM. sapul si mike kay ardi hahahaha kawawa naman si eric. dati gusto ko ERIC-TED pero ngayon ang gusto ko na ERIC-MIKE. joke. ERIC-ALVIN pala hehehehe

    ReplyDelete
  7. Haist... Ayan... Napala ng torpe. Kse naman itong si Alvin... Pa-effect pa kasi... Masyado syang slow sa mga actions ni Eric boss pa naman hi3x. Ikaw naman Mike lumugar at umayos-ayos ka kung hindi... may paglalagyan ka kay Ardi hahaha. Tnk po kua Migs sa update. Naku... Last 3 chaps na lang.

    ReplyDelete
  8. Parang gatling gun si ardiXD si mike na walang kaalam alam though may point si ardi na he's busy drooling at alvin.

    at kasalan pala talaga to ni ardi madaldal maxado XD or pede na imbes na si alvin makakahawak kay eric si ram na lang XD hoho..
    nakakainis..sana kasi dina lang naabutan si eric para may ted-eric haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero may nasesense ako na Alvin-Eric tlaga lalo na nung binaswa ko ung Prologue. ;)

      Delete
  9. ambobo lang ni mike. Lol
    Parang gusto ko mameet si Migs! Super galing!

    ReplyDelete
  10. Nakabasa din sa wakas!

    ganda migs. talagang cliffhanger pa ha :D

    cant wait sa next chap. (",)

    happy easter! =)

    ReplyDelete
  11. Hi migs, i'm back, not only here sa blog mo, but here in Pinas... Hehe..

    Basa mode muna ko, dami ko namiss but most importantly, I miss you.

    Ganda nito, sana happy na si eric... Go alvin, chase what is rightfully yours

    ReplyDelete
  12. hi migs, malapit ko ng matapos tong different similarities book 1 cant wait to start to read the next book hehehe.

    teecee

    ReplyDelete
  13. hahaha, patawa yung riles scene! XD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]